Part 1: Ang Makulit na PresidenteNang sumara ang pinto ng engrandeng family library ng mga Kwon, tila ba naiwan sa labas ang lahat ng pormalidad, ang takot sa senador, at ang mabigat na presensya ng kanilang mga pamilya. Sa loob ng silid na pinaliligiran ng naglalakihang bookshelves, hindi na napigilan ni Jia ang kaniyang sarili.Mabilis niyang hinarap si Yuna at muli itong pinupog ng malalambing na halik sa mukha, sa pisngi, at sa mga labi."I miss you so much, baby," untag ni Jia sa pagitan ng kanilang mga halik, mahigpit na isinusiksik ang kaniyang katawan sa dibdib ng sining.Nakahawak si Yuna sa baywang ni Jia habang si Jia naman ay nakakawit ang dalawang braso sa kaniyang leeg, ayaw bumitaw na parang isang bata. Natawa nang bahagya si Yuna sa inaasal ng kaniyang nobya. Napailing siya habang pinapapapak ang kaniyang mga labi."Saglit pa lang tayong naghihiwalay, Jia," nakangiting saad ni Yuna, ang kaniyang boses ay puno ng lambing habang tinititigan ang mukha ng dalaga."So what
Terakhir Diperbarui : 2026-10-15 Baca selengkapnya