Share

chapter 4

Author: Adev_Stories
last update publish date: 2026-10-07 12:39:27

VANESSA 

“Tingnan mo ‘yung mga lagayan ang gaganda mukhang mamahalin ang mga pagkain.” 

Tiningnan ko ‘yung pangalan na nasa plastic at nag-search ako sa g****e, nanlaki ang mata ko dahil kilalang restaurant yon na madalas na kinakainan ng mga mayayaman.

Bawat isang order ay halos ilang libo ang presyo.

“Bakit ayaw mo pang kumain? Ang sasarap nga panay ka cellphone.” 

“Ma, tingnan mo ‘to.” Pakita ko sa cellphone. 

“Ano ‘yan?” Hindi maunawaan ni mama.

“Ma, diyan galing ang pagkain na ‘yan at isa pa lahat ng mga kumakain diyan kung hindi sikat na artista ay mga bilyonaryo.” 

Natigilan si mama sa pagsubo dahil sa sinabi ko.

“Ibig mong sabihin ‘yung kaibigan ng papa Alessia na sinasabi niya na nagbigay nito bilyonaryo?” 

Tumango ako at biglang napangiti si mama dahil sa sinabi ko.

“Kung ganun baka tulungan siya no’n dahil wala ng papa niya at malay mo bigyan siya ng pera.”

“Mukha ka talagang pera.” Sabi ko na natatawa at tumawa rin siya.

“Parang ikaw hindi?” 

“Kanino pa ba magmamana?” Taas kilay kong sabi at pareho kaming tumawa.

“Ngayon lang tayo makakatikim ng ganito ang sasarap at abot pa ‘to bukas ang dami.” 

“Lalaki kaya yung kaibigan ng papa niya? Kasi kung lalaki…” napapangiti kong sabi at nilingon ako ni mama.

“Type mo na naman? Kung lalaki yun malamang may pamilya na ‘yon.” Sagot ni mama.

“Ee, ano? Sa ganda kong ‘to malamang hindi niya ako mahihindian, ginastusan ko ang mukha ko at katawan dahil naghihintay ako ng lalaki na mag-aahon sa atin sa hirap ma. Feeling ko ito na ‘yon, kahit may asawa na siya aagawin ko siya lalo na kung totoo ang hinala ko na bilyonaryo siya.” 

Mahabang litanya ko at napapailing na lang si mama sa akin, ganito ako kapag gusto ko nakukuha ko. Marami naman na akong naka-relasyon at mapepera naman may iba matanda na, tinitiis ko lang para sa pera. 

Matapos naming kumain ni mama konti lang naman kinain ko dahil ayokong tumaba gusto ko sexy ako lagi. Nagmamadlai akong umakyat sa taas at kinatok si Alessia.

“Alessia tulog ka na ba? May itatanong lang ako.” 

Bumukas naman ang p***o at matamis na ngumiti ako sabay pasok sa loob at naupo ako sa higaan na walang kama.

“Bakit Vanessa?” Tanong niya.

“Wala naman, gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko sa’yo.” Sabi ko at kinuha ko ang kamay niya pinisil.

“O-okay na hayaan na natin ‘yon.” Sagot niya.

“Okay, anyway congrats pala. Anong work mo? At saan mo nakita yung kaibigan ni Tito?” Tanong ko at excited akong marinig ang sagot niya.

“Yun ba? Aa… secretary niya ako.” Alangan pa niyang sagot.

“Secretary ka niya? Nino?” Paninigurado kong tanong.

“Yung kaibigan ni papa, kinuha niya akong secretary niya.” 

“Talaga? Bakit ano ba posisyon niya doon?” Tanong ko ulit at ngayon palang tuwang-tuwa na ako.

“Hindi ko pa alam.” Sagot niya lang.

“Okay, kuwento mo sa akin bukas kapag nalaman mo at baka naman puwede mong sabihin sa kaibigan ng papa mo ipasok niya rin ako ng trabaho.” Hawak ko sa kamay niya pinalambing ko ang boses ko.

“S-sige, Vanessa.” 

Napangiti ako at niyakap ko siya bigla sabay taas kilay, syempre nagpapanggap lang ako pero ayoko talaga sa kanya ewan pero parang ang init ng dugo ko sa kanya.

“Sige na matulog ka na.” Paalam ko na.

Lumabas ako na nakangiti hanggang sa loob ng kuwarto parang may magandang kapalaran na naghihintay sa akin.

____

VEYRON 

Tahimik na umiinom ako ng alak rito sa may terrace habang nasa isip ang kaibigan kong si Simon. Hindi ko lubos maisip na talagang hindi ko na pala siya makikita dahil wala na siya.

Kaibigan, patawarin mo ako hindi man lang tayo ulit nagkita. Kung nasaan ka man ngayon alam kong masaya ka na, huwag kang mag-alala narito ako para sa anak mo. Hindi ko siya pababayaan.

Napalingon ako bigla ng may malakas na bumukas ang p***o at naglakad ako papasok sa loob. Si Davina ang asawa ko mukhang lasing na naman.

“Veyron, bakit hindi mo pinipirmahan yung kontrata na binigay ko sa’yo? 

Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya at ang namumungay niyang mata, hindi na rin maayos ang kanyang paglalakad.

“Davina, hindi ba sinabi ko na sa’yo pag-iisipan ko pa? Hindi ko maaaring pirmahan lang ang isang proposal na hindi ko pinag-aaralan muna.” 

Tumawa siya dahil sa sagot ko, tawang mapang-asar.

“Really? Kapag ako ang may proposal kailangang pag-isapan mo muna? Wala na nga akong silbi mas lalo mo pang pinaparamdam na wala akong kuwenta!” 

Hindi ako sumagot dahil ganito naman siya palagi at kapag sumagot ako tiyak na hahaba lang. Siya lang ang nag-iisip na wala siyang kuwenta, siya ang lumayo sa akin at inalayo niya ang sarili niya sa akin. 

Tanggap ko naman na wala siyang kakayahang mag-anak ngunit hindi niya matanggap at naunawaan ko naman ngunit kahit paulit-ulit kong pinapaliwanag na ayos lang wala. Hanggang sa malaya na kami sa isa’t isa, hinihintay ko nalang na siya na ang kusang humiwalay sa akin.

“Ganyan ka talaga, lagi kang tahimik. Kaya mas masarap pa sa labas dahil doon malaya ako, nagagawa ko ang gusto ko.” 

“Davina, mabuti pa matulog ka na.” Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

“Yes, Mr. Caelmont. Goodnight and sweet dreams.” Sabay malakas niyang sinarado ang p***o.

Napapikit nalang ako dahil sa inasal niya at hindi ko na alam kung kailan ko pa kakayanin. Napatingin ako sa drawer naroon ang divorce paper na pinagawa ko pero hindi ko pa magawang ibigay sa kanya.

Tatlong taon na kaming kasal ni Davina, isang taon namin nalaman namin na hindi siya maaaring magkaanak. Doon nagsimula ang lahat, sinamahan ko siya sa lahat ng sakit at pinabayaan ko siya.

Akala ko kapag nailabas niya na lahat ng sakit sa pagsama-sama niya sa mha kaibigan niya ay magiging okay na kami. Ngunit mas lumala lalo na ang pag-iinom niya gabi-gabi at ilang beses kong nalaman na may ibang lalaki siyang nakakatalik. 

Hanggan ang mga ginawa niya ay balewala na lang sa akin, naghihintay na lang ako ng tamang panahon. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 5

    ALESSIA Umaga excited akong gumising at bumaba ako para maligo pero nagulat ako dahil may naamoy ako na ginigisa. “Gising ka na pala Alessia, ito nagluto na ako ng almusal mo. Sige maligo ka na, nagtitimpla ako ng kape mo.” Nagtataka man ako pero napangiti na lang ako at diretso na sa banyo, matapos maligo nagkape muna ako at kumain ng konti at umakyat na ako sa itaas para suotin ang isusuot ko.Kulay gray na palda na hapit sa balakang ko, hindi naman maikli bago dumating sa tuhod. Tapos off shoulder na white v-type, pinatungan ko ng blazer na black at four inches na sandals. Inayos ko lang ang pagkakatali ng lagpas balikat kong buhok, relo at shoulder ba nasa loob na lahat ng mga gagamitin ko.Pagbaba ko naabutan ko si Vanessa gising na may nakasabit na towel sa balikat niya habang nagse-cellphone.“Aalis ka na?” Ngiting tanong ni Tiya.“Opo Tiya kailangan kasi maaga ako.” Sagot ko at napalingon sa akin si Vanessa.Nakita ko na titig na titig siya sa akin simpleng nginitian ko la

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 4

    VANESSA “Tingnan mo ‘yung mga lagayan ang gaganda mukhang mamahalin ang mga pagkain.” Tiningnan ko ‘yung pangalan na nasa plastic at nag-search ako sa google, nanlaki ang mata ko dahil kilalang restaurant yon na madalas na kinakainan ng mga mayayaman.Bawat isang order ay halos ilang libo ang presyo.“Bakit ayaw mo pang kumain? Ang sasarap nga panay ka cellphone.” “Ma, tingnan mo ‘to.” Pakita ko sa cellphone. “Ano ‘yan?” Hindi maunawaan ni mama.“Ma, diyan galing ang pagkain na ‘yan at isa pa lahat ng mga kumakain diyan kung hindi sikat na artista ay mga bilyonaryo.” Natigilan si mama sa pagsubo dahil sa sinabi ko.“Ibig mong sabihin ‘yung kaibigan ng papa Alessia na sinasabi niya na nagbigay nito bilyonaryo?” Tumango ako at biglang napangiti si mama dahil sa sinabi ko.“Kung ganun baka tulungan siya no’n dahil wala ng papa niya at malay mo bigyan siya ng pera.”“Mukha ka talagang pera.” Sabi ko na natatawa at tumawa rin siya.“Parang ikaw hindi?” “Kanino pa ba magmamana?” Taas

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 3

    ALESSIA Mugto ang mata ko kahit nakaligo na ako, handa na ako para mag-apply. Simpleng puting long sleeve at palda ang suot ko at black shoes na may mababa takong. Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko si Tiya nagkakape mukhang aalis ulit ito, napatingin siya sa akin.“Pagkatapos mo mag-apply umuwi ka agad dahil walang kasama si Vanessa dito.” “Opo tiya.” Sagot ko at naglakad na ako palabas ng pinto.Paglabas ko pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag, sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan. Madali ko lang nalaman na dito dahil kahapon na umalis ako, habang nakaupo ako nakita ko ang latay ng damit sa braso ko.Sabi ni papa hangga't kayang umiwas, iwasan ko at huwag pumatol ngunit kung argabyado ka na patulan na. Pero kagabi mas pinili kong hayaan na lang dahil wala pa akong mapupuntahan, pero oras na magka-trabaho ako at makapag-ipon ng pera para makalipat aalis ako.___Mahaba-haba ang oras ko na nilaan ko sa pag-aapply, dinamihan ko ang print ng resume ko para magpapasa ako sa laha

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 2

    ALESSIA Yung maagang plano ko ay hindi nangyari dahil hindi ako pinaalis ng Tiya ko hangga't wala pa si Vanessa, simula kahapon hindi pa siya umuuwi.“Tiya wala na pong bigas nakabili na po ba kayo?” Tanong ko habang nagsusuklay siya at mukhang aalis na naman.“Alessia, bumili ka muna bawasan mo yang pera mo ang dami kong bayarin. Ilaw, tubig at internet. Simula nagpunta ako sa inyo natigil ang hanap buhay kong manicure, kaya ikaw na bumili ang marami ka pa namang pera.” Muli hindi na ako sumagot at binit-bit na niya ang panglinis niya ng kuko, napabuntong hininga ako. Alas otso na ng umaga wala pa rin si Vanessa, lumabas ako dala ang perang pambili ng bigas sa katabi na tindahan.“Pabili po,” tawag ko at agad namang dumating ang tindera.“Ay ano ‘yon?” Tanong niya.“Bigas po mga limang kilo na.” Ngiting sagot ko at bahagya siyang natigilan pero sa huli ay ngumiti.“Mukhang malaki ang panalo ng tiya mo aa, may pambili ng bigas.” Napatingin ako sa tindera dahil hindi ko masiyadong n

  • My Dad's Friend Is A CEO    chapter 1

    ALESSIATapos ka na bang magayos ng mga damit mo at dadalhin?” Napalingon ako kay tiya Nora, kapatid siya ni papa. Kasalukuyang nagiimpake ako ng mga damit dahil sasama na ako kay Tiya sa Manila, dahil parehong wala na si papa at mama.“Okay na po ako, hindi ko na po dadalhin yung iba ipapamigay ko nalang sa mga kaibigan ko rito.” Tipid ang ngiting sagot ko.“Sige, hintayin nalang kita sa labas para makabiyah na tayo agad mahaba-haba pa ang biyahe natin. Isa pa hinahanap na ako ng pinsan mo.”Tukoy niya kay Vanessa, tumango ako at iniwan niya na ako. Nandito ako sa maliit kong kuwarto, napansin ko ang picture namin ni papa kuha yun bago siya dapuan ng sakit. Napangiti ako at naiiyak na pinasok ko yun sa bag ko.Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko, binenta ko na ang bahay na ‘to para may panggastos ako pagdating sa Manila dahil mag-aapply ako doon, si Tiya ang nag-suggest na doon muna ako pansamantala sa kanila habang wala pa akong trabaho.Sakay na kami ng tricycle ng Tiya ako at ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status