LOGIN"So Jana, saan kayo nagkakilala ni Jinu?" tanong ng isang Tita na naka-diamonds at ang tingin parang X-ray.
"Sa— sa office po. EA po ako ni— ni Jinu dati. Almost 1 year na po," sagot ni Jana. "EA? So boss mo siya tapos niligawan ka? Parang movie ah. Yung Fifty Shades?" sabi ng Tita na may halong pang-judge at ngumiti na parang nang-uuyam. Bago pa makasagot si Jana at lamunin ng kaba, dumating si Jinu na may dalang dalawang plate ng steak at truffle pasta. Inilagay niya sa harap ni Jana at ni Lola. He acted like a caring boyfriend. "Yes, Tita. Nililigawan ko siya for 6 months. Ayaw niya nga sa akin nung una kasi boss niya ako. Sabi niya unprofessional daw. Diba love? Sabi mo pa sa akin, 'Sir, bawal po office romance sa employee handbook'," sabi ni Jinu sabay lagay ng kamay sa likod ng upuan ni Jana, parang pag-aari siya. "Ah— opo," sabi ni Jana at napayuko. "6 months? Eh sabi mo sa akin Jinu sa phone, 1 year mo na siyang nililigawan! Ano ba talaga? 6 months o 1 year?" singit ni Lola na ang talas ng memorya kahit 78 na. Nag-panic si Jana. Hindi sila nagka-sync. Hindi nila na-practice to. "6 months po na intense ligaw, Lola. Pero 1 year ko na siyang gusto," mabilis na bawi ni Jinu na hindi man lang kumurap. At tumingin kay Jana nang diretso sa mata. "Matagal ko na siyang gusto. Nung una pa lang siyang nag-apply as EA, alam ko na. Yung resume niya, may picture ng isang textile design na pangarap niya dalhin sa Milan. Dun pa lang, alam ko iba siya." Namula si Jana. Kahit alam niyang acting lang lahat, parang totoo yung tingin ni Jinu. Parang totoo yung boses. At naalala niya, never niya sinabi kay Jinu ang tungkol sa Milan dream niya, pero alam ni Jinu. Paano nalaman? "Sus! Ang harot mo rin pala Jinu! Akala ko work lang alam mo! Akala ko pera lang at meeting! May puso pala ang apo ko!" tawa ni Lola at hinampas ng mahina si Jinu. Habang kumakain, biglang nahulog ang kutsara ni Jana sa sahig dahil sa kaba. Sabay silang yumuko ni Jinu para kunin. Nagkadikit ang noo nila sa ilalim ng lamesa. Nasa ilalim sila ng puting table cloth. "Aw!" sabi ni Jana. Tahimik silang dalawa sa ilalim. Magkalapit ang mukha. Isang dangkal lang. Her heart beat erratically. "Are you okay?" bulong ni Jinu, sobrang lapit na halos magkadikit na ilong nila. He was staring at her pero hindi niya mabasa ang emosyon ng boss niya. "Opo— okay lang. Sorry," bulong ni Jana at hindi makatingin. Iniwas niya ang tingin dahil nag-iinit ang pisngi niya. Mabilis na umayos si Jana at umupo. She tried to calm herself. Pag-angat nila, nakatingin si Lola sa kanila at nakangiti ng sobrang laki na parang nanonood ng K-drama. "Bagay na bagay kayo! Ganyan na ganyan kami ng Lolo niyo dati! Clumsy pero sweet! Oh Jinu, punasan mo nga pisngi ng asawa mo, may sauce!" Namula lalo si Jana. Kumuha si Jinu ng tissue at pinunasan ang pisngi ni Jana sa harap ng lahat. His fingers moved closer to her lips. Ang lambot ng kamay ni Jinu. Parang hindi yung kamay na laging pumipirma ng million-peso contracts. "Thank you, love," sabi ni Jana. She tried to act naturally. Pagkatapos ng dinner, may surprise speech si Lola habang may hawak na wine. "Everyone! Thank you for coming to my 78th birthday! Pero mas importante, may announcement ako! Ang apo kong si Jinu, na akala ko magiging matandang binata at mamamatay na mag-isa sa penthouse niya, may asawa na!" Nagpalakpakan ang lahat. Tumayo si Lola at pumunta sa gitna. "Tumayo kayo Jana, Jinu!" utos ni Lola. Tumayo silang dalawa. Hinawakan ulit ni Jinu ang kamay ni Jana, mas mahigpit ngayon. Parang sinasabi na "kaya natin to." "Jana, iha. Alam ko biglaan. Pero gusto kitang makilala. Sa Sunday, dadalaw ako sa house niyo. Okay ba? Gusto ko malaman lahat tungkol sa apo ko. Kung mabait ba siya sayo sa bahay? Kung nagluluto ba? Kasi nung bata yan, hindi marunong magluto! Kung hindi siya mabait, ako mismo magpapalo sa kanya ng tungkod ko!" Tawanan ang lahat. "Don't worry Lola, mabait siya. Nagluto pa siya kagabi ng fried rice," sabi ni Jana at napatingin kay Jinu. It's one thing na nagpahanga sa kanya. Hindi lahat ng lalaki marunong magluto, lalo na ang mga mayayaman. Sa kotse pauwi, tahimik silang dalawa. Hawak pa rin ni Jinu ang manibela. Ang bango pa rin ng kotse, amoy leather at pabango ni Jinu. She sighed in relief. Sa wakas tapos na ang ordeal and she's thankful that she made it. "You did good today," biglang sabi ni Jinu habang nagmamaneho sa Forbes Park. "Akala ko papalpak ako sa Tagaytay story. At sa 6 months vs 1 year." Natawa siya sa sarili niya. "You were believable. Lola liked you. And that's rare. Lola doesn't like anyone. Last girlfriend ko, pinaalis niya after 10 minutes." May last girlfriend? "And you look... you look good in that dress. Hindi sayang ang 120k ko dun." "120k?!" halos mapasigaw si Jana. "Yung dress na to 120k?!" "Yeah. Don't spill wine on it. Wala sa contract yun." "Grabe naman! Kinabahan tuloy ako lalo.. You don't have to spend much for me, Sir." "I'm not doing it for you. It's just part of the plot. Kasama yan sa props. You're playing as my wife, remember? Ano iisipin ng mga tao kung mukhang cheap ang asawa ko," Jinu said flatly. Napahiya siya sa narinig. She scolded herself for being tactless and assuming. Pagdating sa penthouse, pagpasok ni Jana sa guest room niya, may nakita siyang isang maliit na box na kulay blue sa kama. Hindi niya napansin kanina. Binuksan niya. Isang bracelet. Simple, gold, may maliit na diamond at may letter J. May note na sulat kamay: "You survived Lola. Good job. Don't lose this. - J." Nasa baba si Jinu, nag-aalis ng tie at nakatingin sa Manila lights. At sa taas, si Jana, hawak ang bracelet, suot-suot ito at hindi mapigilang mapangiti sa harap ng salamin. Pero sinaway niya ang sarili. "Props lang ito".Nagising si Jana at may naramdaman siyang mabigat na bagay na nakadagan sa baywang niya. Dahan-dahan siyang dumilat. Medyo madilim pa sa labas. Si Jinu. Nakayakap sa kanya. Mahimbing na natutulog. Ang isang braso nito ay nasa baywang niya, ang mukha ay malapit na malapit sa balikat niya. "JINU?" halos pabulong na sabi ni Jana. Aalisin sana niya ang braso nito na nakayakap sa kanya pero hindi niya magawa. May kung anong damdamin ang pumipigil sa kanya. It felt so good. Ramdam niya ang init mula sa nakadikit na katawan ni Jinu at ang bango nito. ‘Ganito pala ang pakiramdam na may kayakap, lalo na kapag gwapo at mabango ang kayakap.’ Aniya sa sarili. Her eyes searched his face. He looked so handsome kahit tulog. She moved closer and hugged him back. Ang bango naman ng lalaking ito. Hindi siya nagsisisi na pumayag siya sa kasunduan nila. Kahit sa panaginip hindi niya inexpect makapiling sa pagtulog ang isang Jinu Kale na pantasya ng mga kababaihan sa kumpanya. She closed her eyes at hi
Unang gabi sa masters bedroom. Tinitigan ni Jana ang malaking kama sa kwarto ni Jinu. "Hindi ba talaga ako pwede lumipat sa ibang kuwarto kapag tulog na si Lola Amara?" tanong niya. Nasa likod niya si Jinu, nakakrus ang braso. "Hindi pwede. Mahirap na. Baka mabuko tayo ni Lola." Walang choice si Jana kundi ang sumunod sa mga utos ng boss niya. Ang lahat ng gamit niya ay nailipat na sa kwarto ni Jinu. Ngayon, magsasama na silang dalawa sa isang kwarto. Iisang kama. "Three nights lang ito, Jana. Tatlong araw lang tayo magtitiis," sabi ni Jinu habang tinititigan ang kama. "Alam ko. Pero kailangan ba nating matulog sa iisang kama? Pwede naman ako sa sahig." "No way. I know my grandma. What do you think she’d think kapag pumasok siya dito at makita niyang may nakalatag sa sahig?" Jinu said impatiently. Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon at tahimik na kumuha ng mga damit sa closet. Gusto niyang maligo. Dapat mabango siya dahil tatabi siya kay Jinu sa kama. Parang gusto niya rin
Kinabukasan, late na nagising si Jana. Day off nilang dalawa kaya hindi siya nataranta kahit 7:00 AM na. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nagsuot lang siya ng white shirt at white jogger. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok dahil basa pa. Itim na itim at in contrast ang kulay sa maputi at makinis niyang mukha. She applied a little face powder at lipt tent. She looked immaculate and fresh dahil nakatulog ng maayos at bagong ligo na. Nagluluto siya ng breakfast sa kusina nang pumasok si Jinu para kumuha ng tubig sa ref. Mukhang kakatapos lang nito mag-work out dahil sweaty at mukhang pagod. Naka suot lang ito ng tank top at shorts. May sarili itong gym sa bahay kaya fit na fit ang katawan. She looked at his physique at hindi niya napigilan ang humanga . He looked so sexy in his lean body and flat tummy, with the right muscles from his wide shoulders, biceps, to his strong thighs and long legs. His body is perfectly proportioned. Face card and body? He's a total package.
"So Jana, saan kayo nagkakilala ni Jinu?" tanong ng isang Tita na naka-diamonds at ang tingin parang X-ray. "Sa— sa office po. EA po ako ni— ni Jinu dati. Almost 1 year na po," sagot ni Jana. "EA? So boss mo siya tapos niligawan ka? Parang movie ah. Yung Fifty Shades?" sabi ng Tita na may halong pang-judge at ngumiti na parang nang-uuyam. Bago pa makasagot si Jana at lamunin ng kaba, dumating si Jinu na may dalang dalawang plate ng steak at truffle pasta. Inilagay niya sa harap ni Jana at ni Lola. He acted like a caring boyfriend. "Yes, Tita. Nililigawan ko siya for 6 months. Ayaw niya nga sa akin nung una kasi boss niya ako. Sabi niya unprofessional daw. Diba love? Sabi mo pa sa akin, 'Sir, bawal po office romance sa employee handbook'," sabi ni Jinu sabay lagay ng kamay sa likod ng upuan ni Jana, parang pag-aari siya. "Ah— opo," sabi ni Jana at napayuko. "6 months? Eh sabi mo sa akin Jinu sa phone, 1 year mo na siyang nililigawan! Ano ba talaga? 6 months o 1 year?" sing
7 pm. Forbes Park. Hindi makahinga si Jana sa kaba suot ang pale pink dress na pinabili ni Jinu. Simple, sleeveless, hanggang tuhod, pero elegante. Size small, pero parang sinukat talaga para sa kanya. Yung buhok niya, kinulot-kulot na pinagawa pa ng stylist na pinatawag ni Jinu kaninang 3pm sa penthouse mismo. Yung sapatos, 3-inches ang heels — first time niya magsuot ng ganun kamahal. Sa box pa lang, 45,000 pesos na. Sa salamin ng elevator ng penthouse, tinitigan niya sarili niya. Napangiti siya. Hindi na siya si Jana Santos na taga-Valle Verde na laging naka-ponytail at naka-uniform na white polo as EA. Ibang tao ang nasa salamin. Mukhang mayaman. Napakaganda. Mukhang Mrs. Kale Alcantara na. Pero sa loob, nanginginig siya. "Nahihirapan ka maglakad," bulong ni Jinu nang makababa sila ng kotse at hawak ang bewang niya. Naka-black tuxedo si Jinu, walang bowtie, nakabukas ang unang butones ng puting polo. Amoy na amoy niya ang pabango nito — yung pabango na naamoy niya kagabi sa pe
8 pm sharp, nasa harap si Jana ng Grand Hyatt Residences, BGC. Hindi siya makapaniwala. Ito yung pinakamahal na condo sa buong BGC. Dito nakatira mga bilyonaryo at artista. At dito siya titira ngayon? Kaya ba niya makisama at makasama sa isang bubong ang masungit na boss niya? Naka-simple white dress lang siya at may dalang isang maleta. Ayaw niya magdala ng maraming gamit dahil baka hindi nagtagal palayasin din siya ng boss niya o siya ang di makatagal sa ugali nito. Nag-text si Jinu ng lokasyon at instructions. Pumasok ka na. Lawyer is here. Kinakabahan siyang pumasok. Pagdating sa 52nd floor, bumukas ang elevator diretso sa loob ng penthouse. Walang hallway. Yung elevator, penthouse na agad. At bumungad sa kanya ang napakalaking bahay. Floor-to-ceiling windows. Tanaw ang buong Manila. May private pool sa balcony. May dalawang floor. At ang bango - amoy kay Jinu. Nandoon si Jinu, naka-black shirt at naka-slacks. Walang suit. Mas gwapo lalo ito pag naka-pambahay lang. He eve







