Part 1: Pag-uwi sa Sariling TahananMatapos i-discharge si Yuna mula sa ospital, diretso silang dinala ng kanilang driver pabalik sa kanilang sariling modernong mansyon—ang gintong hawla na ngayon ay opisyal nang naging simbolo ng kanilang bagong simula. Pagkababa pa lang ng sasakyan, sobrang alalay na alalay na si Jia kay Yuna. Nakahawak ang kaniyang isang kamay sa siko ng asawa, habang ang kabilang braso naman ay nakapulupot sa baywang nito, na para bang balewala na ang tindi ng bagyong pinagdaanan nila kahapon.Tila bumalik lang ulit sila sa dati na sobrang sweet sa isa't isa. Ang platinum wedding rings sa kanilang mga daliri ay muling nagtatama habang dahan-dahan silang naglalakad pumasok sa malawak na sala."Baby, kaya ko naman maglakad mag-isa," pabulong na biro ni Yuna, medyo nahihiya sa tindi ng pag-aalaga ng kaniyang asawa."Manahimik ka nga, Valderama. Just let me hold you," pormal ngunit may halong lambing na saway ni Jia, mas lalo pang isiniksik ang kaniyang katawan sa pin
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-16 Mehr lesen