Mabilis pa sa alas kwarto na naitulak ni Natalie si Nyle. At dahil nagulat ang lalaki sa boses ni Nigel, agad din itong umatras palayo sa kanya.Pupungas-pungas namang naglakad papunta sa harapan nila ni Nigel. Yakap-yakap pa nito ang hugis ulap na stuff toy habang kunot noong nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa."Ano po ang gawa ninyo, Mama, Giant Friend?" Inosente nitong tanong.Nagkatinginan naman sila ni Nyle. At mukhang gaya niya, nakahinga din ng maluwag ang lalaki nang mapagtanto na hindi pala sila nakita ni Nigel na naghahalikan. Siguro nga ay dahil inaantok pa ito...Tumikhim siya at inayos ang tuwalya na halos mahubad na kanina. "Uhm, nag-uusap lang kami ni Giant Friend, anak," masuyo niyang bigkas."Right! Kararating ko lang, Nigel," segunda naman ni Nyle.Nag-iwas nalang siya ng tingin. Ayaw man niyang magsinungaling kay Nigel pero alam niyang kailangan niya iyong gawin kundi sasama na naman ang loob nito.Mula sa kanya, napatingin si Nigel kay Nyle nang magsal
Last Updated : 2026-11-18 Read more