"Anak, kailangan mo ng kumain. Iinom ka pa ng gamot. Kung gusto mo, tatabihan nalang natin si Giant Friend at ipapakain natin sa kanya mamaya kapag dumating na siya," masuyong wika ni Natalie nang mapansin na halos isang oras na silang naghihintay kay Nyle subalit hindi parin ito dumadating."Sige po, Mama," matamlay nitong sagot.Nalulungkot man, pinilit niya parin ang sarili na maging masigla. "Halika na. Sasabayan ka ni Mama."Tumango ito at kumain na gaya ng nais niya pero hindi parin maitatago sa ekspresyon nito ang lungkot dahilan para manikip ang kanyang dibdib. Seeing her son upset was the last thing she wants."Pupunta po tayo ng rest house?" Gulat na tanong ni Janus.Kararating lang nila sa mansion ng kanyang boss. Ni hindi pa nga sila nakakababa ng sasakyan nang sabihin iyon ni Gov Nyle."Yes. May problema ka ba doon?" Masungit nitong asik.Mabilis siyang umiling. "Syempre Gov, wala!""Then turn the car around," maawtoridad na utos ni Nyle.Hindi na nag-aksaya pa ng panahon
Last Updated : 2026-11-16 Read more