LOGINALESSIA
Yung maagang plano ko ay hindi nangyari dahil hindi ako pinaalis ng Tiya ko hangga't wala pa si Vanessa, simula kahapon hindi pa siya umuuwi. “Tiya wala na pong bigas nakabili na po ba kayo?” Tanong ko habang nagsusuklay siya at mukhang aalis na naman. “Alessia, bumili ka muna bawasan mo yang pera mo ang dami kong bayarin. Ilaw, tubig at internet. Simula nagpunta ako sa inyo natigil ang hanap buhay kong manicure, kaya ikaw na bumili ang marami ka pa namang pera.” Muli hindi na ako sumagot at binit-bit na niya ang panglinis niya ng kuko, napabuntong hininga ako. Alas otso na ng umaga wala pa rin si Vanessa, lumabas ako dala ang perang pambili ng bigas sa katabi na tindahan. “Pabili po,” tawag ko at agad namang dumating ang tindera. “Ay ano ‘yon?” Tanong niya. “Bigas po mga limang kilo na.” Ngiting sagot ko at bahagya siyang natigilan pero sa huli ay ngumiti. “Mukhang malaki ang panalo ng tiya mo aa, may pambili ng bigas.” Napatingin ako sa tindera dahil hindi ko masiyadong naunawaan ang sinabi niya kaya ngumiti nalang ako. “Saan kaya ‘yan nakakakuha ng puhanan sa sugal? Balita ko ang laki ng puhunan niya.” Sabi nito habang naglalagay ng bigas sa plastic, tahimik lang ako ayoko man maniwala pero mukhang totoo ang naiisip ko ngayon. “Ikaw ba ang nabigay ng pera?” Maya’y tanong niya pag-abot ng supot. “Hind–” “Nako, huwag mo sanayin yang tiyahin mo dahil lubog na yan sa utang. Yang bahay nila malamang malapit na yan maremata.” “Sige ho aalis na ako.” Paalam ko na dahil kahit dama kong totoo ang sinasabi ng tindera ay hindi na ako nagsalita pa. “Salamat aa, may magandang pamangkin pala si Nora at mabait pa.” Napangiti nalang ako at naglakad na, pagdating ko sa loob ay nakita ko si Vanessa mukhang kakarating lang. “Ano ba yan walang pagkain? Nasaan ba si mama?” Galit nitong tanong. “A-a, kakalabas lang niya. Ito magsasaing palang ako,” sabi ko at tiningnan niya ako. “Dapat kasi maaga kang nagsaing, sige na bilisan mo na kasi inaantok na ako.” Tumango lang ako at tumalikod na, binilisan ko ang kilos ko at nagsaing na may sardinas pa at itlog iyon ang niluto ko. Napalingon naman ako kay Vanessa, nakataas ang dalawang paa niya sa lamesa habang panay ang cellphone. Okay lang yan Alessia, konting tiis lang muna. Bukas na bukas talagang mag-aapply na ako, habang naghihiwa ako ng sibuyas at bawang biglang nagdilim. “Tang*na! Brown out?” Nadinig kong mura ni Vanessa, napalapit ako sa kanya at napatingin sa labas may mga ilaw naman sa labas. “HOY! NORA! PUNTAHAN MO YUNG NAGPUPUTOL NG KURYENTE BAKA MAHABOL MO. KASAMA KAYO SA PUPUTULAN!” “Gosh! Naputulan tayo ng kuryente, nasaan ba si mama.” Nakatingin lang ako kay Vanessa na panay kalikot at may tinatawagan. “Bakit naputulan hindi pa ba nakabayad ng ilaw?” Tanong ko. “Kung alam ko ‘di sana sinabi ko na sa’yo.” Natahimik ako sa mataray na sagot ni Vanessa. “Ano ba naman to ayaw pang sagutin.” Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. “Nasaan ba ang bill?” Tanong ko. “Ewan, bakit ba sa akin mo tinatanong? Hanapin mo.” Pakiramdam ko pumintig ang ulo ko dahil sa sagot ni Vanessa, mabuti nalang may ugali akong mapagtimpi dahil ayoko ng gulo. Nangalkal ako sa mga gamit nila hanggang sa makita sa may tabi ng t.v puting sobre at sa kuryente yon. Binuksan ko at para akong nanghina dahil halos sampung libong mahigit ang bill. Tatlong buwan ng walang bayad ang ilaw nila. “Babayaran mo ba? Kung oo sige na bilisan mo kasi ang init, si mama mamaya pa ‘yan uuwi.” “Oo babayaran ko.” Sagot ko lang at umakyat ako sa itaas para kumuha ng pera. Wala naman akong magagawa dahil kung hindi babayaran wala kaming ilaw, pagbaba ko tinakpan ko muna ang mga lulutuin ko sana. Hindi na ako nagtanong kay Vanessa kung saan babayaran yon sa labas na lang ako magtatanong. ___ Pag-uwi ko galing sa pagbayad ay wala pa ring ilaw mamaya pa raw yun ikakabit ulit, naabutan ko si Vanessa na nagpapaypay habang kumakain ng masarap na pagkain. “Okay na ba? Ikakabit na ba ang ilaw?” Tanong niya. “Oo mamaya daw o kaya bukas.” Sagot ko lang at hindi man lang niya ako inalok ng pagkain. “Hays! Sana naman ngayong araw rin, Alessia pakuha naman ako ng tubig.” Natigilan na napatingin ako sa kanya dahil kakarating ko lang uutusan niya ako agad pero sinunod ko pa rin siya. Pagkakuha ko ng tubig wala man lang salamat, umakyat na ako sa kuwarto para humiga muna saglit. Habang nakahiga ako bigla akong napatayo ng mapansin ang bag ko dahil bukas yon na para bang kinalkal. Bigla akong kinabahan at pagtingin ko sa bag ko at sa sobre, pagbukas ko isang libo nalang natira. Limang libo pa ‘yun kanina, bigla akong lumabas ng kuwarto at bumaba. “Vanessa, may pumasok ba sa kuwarto ko?” Tanong ko sa kanya at lumingon siya. “Ha? Si mama bakit?” Sagot niya na sa cellphone nakatingin. “Kumuha ba siya ng pera sa bag ko?” Tanong ko. “Oo, may bibilhin raw siyang gamit sa panglinis. Tapos nagpabili ako ng pagkain kasi umalis ka hindi mo tinapos ang niluluto mo.” Napapikit ako at napakuyom ang kamao ko. “Nauunawaan ko naman pero sobra-sobra na yung nabigay ko, wala pa akong trabaho at–” “Bakit?” Napaangat ako ng tingin si Tiya Nora biglang dumating at ang sama ng tingin sa akin. “Ma, nagagalit siya kasi kumuha ka raw ng pera. “ Sumbong ni Vanessa. “Vanessa, hindi kita inaaway nagsasabi lang ako at–” “Puwede ba Alessia, dito ka nakatira sa amin kaya dapat wala kang reklamo dahil kapatid ako ng papa mo. Yung pera ibabalik ko yun sa’yo maghintay ka lang.” “Tiya, hindi naman sa ganun ang sa akin lang–” “Hay nako tumigil ka na. Nagugutom na ako may niluto ka na? Tandaan mo lang ‘yung pera mo pera na rin namin dahil isang pamilya tayo dito! Huwag mo ako pagdamutan!” Gusto ko mang sumagot pa hindi ko na ginawa, naglakad na ako patungo sa lababo at tinuloy ang lulutuin ko at pinigilan ko ang luha ko. Binilisan ko ang niluluto ko para makaakyat na ako sa taas, agad kong itanago ang natitirang pera ko sa case ng cellphone ko. Hindi na ako kumain dahil wala na akong ganang kumain, maaga akong matutulog dahil aagahan kong mag-apply ng trabaho bukas. Nakahiga na ako ng may kumatok, tumayo ako at binuksan ang p***o si Vanessa may hawak siyang damit. “Bakit Vanessa?” Tanong ko. “Labhan mo nga ‘to masakit kasi kamay ko at hindi naman puwede si mama.” “Vanessa–” “Sige sandali lang naman ‘to labhan. “ Sabay hagis niya. Napatango nalang ako at bumaba ulit, agad kong nilabhan ang damit dito sa loob ng c.r nang masagi ng ulo ko ang maliit na patungan at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko dahil zonrox yun at natanggal ang takip natapon sa itim na dress ni Vanessa. “Tapos ka na ba mag-CR ako.” Nanlalaki ang mata ko at kabadong napatingin kay Vanessa na ngayon ay nanlalaki ang mata. “Tang*na mo! Ano'ng ginawa mo sa damit ko! Pisti ka sinira mo bagong bili ko ‘yan!” “Va-Vanessa, hindi ko sinasad–” bigla niyang kinuha ang damit at pinaghahampas sa akin sobrang sakit dahil medyo basa na yun. Kita ko ang pamumula ng balat ko sa bawat hampas niya. “P*****a ka! Sinira mo paborito ko pa naman ‘to!” Sigaw niya at walang tigil niya akong hinahampas pilit na sinasalag ko yon. “Ano ba yan! Ang iingay niyo!” “Ma! Sinira niya dress ko nilagyan niya ng zonrox!” “Tiya hindi ko po sinasadiya nahulog po yung zonrox.” Paliwanag ko na naiiyak na. “Anong hindi! Galit ka sa amin dahil sa pera mo!’ muling hampas niya. Pero si Tiya hindi man lang niya inawat si Vanessa hinayaan lang niyang hampasin ako. Hanggang sa tumigil si Vanessa, iniwanan niya ako ng puro mura. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak sa gilid ng banyo.ALESSIA Umaga excited akong gumising at bumaba ako para maligo pero nagulat ako dahil may naamoy ako na ginigisa. “Gising ka na pala Alessia, ito nagluto na ako ng almusal mo. Sige maligo ka na, nagtitimpla ako ng kape mo.” Nagtataka man ako pero napangiti na lang ako at diretso na sa banyo, matapos maligo nagkape muna ako at kumain ng konti at umakyat na ako sa itaas para suotin ang isusuot ko.Kulay gray na palda na hapit sa balakang ko, hindi naman maikli bago dumating sa tuhod. Tapos off shoulder na white v-type, pinatungan ko ng blazer na black at four inches na sandals. Inayos ko lang ang pagkakatali ng lagpas balikat kong buhok, relo at shoulder ba nasa loob na lahat ng mga gagamitin ko.Pagbaba ko naabutan ko si Vanessa gising na may nakasabit na towel sa balikat niya habang nagse-cellphone.“Aalis ka na?” Ngiting tanong ni Tiya.“Opo Tiya kailangan kasi maaga ako.” Sagot ko at napalingon sa akin si Vanessa.Nakita ko na titig na titig siya sa akin simpleng nginitian ko la
VANESSA “Tingnan mo ‘yung mga lagayan ang gaganda mukhang mamahalin ang mga pagkain.” Tiningnan ko ‘yung pangalan na nasa plastic at nag-search ako sa google, nanlaki ang mata ko dahil kilalang restaurant yon na madalas na kinakainan ng mga mayayaman.Bawat isang order ay halos ilang libo ang presyo.“Bakit ayaw mo pang kumain? Ang sasarap nga panay ka cellphone.” “Ma, tingnan mo ‘to.” Pakita ko sa cellphone. “Ano ‘yan?” Hindi maunawaan ni mama.“Ma, diyan galing ang pagkain na ‘yan at isa pa lahat ng mga kumakain diyan kung hindi sikat na artista ay mga bilyonaryo.” Natigilan si mama sa pagsubo dahil sa sinabi ko.“Ibig mong sabihin ‘yung kaibigan ng papa Alessia na sinasabi niya na nagbigay nito bilyonaryo?” Tumango ako at biglang napangiti si mama dahil sa sinabi ko.“Kung ganun baka tulungan siya no’n dahil wala ng papa niya at malay mo bigyan siya ng pera.”“Mukha ka talagang pera.” Sabi ko na natatawa at tumawa rin siya.“Parang ikaw hindi?” “Kanino pa ba magmamana?” Taas
ALESSIA Mugto ang mata ko kahit nakaligo na ako, handa na ako para mag-apply. Simpleng puting long sleeve at palda ang suot ko at black shoes na may mababa takong. Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko si Tiya nagkakape mukhang aalis ulit ito, napatingin siya sa akin.“Pagkatapos mo mag-apply umuwi ka agad dahil walang kasama si Vanessa dito.” “Opo tiya.” Sagot ko at naglakad na ako palabas ng pinto.Paglabas ko pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag, sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan. Madali ko lang nalaman na dito dahil kahapon na umalis ako, habang nakaupo ako nakita ko ang latay ng damit sa braso ko.Sabi ni papa hangga't kayang umiwas, iwasan ko at huwag pumatol ngunit kung argabyado ka na patulan na. Pero kagabi mas pinili kong hayaan na lang dahil wala pa akong mapupuntahan, pero oras na magka-trabaho ako at makapag-ipon ng pera para makalipat aalis ako.___Mahaba-haba ang oras ko na nilaan ko sa pag-aapply, dinamihan ko ang print ng resume ko para magpapasa ako sa laha
ALESSIA Yung maagang plano ko ay hindi nangyari dahil hindi ako pinaalis ng Tiya ko hangga't wala pa si Vanessa, simula kahapon hindi pa siya umuuwi.“Tiya wala na pong bigas nakabili na po ba kayo?” Tanong ko habang nagsusuklay siya at mukhang aalis na naman.“Alessia, bumili ka muna bawasan mo yang pera mo ang dami kong bayarin. Ilaw, tubig at internet. Simula nagpunta ako sa inyo natigil ang hanap buhay kong manicure, kaya ikaw na bumili ang marami ka pa namang pera.” Muli hindi na ako sumagot at binit-bit na niya ang panglinis niya ng kuko, napabuntong hininga ako. Alas otso na ng umaga wala pa rin si Vanessa, lumabas ako dala ang perang pambili ng bigas sa katabi na tindahan.“Pabili po,” tawag ko at agad namang dumating ang tindera.“Ay ano ‘yon?” Tanong niya.“Bigas po mga limang kilo na.” Ngiting sagot ko at bahagya siyang natigilan pero sa huli ay ngumiti.“Mukhang malaki ang panalo ng tiya mo aa, may pambili ng bigas.” Napatingin ako sa tindera dahil hindi ko masiyadong n
ALESSIATapos ka na bang magayos ng mga damit mo at dadalhin?” Napalingon ako kay tiya Nora, kapatid siya ni papa. Kasalukuyang nagiimpake ako ng mga damit dahil sasama na ako kay Tiya sa Manila, dahil parehong wala na si papa at mama.“Okay na po ako, hindi ko na po dadalhin yung iba ipapamigay ko nalang sa mga kaibigan ko rito.” Tipid ang ngiting sagot ko.“Sige, hintayin nalang kita sa labas para makabiyah na tayo agad mahaba-haba pa ang biyahe natin. Isa pa hinahanap na ako ng pinsan mo.”Tukoy niya kay Vanessa, tumango ako at iniwan niya na ako. Nandito ako sa maliit kong kuwarto, napansin ko ang picture namin ni papa kuha yun bago siya dapuan ng sakit. Napangiti ako at naiiyak na pinasok ko yun sa bag ko.Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko, binenta ko na ang bahay na ‘to para may panggastos ako pagdating sa Manila dahil mag-aapply ako doon, si Tiya ang nag-suggest na doon muna ako pansamantala sa kanila habang wala pa akong trabaho.Sakay na kami ng tricycle ng Tiya ako at ha







![MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)