Contract Marriage with my Hot CEO

Contract Marriage with my Hot CEO

last updateLast Updated : 2026-11-05
By:  KimjUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
20views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Thirteen pa lang si Jana nang pumanaw ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente. Dahil palugi na ang mga negosyo ng ama niya, ibinenta ang lahat ng ito. Ang tanging naiwan para sa kanya ay ang bahay nila sa Valle Verde — ang bahay na puno ng masasayang alaala ng kanilang pamilya — kasama ang malaking utang na iniwan ng mga magulang niya. Makalipas ang sampung taon, nagtatrabaho na si Jana sa isang malaking kompanya. Mayroon siyang pangarap na gustong makamit: ang makapag-aral ng Fashion Design sa Milan. Ngunit kailangan niya ang malaking halaga para matupad ang pangarap at para mabayaran ang utang sa bangko upang maisalba ang bahay ng mga magulang niya. May solusyon sa problema niya si Jinu Kale Alcantara, ang hot pero masungit na CEO ng Kale Corporation at boss niya. Kailangan ni Jinu ng asawa sa loob ng isang taon upang makuha niya ang mana niya. Inalok siya ni Jinu ng contract marriage kapalit ng sampung milyong piso. No feelings involved. Pumirma si Jana sa kontrata. Hindi napigilan ni Jana ang sariling umibig kay Jinu. Inakala niyang may pag-asa na nang may nangyari sa kanila at naramdaman niyang mahal din siya nito. Ngunit biglang bumalik ang ex-girlfriend ni Jinu at muling naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Upang hindi na masaktan pa, nagdesisyon si Jana na lumayo. Nag-aral siya sa Milan. After 5 years, bumalik si Jana sa Pilipinas at nagtayo ng sariling luxury brand sa tulong ng bilyonaryong kaibigan na si Jake at naging kakompetensya ng brand ng ex-girlfriend ni Jinu. Sinuyo siya ni Jinu at pilit na pinabalik dahil hindi pa annulled ang kasal nila ngunit nagmatigas siya. Sa huli, hindi na nakayanan ni Jana na labanan ang puso niya at nagkabalikan sila. Nagpakasal sila at naging masaya kasama ang mga anak nila.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Ang gwapo naman ni Sir Jinu, besh."

"Sobra. Parang main lead sa mga Chinese at K-drama. Kung ako yung EA niya, araw-araw ako magpapaganda! Ewan ko diyan sa EA niyang mukhang nerd. "

"Mismo, beshy! Ang kinis pa. Artistahin talaga. Haaay...ang swerte naman ng EA at secretary niya, palaging kasama si Sir. Lalo na ang magiging asawa niya! Sana ako na lang, Lord."

Napapailing si Jana habang naglalakad papuntang office ng boss niya. Nagpapantasya na naman ang mga officemates niya sa pantry. Hindi niya alam bakit ang daming admirers nito kahit napaka-cold ng aura.

Sampung taon na ang nakalipas nang parehong pumanaw ang mga magulang niya dahil sa car accident sa SLEX. Isang gabi lang, nawala lahat. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang bahay nila.

Nakatira siya sa bahay ng pamilya nila sa Valle Verde, Pasig. Maganda ang bahay. Two-storey, may malaking garden sa harap, may garahe na kasya ang dalawang kotse, at may malaking sala. Noon, ito ang pinakamagandang bahay sa subdivision. Bahay na pinaghirapan ng mama at papa niya.

She came from a well-off family. May kaya sila. May boutique ang mama niya sa Greenhills at Makati, at may hardware at construction supply ang papa niya. Laki si Jana sa ginhawa. May yaya, may driver, may sariling kwarto na pink at may walk-in closet ng mga damit na dinisenyo mismo ng mama niya.

Pero dahil 13 years old lang siya nang mawala ang mga magulang niya, unti-unting nawala ang lahat. Ang tita niya na kumuha sa kanya noon ang nagbenta ng lahat ng negosyo dahil palugi na ito bago pa mawala ang parents niya. Maraming malalaking kompanya ang nagsitayuan na mahirap kumpetensyahin.

"Para may pangtustos ka, Jana," sabi nito. Pagdating niya ng 18, ang natira na lang ay ang bahay. Ang magandang bahay na iyon. Yun na lang ang alaala ng parents niya.

At ang bahay na iyon, muntik na ring mawala.

Hindi niya alam na bago mamatay ang parents niya, umutang ang papa niya ng P5 Million para sa bagong branch ng boutique ng mama niya sa BGC. Naka-collateral ang bahay sa bangko. At may naiwan pang P800,000 na utang sa mga supplier ng tela na hindi nabayaran.

Ngayon, 23 years old na siya, Executive Assistant sa Kale Corporation sa BGC. Halos kalahati ng sahod niya napupunta sa interest ng utang. May demand letter siya kada buwan. At ang pinakamabigat — may notice na ang bangko.

"FINAL NOTICE: Failure to settle mortgage arrears of Php 1.2M within 6 months will result in foreclosure of property at Valle Verde."

Ayaw niyang mawala ang bahay. Ayaw na ayaw niya. Dahil sa bahay na iyon, andun lahat ng alaala. Sa garden, dun siya tinuruan mag-bike ng papa niya. Sa sala, dun siya tinuruan mag-drawing ng mama niya. Sa kusina, dun sila nagluluto ng mama niya ng carbonara tuwing Linggo. Sa kwarto niya, andun pa din yung wall na may sulat ng mama niya: "My little designer, Jana."

Kapag nawala ang bahay, mawawala ang kaisa-isang mahalagang bagay na puno ng alaala ng mga magulang niya.

May pangarap din siyang hindi binibitawan — ang makapunta ng Milan, Italy. Nung bata siya, she looked up to her mother as a gifted artist. Magaling mag-design ng mga damit ang mama niya. "Balang araw anak, ikaw gagawa ng damit na yan. Dadalhin mo pangalan natin sa Milan," sabi ng mama niya. Yun ang pangako niya. She wanted her mother's legacy to live on. Gusto niyang ibalik ang boutique.

Kaya nag-apply siya sa Milan Fashion Agency. Natanggap siya sa scholarship slot. Pero kailangan pa din ng Php 350,000 placement f*e.

Imposible. May utang sa bahay, may utang sa supplier, may placement f*e pa.

She sighed habang kumakatok sa office ng boss niya dala ang mga papeles. Pinunasan niya ang luha niya.

Ang boss niya ay si Jinu Kale Alcantara. 29 years old, CEO, 6'1, gwapo parang K-drama oppa, maputi, matangos ang ilong, pero suplado at kinakatakutan ng lahat. Walang nakakatagal na EA sa kanya ng higit 3 buwan. Si Jana, 5 months na.

"Jana! Nasaan na yung report ng tatlong branch? Kanina ko pa hinihintay!" sigaw ni Jinu pagpasok niya.

"Po Sir, nandito na po... sorry po na-late ng 10 minutes—" nanginginig na sagot ni Jana.

"Bakit ka nanginginig? Kakainin ba kita?" malamig na sabi ni Jinu, matatalim ang mata.

Hindi makatingin si Jana. Hindi lang dahil sa takot, pero dahil nahihiya siya sa gwapo nito.

"Ayoko sa mabagal, Jana. Kung hindi mo kaya, sabihin mo para palitan na kita," dagdag pa nito.

"Opo, Sir," mahinang sabi ni Jana at lumabas.

Pagdating ng tanghali, nag-CR si Jana at doon umiyak. "Lord, hanggang kailan ako ganito? Pagod na ako sa lalaking iyon. Parang pinaglihi sa santol. Ang sungit buti na lang ang gwapo. At least balance." Pilit niya pinapakalma ang sarili to regain her composure.

Pag-uwi niya ng 6 pm, pagbukas niya ng malaking gate ng bahay nila, tinitigan niya ang bahay. Maganda pa din. Kahit may konting lumot na sa pader, maganda pa din. Yung garden, kahit hindi na naaalagaan masyado, may mga rosas pa din.

Sa p***o, may dalawang sobre. Una: Bank foreclosure notice. Pangalawa: "FINAL NOTICE: Jana Santos, your placement f*e of Php 350,000.00 is due in 1 month or slot will be given to other applicant - Milan Fashion Agency."

Napaluhod siya sa sahig ng sala. Sa ilalim ng chandelier na galing Italy. Tumingin siya sa paligid. Ayaw niyang mawala ito. Ayaw niyang mawala ang huling alaala ng magulang niya.

"Ma, Pa... anong gagawin ko?" umiiyak niyang bulong.

Tumawag siya sa agency. "Ma'am Jana, next batch ka na next year pag wala yung 350k. Maraming nag-aantay sa slot mo," sabi ng kausap niya.

Binaba niya ang phone. Umiyak siya lalo.

Tapos biglang nag-vibrate ang phone niya. From: Sir Jinu Kale.

"Jana, report to my office tomorrow 8am sharp. Important. Don't be late. And wear something presentable. Not your usual boring office attire."

Napakunot-noo si Jana. Presentable? Anong ibig sabihin nito? Bakit kaya he wants me to look good. Ano meron?

Wala naman siya schedule for a conference or meeting with clients.

Binuksan niya ang closet para maghanap ng susuotin. She can't decide what to wear dahil hindi naman niya alam ang event o okasyon. Basta, gusto niya maganda siya. Ayaw niya malait ng boss niya at baka di siya makapagtimpi at masisante siya nito. Hindi pa siya pwede mawalan ng trabaho.

Hindi alam ni Jana, kinabukasan ay magbabago na ang buhay niya.

---

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status