LOGINMADISON'S POV:
Kung mabigat na ang pakiramdam ko kanina ay mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ngayon. Dahil sa malamig na pakikitungo ng mga magulang ko sa akin. Taliwas sa pinapakita at pinaparamdam nila sa kapatid ko. Para bang hindi nila ako kadügø kung ituring nila ako ng ganto. “Yon na nga ang gagawin ko, Dad.” sabay kuyom ko ng kamao ko. Nagsisimula nang mangilid ang mga luha ko, pero pinigilan kong makagawa ng eksena rito. Napahinga ako ng malalim. Halos ang mga malapit sa amin ay nakatingin na rin at nakiki usyoso sa amin. Kaya nailang ako sa mga titig nila. "Happy birthday, Mom!” bati ko, sabay ngiti ng pilit. Nakita ko kung paano siya umismid saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Lumapit ako at akmang hâhâlikan siya sa pisngi pero umiwas siya. Kaya napahiya ako. "Tingnan mo yang itsura mo, naløsyâng ka na. Wala ka bang balak mag-diet man lang, Madison?” halos pabulong na saad niya. Napaurong ako sa kinatatayuan ko dahil sa aking narinig at nanghina. “Busy kasi sa bahay, kaya hindi ko na nabibigyan ng pansin." malamig na saad ko. “Tingnan mo si Megan! Mabuti pa siya, may magandang trabaho at hindi pinapabayaan ang figure. Habang ikaw…" sabay titig niya sa akin nang may halong panghühüsgâ. “Wala ka man lang sa kalingkingan niya." “Mom… Stop na po, please? Don’t be too hârd on Ate.” malambing na saad ni Megan sa ina namin, habang hinahaplos niya ang braso nito para pakalmahin. "Hay nako! Kaya mahal kita eh at sobrang proud kami sayo ng Dad mo. Kasi masipag ka sa trabaho, maganda at mabait pang anak at kapatid. Hindi kagaya ng iba riyan.” sabay irap niya sa akin. Hindi ko na kinaya ang pang-âalipüstâ nila at pamâmâhiyâ sa akin sa harap ng ibang tao. Kaya mabilis na iniwan ko sila at lumabas ng event hall. "Madison! Come back here, you ungrätefül daughter!” sigaw ng ama ko. Pero nagbingi-bïngîhan lang ako. Saka mabilis na pinalis ang mga luhang hindi ko namalayan na tumulo na pala, mula sa mga mata ko. Naglakad-lakad ako sa labas ng hotel at naghanap ng pwedeng mapaglabasan ng sama ng loob. Gusto kong magpakalasing at makalimot kahit pansamantala lang. Hindi ako umiinom pero ngayong gabi ay hahayaan ko ang sarili ko na mâlünød sa alak. Mabuti na lang at may nakita akong isang bar na malapit dito. Kaya mabilis na pumasok ako, hindi alintana ang mapangutiyang mga mata ng tao rito. Saka ako dumiretso sa bar counter. "Good evening ma’am! Anong order niyo?” magalang na tanong ng bartender. “Yung pinakamatapang na cøcktail drinks niyo. Tipong makakalimot sa sâkit na nadarama ko." saad ko. “Sigurado po ba kayo?" nag-aalalang saad niya. Marahil ay nakita niya kung gaano kakalat ang eyeliner sa mukha ko na nahulas dahil sa pag-iyak ko. "Siguradong-sigurado.” saad ko. “Okay ma’am!" saad niya saka ako ginawan ng cøcktail drinks. Makaraan ang ilang minuto ay inilapag niya na ito sa harapan ko. "Enjoy your drink, Ma’am!” saad niya. “Thanks!" sagot ko, saka inisang lagok ito. Kaya napapikit ako nang humagød ito sa lalamunan ko. Mainit at parang matalim ang pakiramdam nito. "Isa pa nga!” saad ko. Saka ako muling ginawan ng cøcktail drinks. Hindi ko alam kung pang ilang order ko na ba ito. Pero ang tanging naaalala ko lang ay sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko. Maging ng buong katawan ko mula sa alcohol na natanggap ng katawan ko. Nanlalambot na rin ako at nahihilø kaya hindi ako makatayo ng maayos. Wala man lang pake ang mga taong nasa paligid ko kahit siguro matumba ako dito. "A-Ano? Dahil b-ba… Hik! M-Mâtäba ako at pângit! Hik! K-Kaya ayaw niyo akong alalayan?" putol-putol na saad ko at bângâg na mula sa alak. Muli akong sumubok na tumayo saka nabuwal sa kinatatayuan ko. Napapikit na lamang ako at inaasahan ko na malakas ang pâgbâgsak ko. Pero nagulat ako nang may sumalo sa akin. Mga matatag at halatang alaga sa gym na mga braso. "Are you alright, Miss?” tanong niya sa baritonong tinig. Pagbaling ko sa kanya ay hindi ko na siya gaanong maaninag. Dahil malabo na ang paningin ko. Napakapit ako sa batok niya bilang suporta. "A-Ayos lang ako. U-Uwi na ako.” halos nabubuløl na saad ko. “Okay, let me drive you home. What's your address?" tanong niya. Saka tuluyang nakatulog, dulot ng pagkalasing. — — — ZACHARY’S POV: "Miss?” saka ko marahang tinapik ang pisngi niya pero talagang mahimbing na ang tulog niya. Kaya binuhat ko siya ng pa-bridal style, saka nilabas sa bar at hinintay ang sasakyan ko na ihatid ng vallet. Paghinto ng sasakyan ay lumabas ito saka ako pinagbuksan ng p***o sa backseat seat. Kaya maingat kong nilapag doon ang babae. Saka ako naglakad patungo sa driver’s seat. Pinaandar ko ito at minaneho patungo sa condo ko. Hindi ko alam kung taga saan siya. Kaya doon na lang muna siya magpapalipas ng gabi. Makaraan ang ilang minutong biyahe pauwi ay huminto kami sa building kung saan ako nakatira. Binuksan ko ang p***o saka siya muling binuhat ng pa-bridal style. “Sir, good evening po!" bati ng isang guard na nasa shift ngayong gabi. “Good evening!" sagot ko, saka ko pinindot ang 7th floor at hinintay ito na umakyat sa tamang palapag. Pagtunog nito ay saka ako lumabas, buhat ang babae. Binuksan ko gamit ang key card ang condo unit ko. Saka siya dahan-dahan inilapag sa kama ko, nang tuluyan kaming makapasok sa loob. Pagkatapos ay tinanggal ko ang mga heels na suot niya. Saka dinukot sa bulsa ang cellphone ko at may tinawagan. Ilang ring lang ay agad na sinagot ng kapatid ko ang tawag. “Kuya! Why did you call at this time of hour?" tanong nito. “I need your help, Zephaniah. Please come to my condo.” pakiusap ko. “Okay, ano naman ang kapalit?" parang isang negosyante lang siya na nakikipag negotiate sa akin ng isang business deal. “Anything, as long as I can provide it." sabay kibit-balikat ko. “Okay, sinabi mo yan ha! I’m on my way, kuya." nagmamadaling saad niya saka pinutol ang linya. "Bakit kaya nalasing ang isang tulad mo? Anong pinagdadaanan mo, Ms?” tanong ko sa natutulog na babae. Saka napakunot-noo ito na para bang nanaginip ng masama. “Hmmm… Kailan niyo kaya ako mamahalin, Mom, Dad…” nag sleep talk na saad ng babae. Ramdam ko sa tinig nito ang sakit at kung paano siya umaasa na mamahalin din siya ng mga magulang niya. Dahilan para mapahinga ako ng malalim. Saka ko marahang hinaplos ang mga kilay niya para mawala ito sa pagkakakunot. “Sana, balang-araw ay mahalin ka rin nila. Gaya ng matagal mo nang hinihiling sa puso mo. I don’t know you personally, but I know you have a good heart. And there’s no doubt that you’re beautiful, too.” halos pabulong na saad ko. Saka biglang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at malayang umagos ito sa kanyang pisngi. Kaya mabilis na pinalis ko ito ng marahan, gamit ang daliri ko. "Goodnight and sleep well, Ms.” saad ko. Makaraan ang ilang minuto ay may nag door bell. Kaya mabilis na tumayo ako saka tiningnan sa camera kung sino ito. Bumungad sa akin ang kapatid ko na si Zephaniah. Kaya pinagbuksan ko agad siya ng pintø. “Hi kuya! How can I help you?" tanong niya pagpasok. “Well, may babae ako—" agad na pinutol niya ang dapat sana'y sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita. “WHAT?! May babae ka na?!" gulat na bulalas niya saka natutop ang bibig. Bakas ang kagalakan sa kanyang mga mata. “Tsk! Pwede patapusin mo muna ako?" tanong ko. “May babae kasi akong nakasalubong sa bar saktong hinimatay at ako ang nasa malapit. Wala kasing ibang nagpresinta man lang na alalayan siya. Kaya ako na ang gumawa. Baka pwede mo siyang hilamusan at palitan ng komportableng damit?” pakiusap ko. "Oh! Sure! Where is she, kuya?” tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong paligid. "She's at my room.” saad ko. "Maghanda ka ng palanggana na may maligamgam na tubig at lagyan mo ng konting alcohol, saka malinis na face towel, kuya.” saad niya. "Okay then?” tanong ko. "Ihanda mo yung susuotin niya.” saad niya. "Noted!” sagot ko saka inunang maghanap at ihanda ang damit na dapat kong dalhin sa kwarto.THIRD PERSON’S POV:“Anong ginagawa mo rito, huh?!" asik ni Zachary sa lalake kahapon na nangungulit sa girlfriend niya.Dahilan para mapangisi ito saka diretsong tumingin sa kanya. “I don't need to explain it to you, unless you're Madison." Napakuyom ang kamao ni Zachary saka ito kinwelyuhan. “Fuck you!" Ang tinig nito ay parang dumagundong sa labas ng cafe. Habang ang mga customer mula sa loob ay pinagtitinginan na sila ng lalakeng ‘to. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka pabalyang inalis sa kwelyo nito.“Chill! Hindi ka naman matatakot na maagaw ko siya, kung sigurado ka na mahal ka pa niya. Right?" mapang-uyam na saad nito.Sa sobrang inis ni Zachary ay namula na ang mestizo niyang mukha at napasuntok sa pader kung saan malapit ito.Dali-daling bumaba ng sasakyan ang babaeng kasama ni Zachary kahapon, saka dinaluhan ito.“What the hell happened to your hand? It's freaking bleeding, Zachary!” asik nito nang hawakan ang kamay niya, saka binitawan at may kinuha sa kanyang bag.D
MADISON'S POV:Kinabukasan, pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang akmang sasakay ako sa passenger seat. Bumungad sa akin ang babaeng ilang araw nang nag-tag kay Zach sa mga litrato sa kanyang social media account.“Oh, hi there!" sabay kaway niya pa sa akin habang nakangiti ng matamis.Dahilan para matulos ako sa kinatatayuan ko saka muling bumalik sa akin ang mga naranasan ko mula sa nakaraan.Nanikip ang dibdib ko, parang nabasag ito at nagkapira-piraso.Kaya mabilis na naglakad ako palayo.Narinig ko pa nga ang pahabol na tawag ni Zach pero hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya. Saka nanlabo ang mga mata ko at bumagsak ang mga luha ko.Pabalyang pinunasan ko ito habang nagmamadaling makahanap ng masasakyan na taxi.Nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Agad na kinatok ko ito saka sumakay sa backseat."Pakibilisan kuya, sa Madison Cafe nga." saad ko saka tumanaw sa labas ng bintana habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.Saka na ito nagsimulang magmaneho. Kit
MADISON'S POV:“Good evening, sweetheart!" malambing na bati ni Zach sa akin pagsakay ko ng kotse niya nang gabing ‘yon. "Flowers for my girl.” sabay bigay niya ng isang bouquet of assorted flowers.Kaya tinanggap ko ito kahit na napipilitan lang ako. "Thanks.” Akmang hahalikan niya ako sa labi ay bigla akong pumaling sa ibang direksyon. Kaya nahalikan niya lang ako sa pisngi.Dahilan para mapakurap ang mga mata niya.“Sweetheart, is there something wrong?" nag-aaalang tanong niya saka inabot ang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.Saka niya ito marahang pinisil.Pero imbes na matuwa ako ay biglang nanikip ang dibdib ko at bumigat na naman ang pakiramdam ko. Saka ako napayuko at kinagat ang labi ko para lang mapigilan na umiyak.“W-Wala…Pagod lang ako. Ihatid mo na ako pauwi, please.” sabay buntong-hininga ko.Ayokong mag-breakdown sa harapan niya. Hindi pa rin ako handang pag-usapan namin ang nakita ko. Baka bukas na lang."I know you're not okay, but I will give you time. Hangg
MADISON'S POV:“Goodmorning, sweetheart!" malambing na bati ni Zachary sa akin nang umaga na yon.Hatid-sundo niya kasi talaga ako sa pagpasok sa business ko, pagkatapos ay dumidiretso na siya sa kanyang kumpanya. “Goodmorning, sweetheart! Malambing na sagot ko pabalik sa kanya. Saka niya ako nilapitan sa passenger seat at hinalikan ng napakatamis sa aking labi. Nang maghiwalay kami ay napangiti ako."I brought you some breakfast.” saka niya ako binigyan ng ni-request ko na croissant at hot black coffee. “Thank you, sweetheart!" saad ko saka napangiti ng malawak."You're always welcome, sweetheart!” saka na siya nag-umpisang minaneho ang sasakyan patungo sa cafe. Sinubuan ko siya ng croissant pagkatapos kong kumain. Nang maubos niya ang tinapay ay hinipan ko muna ang kape saka pinainom sa kanya."Thanks, sweetheart!” malambing na saad niya nang lingunin ako saglit saka muling itinutok ang paningin sa daan."Walang anuman, sweetheart ko!” nakangiting saad ko.Makaraan ang ilang min
MADISON'S POV:Sunud-sunod na katok sa pinto ng sa pintø ang narinig ko, mula dito sa loob ng opisina.Dahilan para mapaangat ang tingin ko, mula sa monitor patungo dito. “Come in!" Saka nito pinihit ang seradura at humahangos na nilapitan ako ni Tessa, isa sa mga barista ko dito sa cafe.“Oh! Anong nangyari ba’t parang natataranta ka?" nakakunot-noong saad ko."Eh kasi ma’am, may isang customer na pinapatanong kung sinong may-ari nitong cafe. Parang hindi nasiyahan sa kape na tinimpla ko.” saad niya na para bang dinaig pa ang constipated.Napabuntong-hininga ako saka hinilot ang sentido ko. Sumasakit pa naman ang ulo ko ngayon at puson dahil nereregla ako, kaya wala ako sa mood makipag kapwa-tao. Pero kailangan kong harapin ang customer dahil kung hindi, magkakaproblema talaga."Sige na, pupunta na ako pakisabi sa customer.” utos ko."Noted ma’am!” saka siya dali-daling lumabas ng opisina ko.Pinaraanan ko muna ang kulay mustard kong sleeveless semi formal dress gamit ang palad ko.
MADISON'S POV: Matutulog na lang ako pero bigla kong narinig na parang may tumutugtog ng gitara sa kung saan. Napakunot-noo ako. “Sino naman kayang magpapatugtog nang ganitong oras?" Tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko ito sa bedside table at sinagot ang tawag nang hindi chine-check ang caller ID. "Hello, sino ‘to?” tanong ko saka niyakap ang unan ko. "Sweetheart, look outside the window.” malambing na saad niya. Dahilan para maglakad ako papalapit sa may bintana saka hinawi ang kurtina at sumilip sa labas. Bumungad sa akin si Zachary na nakatayo habang hawak ang isang gitara at may dalawa siyang kasama na may hawak na ilaw. Natutop ko ang bibig ko saka niya ako kinawayan. Mabilis na kinuha ko ang aking itim na roba saka isinuot at lumabas patungo sa may hardin. “Flowers for you, mi lady." sabay bigay niya sa isang bugkos ng tulips na inabot sa kanya ng kanyang tauhan. Sumilay ang isang malapad na ngiti sa aking labi saka ko tinanggap ang bulaklak na ibinigay niya. Pagk
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






