Inicio / Romance / SA LIKOD NG MGA BAKOD NG MONTECLAIRE RANCH / ANG KASINUNGALINGANG SUMIRA SA KANILA

Compartir

ANG KASINUNGALINGANG SUMIRA SA KANILA

Autor: Darmz
last update Fecha de publicación: 2026-10-09 17:21:00

Nagising akong may ngiti sa labi at init sa pisngi.

Hindi dahil sa sikat ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga kurtina, kundi dahil sa alaala ng halik ni Dustin kagabi.

Napahawak ako sa aking labi habang nakatitig sa kisame.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang paraan ng paghawak niya sa aking mukha at ang titig niyang para bang ako lamang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo.

“Diyos ko, Maria,” bulong ko sa sarili. “Ano na bang nangyayari sa iyo?”

Noong una, malinaw sa akin ang pakay ko sa Monteclaire Ranch. Pumayag ako sa kasal na may kontrata upang matulungan ang aking mga lolo’t lola. Wala akong balak na umibig, lalo na sa isang lalaking tulad ni Dustin—mayaman, makapangyarihan, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya.

Pero bakit sa tuwing naaalala ko ang halik niya, pakiramdam ko ay may kung anong bagay sa puso kong ayaw nang bumalik sa dati?

Habang naghahanda ako, napansin ko ang isang puting sobre sa ibabaw ng mesa. Nakalagay ang pangalan ko sa harap nito.

Para kay Maria.

Agad kong nakilala ang sulat-kamay ni Dustin. Nanginginig nang bahagya ang mga daliri ko habang binubuksan ang sobre.

Maria,

May kailangan akong asikasuhin sa ibang bansa. Mahalagang transaksiyon ito, at maaaring umabot ng isang buwan ang pananatili ko roon.

Huwag kang mag-alala. Mag-ingat ka palagi. Tatawagan kita kapag may pagkakataon ako.

—Dustin

Isang buwan.

Paulit-ulit kong binasa ang mga salitang iyon.

Dapat ay matuwa ako.

Isang buwan akong hindi malilito sa mga titig niya o sa mga halik na unti-unting nagpapalimot sa akin sa aming kasunduan.

Pero sa halip na gumaan ang pakiramdam ko, biglang may lungkot na bumalot sa dibdib ko.

“Isang buwan lang naman,” bulong ko. “Kakayanin ko.”

Maingat kong itinupi ang liham at itinago sa aking drawer. Hindi ko alam na sa mga susunod na araw, iyon ang paulit-ulit kong babasahin sa tuwing mamimiss ko ang lalaking hindi ko dapat mahalin.

Lumipas ang isang linggo.

Sa bawat umaga, nakasanayan kong mapatingin sa pintuan ng silid-kainan, umaasang bigla siyang papasok. Sa gabi naman, hinahanap ko ang mga yabag niyang dati kong naririnig sa pasilyo.

Ngunit wala si Dustin.

Minsan ay nagpapadala siya ng mensahe.

Have you eaten?

How was your day?

Take care of yourself.

Simpleng mga tanong lamang, pero sapat na iyon upang mapangiti ako na para bang nakatanggap ako ng pinakamahalagang regalo.

Isang hapon, nahuli ako ni Isabela na nakangiti sa cellphone.

“Kuya Dustin?” tanong niya.

Agad kong itinago ang telepono. “Hindi!”

Napatawa siya.

“Mukha kang nahuling may ginagawang kalokohan.”

“Isabela!”

“Relax. Wala namang masama kung nami-miss mo ang asawa mo.”

Natahimik ako sa salitang asawa.

Oo, asawa ko siya sa papel. Ngunit natatakot akong aminin na unti-unti na siyang nagiging higit pa roon sa puso ko.

Paano kung sa pagbabalik niya ay malaman kong para sa kaniya, kontrata lamang talaga ang lahat?

Sa ikalawang linggo, nagsimulang tumawag si Dustin sa mansiyon nang mas madalas.

Hinahanap niya ako, ngunit kadalasan ay si Victoria ang sumasagot.

“Nasaan si Maria?” tanong niya isang gabi.

Nakaupo si Victoria sa sala, hawak ang kaniyang tasa ng tsaa.

Bahagya siyang ngumiti bago sumagot.

“Nasa labas yata, Dustin. May lakad.”

“Anong lakad? Nasaan siya pumunta?”

“Hindi ko na tinanong. Madalas na rin siyang umaalis nitong mga nakaraang araw.”

Saglit na natahimik si Dustin.

“Kapag bumalik siya, tell her to call me.”

“Okay.son”

Ngunit nang ibaba ni Victoria ang telepono, hindi niya ipinatawag ang sinuman. Sa halip, ngumiti siya nang palihim.

Sa sumunod na tawag, mas matindi ang kaniyang kasinungalingan.

“Dustin, ayokong makialam sa personal ninyong buhay.”

Panimula niya.

"Pero may mga pagkakataong nakikita kong umaalis si Maria kasama ang isang lalaki.”

Nanigas ang panga ni Dustin.

“Anong lalaki?”

“Si Leo, yata ang pangalan. Kababata raw niya.”

“Leo?” 

“Oo. Ilang beses ko na silang nakitang magkasama. Baka ayaw lang sabihin ni Maria sa iyo dahil alam niyang abala ka.”

Hindi agad nakasagot si Dustin.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.

Wala naman siyang karapatang magselos, lalo na't kasunduan lamang ang kanilang kasal.

Pero ang isipin na may ibang lalaking kasama si Maria ay sapat upang sumikip ang kaniyang dibdib.

Ang hindi alam ni Dustin, wala si Maria sa piling ni Leo.

Umuwi ako sa bahay, kasama ang aking mga lolo’t lola.

Ilang araw matapos umalis si Dustin, nagpasya akong bumisita sa kanila.

Matagal ko na silang nami-miss, at gusto kong makasama sila kahit sandali bago ako bumalik sa mansiyon.

Paminsan-minsan ay dumadalaw si Leo upang maghatid ng mga pinamili.

Kababata ko siya, at alam niyang mahalaga sa akin ang aking mga lolo’t lola.

Ngunit wala kaming lihim na pagkikita gaya ng ipinapalagay ni Victoria.

Isang hapon, habang nakaupo ako sa may bintana at pinagmamasdan ang alon, napansin ni Lola Elena ang lungkot sa aking mukha.

“Bakit parang malayo ang iniisip mo, apo?”

Umiling ako. “Wala po, Lola.”

“Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin.”

Napayuko ako. Hinawakan ko ang cellphone ko at binuksan ang huling mensahe ni Dustin.

“Miss ko na po siya,” mahina kong pag-amin.

Ngumiti si Lola. “Kung ganoon, tawagan mo.”

“Baka abala po siya. Marami siyang kailangang asikasuhin.”

“Ang pag-aalala sa taong mahal mo ay hindi kahinaan, Maria.”

Mahal?

Napapikit ako.

Hindi ko alam kung handa na akong aminin ang salitang iyon, kahit sa sarili ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad ko itong dinampot, umaasang si Dustin iyon.

Ngunit mensahe ni Isabela ang bumungad sa screen.

Maria, tumawag na naman si Kuya.

Hinahanap ka niya.

Sabi ni Victoria, umalis ka raw kasama si Leo.

Napakunot ang noo ko.

“Ano?”

Muli kong binasa ang mensahe.

Bakit ganoon ang sinasabi ni Victoria?

Bakit hindi niya sinasabi kay Dustin na umuwi lamang ako upang dalawin ang aking pamilya?

Agad kong tinawagan si Dustin, ngunit hindi siya sumagot.

Gustong maniwala ni Dustin kay Maria.

Ngunit ang paulit-ulit na mga salita ni Victoria ay unti-unting naghasik ng pagdududa sa kaniyang puso.

Samantala, sa mansiyon, tahimik na ngumiti si Victoria habang iniisip ang susunod niyang gagawin.

Hindi niya hahayaang bumalik si Maria sa buhay ni Dustin.

Dahil bago matapos ang isang buwang pagkawala ni Dustin, sisiguraduhin niyang ang unang maririnig nito tungkol sa kaniyang asawa ay isang kasinungalingang maaaring tuluyang sisira sa kanilang buhay.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • SA LIKOD NG MGA BAKOD NG MONTECLAIRE RANCH   ANG AMANG HINDI KO HINANAP

    Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi dahil sapat na ang tulog ko, kundi dahil hindi ako mapakali sa dami ng kailangang gawin. Kailangan kong makahanap ng trabaho, kumita ng sarili kong pera, at matutong mabuhay nang wala ang mga taong dati kong inaasahang sasalo sa akin.Pagkatapos kong maghanda, nagpaalam ako kay Aling Belen, ang matandang babaeng kumupkop sa akin sa kaniyang paupahang bahay.“Anak, mag-ingat ka sa paghahanap ng trabaho. Huwag kang basta magtitiwala sa kung sino-sino,” paalala niya habang inaabot sa akin ang baon kong tinapay.“Opo, Aling Belen. Maraming salamat po.”“May itatanong-tanong ako sa mga kakilala ko. Baka may nangangailangan ng katulong o tagalaba. Hindi naman kalakihan ang sahod, pero kahit paano, makakapagsimula ka.”Napangiti ako nang bahagya.“Kahit ano po, basta marangal na trabaho. Handa po akong magsikap.”Hinapl

  • SA LIKOD NG MGA BAKOD NG MONTECLAIRE RANCH   ANG LUNGSOD NG MGA LIHIM

    Pagbaba ko sa bus, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at ingay ng mga sasakyang nag-uunahan sa kalsada. Iba ang lugar na ito sa bayang kinalakihan ko. Mas maraming tao, mas matataas ang mga gusali, at tila walang sinumang may panahon upang pansinin ang isang babaeng may dalang maliit na maleta at pusong punong-puno ng sugat.Huminga ako nang malalim.Ito na ang bagong simula ko.Dito ko sisimulang buuin ang sarili kong matagal nang winasak ng mga taong pinagkatiwalaan ko.Dito ko iiwan ang pangalang Maria Mendez, kasama ang mga alaala ng aking lolo at lola at ang pagmamahal na nauwi lamang sa matinding sakit.Mula ngayon, Dahlia na ako.Inilabas ko sa bag ang maliit na papel na ibinigay ni Padre Miguel bago ako umalis. Nakasulat doon ang address ng isang paupahang bahay at pangalan ng matandang babaeng maaari kong matuluyan habang naghahanap ng trabaho.Ayon sa pari, matagal na niyang kaki

  • SA LIKOD NG MGA BAKOD NG MONTECLAIRE RANCH   ANG PANGALAN NG BAGONG SIMULA

    Hawak ko ang maliit kong maleta habang nakatayo sa tabi ng bus na magdadala sa akin palayo sa bayang kinalakihan ko. Sa paligid ko, abala ang mga tao sa paghahanda sa kanilang paglalakbay. May mga nag-uusap, may mga nagmamadaling sumakay, at may mga pamilyang masayang nagpapaalam sa kanilang mga mahal sa buhay.Samantalang ako, tahimik na nakatayo habang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata.Ito ang bayang naging saksi sa aking pagkabata. Dito ako natutong tumawa, mangarap, magmahal, at bumangon sa tuwing nadadapa.Sa bawat sulok nito ay may alaala ng aking lolo at lola. Ang maliit na tindahan sa kanto kung saan kami bumibili ng tinapay, ang daang tinatahak namin tuwing Linggo papunta sa simbahan, at ang dalampasigang naging kanlungan ko sa tuwing mabigat ang aking pakiramdam.Ngayon, kailangan ko nang iwan ang lahat.Wala na ang tahanang maaari kong balikan. Wala na ang mga bisig na handang yumakap sa akin kapag pagod na akong lumaban. Ang mga taong pinakamam

  • SA LIKOD NG MGA BAKOD NG MONTECLAIRE RANCH   TULUYAN NANG NAGLAHO

    Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa malamig na sahig ng selda.Namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak, at halos wala nang natitirang lakas sa katawan ko.Paulit-ulit kong binabasa ang sulat na iniwan sa akin, ang sulat na nagsasabing gusto na ni Dustin na wakasan ang aming kasal.Hindi ko matanggap.Paano niya nagawang husgahan ako nang hindi man lamang ako pinakikinggan? Paano niya nagawang talikuran ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin?Ngunit higit sa sakit na dulot ni Dustin, may kung anong kaba ang hindi maipaliwanag na gumagapang sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. Parang may kung anong bagay na nakabitin sa hangin, naghihintay lamang na tuluyan akong durugin.“Lolo… Lola…” bulong ko habang yakap ang sarili. “Hindi ko na po kaya.”Wala akong ideya kung paano ko patutunayang wala akong kasal

  • SA LIKOD NG MGA BAKOD NG MONTECLAIRE RANCH   ANG PAGWASAK NG MUNDO KO

    Malamig ang sahig ng presinto, ngunit mas malamig ang pakiramdam ng aking puso. Nakaupo ako sa isang sulok ng maliit na selda, yakap-yakap ang aking mga tuhod habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha.Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari.Ilang oras pa lamang ang nakalilipas, nasa marangyang mansiyon ako, pinagtitinginan ng mga bisita na para bang isa akong kriminal.Ngayon, nakakulong ako sa isang lugar na hindi ko kailanman inakalang mararanasan ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na isa lamang itong bangungot.Na maya-maya ay bubukas ang p***o, papasok si Dustin, at yayakapin ako habang sinasabing alam niyang wala akong kasalanan. Ngunit walang dumating. “Dustin…” mahina kong tawag, habang hinahaplos ang larawang mahigpit kong hawak.“Nasaan ka na?Tanging katahimikan ang sumagot sa akin. Napayuko ako at muling humagulgol.Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang pagbibintang sa akin bilang magnanakaw o ang katotohanang wala si Dustin sa oras na kailangan ko siya.

  • SA LIKOD NG MGA BAKOD NG MONTECLAIRE RANCH   NANG MAGLAHO ANG LAHAT

    Maingat kong inayos ang laylayan ng suot kong bestida habang nakatayo sa harap ng salamin.Kulay champagne ang damit na pinili ni Isabela para sa hapunang gaganapin sa Monteclaire Mansion.Simple lamang iyon kumpara sa mga mamahaling kasuotang madalas kong makita sa mga bisita ni Dustin, ngunit para sa akin, sapat na iyon upang maipakita kong marunong din akong magdala ng sarili. Hindi pa rin bumabalik si Dustin mula sa ibang bansa.Ilang linggo na ang lumipas, at kahit may mga pagkakataong nakatatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya, hindi pa rin napapawi ang pangungulila ko. Hinawakan ko ang maliit na larawan niya sa ibabaw ng mesa. “Kung nandito ka lang sana,” bulong ko. Ngumiti ako nang bahagya bago ibalik ang larawan sa kinatatayuan nito.Ayokong masira ang gabing ito dahil lamang sa lungkot.Bilang asawa ni Dustin, kahit kasal lamang sa kontrata ang amin, kailangan kong matutong humarap sa mga taong bahagi ng mundo niya. Huminga ako nang malalim at lumabas ng silid. Mula sa

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status