Hindi na nag-aksaya ng oras sina Elena at Adrian. Pagkatapos ng natanggap na tawag mula kay Marco, nagmamadali silang lumabas ng ospital upang bumalik sa kanilang penthouse. Halos takbuhin nila ang kahabaan ng hallway, dala ang matinding kaba sa kung ano ang madadatnan nila doon.Habang nasa biyahe, hindi mapakali si Elena sa tabi ng drayber. Panay ang laro niya sa kaniyang mga daliri, isang senyales na lumilipad ang kaniyang isip sa kung anu-anong senaryo.“Adrian, sa tingin mo ba kasabwat ni Claire ang ama ni Marco?” basag ni Elena sa katahimikan ng sasakyan, bakas ang pangamba sa kaniyang boses.“Hindi ko pa alam, Elena,” seryosong sagot ni Adrian habang nakatitig ang mga mata sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela.“Paano kung oo? Paano kung pinagkakaisahan na naman nila ako?”“Malalaman natin ang lahat ng sagot kapag nakausap natin sila.”Napabuntong-hininga nang malalim si Elena at isinandal ang kaniyang ulo sa backrest ng upuan. Pagod na pagod na ang kaniyang puso at isipan
Huling Na-update : 2026-10-16 Magbasa pa