Part 1: Ang Pila sa CounterMaingay at buhay na buhay ang university cafeteria ngayong tanghali. Sa dulo ng silid, okupado ng tropa nina Yuna ang pinakamalaking mesa. Masaya ang kwentuhan ng lahat, nagtatawanan sina Ken at Mark habang nagkukuwento tungkol sa mga epic fails nila sa huling pagpipinta. Sa tabi nila, nakikitawa rin si Jia, na tila ba hinding-hindi mo iisipin na siya ang kinatatakutang Student Council President kapag nasa labas ng campus duties."Guys, ako na ang oorder sa counter," nakangiting anunsyo ni Jia habang tumatayo mula sa kaniyang upuan.Akmang tatayo rin si Yuna para samahan siya sa mahabang pila, ngunit mabilis siyang pinigilan ng presidente. Inilapat ni Jia ang kaniyang kamay sa balikat ng nobya at banayad itong itinulak pabalik sa upuan."Huwag na, baby. Stay here. Antayin mo na lang ako sa table natin kasama ng mga kaibigan mo," malambing na bilin ni Jia, bago binigyan si Yuna ng isang mabilis na kindat at naglakad patungo sa counter.Napailing na lang si Y
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-15 Mehr lesen