7 pm. Forbes Park. Hindi makahinga si Jana sa kaba suot ang pale pink dress na pinabili ni Jinu. Simple, sleeveless, hanggang tuhod, pero elegante. Size small, pero parang sinukat talaga para sa kanya. Yung buhok niya, kinulot-kulot na pinagawa pa ng stylist na pinatawag ni Jinu kaninang 3pm sa penthouse mismo. Yung sapatos, 3-inches ang heels — first time niya magsuot ng ganun kamahal. Sa box pa lang, 45,000 pesos na. Sa salamin ng elevator ng penthouse, tinitigan niya sarili niya. Napangiti siya. Hindi na siya si Jana Santos na taga-Valle Verde na laging naka-ponytail at naka-uniform na white polo as EA. Ibang tao ang nasa salamin. Mukhang mayaman. Napakaganda. Mukhang Mrs. Kale Alcantara na. Pero sa loob, nanginginig siya. "Nahihirapan ka maglakad," bulong ni Jinu nang makababa sila ng kotse at hawak ang bewang niya. Naka-black tuxedo si Jinu, walang bowtie, nakabukas ang unang butones ng puting polo. Amoy na amoy niya ang pabango nito — yung pabango na naamoy niya kagabi sa pe
Last Updated : 2026-10-16 Read more