"Alam kong may malalim kang itinatago sa akin, Papa," diretsahang bungad ni Marco, habang nakakuyom ang mga palad sa loob ng bulsa ng kaniyang jacket. "At pakiusap naman, ayoko nang makarinig ng mga kung ano-anong palusot ngayon. Gusto ko lang malaman ang buong katotohanan." Napabuntong-hininga nang malalim si Manuel. Bakas sa kaniyang mukha ang bigat ng nakaraan. "anak. Ang mga bagay na gusto mong malaman... hindi ganoon kadaling bigkasin ng bibig ko. Lalo na't ang katotohanang iyan ay matagal ko nang ibinaon sa limot." "Kung ganoon, bakit hindi mo pa sinabi sa akin nuon pa?" Unti-unting humihigpit ang hawak ni Marco sa kaniyang bag. "Dahil natakot ako, Marco." Napailing si Marco at sarkastikong napangiti. "Natakot? Saan, Papa? Sa pagkawala ng posisyon at trabaho mo? Sa banta ng mga taong makapangyarihan sa lipunan? Habang ang ibang tao, tulad ni Elena, ay naghihirap at nagdurusa dahil sa mga maruruming lihim na iyan?!" Hindi agad nakaimik si Manuel. Yumuko siya, tila kinakain
Last Updated : 2026-10-31 Read more