Binging-bingi ang katahimikan sa buong sala nang gabing iyon. Sa gitna ng mesang babasagin, nakalapag ang kopya ng lumang resolusyong nahalungkat nina Adrian, Elena, Marco, at Isabella sa archive. Nakapako lang ang mga mata ni Adrian sa pirma at pangalan ng kaniyang yumaong ama, tila sinusubukang basahin ang mga sikretong nakatago sa bawat letra nito. "Kung talagang desidido si Dad na paimbestigahan ang mga kaduda-dudang transaksiyon na 'to, bakit biglang na-shelve ang resolusyon?" seryosong tanong ni Adrian, bakas sa boses ang pagtataka at inis. "Baka may pumigil sa kaniya," mahinang sagot ni Isabella, sabay buntong-hininga. "Pero kung sino man 'yon, hindi ko na alam." "Teka, Ma'am Isabella," singit ni Marco habang inaayos ang salamin niya. "Nabanggit n'yo kanina na may isang taong sobrang pinagkatiwalaan si Sir sa loob ng kumpanya. Baka siya ang makakasagot kung bakit hindi natuloy ang imbestigasyon." Tumango-tango ang matanda. "Kilala ko ang kapatid ko. Hindi 'yon basta-basta na
Última atualização : 2026-11-25 Ler mais