Muling kumatok galing sa labas. Natigilan si Elena, saka mabilis na lumingon kay Adrian “Papa... baka siya nga,” mahina ngunit nanginginig na bulong ni Elena. Nagdilim ang mukha ni Adrian. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa gilid ng sofa. “Baka nga siya,” malamig na sagot nito, may bahid ng pagdududa. parin “Pero hindi ibig sabihin na bubuksan natin agad ang pinto. Bakit? Dahil hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit siya biglang sumusulpot dito sa ganitong oras.” Hindi na napigilan ni Elena ang sarili. Humakbang siya palapit sa pinto, tila hila-hila ng dugo na nananalaytay sa kanya. “Papa, ikaw ba talaga ‘yan?!” sigaw niya habang nakahawak sa door knob.“Oo, anak... si Papa ito. Buksan mo na ang pinto, pakiusap!” sagot ng matanda mula sa labas, basag ang tinig at tila naghahabol ng hininga. Agad na humakbang si Adrian at hinawakan ang braso ni Elena para pigilan ito. “Sandali lang, Elena. “Adrian, ama ko siya!” giit ni Elena, namumula na ang mga mata sa halo-halong takot at awa. “Al
Huling Na-update : 2026-10-11 Magbasa pa