Share

Chapter 40

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-10-31 22:12:01

Kinabukasan, maagang gumising si Natalie. Mahimbing parin ang tulog ni Nigel kaya ingat na ingat siyang hindi ito magising. Pagkatapos niyang malagyan ng unan ang buong paligid ng kinahihigaan nito ay saka lang siya lumabas ng silid at nagtungo sa kusina.

Nagtimpla muna siya ng gatas bago niya sinimulang ihanda ang lulutuin niyang tuna porridge para kay Nigel. Naisipan niya ring magluto ng iba pang ulam para agahan niya. Nasa kalagitnaan siya ng paghahanda ng mga rekados na gagamitin niya nang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ailah Simborio Rufino
At sana lang din tapusin mo na yung stories mo d2 sa GN story of NICCOLO & AUTUMN AND ALSO STORY OF BIANCA
goodnovel comment avatar
Ailah Simborio Rufino
At sana lang sa panahon na yan c Nyle naman ang maghahabol kay Natalie at sa panahon na iyon malaman na ni Natalie ang totoong katauhan niya at malaman ang totoong mga magulang niya,thx Ms G
goodnovel comment avatar
Ailah Simborio Rufino
Thank you Ms G for this update sana lang dumating ang araw na c Natalie naman ang magiging mas matapang kasi sobrang insulto ang natanggap niya kay Nyle at sana malaman niya ang totoong nangyari kay Natalie para mas lalong gaganda ang story nato masyado na kasing nakakasakit sa damdamin
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 58

    Nanatili paring tahimik si Nyle. Humugot siya ng malalim na paghinga para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. "Ikaw man ang gagastos sa pagpapagamot ni Nigel at sa iba pang mga kakailanganin niya pero hindi na ako papayag ulit na paghiwalayin mo kaming dalawa. Babantayan ko ang anak ko sa paraan na alam kong makakabuti sa kanya at hindi mo na ako mapipigilan pa sa kagustuhan ko," matatag niyang wika.Ilang beses na napalunok si Nyle bago ito nagsalita. "I'm... I'm sorry," anito sa mabigat na boses.Imbes na gumaan ang pakiramdam niya dahil humingi ng tawad ang lalaki pero tila mas lalo lang na umusbong ang galit na nararamdaman niya para sa lalaki."Sorry?" Sarkastiko siyang natawa. "Kung talagang seryoso ka sa paghingi mo ng tawad sana sa susunod matutunan mo rin kung paano magpakaama kay Nigel, Nyle. Hindi nasusukat ang pagiging magulang sa pamamagitan lang ng sorry, pagbili ng laruan o sa pagluluto ng pancake."Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napating

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 57

    Pagdating nila sa ospital, patakbong nagtungo sa loob si Natalie at hindi na inabala pang hintayin si Nyle. Sinalubong naman siya ng ilang mga nurses sa entrance at may dalang stretcher. At dahil doon din naman pinagamot ni Nyle si Nigel noong nakaraan, kilala na sila ng medical team."Miss Aurelio—""Please help my son. Hinimatay siya at mukhang nahulog sa kama. Please... Please save my son," natatarantang wika ni Natalie."Calm down, Miss Aurelio. Kami na po ang bahala kay baby, Nigel," kausap ng nurse sa kanya.Ipinasok si Nigel sa loob ng emergency room habang naiwan naman si Natalie sa labas. Ilang sandali pa'y dumating narin si Nyle sa kanyang tabi. Panay ang lakad niya sa maliit na espasyo sa harap ng pintuan habang hindi maalis ang paningin sa orasan.Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas mula nang dalhin sa loob si Nigel. Ang alam lamang niya ay wala pa ring lumalabas na doktor upang sabihin kung ano ang nangyayari sa kanyang anak.Nakaupo naman si Nyle sa bench h

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 56

    Agad siyang tumayo at idinikit ang kanyang tenga sa pader na nakapagitan sa kanyang silid at kay Nigel subalit wala na siyang narinig pa kahit kaunting kaluskos."Nigel?" Tawag niya sa bata."Nigel answer Mama if you are okay.""Nigel!""Nigel, naririnig mo ba si Mama? Please... Please sumagot ka anak. Sabihin mo sa'kin na okay kalang," puno ng pagsusumamo niyang wika pero nanatiling tahimik ang kabilang silid.Mas lalo pang lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Kahit na dumaan na sa unang gamutan si Nigel at medyo nagkaroon ng improvement ang pangangatawan nito, hindi maipagkakaila na hindi pa ito tuluyang gumaling."Nigel!" Tawag niyang muli.Nang hindi talaga sumagot si Nigel ay nagtungo na siya sa may pinto at sinubukang buksan muli ang pintuan pero wala paring nangyari kaya naman sinimulan na niyang pukpukin ang pinto."Nyle! Nyle buksan mo ang pinto!" Buong lakas niyang sigaw habang wala parin siyang tigil sa pagpukpok.Wala siyang pakialam kahit na sumakit pa ang kanyang kamay

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 55

    Unti-unting kumulimlim ang kanyang titig kay Natalie. Why the hell is she sleeping here outside gayong may sarili naman itong silid? Is she... Is she waiting for him?Or?Umangat ang sulok ng kanyang labi saka dahan-dahan na lumapit kay Natalie. Naupo siya sa bakanteng espasyo ng upuan malapit sa bewang nito. And because her waist is still small, he fitted on the space without a sweat.Umangat ang kanyang kamay at marahan na dumapo sa pisngi ni Natalie saka marahan na inalis ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa parteng iyon. His hand then crawled towards her slightly parted lips. Marahan niyang hinaplos ang malambot nitong labi bago dahan-dahan na bumaba ang kanyang mukha.Subalit bago paman niya mahalikan ang babae, tumama sa kanyang pisngi ang isang malakas na sampal. At dahil hindi niya inaasahan ang ginawa niti, nahulog siya sa upuan at bumagsak sa sahig.Hawak ni Natalie ang kanyang dibdib kasabay ng marahas niyang pagbangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Nang lingunin niya ang

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 54

    "Hindi ba uuwi si Giant Friend ngayong gabi, Mama?" Tanong ni Nigel nang kasalukuyan na silang nakahiga sa kama.Napasulyap siya dito bago marahan na umiling. "Hindi ko alam, anak. Namimiss mo na ba si Giant Friend?" Masuyo niyang tanong pabalik."Hindi po."Ngumuso siya para pigilan ang ngiti na nais kumawala sa kanyang labi. "Talaga?"Sunod-sunod naman ang naging pagtango ni Nigel. "Opo.""Kung ganun, bakit palagi kang nagtatanong tungkol sa kanya?" Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Pinaglalaruan muna ni Nigel ang mga daliri nito sa kamay bago ito muling nagsalita."Dati Mama tayo lang palagi tapos nandito na si Giant Friend pero ngayon wala na siya ulit."Napatango-tango siya. Hindi man maayos ang pagkakasabi ni Nigel sa mga katagang binitawan nito, mabilis lang niyang nakuha kung ano ang nais ipakahulugan ng bata.Nag-eenjoy na ito sa presensya ni Nyle..."Wag kang mag-alala, babalik din si Giant Friend. Busy kasi siya dahil marami siyang work," pang-a

  • The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)   Chapter 53

    Hapon na nang makatanggap ng tawag si Natalie mula kay Nyle. Nakaramdam pa siya ng pag-aatubili kung sasagutin ba niya iyon o hindi. Subalit kalaunan, napagpasyahan niyang pindutin ang answer button para alamin kung ano ang nais sabihin ng lalaki"Bakit ang tagal mong sumagot?" Pagalit nitong sambit sa kabilang linya.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga habang ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Nigel na kasalukuyang naglalaro sa bakuran."May ginagawa ako," tipid niyang sagot."Tell me what it is?"Muli siyang bumuntong hininga. "Kailangan ko ba talagang sabihin sayo ang eksaktong detalye kung ano ang ginagawa ko?" Naiinis niyang bigkas."Why not? Who knows what you're doing behind my back.""Ewan ko sayo, Nyle. Kung wala ka naman palang importanteng sasabihin at tumawag kalang para mang-inis, ibababa ko na to.""Don't you dare hang up on me! Sa tingin mo talaga tatawag ako sa'yo para lang sa walang kwentang bagay? Do you think I'm that petty?"Hindi niya maiwasan n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status