LOGIN7 pm. Forbes Park.
Hindi makahinga si Jana sa kaba suot ang pale pink dress na pinabili ni Jinu. Simple, sleeveless, hanggang tuhod, pero elegante. Size small, pero parang sinukat talaga para sa kanya. Yung buhok niya, kinulot-kulot na pinagawa pa ng stylist na pinatawag ni Jinu kaninang 3pm sa penthouse mismo. Yung sapatos, 3-inches ang heels — first time niya magsuot ng ganun kamahal. Sa box pa lang, 45,000 pesos na. Sa salamin ng elevator ng penthouse, tinitigan niya sarili niya. Napangiti siya. Hindi na siya si Jana Santos na taga-Valle Verde na laging naka-ponytail at naka-uniform na white polo as EA. Ibang tao ang nasa salamin. Mukhang mayaman. Napakaganda. Mukhang Mrs. Kale Alcantara na. Pero sa loob, nanginginig siya. "Nahihirapan ka maglakad," bulong ni Jinu nang makababa sila ng kotse at hawak ang bewang niya. Naka-black tuxedo si Jinu, walang bowtie, nakabukas ang unang butones ng puting polo. Amoy na amoy niya ang pabango nito — yung pabango na naamoy niya kagabi sa penthouse. He looked even more handsome. "First time ko po mag-heels ng ganito kataas," bulong ni Jana habang pilit naglalakad sa cobblestones ng garden ni Lola. Kahit nahihirapan, she regained her composure and moved with confidence. "Don't call me po. Mamaya, Jinu or love. Baka magduda sila. At wag kang kakabahan. Lola is strict pero mabait. So act naturally." "Paano mag-act na happy at natural kung kinakabahan ako?" "Just hold my hand and smile. Like last night nung hawak ko bewang mo. That's an order. Act. Huwag na huwag ka sumablay. I'm not paying you for nothing." Namula si Jana. Naalala niya ang Rule number 2 kagabi sa penthouse. Bumukas ang malaking gate ng mansyon. Isang lumang mansyon pero napakaganda. May mga fairy lights sa buong garden, may live violin quartet sa gilid, may long table na puno ng bulaklak. May mga 30 na bisita lang, pero lahat naka-gown at naka-tuxedo. Mga tunay na mayayaman ng Forbes Park. At sa gitna, nakaupo ang isang matandang babae na naka-red gown, puting-puti ang buhok na naka-pusod, pero ang tindig, parang aristocrat. Naka-pearl necklace at may hawak na tungkod na may gold handle. Si Lola Amara Alcantara. Ang Lola ni Jinu na nagpalaki sa kanya noong naghiwalay ang parents niya. "Jinu! Apo!" sigaw ni Lola pag nakita si Jinu. Tumayo ito kahit may tungkod at niyakap si Jinu nang mahigpit. "My favorite apo!" "Lola, happy birthday," bati ni Jinu at hinalikan pisngi ni Lola. "78 ka na pero mukha ka pa ring 60." "Bolero ka talaga! Mana ka sa Lolo mo!" Natatawang tinanggap nito ang regalo ng apo. Tapos tiningnan ni Lola si Jana. Mula ulo hanggang paa. Parang sinusukat ang pagkatao niya. "Ikaw na ba ang sinasabi ng apo ko na Jana? Yung EA na naging asawa?" Nanigas si Jana. "A-ako po, Lola. Ako po si Jana Santos— Alcantara po. Happy birthday po." Lumapit si Lola. Hinawakan ang dalawang kamay ni Jana habang nakatitig sa kanya. "Ang ganda mo pala sa personal. Nakita ko na ang picture mo. Pero mas maganda ka pala sa personal. Bakit ang slim mo? Kumakain ka ba? Pinapakain ka ba nitong apo ko?" "Of course naman grandma— " "Good. Good! So totoo na talaga? Kinasal na kayo? Walang sinabi sa akin? Jinu Kale Alcantara, you married without me knowing? Apo nga ba kita, " sermon ng lola niya. Biglang sumingit si Jinu at hinawakan ang kamay ni Jana. Interlaced fingers. Nagulat si Jana pero hindi na bumitaw. "Lola, sabi ko sayo private lang muna. Gusto ni Jana ng intimate wedding. Di ba, Love? Next is the grand wedding. Syempre hindi ako papayag na wala ka, " paliwanag ni Jinu. Napatingin si Jana kay Jinu. Love. Kaya niya ba sabihin yun? Bakit parang kinikiliti ang puso niya? "Ah— opo Lola. Gusto po— gusto namin simple lang. Ayaw ko po ng stress," sabi ni Jana at pinilit ngumiti habang hawak ni Jinu ang kamay niya. Ang init ng kamay ni Jinu, parang nakukuryente siya. Ganito pala ang feeling kapag ka-holding hands ang isang Jinu Kale Alcantara. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nagugustuhan niya. "Simple? Eh yung apo ko simpleng tao ba? Simula bata yan, magarbo na! Nung 7 years old yan, gusto niya buong Forbes Park ang birthday niya! Ngayon magpapakasal, gusto simple?" "Lola, 7 years lang old ako nun. Matanda na ako ngayon. Gusto ko tahimik lang," reklamo ni Jinu habang nakahawak pa rin kay Jana. "At ngayon 29 ka na at kinasal ka nang hindi ko alam! Saan kayo kinasal? Saan ang marriage certificate? Gusto ko makita!" Nagkatinginan ang dalawa. Hindi nila napag-usapan to. Sa papel lang kasi sila kasal, na-process lang ni Atty. Reyes kagabi. "Sa— sa Tagaytay po Lola. Kami lang dalawa, lawyer at pastor." mabilis na sagot ni Jana, naalala yung binulong ni Jinu kagabi na Tagaytay ang sabihin pag nagtanong si Lola. "Tagaytay? Bakit Tagaytay? At bakit hindi mo ako ininvite? Ako ang Lola! Ako ang nagpalaki sayo . Ako dapat ang unang may alam ng lahat! Ako ang nanay mo simula 6 years old ka Jinu!" "Lola, next time, magpapakasal ulit kami. Promise. Big celebration. " At tumingin si Jinu kay Jana na parang naghihintay na sumang-ayon. "Opo Lola, promise po. Magpa-party po kami. I-invite po namin lahat ng gusto niyo i-invite," sabi ni Jana. Hinila ni Lola si Jana papunta sa main table. "Halika, upo ka sa tabi ko. Jinu, kumuha ka ng pagkain para sa asawa mo! Payat na payat na oh! Hindi mo ba pinapakain?" Naiwan si Jinu na parang na-busted at napilitang kumuha ng pagkain. Sa dinner, katabi ni Jana si Lola. Sa harap niya, mga Tita at Tito ni Jinu na ang tingin sa kanya parang sinisiyasat kung gold digger ba siya.Nagising si Jana at may naramdaman siyang mabigat na bagay na nakadagan sa baywang niya. Dahan-dahan siyang dumilat. Medyo madilim pa sa labas. Si Jinu. Nakayakap sa kanya. Mahimbing na natutulog. Ang isang braso nito ay nasa baywang niya, ang mukha ay malapit na malapit sa balikat niya. "JINU?" halos pabulong na sabi ni Jana. Aalisin sana niya ang braso nito na nakayakap sa kanya pero hindi niya magawa. May kung anong damdamin ang pumipigil sa kanya. It felt so good. Ramdam niya ang init mula sa nakadikit na katawan ni Jinu at ang bango nito. ‘Ganito pala ang pakiramdam na may kayakap, lalo na kapag gwapo at mabango ang kayakap.’ Aniya sa sarili. Her eyes searched his face. He looked so handsome kahit tulog. She moved closer and hugged him back. Ang bango naman ng lalaking ito. Hindi siya nagsisisi na pumayag siya sa kasunduan nila. Kahit sa panaginip hindi niya inexpect makapiling sa pagtulog ang isang Jinu Kale na pantasya ng mga kababaihan sa kumpanya. She closed her eyes at hi
Unang gabi sa masters bedroom. Tinitigan ni Jana ang malaking kama sa kwarto ni Jinu. "Hindi ba talaga ako pwede lumipat sa ibang kuwarto kapag tulog na si Lola Amara?" tanong niya. Nasa likod niya si Jinu, nakakrus ang braso. "Hindi pwede. Mahirap na. Baka mabuko tayo ni Lola." Walang choice si Jana kundi ang sumunod sa mga utos ng boss niya. Ang lahat ng gamit niya ay nailipat na sa kwarto ni Jinu. Ngayon, magsasama na silang dalawa sa isang kwarto. Iisang kama. "Three nights lang ito, Jana. Tatlong araw lang tayo magtitiis," sabi ni Jinu habang tinititigan ang kama. "Alam ko. Pero kailangan ba nating matulog sa iisang kama? Pwede naman ako sa sahig." "No way. I know my grandma. What do you think she’d think kapag pumasok siya dito at makita niyang may nakalatag sa sahig?" Jinu said impatiently. Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon at tahimik na kumuha ng mga damit sa closet. Gusto niyang maligo. Dapat mabango siya dahil tatabi siya kay Jinu sa kama. Parang gusto niya rin
Kinabukasan, late na nagising si Jana. Day off nilang dalawa kaya hindi siya nataranta kahit 7:00 AM na. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nagsuot lang siya ng white shirt at white jogger. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok dahil basa pa. Itim na itim at in contrast ang kulay sa maputi at makinis niyang mukha. She applied a little face powder at lipt tent. She looked immaculate and fresh dahil nakatulog ng maayos at bagong ligo na. Nagluluto siya ng breakfast sa kusina nang pumasok si Jinu para kumuha ng tubig sa ref. Mukhang kakatapos lang nito mag-work out dahil sweaty at mukhang pagod. Naka suot lang ito ng tank top at shorts. May sarili itong gym sa bahay kaya fit na fit ang katawan. She looked at his physique at hindi niya napigilan ang humanga . He looked so sexy in his lean body and flat tummy, with the right muscles from his wide shoulders, biceps, to his strong thighs and long legs. His body is perfectly proportioned. Face card and body? He's a total package.
"So Jana, saan kayo nagkakilala ni Jinu?" tanong ng isang Tita na naka-diamonds at ang tingin parang X-ray. "Sa— sa office po. EA po ako ni— ni Jinu dati. Almost 1 year na po," sagot ni Jana. "EA? So boss mo siya tapos niligawan ka? Parang movie ah. Yung Fifty Shades?" sabi ng Tita na may halong pang-judge at ngumiti na parang nang-uuyam. Bago pa makasagot si Jana at lamunin ng kaba, dumating si Jinu na may dalang dalawang plate ng steak at truffle pasta. Inilagay niya sa harap ni Jana at ni Lola. He acted like a caring boyfriend. "Yes, Tita. Nililigawan ko siya for 6 months. Ayaw niya nga sa akin nung una kasi boss niya ako. Sabi niya unprofessional daw. Diba love? Sabi mo pa sa akin, 'Sir, bawal po office romance sa employee handbook'," sabi ni Jinu sabay lagay ng kamay sa likod ng upuan ni Jana, parang pag-aari siya. "Ah— opo," sabi ni Jana at napayuko. "6 months? Eh sabi mo sa akin Jinu sa phone, 1 year mo na siyang nililigawan! Ano ba talaga? 6 months o 1 year?" sing
7 pm. Forbes Park. Hindi makahinga si Jana sa kaba suot ang pale pink dress na pinabili ni Jinu. Simple, sleeveless, hanggang tuhod, pero elegante. Size small, pero parang sinukat talaga para sa kanya. Yung buhok niya, kinulot-kulot na pinagawa pa ng stylist na pinatawag ni Jinu kaninang 3pm sa penthouse mismo. Yung sapatos, 3-inches ang heels — first time niya magsuot ng ganun kamahal. Sa box pa lang, 45,000 pesos na. Sa salamin ng elevator ng penthouse, tinitigan niya sarili niya. Napangiti siya. Hindi na siya si Jana Santos na taga-Valle Verde na laging naka-ponytail at naka-uniform na white polo as EA. Ibang tao ang nasa salamin. Mukhang mayaman. Napakaganda. Mukhang Mrs. Kale Alcantara na. Pero sa loob, nanginginig siya. "Nahihirapan ka maglakad," bulong ni Jinu nang makababa sila ng kotse at hawak ang bewang niya. Naka-black tuxedo si Jinu, walang bowtie, nakabukas ang unang butones ng puting polo. Amoy na amoy niya ang pabango nito — yung pabango na naamoy niya kagabi sa pe
8 pm sharp, nasa harap si Jana ng Grand Hyatt Residences, BGC. Hindi siya makapaniwala. Ito yung pinakamahal na condo sa buong BGC. Dito nakatira mga bilyonaryo at artista. At dito siya titira ngayon? Kaya ba niya makisama at makasama sa isang bubong ang masungit na boss niya? Naka-simple white dress lang siya at may dalang isang maleta. Ayaw niya magdala ng maraming gamit dahil baka hindi nagtagal palayasin din siya ng boss niya o siya ang di makatagal sa ugali nito. Nag-text si Jinu ng lokasyon at instructions. Pumasok ka na. Lawyer is here. Kinakabahan siyang pumasok. Pagdating sa 52nd floor, bumukas ang elevator diretso sa loob ng penthouse. Walang hallway. Yung elevator, penthouse na agad. At bumungad sa kanya ang napakalaking bahay. Floor-to-ceiling windows. Tanaw ang buong Manila. May private pool sa balcony. May dalawang floor. At ang bango - amoy kay Jinu. Nandoon si Jinu, naka-black shirt at naka-slacks. Walang suit. Mas gwapo lalo ito pag naka-pambahay lang. He eve







