ALESSIATapos ka na bang magayos ng mga damit mo at dadalhin?” Napalingon ako kay tiya Nora, kapatid siya ni papa. Kasalukuyang nagiimpake ako ng mga damit dahil sasama na ako kay Tiya sa Manila, dahil parehong wala na si papa at mama.“Okay na po ako, hindi ko na po dadalhin yung iba ipapamigay ko nalang sa mga kaibigan ko rito.” Tipid ang ngiting sagot ko.“Sige, hintayin nalang kita sa labas para makabiyah na tayo agad mahaba-haba pa ang biyahe natin. Isa pa hinahanap na ako ng pinsan mo.”Tukoy niya kay Vanessa, tumango ako at iniwan niya na ako. Nandito ako sa maliit kong kuwarto, napansin ko ang picture namin ni papa kuha yun bago siya dapuan ng sakit. Napangiti ako at naiiyak na pinasok ko yun sa bag ko.Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko, binenta ko na ang bahay na ‘to para may panggastos ako pagdating sa Manila dahil mag-aapply ako doon, si Tiya ang nag-suggest na doon muna ako pansamantala sa kanila habang wala pa akong trabaho.Sakay na kami ng tricycle ng Tiya ako at ha
Last Updated : 2026-10-07 Read more