LOGINMADISON'S POV:
“Anong problema ate?" tanong ni Megan sa akin nang umagang ‘yon. Habang nakatanaw ako sa kawalan dito sa may terrace. Kaya napahinga ako ng malalim. "Ano kasi… Para kasing may nagbago kay Brandon, this past few months. Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano ‘yon.” nag-aalalang saad ko. Saka niya inabot ang kamay ko at marahang pinisil ito. “Naku! Ate, huwag kang masyadong mag-overthink, ano ka ba! Busy lang si Brandon. I mean, kuya Brandon sa trabaho. Wala kang dapat ipag-alala." saka niya ako nginitian ng napakatamis. "Sigurado ka ba? W-Wala bang babaeng umaaligid sa kanya doon?” kinakabahang saad ko. "Wala ‘no! Kasi bantay sarado ko siya. Subukan lang nila, kundi ako ang makakalaban nila.” pag-assure niya. "Talaga? Maraming salamat ha, Meg! Ang dami ko nang utang na loob sayo." nakangiting saad ko. “Naku! Wala ‘yon ate! Sino pa bang magtutulungan, kundi tayo rin diba?" saad niya saka ako nginitian ng napakatamis. “Oo, dahil pamilya tayo. Kaya alam ko na hindi magiging sayang ang tiwalang ibinigay ko sayo." saad ko. Dahilan para biglang siyang natulos mula sa kinatatayuan niya, naging malikot ang mga mata niya. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin. “O-Oo naman ate! Hinding-hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay mo." sabay yakap niya sa akin ng mahigpit. "Thanks Meg!” nakangiting saad ko saka siya niyakap pabalik. "No worries, ate!” malambing na saad niya. — — — IKA- 55TH BIRTHDAY ng ina namin ngayon. Invited kami, ayokong dumalo dahil paniguradong mauubos na naman ang social battery ko. Saka baka ako na naman ang maging sentro na pagkukumpara nila kay Megan. Bata pa lang kami ay pakiramdam ko, pilit nila kaming pinagkukumpara. Na hindi naman dapat, pero wala eh. Paborito nila ang kapatid ko, habang ako kahit na ginagawa ko naman ang lahat ay wala pa rin akong puwang sa puso ng mga magulang ko. Napabuntong-hininga ako. "Hindi ka ba masaya na dadalo ka sa kaarawan ni Tita Martha?” nagtatakang saad ni Brandon habang naghahanda kami para sa pagdalo sa birthday party niya. “Masaya naman…" walang ganang saad ko habang nakaharap sa vanity mirror. Saka niya ako nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat ko. “Kung hindi maayos ang pakiramdam mo ay pwede ka namang magpahinga muna dito. Sasabihin ko na lang kina tito at tita na hindi ka okay." nakangiting saad niya, habang tinititigan ako sa repleksyon mula sa salamin. “P-Pero magagalit sila, ayoko naman na ikaw ang pagbuntungan nila ng galit." nag-aalalang saad ko nang lingunin ko siya. "Nah! I can manage, alam mo naman na okay na kami ng mga magulang mo diba?” pag-aassure niya. “Kaya ko naman. Kailangan kong dumalo kasi ayoko na ako na naman ang maging laman ng topic nila." sagot ko. “Sigurado ka?" tanong niya. “Oo…" sabay ngiti ko ng pilit. “Okay then, are you ready?" tanong niya. “Handa na ako." sagot ko, saka kinuha ang kulay itim kong purse. Nakangiti kong tinitigan ang aking repleksyon sa salamin habang suot ang itim na long-sleeve flowy dress. Ito ang pinili kong isuot dahil kahit papaano, natatago nito ang mga taba sa aking katawan. “Let's go?" tanong niya. “A-Anong masasabi mo sa suot ko?” tanong ko saka umikot. Kaya tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. “Hmmm… Pwede na.” "H-Huh? Anong pwede na?” malungkot na saad ko. Parang binagsakan ako ng bato sa naging reaksyon niya. Wala man lang kahit konting pampalakas ng loob. Dati naman ay palagi niya akong sinasabihan ng maganda at kung ano pang mga papuri. “Madison, let's be real. Pasensya na ha, pero kasi… Tümâtabâ ka na, bakit kasi pinabayaan mo ang sarili mo ng ganyan?” tila disappointed na saad niya. Dahilan para mapakurap ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay piniga ang dîbdîb ko. Saka nâbâsag at nagpira-piraso. Napangiti ako ng mapait. "Sorry! Namiss ko lang kasi yung dating ikaw noon.” hinging paumanhin niya saka hinawakan ang mga kamay ko at marahang pinisil ito. "W-Wala yon! Ayos lang, totoo naman ang sinasabi mo eh! Masyado kasi akong nag focus dito sa bahay kaya napabayaan ko ang sarili ko. P-Pasensya ka na ha, Brandon." naiiyak na saad ko pero pinilit ko na maging matatag kahit nasaktan ako sa mga sinabi niya. “Tara na?" aya niya. Saka ko siya tinanguan at sabay kaming lumabas ng kwarto. Paglabas namin ay siya ring paglabas sa guess room ni Megan. Suot ang maroon sleeveless body hugging dress niya na may slit sa isang hita. Talagang mapapanga ka sa ganda at sexy ni Megan. Kaya biglang nanliit ako sa sarili ko. Kasi napabayaan ko ang sarili ko. Napahinto si Brandon saka tumitig kay Megan. Kaya napahinto rin ako. “Wow! You look stunning and gorgeous, Meg!" puri ni Brandon sa kapatid ko. "Thank you, Brandon! I mean, kuya.” saka siya napangiti ng napakatamis. Kitang-kita ko kung paano sila nagkatitigan ng ilang saglit. Kaya tumikhim ako. "Ano? Tara na?” pambasag ko mula sa katahimikan. "Tara na, sigurado ako na hinihintay na tayo nina Dad at Mom.” nakangiting saad ni Megan. Mabilis na naglakad si Brandon at nauna sa amin ni Megan. Saka pinagbuksan ng p***o ang kapatid ko sa back seat. “Thank you!" malambing na saad ni Megan sa asawa ko. “You're always welcome!" sagot ng asawa ko sabay gawad ng matamis na ngiti sa kapatid ko. Pagkatapos ay mabilis na siyang sumakay sa driver’s seat. Habang ako ay naghihintay na pagbuksan niya ng p***o sa passenger seat pero hindi man lang niya ako naalala. Saka sinindi ang sasakyan at doon niya pa lang ako nilingon. “Oh! Ano pang hinihintay mo, Madison? Sakay na." aya niya. Dahilan para makaramdam ako ng bigat sa pakiramdam. Saka ako ngumiti ng mapait. Binuksan ko ang p***o at mabilis na sumakay sa kotse. Hindi ko alam pero masama na ba kung mainggit ako sa closeness nila ni Megan? Ako ang asawa pero siya ang mas pinuri niya. Sa buong durasyon ng byahe namin ay sila lang din ang nag-uusap. Habang ako ay tahimik lang dito, maraming gumugulo sa isipan ko. Makaraan ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa may venue. Sa isang 5 star hotel. "We’re here!” masayang anunsyo ni Brandon. Pero hindi na ako nag-abalang tapunan siya ng tingin. Binuksan ko na ang p***o at agad na lumabas. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako dahil alam ko namang hindi niya yon gagawin. As usual, si Megan na naman ang pinagbuksan niya ng p***o. Sabay pa nga sila sa likuran ko na naglalakad habang masayang nagkukwentuhan. "Uy! Ang cute nung dalawang couple sa likuran nung mâtâbâ oh!” rinig kong bulungan ng ibang bisita pagpasok namin. "Oo nga ‘no?! Bagay na bagay sila sa isa't-isa.” sang-ayon ng isang tinig. Napahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay parang sinâsâkâl na naman ako. Saka namin nakasalubong sina Mom at Dad. "Hi, Mom! Happy birthday! Here's my gift for you! I brought you a branded bag. I hope you like it!" sabay abot ni Megan ng paper bag sa nanay namin. “Oh! Thank you so much, anak!" sabay halik niya sa pisngi nito. Narinig kong tumikhim si Brandon, kaya napalingon ang nanay ko sa kanya. Maging si Daddy. "Happy Birthday, Tita! Regalo ko nga po pala." nakangiting saad niya. “Thanks!" saad ni Mom. Saka ako binalingan ni Dad. "Oh ikaw, Madison…Hindi mo man lang ba babatiin ang ina mo sa kaarawan niya?" mahinang asik ni Dad.MADISON'S POV:“Goodmorning ma’am!" halos sabay-sabay na bati ng mga employado ko, habang may kani-kanya na silang trabaho.May iba na nasa cashier, ang iba ay nagpupunas ng mga glass window, may naglalampaso sa sahig, may nagpupunas ng mga mesa at si Ate Barbara naman ay ang nagmo-monitor ng stocks ng kape, gatas, asukal, pagkain, at iba pang pangangailangan ng café."Goodmorning guys! Kumusta naman kayo?” tanong ko habang nakangiti."Okay naman po.” sagot ng isang empleyado."Good to know then,” saka ako nag-thumbs up, pagkatapos ay hinarap ko si Zephaniah. “By the way, she's Zephaniah. Kapatid ni Zachary." pakilala ko sa bunsong kapatid ni Zach.“Nice to meet you, Ms. beautiful!" sabay punas ng kamay ni Erick sa kanyang itim na slacks at nakipagkamay kay Zephaniah.Gwapo rin naman si Erick, may features siya na konting pagka Korean dahil sa maputing balat at tsinitong mga mata. Matangkad din siya, palagay ko’y nasa 5’10 ang height at may bagsak na buhok. Kaya bagay sa kanya ang uni
MADISON'S POV:Agad na hinubad ni Zach ang blouse ko saka tinanggal ang lock ng bra ko. Dahilan para lumantad ang mga malulusog kong kabundukan sa paningin niya.Kaya biglang nagdilim ang paningin niya na puno ng pagnanasa at paghanga.“Damn! Look at those big boobs of yours. You're so hot, sweetheart.” paos at mapang-akit na saad niya sa tenga ko.Habang ang isang kamay niya ay inilihis ang itim na pencil skirt ko.Pagkatapos ay mabilis na hinubad niya ang kanyang puting dress shirt. Kaya tumambad sa paningin ko ang matikas niyang dibdib. Maging ang mga matitigas niyang anim na pandesal sa tiyan.Pinaraanan ko ito gamit ang mga nanginginig kong kamay at biglang naantala, nang mabilis niyang hapitin ang baywang ko. Kaya napaupo ako sa kandungan niya, saka niya dinilaan ang mga bogelya ko. Kaya napaarko ang likod ko sa tindi ng sensasyon na nadarama ko.“Ohhh…Ahhh…Z-Zach…” daing ko, saka napakapit sa balikat niya at unti-unting bumabaon ang kuko ko sa balat niya.Mas lalo akong nanghin
MADISON'S POV“Hi sister-in-law!" sabay kaway sa akin ni Zephaniah na kapatid ni Zachary nang umaga na yon.Bigla akong tinubuan ng hiya sa katawan dahil sa naalala ko na naging pakikitungo ko sa kanya, last time. "H-Hello!” saad ko."Don't be shy! I know naman that you got jealous but hey! I’m her sister so you don't have to worry.” nakangiting saad niya pagbaba ng sasakyan ng Kuya niya.Napahinga ako ng malalim. "Sorry nga pala kasi pinag-isipan ko kayo ng masama ni Zach. Nakakahiya tuloy sayo!” Inabot niya ang mga kamay ko saka pinisil ito ng marahan. "You don't have to, actually I have a feeling na you're jealous of me. Kaso I want to test you guys. Sorry kung napagtripan ko kayo. Peace, Kuya and sissy!” saka siya nag peace sign.Dahilan para pitikin siya sa noo ni Zach. "You're such a pain in the ass, Zephy.” naiiling na saad niya."Ouch! I already called you na nga Kuya bilang pambawi. Kainis!” sabay irap niya.Dahilan para mapangiti ako dahil sa bangayan nila bilang magkapati
MADISON'S POV:“Ate, aalis na kami. Kayo na muna ang bahala rito ha?” paalam ko sa aking manager na si Ate Barbara."Sure! Ingat kayo, enjoy sa date niyo,” saka niya ako nilapitan. "Huwag mo munang isuko ang pearly shell mo.” pabulong na saad niya.Dahilan para mag-init ang pisngi ko sa kalokahan niya."Ate naman!” saka ko siya pinanlakihan ng mga mata.Dahilan para mapahagikgik siya. "Joke lang! Ito naman, sige na umalis na kayo. Para marami pa kayong oras sa isa’t-isa.”"Sige ate bye!” paalam ko saka ko siya kinawayan."Mauna na kami po kami.” magalang na paalam ni Zach kay Ate Barbara. "Sige, ingat kayo!” nakangiting saad ni Ate.Saka ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat ni Zach kaya agad akong sumakay. Umikot naman siya para sumakay sa driver's seat.“Good evening, sweetheart! How's your day?" bungad na tanong ni Zachary sa akin nang gabi na yon.Saka niya na pinaandar ang sasakyan at bumusina bago kami nagbyahe patungo sa bahay ko.“Good evening! Okay naman, ikaw? Kumusta
THIRD PERSON’S POV:“Anong ginagawa mo rito, huh?!" asik ni Zachary sa lalake kahapon na nangungulit sa girlfriend niya.Dahilan para mapangisi ito saka diretsong tumingin sa kanya. “I don't need to explain it to you, unless you're Madison." Napakuyom ang kamao ni Zachary saka ito kinwelyuhan. “Fuck you!" Ang tinig nito ay parang dumagundong sa labas ng cafe. Habang ang mga customer mula sa loob ay pinagtitinginan na sila ng lalakeng ‘to. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka pabalyang inalis sa kwelyo nito.“Chill! Hindi ka naman matatakot na maagaw ko siya, kung sigurado ka na mahal ka pa niya. Right?" mapang-uyam na saad nito.Sa sobrang inis ni Zachary ay namula na ang mestizo niyang mukha at napasuntok sa pader kung saan malapit ito.Dali-daling bumaba ng sasakyan ang babaeng kasama ni Zachary kahapon, saka dinaluhan ito.“What the hell happened to your hand? It's freaking bleeding, Zachary!” asik nito nang hawakan ang kamay niya, saka binitawan at may kinuha sa kanyang bag.D
MADISON'S POV:Kinabukasan, pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang akmang sasakay ako sa passenger seat. Bumungad sa akin ang babaeng ilang araw nang nag-tag kay Zach sa mga litrato sa kanyang social media account.“Oh, hi there!" sabay kaway niya pa sa akin habang nakangiti ng matamis.Dahilan para matulos ako sa kinatatayuan ko saka muling bumalik sa akin ang mga naranasan ko mula sa nakaraan.Nanikip ang dibdib ko, parang nabasag ito at nagkapira-piraso.Kaya mabilis na naglakad ako palayo.Narinig ko pa nga ang pahabol na tawag ni Zach pero hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya. Saka nanlabo ang mga mata ko at bumagsak ang mga luha ko.Pabalyang pinunasan ko ito habang nagmamadaling makahanap ng masasakyan na taxi.Nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Agad na kinatok ko ito saka sumakay sa backseat."Pakibilisan kuya, sa Madison Cafe nga." saad ko saka tumanaw sa labas ng bintana habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.Saka na ito nagsimulang magmaneho. Kit







