Share

#2

Author: Yza D. C
last update publish date: 2026-11-09 19:20:26

Pagdating ko sa bahay, ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa malaking bakuran ng aming bahay. Pagod na pagod na ako, at ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari sa paaralan. Gusto ko sanang dumiretso sa kuwarto ko, humiga at kalimutan kahit sandali ang lahat, pero hindi ko magagawa iyon hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako ipinatawag ng aking taksil na ama.

Huminga ako nang malalim bago bumaba. Inayos ko ang bag sa balikat ko at ilang beses na pinunasan ang mukha ko upang matiyak na wala nang bakas ng mga luha. Ayokong makita nila akong mahina. Lalo na si Alyssa, na kahit wala sa bahay ay parang naririnig ko pa rin ang pangungutya sa boses niya.

Pagpasok ko, nakita ko si Daddy na nakatayo sa gitna ng sala. Nasa sofa naman si Melissa, ang stepmother ko, habang tahimik na nakaupo sa tabi niya ang haliparot niyang anak na si Alyssa. Nang magtama ang mga mata namin, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Mabilis din iyong nawala nang mapansin niyang nakatingin ako.

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano siya nakarating sa bahay bago ako, pero wala na akong lakas para alamin iyon. Ang gusto ko lang ay makausap ang taksil kong ama at makapagpahinga pagkatapos ng araw na halos sumira sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at bahagyang yumuko upang magmano. “Good evening po, Daddy.”

Ngunit bago ko pa mahawakan ang kamay niya, isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Tumagilid ang mukha ko sa lakas ng pagkakahampas. Napaatras ako ng isang hakbang, at napahawak sa namamagang pisngi, ilang segundo akong hindi nakagalaw. Hindi ko agad naunawaan ang nangyari. Pero hindi na ako magugulat pa kung ang sarili kong ama ang mananakit sa akin nang hindi man lang ako tinatanong kung ano ang nangyari.

“D-daddy…” bulong ko, nangingilid ang luha sa mga mata ko. “B-bakit po?”

“Wala ka na bang ibang mukhang maihaharap sa akin!” sigaw niya. “At ano na naman ang ginagawa mo sa mga matandang lalaki? Nagpapabayad ka sa kanila para may panggastos ka? Hindi pa ba sapat ang pera na ibinibigay ko sa iyo?! Wala ka talagang respito!”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Anong pera ang sinasabi niya? Ni wala na nga akong nakukuha kahit limang piso galing sa pinaghirapan ng mama ko! Dahil nauubos lang ng walang hiya niyang kabit! Isa pa hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga paratang niya. Pagkakagaling ko sa klase dirityo na ako sa trabaho ako tapos ganito pa maririnig ko.

“H-hindi po totoo iyan!” mariin kong sagot. “Wala po akong ginagawang ganoon, Daddy. Hindi ko po alam kung sino ang nagsabi sa inyo niyan, pero hindi ninyo ako dapat husgahan nang hindi man lang ako pinakikinggan.”

“Napaka sinungaling mo talagang babae ka!” muling sigaw niya. “Akala mo ba hindi ko malalaman ang mga ginagawa mo sa paaralan? Ipinapahiya mo ang pamilyang ito!”

Napatingin ako kay Melissa. Tahimik siyang nakaupo, bakas sa mukha niya ang pagkukunwaring pag-aalala. Si Alyssa naman ay nakayuko, subalit napansin kong paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin na ngumingiti.

Biglang bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya kay Josh. Ang paraan ng pagtawa niya habang pinag-uusapan ako, at ang kawalan ng pagsisisi sa mukha niya nang mahuli ko silang magkasama. Hindi ko alam kung may kinalaman siya sa paratang ng aking ama na si Federico, pero sapat na ang nakita kong ngiti sa mukha niya na nakikita niyang nahihirapan ako.

“Daddy, kung may nagsabi man sa inyo ng kung ano tungkol sa akin, sana tinanong ninyo muna ako.” Nanginginig ang boses ko, pero pinilit kong ituloy ang pagsasalita. “Anak ninyo ako. Hindi ba dapat bigyan ninyo ako ng pagkakataong magpaliwanag bago ninyo ako husgahan?”

“Wala akong kailangang marinig mula sa iyo! Kilala kita, kahit noon pa man hindi ka marunong umamin sa kasalanan mo! Nakakahiya ka!” aniya. “Sawang-sawa na ako sa mga dahilan mo!”

“P-pero wala naman po akong ginagawang masama! Sinisiraan lang nila ako,” nauutal na sabi ko. Halos mabilaukan na ako sa sarili kong laway.

“Tumigil ka nga sa kakarason mong haliparot ka!”

Napaatras ako nang itaas niya ang kamay niya. Hindi na niya ako muling sinampal, pero sapat na ang kilos niyang iyon para mapakagat ako sa labi at mapigil ang mga salitang gusto ko pang sabihin.

Lumapit si Melissa at hinawakan ang braso ni Federico. “Mahal, kumalma ka muna. Huwag kang magalit nang ganoon kay Kyra. Baka may hindi lang siya naipaliwanag nang maayos,” aniya na tiningnan niya pa ako na may ngiti sa labi. Sa unang tingin, para siyang nagtatanggol sa akin. Ngunit nang titigan niya ako, nakita ko ang babala sa mga mata niya.

“Kyra, anak, kung may problema ka, sana sinabi mo sa amin dahil pamilya mo kami,” malumanay niyang sabi. “Hindi naman kita huhusgahan kung talagang kailangan mo ng tulong. Pero kung totoo ang mga narinig ng daddy mo, kailangan mong aminin ang pagkakamali mo.”

Napailing ako. “W-wala akong kailangang aminin, Melissa, dahil wala akong ginagawang masama—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muli kong maramdaman ang malakas na sampal ni Federico. “Watch your mouth, Kyra! P*****a ka hindi kita pinalaki nang ganiyan!! Tawagin mo si Melissa na Tita. Simula sa araw na ito, parte na siya rito sa pamamahay ko!! Naiintindihan mo ba?!” nanggigigil na sigaw ni Federico.

Humakbang papalapit si Melissa sa kinatatayuan ko at kinuha ang kamay ko. Bahagya akong nagtiim ng bagang dahil ganiyan naman siya kapag malapit si Federico. Nagbabait-baitan para makakuha ng attention mula sa mapanglait kong ama.

“Pati ba saamin, magsisinungaling ka?” tanong niya, bahagyang nanginginig ang boses na para bang siya pa ang nasaktan sa sinabi ko.

“A-ang sinasabi ko lang naman po, hindi totoo ang paratang sa akin!”

“Paano ka namin paniniwalaan kung wala ka namang maipakitang patunay?” singit ni Alyssa. “Hindi ka naman basta pagbibintangan ni Daddy kung walang dahilan.”

Napalingon ako sa kaniya. Daddy na pala ang tawag niya sa walang kwentang ama ko? At ngayon si Alyssa pa lumalabas na parang totoong anak niya. Tinitigan ko siya ng matalim bago nagsalita. “Ikaw ang huling taong dapat magsalita tungkol sa katotohanan.”

Saglit na nagbago ang ekspresyon niya, pero mabilis din siyang nakabawi. “Ano bang ibig mong sabihin?”

Wala akong maisagot. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil hindi ko kayang ilabas sa harap nila ang nangyari sa paaralan. Hindi ko kayang muling ikuwento kung paano ako pinagtawanan ng boyfriend ko at kung paano ako pinagtaksilan ng sarili kong stepsister. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon ni Daddy kung malaman niyang niloko ako.

Ngunit ang pananahimik ko ay tila lalo lamang nagpagalit sa kaniya.

“Wala kang maisagot?” tanong niya. “Kung ganoon, makinig kang mabuti. Simula ngayon, hindi na kita bibigyan ng pera para sa pag-aaral o sa iba mo pang gastusin! Kung kaya mong gumawa ng sarili mong desisyon, matuto kang panindigan ang mga iyon!”

Nanlaki ang mga mata ko. “D-daddy, paano po ang p-pag-aaral ko?”

“Problema mo na iyon!”

“P-pero dalawang linggo na lang po, magtatapos na ako. Nagsisikap naman po ako. Hindi ko po hinihingi ang lahat ng gusto ko. Gusto ko lang pong makatapos.”

“Dapat naisip mo iyan bago mo ipinahiya ang pamilyang ito!”

Napahawak ako sa strap ng bag ko. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag na ang pag-aaral ang isa sa pinakamahalagang bagay sa akin. Hindi ako humihingi ng mamahaling gamit o marangyang buhay. Gusto ko lang magkaroon ng pagkakataong makapagtapos at matutong tumayo sa sarili kong mga paa, pero ipinagkakait niya pa sa akin.

“D-daddy, please,” nakaluhod na pakiusap ko, tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. “H-huwag naman po ang pag-aaral ko Daddy. Kung may nagawa akong mali, sana mapatawad niyo ako. Handa akong makinig, pero sana huwag ninyo akong parusahan sa isang bagay na hindi ko ginawa.”

“Umalis ka nga sa harapan ko! Wala na akong gustong marinig!”

Bumaling siya sa mga kasambahay na nakatayo malapit sa hagdan. “Mula ngayon, huwag ninyong ibibigay ang anumang kailangan ni Kyra. Wala nang pagkain sa kuwarto niya, wala nang pera, at huwag ninyo siyang tutulungan sa mga personal niyang pangangailangan! Kung gusto niyang mamuhay nang mag-isa, matuto siyang kumilos nang walang umaalalay sa kaniya!”

Napatingin ako sa mga kasambahay. Ang ilan ay agad na umiwas ng tingin, habang ang iba ay halatang naaawa ngunit walang lakas ng loob na sumalungat sa utos ni Federico. Doon ko naramdaman ang bigat ng mga salitang binitiwan niya. Hindi lamang niya ako pinapagalitan. Inaalisan niya ako ng lahat ng tulong na inaasahan kong matatanggap ko habang tinatapos ko ang pag-aaral ko.

“Daddy, a-anak ninyo ako,” mahina kong sabi. “Kahit galit kayo sa akin, a-anak ninyo pa rin ako.”

Saglit siyang natahimik, ngunit hindi nagtagal ang katahimikang iyon.

“Kung marunong ka lang sanang tumanaw ng utang na loob, hindi mo gagawin ang mga bagay na iyon!” singhal niya. “Alam mo ba kung bakit hindi kita kayang ituring na tunay na anak?” malamig niyang tanong.

Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tono ng kaniyang pananalita.

“Dahil hindi kita totoong anak! Pareho kayo ng mommy mo—mga tanga! Namatay siya na wala man lang kaalam-alam na pinerahan ko lang siya!” aniya habang humahalakhak sa tuwa.

Nanginig ang mga tuhod ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang pilit na inuunawa ang mga salitang binitiwan niya.

“A-ano po? H-hindi po totoo iyan, Daddy! Sabihin n’yo pong h-hindi totoo iyan!!” nautal kong tanong.

Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng maraming taon, itinuring ko siyang tunay kong ama. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip kong may itinatago pala silang ganitong katotohanan sa akin.

Napayuko ako. Hindi ko na alam kung paano ko siya maaabot. Sa bawat salitang sinasabi ko, lalo lamang lumalalim ang galit niya. Pakiramdam ko, kahit anong paliwanag ang ibigay ko, nakapagpasya na siyang maniwala sa kung ano man ang narinig niya.

Lumapit si Melissa at marahang hinawakan ang balikat niya. “Hayaan mo muna siyang mag-isip, mahal. Baka sakaling matuto na siya sa nangyari.”

Pagkatapos, tumingin siya sa akin na para bang tunay siyang nalulungkot sa sitwasyon. “Magpahinga ka na, Kyra. Sana maintindihan mo kung bakit nagagalit ang daddy mo.”

Hindi ako sumagot. Ayokong makipagtalo pa. Wala na akong lakas, at pakiramdam ko ay kapag nagsalita pa ako, tuluyan nang babagsak ang natitira kong pagpipigil. Humakbang ako papunta sa hagdanan at nagsimulang umakyat. Bawat hakbang ay mabigat, hindi lamang dahil sa pagod kundi dahil sa pakiramdam na wala akong lugar sa sarili kong tahanan.

Pagdating ko sa kuwarto, isinara ko ang p***o at ibinaba ang bag sa sahig. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin, napahawak ako sa pisngi kong namumula pa mula sa sampal ni Federico. Hindi ko maintindihan kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kanina, umalis ako sa paaralan matapos malaman ang pagtataksil nina Josh at Alyssa. Akala ko, kahit papaano, makakauwi ako sa tahanang maaari kong sandalan. Ngunit sa halip na yakap o pakikinig, panibagong paratang at sakit ang naghihintay sa akin.

Naupo ako sa gilid ng kama at niyakap ang sarili ko. Gusto kong tawagan ang isang taong makikinig sa akin, pero hindi ko alam kung sino ang maaari kong lapitan. Hindi ko kayang istorbohin ang mga kaibigan ko sa ganitong oras, at ayokong ipaalam sa iba kung gaano kagulo ang buhay ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang pangalan ni Bianca. Ilang segundo akong nakatitig sa screen bago ko muling pinatay iyon. Hindi ko pa kayang ikuwento ang lahat. Baka kapag narinig ko ang boses niya, tuluyan akong maiyak at hindi na makapagsalita.

Humiga ako nang hindi man lang nagpapalit ng damit. Pagod ang katawan ko, pero hindi mapatahimik ng katahimikan ng kuwarto ang isip ko. Paulit-ulit kong naaalala ang mukha ni Federico habang sinasampal ako, ang malamig na tingin ni Josh, at ang mapanuyang ngiti ni Alyssa. Sa loob lamang ng isang araw, nawalan ako ng boyfriend na akala ko ay tunay na nagmamahal sa akin at ng pamilyang inaasahan kong magtatanggol sa akin.

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at pilit na huminga nang maayos. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga susunod na araw, lalo na ngayong wala na akong maaasahang suporta para sa pag-aaral ko. Ngunit isang bagay ang malinaw sa akin kailangan kong makahanap ng paraan para magpatuloy.

Dahil kung susuko ako ngayon, sino pa ang lalaban para sa akin?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #6

    Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #5

    Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #4

    LUCAS' POVPagmulat ko ng mga mata, agad kong naalala ang babaeng nakilala ko kagabi sa bar.Hindi ko alam kung bakit siya agad ang pumasok sa isip ko. Marami na akong nakilalang babae sa buong buhay ko, pero bihira kong maalala ang isang taong minsan ko pa lamang nakasalamuha.Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa kisame. Naalala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin nang bigla siyang umupo sa kandungan ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Kung ibang babae iyon, malamang matagal ko nang pinaalis sa harap ko.Pero may kakaiba sa kaniya.May lungkot sa mga mata niya na pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiti. Hindi rin siya katulad ng mga babaeng nakasanayan kong makasalamuha. Hindi siya nagpakitang-gilas o nagtanong tungkol sa trabaho at pera ko. Higit sa lahat, hindi niya sinubukang alamin kung sino ba talaga ako.Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Nang iunat ko ang kamay ko para kunin ang cellphone sa bedside table, napansin ko ang isang ID na nakapatong mal

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #3

    Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mga nangyari, at kahit ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin nababawasan ang sakit. Hindi ko matanggap na nagawa akong pagtawanan ni Josh, na ang lalaking minahal ko ay itinuring lamang akong mapagkukunan ng pera, at ang sarili kong stepsister ay isa sa mga taong manglalait lang pala sa akin. Mas masakit isipin na pag-uwi ko, wala man lang akong napala sa halip na pag-unawa. Ang sarili kong ama ang unang nanakit sa akin at nagbintang ng mga bagay na hindi ko ginawa. Ngayon, pati ang pag-aaral ko ay nanganganib dahil ayaw na niya akong suportahan.Napaupo ako sa kama at pinunasan ang mukha ko. Hindi puwedeng ganito na lang ako palagi. Gusto kong umiyak, gusto kong magkulong sa kuwarto at huwag munang harapin ang mundo, pero alam kong hindi malulutas ng pag-iyak ang mga problemang naghihintay sa akin. Kailangan kong makahanap ng paraan

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #2

    Pagdating ko sa bahay, ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa malaking bakuran ng aming bahay. Pagod na pagod na ako, at ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari sa paaralan. Gusto ko sanang dumiretso sa kuwarto ko, humiga at kalimutan kahit sandali ang lahat, pero hindi ko magagawa iyon hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako ipinatawag ng aking taksil na ama.Huminga ako nang malalim bago bumaba. Inayos ko ang bag sa balikat ko at ilang beses na pinunasan ang mukha ko upang matiyak na wala nang bakas ng mga luha. Ayokong makita nila akong mahina. Lalo na si Alyssa, na kahit wala sa bahay ay parang naririnig ko pa rin ang pangungutya sa boses niya.Pagpasok ko, nakita ko si Daddy na nakatayo sa gitna ng sala. Nasa sofa naman si Melissa, ang stepmother ko, habang tahimik na nakaupo sa tabi niya ang haliparot niyang anak na si Alyssa. Nang magtama ang mga mata namin, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Mabilis din iyong nawala nang mapansin

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #1

    KYRA'S POVHindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay Josh. Ilang araw ko ring pinag-ipunan ang relong nasa loob nito, kaya excited akong makita ang magiging reaksyon niya. Matagal na niya iyong gustong bilhin, pero dahil may iba siyang pinagkakagastusan, hindi niya muna ito inuna.Kaya ako na ang bumili para sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung magkano ang nagastos ko. Basta makita ko siyang masaya, sapat na iyon para sa akin. Boyfriend ko siya, at gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya sa akin kahit hindi ko palaging nakakasama at nasasabi sa mga salita ang lahat ng nararamdaman ko.Pagdating ko sa silid na madalas niyang gamitin sa pag Volleyball, itataas ko na sana ang kamay ko para kumatok nang marinig ko ang boses niya mula sa loob na may kausap.“Hindi ko talaga alam kung bakit ang tagal kong tiniis ang babaeng iyon.”Napahinto ako sandali. Kilalang-kilala ko ang boses ni Josh, pero hindi ko maintindihan kung sino an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status