Share

chapter 5

Author: Adev_Stories
last update publish date: 2026-10-07 12:39:43

ALESSIA 

Umaga excited akong gumising at bumaba ako para maligo pero nagulat ako dahil may naamoy ako na ginigisa. 

“Gising ka na pala Alessia, ito nagluto na ako ng almusal mo. Sige maligo ka na, nagtitimpla ako ng kape mo.” 

Nagtataka man ako pero napangiti na lang ako at diretso na sa banyo, matapos maligo nagkape muna ako at kumain ng konti at umakyat na ako sa itaas para suotin ang isusuot ko.

Kulay gray na palda na hapit sa balakang ko, hindi naman maikli bago dumating sa tuhod. Tapos off shoulder na white v-type, pinatungan ko ng blazer na black at four inches na sandals. 

Inayos ko lang ang pagkakatali ng lagpas balikat kong buhok, relo at shoulder ba nasa loob na lahat ng mga gagamitin ko.

Pagbaba ko naabutan ko si Vanessa gising na may nakasabit na towel sa balikat niya habang nagse-cellphone.

“Aalis ka na?” Ngiting tanong ni Tiya.

“Opo Tiya kailangan kasi maaga ako.” Sagot ko at napalingon sa akin si Vanessa.

Nakita ko na titig na titig siya sa akin simpleng nginitian ko lang siya.

“I-add mo ako para ma-message kita.” Sabi niya at inabot ang cellphone niya.

Sinunod ko siya at inadd, sinilip ko ang cellphone ko at inaksep ko siya matapos ay bigka siyang tumalikod.

“Ito baunin mo na.” 

Napatingin ako sa tinapay na bigay ni Tiya, nagtataka man ako sa kinikilos niya ay hinayaan ko nalang at nagmamadali na akong umalis.

___

Pagdating ko sa harap ng malaking gusali ng Caelmont Corporation, napahinga ako nang malalim.

“First day,” bulong ko sa sarili ko.

Inayos ko ang suot ko bago tuluyang pumasok sa loob. Pagdating ko sa lobby, agad akong napatingin sa reception desk.

Nandoon ang babaeng nakita ko rin kahapon. Lumapit ako.

“Good morning po.”

Mula sa computer ay tumingala siya sa akin. Ilang segundo niya akong tinitigan bago biglang nagliwanag ang mukha nito na para bang naalala niya ako bigla.

“Oh! Ikaw pala, mas maganda ka ngayon.”

Napakurap ako. “Ay salamat po hindi naman sa ganun, pero naaalala niyo pala ako.” Magalang kong sagot.

“You were here yesterday, right?”

Tumango ako. “Yes po. Nag-apply ako kahapon.”

“I remember you.” Ngumiti siya. “Ikaw ’yong tinawag ko dahil naiwan mo rito ang ID mo.”

Napangiti ako. “Opo.”

Hindi ko naman ipinagtaka kung bakit niya ako naalala. Siya mismo ang tumawag sa pangalan ko kahapon dahil sa naiwan kong ID at isa pa ‘yung eksena na nangyari kahapon malamang na nakita niya ‘yon kaya talagang hindi niya ako makakalimutan.

“May appointment ka today?” tanong niya.

“Actually, pinapunta po ako ni Mr. Veyron Caelmont. First day ko raw po ngayon.”

Bahagyang nag-iba ang expression niya. “First day?”

“Yes po. Inalok niya po kasi ako ng trabaho bilang secretary.”

“Secretary?” nanlalaki ang mata niya na hindi makapaniwala pero nakangiti ang mata niya.

Tumango ako. “Opo. Sabi niya magre-resign na raw po kasi ’yong secretary niya kaya kailangan niya ng kapalit.”

Ilang segundo siyang nakatingin sa akin bago ngumiti.

“Ah, kaya pala.”

Napakunot ang noo ko. “May problema po ba?”

“Wala naman.” Bahagya siyang natawa. “Hindi mo ba talaga alam?”

Mas lalo naman akong nagtaka “Ang alin po?”

“Kung sino si Mr. Caelmont?”

Napatigil ako. “Kaibigan po siya ng papa ko at yun lang ang alam ko.”

“No, I mean…” Napangiti siya. “Hindi mo alam kung ano ang position niya rito?”

Umiling ako. “Hindi po. Hindi ko na kasi naitanong kahapon. Akala ko mataas lang ang position niya rito.”

Bigla siyang natawa nang mahina. “Miss Velasco, hindi lang basta mataas ang position ni Mr. Caelmont.”

Napatitig ako sa kanya na may pagtataka.

“Siya ang CEO.”

Parang ilang minuto akong hindi nakagalaw at napaawang ang bibig. “A-ano po?”

“Mr. Veyron Caelmont is the CEO of Caelmont Corporation.”

Napatingin ako sa paligid. Sa napakalaking lobby at sa mga empleyadong nagmamadaling naglalakad.

Sa malaking logo ng CAELMONT CORPORATION na nasa likuran ng reception desk. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa receptionist.

“CEO?” bigkas ko at tumango siya.

“Siya rin ang may-ari ng kompanya.”

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nalaman ko.  Oh my gosh! Ang lalaking kausap ko lang kahapon na parang normal na kaibigan ni Papa?

Siya ang may-ari ng buong gusaling ito? Biglang bumalik sa isip ko ang eksena kahapon. Kung paano niya ako gustong ihatid pa sa bahay.

Kung paano niya ako inalok ng trabaho nang malaman niyang naghahanap ako. Kaya pala parang lahat ng empleyadong nadadaanan namin kahapon ay bumabati sa kanya.

Akala ko mataas lang talaga ang posisyon niya. Hindi ko inakalang mas nasa pinakamataas pa pala siya.

“Okay ka lang?” tanong niya na napapangiti.

“Opo.” Pero hindi yata siya kapanipaniwala ang sagot ko. “Hindi ko lang talaga alam.”

Ngumiti siya. “Mukhang hindi nga.”

Napabuntong-hininga ako na napapangiti na rin.  Mas lalo tuloy akong kinabahan ngayon dahil sa nalaman ko, hindi pala siya basta-basta at ngayon lang ako haharap sa CEO dati sa palabas ko lang napapanood.

Ngayon secretary na ako ng CEO?

“Twenty-fourth floor,” sabi niya. “Doon ang executive office. Hinihintay ka na rin siguro ng secretary ni Sir Veyron.”

“Thank you po.” yuko kong pasasalamat.

Naglakad ako papunta sa elevator. Pagkapasok ko, agad kong pinindot ang twenty-fourth floor. Nang magsara ang elevator ay napasandal ako.

Napatingin ako sa reflection ko. Kahapon, hindi man lang ako nahiyang kausapin nang normal ang kaibigan ni papa.

Ding! Tunog na pumasok sa isipan ko at  pagbukas ng elevator, sinalubong ako ng tahimik at eleganteng executive floor at sobrang linis.

Hindi kasing dami ng tao sa ibaba. May ilang empleyado lamang na naglalakad habang may hawak na documents.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya saglit akong tumingin sa paligid.

“Miss Velasco?”

Napalingon ako. Isang babaeng naka-office attire ang papalapit sa akin.

“Yes po?” magalang ko yuko.

“I'm Andrea. Secretary ni Mr. Caelmont.”

“Oh. Good morning po.” magalang kong bati.

Ngumiti siya. “Good morning. Sir Veyron told me you're coming today.”

Tumango ako. “Pasensya na po. First time ko kasi sa ganitong trabaho.”

“That's exactly why I'm here.”

Lumapit siya sa desk na nasa labas ng malaking opisina.

“I'm resigning in two weeks, so habang nandito pa ako, tuturuan kita ng lahat ng kailangan mong malaman.”

Napatingin ako sa desk. Ito pala ang magiging puwesto ko at ngayon palang ewan pero na-excite ako.

“Come here,” tawag niya.

Lumapit ako at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

“First things first,” sabi niya habang binubuksan ang computer. “As Mr. Caelmont's secretary, ikaw ang hahawak sa daily schedule niya. Meetings, appointments, calls, documents, travel schedules—lahat ng kailangang dumaan sa office niya, kailangan alam mo.”

Agad kong inilabas ang maliit kong notebook isinulat ko para hindi ko makalimutan. Napatingin siya sa notebook at ngumiti.

“Nice, ituloy mo lang.” 

“Kailangan po. Baka makalimutan ko.” ngiting sagot ko.

“Good. You'll need that.”

Nagsimula siyang magpaliwanag. Tinuruan niya ako kung paano tingnan ang calendar ni Mr. Veyron at kung paano inaayos ang meetings nito.

“Very particular si Sir sa oras,” sabi niya. “Ayaw niya ng late. Kung ten ang meeting, ten talaga.”

Sinulat ko agad. Never be late.

“Every morning, check his calendar first. Then emails. Make sure na alam mo kung alin ang urgent.”

Tumango ako habang patuloy sa pagsusulat.

“Kapag may gustong makipag-meeting sa kanya, huwag kang basta magbibigay ng schedule. Check with him first, especially kung wala sa regular clients or partners.”

“Okay po copy.” mabilis kong sagot.

“And coffee.”

Napatingin ako. “Coffee?”

“Black. No sugar.”

Sinulat ko ulit. Napangiti siya sa ginagawa ko kahit yung sulat ko halos magulo na sa pagmamadali mamaya ko na lang aayusin.

“Don't worry. Sa umpisa lang overwhelming. Masasanay ka rin.”

“Sana nga ko at medyo kinakabahan rin ako.” simpleng ngjti kong litanya.

“Masasanay ka rin.”

Halos isang oras niya akong tinuruan, Sobrang dami at parang naunawaan at naintindihan ko naman halos. Pero nakinig ako nang mabuti dahil ayokong mapahiya sa kaibigan ni papa.

Ayokong isipin niyang dahil anak ako ng kaibigan niya ay puwede na akong maging pabaya. Habang may itinuturo sa akin ni Miss. Andrea sa computer, biglang bumukas ang malaking p***o sa likuran namin.

Napalingon ako at natigilan sa nakikita ng mata ko, naka-black suit siya at seryoso ang mukha habang may hawak na folder.

Pero iba na ang tingin ko sa kanya ngayon. Kahapon, kaibigan lang siya ni Papa sa paningin ko.

Ngayon,  CEO pala siya at ang big boss ko. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya, dahil grabe kung gwapo siya kahapon mas gwapo siya ngayon. 

“Good morning, Alessia.”

Agad akong tumayo. “Good morning po, Sir.”

Bahagyang napataas ang kilay niya. Parang nagtaka siya sa bigla kong pagiging pormal.

“Sir?” salubong ang kilay niyang bigkas.

“Opo.” Mas lalo siyang nagtaka at  napalingon ako kay Andrea at napansin kong pinipigilan nito ang ngiti.

Ibinalik niya ang tingin sa akin.

“You found out.”

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko. “Alin po?” tanong ko kahit alam ko na ang tinutukoy niya.

“That I'm the CEO.”

Hindi ako nakasagot. Parang gusto kong lamunin ako ng sahig. Alam niya palang hindi ko alam kahapon.

“Bakit hindi n’yo po sinabi nakakahiya.” Nakayuko kong pagkakasabi at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Tiningala ko siya at mukhang tuwang-tuwa siya sa itsura ko kaya napangiti na lang ako.

Inilapag niya ang folder sa desk ni Miss. Andrea.

“Teach her everything she needs to know.”

“Yes, Sir.”

Muli niya akong tiningnan. “Don't look so nervous, Alessia.”

Madaling sabihin yun sir. Bulong ko sa isipan ko.  “I'll try, Sir.” sabi ko at tumango siya bago bumalik sa loob ng opisina.

Pagkasara ng p***o, napaupo ako. Napatingin sa akin si Andrea.

“Relax.”

Huminga ako nang malalim. “Kanina lang, kinakabahan ako dahil first day ko.”

“Bakit ngayon?” napapangiti niyang tanong.

Napatingin ako sa nakasarang p***o ng opisina ni Sir.

“Mas kinakabahan na ako ngayon.”

Napatawa siya pero kahit kinakabahan ako, determinado akong matutunan ang trabaho. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako masanay.

Pero ayokong sayangin ang pagkakataong ito. Lalo na ngayong alam kong ang magiging boss ko ay walang iba kundi s Mr. Veyron Caelmont, ang CEO ng Caelmont Corporation at ang kaibigan ng papa ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 5

    ALESSIA Umaga excited akong gumising at bumaba ako para maligo pero nagulat ako dahil may naamoy ako na ginigisa. “Gising ka na pala Alessia, ito nagluto na ako ng almusal mo. Sige maligo ka na, nagtitimpla ako ng kape mo.” Nagtataka man ako pero napangiti na lang ako at diretso na sa banyo, matapos maligo nagkape muna ako at kumain ng konti at umakyat na ako sa itaas para suotin ang isusuot ko.Kulay gray na palda na hapit sa balakang ko, hindi naman maikli bago dumating sa tuhod. Tapos off shoulder na white v-type, pinatungan ko ng blazer na black at four inches na sandals. Inayos ko lang ang pagkakatali ng lagpas balikat kong buhok, relo at shoulder ba nasa loob na lahat ng mga gagamitin ko.Pagbaba ko naabutan ko si Vanessa gising na may nakasabit na towel sa balikat niya habang nagse-cellphone.“Aalis ka na?” Ngiting tanong ni Tiya.“Opo Tiya kailangan kasi maaga ako.” Sagot ko at napalingon sa akin si Vanessa.Nakita ko na titig na titig siya sa akin simpleng nginitian ko la

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 4

    VANESSA “Tingnan mo ‘yung mga lagayan ang gaganda mukhang mamahalin ang mga pagkain.” Tiningnan ko ‘yung pangalan na nasa plastic at nag-search ako sa google, nanlaki ang mata ko dahil kilalang restaurant yon na madalas na kinakainan ng mga mayayaman.Bawat isang order ay halos ilang libo ang presyo.“Bakit ayaw mo pang kumain? Ang sasarap nga panay ka cellphone.” “Ma, tingnan mo ‘to.” Pakita ko sa cellphone. “Ano ‘yan?” Hindi maunawaan ni mama.“Ma, diyan galing ang pagkain na ‘yan at isa pa lahat ng mga kumakain diyan kung hindi sikat na artista ay mga bilyonaryo.” Natigilan si mama sa pagsubo dahil sa sinabi ko.“Ibig mong sabihin ‘yung kaibigan ng papa Alessia na sinasabi niya na nagbigay nito bilyonaryo?” Tumango ako at biglang napangiti si mama dahil sa sinabi ko.“Kung ganun baka tulungan siya no’n dahil wala ng papa niya at malay mo bigyan siya ng pera.”“Mukha ka talagang pera.” Sabi ko na natatawa at tumawa rin siya.“Parang ikaw hindi?” “Kanino pa ba magmamana?” Taas

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 3

    ALESSIA Mugto ang mata ko kahit nakaligo na ako, handa na ako para mag-apply. Simpleng puting long sleeve at palda ang suot ko at black shoes na may mababa takong. Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko si Tiya nagkakape mukhang aalis ulit ito, napatingin siya sa akin.“Pagkatapos mo mag-apply umuwi ka agad dahil walang kasama si Vanessa dito.” “Opo tiya.” Sagot ko at naglakad na ako palabas ng pinto.Paglabas ko pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag, sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan. Madali ko lang nalaman na dito dahil kahapon na umalis ako, habang nakaupo ako nakita ko ang latay ng damit sa braso ko.Sabi ni papa hangga't kayang umiwas, iwasan ko at huwag pumatol ngunit kung argabyado ka na patulan na. Pero kagabi mas pinili kong hayaan na lang dahil wala pa akong mapupuntahan, pero oras na magka-trabaho ako at makapag-ipon ng pera para makalipat aalis ako.___Mahaba-haba ang oras ko na nilaan ko sa pag-aapply, dinamihan ko ang print ng resume ko para magpapasa ako sa laha

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 2

    ALESSIA Yung maagang plano ko ay hindi nangyari dahil hindi ako pinaalis ng Tiya ko hangga't wala pa si Vanessa, simula kahapon hindi pa siya umuuwi.“Tiya wala na pong bigas nakabili na po ba kayo?” Tanong ko habang nagsusuklay siya at mukhang aalis na naman.“Alessia, bumili ka muna bawasan mo yang pera mo ang dami kong bayarin. Ilaw, tubig at internet. Simula nagpunta ako sa inyo natigil ang hanap buhay kong manicure, kaya ikaw na bumili ang marami ka pa namang pera.” Muli hindi na ako sumagot at binit-bit na niya ang panglinis niya ng kuko, napabuntong hininga ako. Alas otso na ng umaga wala pa rin si Vanessa, lumabas ako dala ang perang pambili ng bigas sa katabi na tindahan.“Pabili po,” tawag ko at agad namang dumating ang tindera.“Ay ano ‘yon?” Tanong niya.“Bigas po mga limang kilo na.” Ngiting sagot ko at bahagya siyang natigilan pero sa huli ay ngumiti.“Mukhang malaki ang panalo ng tiya mo aa, may pambili ng bigas.” Napatingin ako sa tindera dahil hindi ko masiyadong n

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 1

    ALESSIATapos ka na bang magayos ng mga damit mo at dadalhin?” Napalingon ako kay tiya Nora, kapatid siya ni papa. Kasalukuyang nagiimpake ako ng mga damit dahil sasama na ako kay Tiya sa Manila, dahil parehong wala na si papa at mama.“Okay na po ako, hindi ko na po dadalhin yung iba ipapamigay ko nalang sa mga kaibigan ko rito.” Tipid ang ngiting sagot ko.“Sige, hintayin nalang kita sa labas para makabiyah na tayo agad mahaba-haba pa ang biyahe natin. Isa pa hinahanap na ako ng pinsan mo.”Tukoy niya kay Vanessa, tumango ako at iniwan niya na ako. Nandito ako sa maliit kong kuwarto, napansin ko ang picture namin ni papa kuha yun bago siya dapuan ng sakit. Napangiti ako at naiiyak na pinasok ko yun sa bag ko.Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko, binenta ko na ang bahay na ‘to para may panggastos ako pagdating sa Manila dahil mag-aapply ako doon, si Tiya ang nag-suggest na doon muna ako pansamantala sa kanila habang wala pa akong trabaho.Sakay na kami ng tricycle ng Tiya ako at ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status