Pagdating ko sa bahay, ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa malaking bakuran ng aming bahay. Pagod na pagod na ako, at ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari sa paaralan. Gusto ko sanang dumiretso sa kuwarto ko, humiga at kalimutan kahit sandali ang lahat, pero hindi ko magagawa iyon hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako ipinatawag ng aking taksil na ama.Huminga ako nang malalim bago bumaba. Inayos ko ang bag sa balikat ko at ilang beses na pinunasan ang mukha ko upang matiyak na wala nang bakas ng mga luha. Ayokong makita nila akong mahina. Lalo na si Alyssa, na kahit wala sa bahay ay parang naririnig ko pa rin ang pangungutya sa boses niya.Pagpasok ko, nakita ko si Daddy na nakatayo sa gitna ng sala. Nasa sofa naman si Melissa, ang stepmother ko, habang tahimik na nakaupo sa tabi niya ang haliparot niyang anak na si Alyssa. Nang magtama ang mga mata namin, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Mabilis din iyong nawala nang mapansin
Last Updated : 2026-11-09 Read more