LOGINALESSIA
Mugto ang mata ko kahit nakaligo na ako, handa na ako para mag-apply. Simpleng puting long sleeve at palda ang suot ko at black shoes na may mababa takong. Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko si Tiya nagkakape mukhang aalis ulit ito, napatingin siya sa akin. “Pagkatapos mo mag-apply umuwi ka agad dahil walang kasama si Vanessa dito.” “Opo tiya.” Sagot ko at naglakad na ako palabas ng p***o. Paglabas ko pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag, sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan. Madali ko lang nalaman na dito dahil kahapon na umalis ako, habang nakaupo ako nakita ko ang latay ng damit sa braso ko. Sabi ni papa hangga't kayang umiwas, iwasan ko at huwag pumatol ngunit kung argabyado ka na patulan na. Pero kagabi mas pinili kong hayaan na lang dahil wala pa akong mapupuntahan, pero oras na magka-trabaho ako at makapag-ipon ng pera para makalipat aalis ako. ___ Mahaba-haba ang oras ko na nilaan ko sa pag-aapply, dinamihan ko ang print ng resume ko para magpapasa ako sa lahat ngunit may iba diretso interview pero hindi ako pinalad. May iba naman tatawagan na lang raw ako. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, alas tress na ng hapon nang mapalingon ako sa isang malaking building. Caelmont Corporation Tunog yayamanin ito agad ang pumasok sa isip ko, wala namang hiring na nakalagay pero gusto kong i-try magtanong baka may bakante pa kahit basta magka-trabaho ako. Nailang pa ako dahil naiiba itong napuntahan ko dahil sobrang ganda at sosyal. “Miss pasok ka nalang sa loob magtanong ka sa receptionist.” Ngiting sabi ng guard ng magtanong ako. Yumuko ako at dahan-dahan pa akong pumasok sa loob, ang ganda sa loob lalo at ang linis sobrang lamig pa. “Yes, ma’am?” Bati ng babae. “H-hello po, may hiring po ba kayo?” Nahihiyang tanong ko. “For what position ma’am?” Ngiti niya ulit na tanong. Kinuha ko ang resume na nasa folder ko at inabot sa babae. “Kahit ano pa sana kung ano ang available.” Sabi ko at pinasadahan niya ang resume ko. “Okay, well. Sakto ma’am nandiyan pa ang nagi-interview, sa 15th floor po akyat kayo doon at hanapin niyo si. Mrs. Evageline Ramos, paiwan nalang ng i.d.” Natuwa ako at kahit paano nagkaroon ng pag-asa, iniwan ko ang i.d ko at nagmamadali kong tinungo ang elevator. Hindi ako mapakali habang tumataas pati pagbukas saktong kabog ng puso ko, hinanap ko agad ang pangalan na sinabi sa akin at madali ko lang nakita. Kabado pa ako ng sinabi na interview ko raw ngayon, okay naman ang sagot ko pero pagdating sa experience yun ang wala ako dahil hindi ako agad nakapagtrabaho noong grumaduate ako dahil kay papa ako ang nag-alaga. Malungkot na naglakad ako sa lobby dahil bagsak ako sa interview kahit piling ko naman tama lahat ang sagot ko. “Miss Velasco, yung i.d mo.” Natigilan ako at nawala sa isip ko na iniwan ko nga pala ang i.d ko, pagpihit ko paharap at paghakbang. “Velasco?” Napalingon ako sa nagbigkas ng surname ko at doon ko lang napansin na may mga grupo ang nasa harapan ko at yung lalaki na nasa gitna nakatingin sa akin. “May I ask… Do you know Simon Velasco?” tanong niya. Dito ako natigilan dahil paano niya nakilala ang papa ko dahil hindi ko naman siya kilala. “Pa-papa ko po siya.” Kabadong sagot ko at yung seryoso na mukha niya ay bahagyang ngumiti. Natigilan ako at napatitig sa labi niya at sa maputi niyang ngipin, ang hindi kakapalan na balbas at bigote na bumagay sa kanya. Tingin ko hindi nalalayo ang edad kay papa o mas matanda si papa ng konti. “Miss Velasco?” “Ha? A-ano, pa-paano niyo nakilala ang papa ko?” Tanong ko ng mabalik ako sa reyalidad. “He's my friend.” Ngiting sagot niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at hindi ako agad nakapagsalita. “By the way, ano'ng ginagawa mo rito? At kamusta na ang papa mo?” Magkasunod niyang tanong. “Nag-apply po siya sir.” Napalingon ako rito sa receptionist siya ang sumagot at nginitian niya ako. “Really? Ano'ng inaplayan mo?” Tanong niya. Pero ako parang hindi ako makapagsalita dahil sa napakagwapo niya, para siyang sa bida ng mga Hollywood. Sobrang tangkad pa. “A-ano po kasi, hindi ako pasado.” Sagot ko at napatitig siya sa akin at hindi ko kayang tagalan ang tingin niya. “May pupuntahan ka pa ba? Sumama ka sa akin samahan mo akong mag-lunch, may ibibigay akong trabaho sa’yo.” Bigla akong napangiti dahil sa sinabi niya at hindi ako nagdalawang isip na sumama dahil sa sinabi niya na trabaho. Parang ayoko pang sumakay sa kotse dahil ang ganda at sobrang bango. “Come on,” ngiting aya niya. Nag-alangan pa ako dahil hindi ko naman siya kilala, minsan na nakwento siya ni papa sa akin pero hanggang doon lang ‘yun. Tahimik na naupo ako sa tabi niya nandito kami sa may likuran dahil iba ang nagmamaneho. Napahimas ako sa braso ko dahil ang lamig at naramdaman kong may nakatingin sa akin paglingon ko, nakatingin siya sa braso ko na may bakas ng latay na dulot ng paghampas ni Vanessa. “What happened to your arm?” Napaayos ako ng upo dahil sa tanong niya at pilit na ngumiti. “Nasagi lang po ako,” pagsisinungaling ko pero hindi siya nagsalita parang hindi siya naniniwala. Tahimik na kami habang nasa biyahe at hindi ko alam kung saan kami kakain pero pagdating namin sa pupuntahan namin. Parang hindi ko magawang ihakbang ang paa ko papasok sa mamahaling restaurant lalo pa at natatanaw ko ang mga tao doon ang layo sa itsura ko. “It's okay, huwag silang pansinin, you are more important to me.” Natigilan ako dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko tuloy napakaespesyal ko para sa kanya. Siguro kasi kaibigan siya ni papa. Pagdating namin sa table kami lang dalawa may ilang tao naman at napapatingin sa amin kaya ilang na ilang ako. May kausap siyang waiter at sinabi ang mga order ‘yung iba hindi ko naintindihan. “Dinamihan ko na ang order, hindi ko alam kung anong gusto mo.” Simpleng ngiting sabi niya. “Salamat po pero sana konti lang po inorder niyo sayang naman.” Sabi ko. “I-take out mo nalang.” Sagot niya lang at napansin ko na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya sinagot. “Kamusta pala ang papa mo?” Hindi ako sumagot dahil naalala ko na naman si papa. “Wala na po si papa.” Mahinang sabi ko at natigilan siya, nakita ko na parang bigla siyang nanghina at napahugot ng isang malalim na buntong hininga. “Kain pa?” Seryosong tanong niya. “Mag-two weeks na po.” Sagot ko at napahawak siya sa banda sa bibig niya, nakikita ko ang lungkot sa mata niya at hindi siya nagsasalita. “I’m sorry, hindi ko man lang siya nakita bago siya nawala. Ilang taon ko siyang pinahanap ngunit hindi ko siya nakita, ngayon malalaman kong wala na pala siya.” Nag-init ang dalawang sulok ng mata ko dahil sa sinabi niya at damang-dama ko ang katotohanan at sakit na nararamdaman niya. Nagulat pa ako ng abutan niya ako ng tissue at yumuko ako bilang pasasalamat. “Saan ka ngayon nakatira?” Maya'y tanong niya. “Sa tiya ko po pansamantala dahil wala po akong matutuluyan.” Sagot ko at napatango siya. “Naghahanap ka ngayon ng trabaho?” Muli niyang tanong. “Opo sana kahit ano lang po basta magka-trabaho ako, graduate naman po ako hindi ko lang nagamit dahil inalagaan ko si papa.” Natigilan siya ulit dahil sa sinabi ko at bahagyang napapaisip. “I will help, kung gusto ng bahay maaari kitang bigyan at–” “Hindi na po!” Mabilis kong sagot. “A-ayoko po ng ganun, gusto ko pong pahirapan ang lahat.” Sabi ko at natigilan siya pero sa huli ay napangiti. “Tatay mo talaga si Simon, kahit noon ayaw niyang tumanggap. Hindi dahil sa ma-pride siya, dahil para sa kanya ang pagtulong niya ay walang kapalit.” Muli akong parang naiiyak dahil sa sinabi niya. “I’m sorry again.” “Hindi po ayos lang kasi yan rin po ang naririnig ko sa kanya.” Natatawang sabi ko na naiiyak. “Kung yan ang desisyon mo sa trabaho bibigyan kita, bukas na bukas papasok ka sa akin bilang secretary ko.” Hindi ako nakasagot dahil parang nag-loading pa ang utak ko sa sinabi niya, teka secretary raw? “Secretary niyo po at bukas magsisimula na ako?” Hindi makapaniwala kong pagkakasabi at tumango siya. “Oo kaya maaga ka bukas para maturuan ka, huwag kang mag-alalaa madali lang sa una lang mahihirapan ka.” “Talaga po? Salamat po talaga.” Masayanh sabi ko at dumating na ang order na pagkain. Nanlaki ang mata ko dahil ang daming pagkain. “Ang dami po nito para akong nasa handaan.” Natataw kong turan. “It's okay, sige lang kumain ka. Yung mga matitira dalhin mo na para may pasalubong ka sa tiyahin mo.” Natigilan ako dahil sa sinabi niyang tiyahin kung alam lang niya, pero wala pa akong magagawa dahil hindi pa ako makakaalis kailangan ko pa mag-tiis doon. Matapos namin kumain at sobrang dami kong dala na pagkain, gusto niya pa akong ihatid pero nagpumilit ako na huwag na. “Salamat po pala sa lahat aagahan ko po bukas.” Yukong sabi ko. “Sigurado ka bang ayaw mo magpahatid?” Tanong niya ulit. “Opo kaya ko na, siya nga po pala ano'ng pangalan niyo? Kasi hindi ko na tanda yung kuwento ni papa.” Napapangiti kong tanong. “Veyron Caelmont.” Pagkasabi niya no’n ngumiti ako at nagpaalam na ako dahil anong oras na rin, habang nasa jeep ako at nag-iisip dahil excited ako bukas. Veyron Caelmont? Caelmont? Natigilan ako sa naisip ko dahil yun ang pangalan ng kompaniya, hindi kaya? Pero imposible naman baka kamag-anak niya lang. Inalis ko na yun sa isip ko hanggang sa makauwi ako. Pagdating ko sa bahay ang tahimik at parehong napaupo si Tiya Nora na parang ang lalim ng iniisip dahil hindi niya ako napansin. Si Vanessa na napatingin sa akin. “Oh, nandito ka na pala. Ano naman yang dala mo?” Tanong niya at doon napalingon si Tiya sa akin. “Akala ko hindi ka na uuwi ano ba yang dala mo?” Tanong niya rin. “Mga pagkain po.” Sagot ko at agad siyang napangiti at tumayo. “Talaga? Nagugutom na ako teka anong mga pagkain ‘yan? Parang mukhang mamasarap at mamahalin.” “Binigay lang po sa akin ‘yan.” Sagot ko ng kunin niya ang mga supot na magaganda ang print. “Binigay sa’yo? Sino naman? Mukhang mamahalin ang mga pagkain na ‘to,” “Kaibigan po ni papa aksidente ko lang nakita.” Walang emosyon kong kuwento. “Vanessa, halika rito ang sasarap ng pagkain. Bakit mayaman ba kaibigan ng papa mo?” Maya'y tanong niya. “Hindi ko po alam, pero may work na po ako bukas.” Sabi ko at agad na napalingon si Tiya sa akin at tuwang-tuwa. “Talaga? Kung ganun congrats, sige na matulog ka na para makapagpahinga ka ng maayos.” Natigilan ako sa sinabi niya at pilit na tinataboy niya ako habang busy silang mag-ina kumain. Umkyat na ako sa silid ko dahil pagod na rin ako ay at gusto ko nalang matuloy na.ALESSIA Umaga excited akong gumising at bumaba ako para maligo pero nagulat ako dahil may naamoy ako na ginigisa. “Gising ka na pala Alessia, ito nagluto na ako ng almusal mo. Sige maligo ka na, nagtitimpla ako ng kape mo.” Nagtataka man ako pero napangiti na lang ako at diretso na sa banyo, matapos maligo nagkape muna ako at kumain ng konti at umakyat na ako sa itaas para suotin ang isusuot ko.Kulay gray na palda na hapit sa balakang ko, hindi naman maikli bago dumating sa tuhod. Tapos off shoulder na white v-type, pinatungan ko ng blazer na black at four inches na sandals. Inayos ko lang ang pagkakatali ng lagpas balikat kong buhok, relo at shoulder ba nasa loob na lahat ng mga gagamitin ko.Pagbaba ko naabutan ko si Vanessa gising na may nakasabit na towel sa balikat niya habang nagse-cellphone.“Aalis ka na?” Ngiting tanong ni Tiya.“Opo Tiya kailangan kasi maaga ako.” Sagot ko at napalingon sa akin si Vanessa.Nakita ko na titig na titig siya sa akin simpleng nginitian ko la
VANESSA “Tingnan mo ‘yung mga lagayan ang gaganda mukhang mamahalin ang mga pagkain.” Tiningnan ko ‘yung pangalan na nasa plastic at nag-search ako sa google, nanlaki ang mata ko dahil kilalang restaurant yon na madalas na kinakainan ng mga mayayaman.Bawat isang order ay halos ilang libo ang presyo.“Bakit ayaw mo pang kumain? Ang sasarap nga panay ka cellphone.” “Ma, tingnan mo ‘to.” Pakita ko sa cellphone. “Ano ‘yan?” Hindi maunawaan ni mama.“Ma, diyan galing ang pagkain na ‘yan at isa pa lahat ng mga kumakain diyan kung hindi sikat na artista ay mga bilyonaryo.” Natigilan si mama sa pagsubo dahil sa sinabi ko.“Ibig mong sabihin ‘yung kaibigan ng papa Alessia na sinasabi niya na nagbigay nito bilyonaryo?” Tumango ako at biglang napangiti si mama dahil sa sinabi ko.“Kung ganun baka tulungan siya no’n dahil wala ng papa niya at malay mo bigyan siya ng pera.”“Mukha ka talagang pera.” Sabi ko na natatawa at tumawa rin siya.“Parang ikaw hindi?” “Kanino pa ba magmamana?” Taas
ALESSIA Mugto ang mata ko kahit nakaligo na ako, handa na ako para mag-apply. Simpleng puting long sleeve at palda ang suot ko at black shoes na may mababa takong. Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko si Tiya nagkakape mukhang aalis ulit ito, napatingin siya sa akin.“Pagkatapos mo mag-apply umuwi ka agad dahil walang kasama si Vanessa dito.” “Opo tiya.” Sagot ko at naglakad na ako palabas ng pinto.Paglabas ko pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag, sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan. Madali ko lang nalaman na dito dahil kahapon na umalis ako, habang nakaupo ako nakita ko ang latay ng damit sa braso ko.Sabi ni papa hangga't kayang umiwas, iwasan ko at huwag pumatol ngunit kung argabyado ka na patulan na. Pero kagabi mas pinili kong hayaan na lang dahil wala pa akong mapupuntahan, pero oras na magka-trabaho ako at makapag-ipon ng pera para makalipat aalis ako.___Mahaba-haba ang oras ko na nilaan ko sa pag-aapply, dinamihan ko ang print ng resume ko para magpapasa ako sa laha
ALESSIA Yung maagang plano ko ay hindi nangyari dahil hindi ako pinaalis ng Tiya ko hangga't wala pa si Vanessa, simula kahapon hindi pa siya umuuwi.“Tiya wala na pong bigas nakabili na po ba kayo?” Tanong ko habang nagsusuklay siya at mukhang aalis na naman.“Alessia, bumili ka muna bawasan mo yang pera mo ang dami kong bayarin. Ilaw, tubig at internet. Simula nagpunta ako sa inyo natigil ang hanap buhay kong manicure, kaya ikaw na bumili ang marami ka pa namang pera.” Muli hindi na ako sumagot at binit-bit na niya ang panglinis niya ng kuko, napabuntong hininga ako. Alas otso na ng umaga wala pa rin si Vanessa, lumabas ako dala ang perang pambili ng bigas sa katabi na tindahan.“Pabili po,” tawag ko at agad namang dumating ang tindera.“Ay ano ‘yon?” Tanong niya.“Bigas po mga limang kilo na.” Ngiting sagot ko at bahagya siyang natigilan pero sa huli ay ngumiti.“Mukhang malaki ang panalo ng tiya mo aa, may pambili ng bigas.” Napatingin ako sa tindera dahil hindi ko masiyadong n
ALESSIATapos ka na bang magayos ng mga damit mo at dadalhin?” Napalingon ako kay tiya Nora, kapatid siya ni papa. Kasalukuyang nagiimpake ako ng mga damit dahil sasama na ako kay Tiya sa Manila, dahil parehong wala na si papa at mama.“Okay na po ako, hindi ko na po dadalhin yung iba ipapamigay ko nalang sa mga kaibigan ko rito.” Tipid ang ngiting sagot ko.“Sige, hintayin nalang kita sa labas para makabiyah na tayo agad mahaba-haba pa ang biyahe natin. Isa pa hinahanap na ako ng pinsan mo.”Tukoy niya kay Vanessa, tumango ako at iniwan niya na ako. Nandito ako sa maliit kong kuwarto, napansin ko ang picture namin ni papa kuha yun bago siya dapuan ng sakit. Napangiti ako at naiiyak na pinasok ko yun sa bag ko.Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko, binenta ko na ang bahay na ‘to para may panggastos ako pagdating sa Manila dahil mag-aapply ako doon, si Tiya ang nag-suggest na doon muna ako pansamantala sa kanila habang wala pa akong trabaho.Sakay na kami ng tricycle ng Tiya ako at ha







