Nagising akong may ngiti sa labi at init sa pisngi.Hindi dahil sa sikat ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga kurtina, kundi dahil sa alaala ng halik ni Dustin kagabi. Napahawak ako sa aking labi habang nakatitig sa kisame.Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang paraan ng paghawak niya sa aking mukha at ang titig niyang para bang ako lamang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo. “Diyos ko, Maria,” bulong ko sa sarili. “Ano na bang nangyayari sa iyo?” Noong una, malinaw sa akin ang pakay ko sa Monteclaire Ranch. Pumayag ako sa kasal na may kontrata upang matulungan ang aking mga lolo’t lola. Wala akong balak na umibig, lalo na sa isang lalaking tulad ni Dustin—mayaman, makapangyarihan, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Pero bakit sa tuwing naaalala ko ang halik niya, pakiramdam ko ay may kung anong bagay sa puso kong ayaw nang bumalik sa dati? Habang naghahanda ako, napansin ko ang isang puting sobre sa ibabaw ng mesa. Nakalagay ang pangalan k
Huling Na-update : 2026-10-09 Magbasa pa