Napatingin kami ni Lucian sa pintuan ng sitting room. Hindi gumagalaw ang aninong nakita namin kanina, pero malinaw kong narinig ang mahinang kalansing ng susi. May taong nasa labas. At kung hindi kami nagkakamali, sinusubukan nitong buksan ang pinto.Agad na tumayo si Lucian. “Stay behind me,” bulong niya.Hindi ako sumunod agad. “Lucian, what if someone from the staff lang iyon?”“Then there's no reason for them to sneak around.”May punto siya. Pero hindi ko maiwasang kabahan. Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nang makatanggap ako ng mensaheng nagsasabing alam nila kung nasaan kami. Ngayon, may taong nasa labas ng silid namin. Dahan-dahang lumapit si Lucian sa pinto. Sumunod ako sa kanya, kahit ilang beses niya akong sinenyasan na manatili sa likod.“Serena,” bulong niya, hindi inaalis ang tingin sa doorknob. “Please.” Huminto ako. Hindi dahil natakot ako sa tono niya, kundi dahil narinig ko ang pag-aalala sa boses niya.“I'm not leaving you alone,” sagot ko. Saglit siyang na
Last Updated : 2026-10-21 Read more