“Claire?”Hindi makapaniwalang sambit ni Elena habang nakatitig sa bintana. Parang huminto ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang isang itim na sasakyang mabilis na lumalayo sa kanilang paningin. Hindi ako pwedeng magkamali, sa tindig nito, kilala niya kung sino iyon.Agad na lumapit si Adrian sa bintana, halos maapakan na ang dulo ng kurtina sa pagmamadali, ngunit huli na ang lahat. Nawala na ang sasakyan na sa liko ng kalsada.“Sigurado ka bang siya iyon?” seryosong tanong ni Adrian. Humarap siya kay Elena, mababakas ang matinding pag-aalala sa kaniyang mga mata.“Oo. Nakita ko nang malinaw ang mukha niya, Adrian. Si Claire ’yun,” nanginginig ang boses na sagot ng dalaga.Napakunot ang noo ni Adrian. Napahawak siya sa kaniyang baba, tila pilit na nag-iisip. “Bakit kaya siya narito?“Hindi ko alam. Pero kung wala siyang itinatago sa atin, bakit niya tayo sinusubaybayan? Bakit kailangan niyang magtago sa dilim?” Sunod-sunod na tanong ni Elena. Pakiramdam niya ay unti-unti na
Huling Na-update : 2026-10-22 Magbasa pa