LOGINHindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mga nangyari, at kahit ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin nababawasan ang sakit. Hindi ko matanggap na nagawa akong pagtawanan ni Josh, na ang lalaking minahal ko ay itinuring lamang akong mapagkukunan ng pera, at ang sarili kong stepsister ay isa sa mga taong manglalait lang pala sa akin. Mas masakit isipin na pag-uwi ko, wala man lang akong napala sa halip na pag-unawa. Ang sarili kong ama ang unang nanakit sa akin at nagbintang ng mga bagay na hindi ko ginawa. Ngayon, pati ang pag-aaral ko ay nanganganib dahil ayaw na niya akong suportahan.
Napaupo ako sa kama at pinunasan ang mukha ko. Hindi puwedeng ganito na lang ako palagi. Gusto kong umiyak, gusto kong magkulong sa kuwarto at huwag munang harapin ang mundo, pero alam kong hindi malulutas ng pag-iyak ang mga problemang naghihintay sa akin. Kailangan kong makahanap ng paraan para makapagtapos kahit wala na akong maaasahang tulong mula kay Federico. Kinuha ko ang cellphone ko upang tingnan ang oras. May ilang mensahe mula kay Bianca, pero hindi ko pa nasasagot ang mga iyon. Ilang araw na rin niyang sinasabing gusto niya akong makasama bago siya umalis papuntang ibang bansa. Sa dami ng nangyari, nakalimutan kong may isang taong malapit nang lumayo sa akin at gusto lamang ng kaunting oras na magkasama kami. Bago pa ako makapag-isip kung ano ang isasagot, muling nag-vibrate ang cellphone ko. Si Bianca ang tumatawag. “Hello?” sagot ko. “Kyra! Sa wakas, sumagot ka rin!” bungad niya. “Kanina pa kita minemessage. Ano na, magkikita ba tayo ngayon?” Napabuntong-hininga ako. “Bianca, hindi ko yata kaya ngayon. Pagod ako.” Ilang segundo siyang natahimik bago nagsalita. “May nangyari na naman ba?” Napakagat ako sa labi. Ayokong magsinungaling sa kaniya, pero hindi ko rin kayang ikuwento sa telepono ang lahat. “Marami lang akong iniisip.” “Alam kong may pinagdaraanan ka, at hindi kita pipilitin na ikuwento iyon kung hindi ka pa handa. Pero malapit na akong umalis, Kyra. Gusto kitang makasama kahit ngayong gabi lang. Ayokong umalis na hindi man lang tayo nakapaglaan ng oras para sa isa't isa.” Napapikit ako. Ayokong biguin siya. Sa lahat ng taong nakapaligid sa akin, si Bianca ang isa sa iilang hindi ako agad hinuhusgahan. Hindi niya kailangang malaman ang buong kuwento para iparamdam sa akin na may taong handang makinig. “Sige,” sagot ko sa wakas. “Sasamahan kita. Pero huwag tayong masyadong magtagal.” “Promise! Ako na ang bahala sa lahat. Magkita tayo mamaya, ha?” Pagkatapos ng tawag, bumangon ako at naghanda. Naghilamos ako upang alisin ang bakas ng pag-iyak, saka nagpalit ng damit. Hindi ko naman kailangang mag-ayos nang todo, gusto ko lang maging presentable para sa kaibigan ko. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, napansin kong namumula pa ang mga mata ko, kaya ilang sandali akong naghintay hanggang sa medyo mawala ang pamamaga bago ako lumabas ng kuwarto. Makalipas ang ilang oras, nakarating ako sa napagkasunduan naming tagpuan. Naghihintay na si Bianca sa labas, at nang makita niya ako, agad siyang lumapit at niyakap ako. “Akala ko hindi ka na darating,” sabi niya. “Sinabi ko namang pupunta ako,” sagot ko, bahagyang ngumiti. Matagal niya akong pinagmasdan bago marahang hinawakan ang braso ko. “Mukhang hindi ka okay?” “Hindi naman talaga,” sagot ko nang tapat. Hindi na siya nagtanong pa. Sa halip, hinila niya ako papunta sa sasakyan niya at sinabing sa isang bar kami pupunta. Hindi ako masyadong natuwa sa ideya, pero ayokong sirain ang gabing matagal na niyang inaabangan. Sumakay ako at tahimik na tumingin sa bintana habang naglalakbay kami. Pagkaraan ng biyahe, huminto kami sa harap ng isang bar na maliwanag ang mga ilaw at dinig ang tugtog kahit nasa labas pa lamang kami. Pagpasok namin, sinalubong kami ng malakas na musika at ingay ng mga taong nag-uusap, umiinom, at sumasayaw. Sandali akong natigilan sa dami ng tao, ngunit hinawakan ni Bianca ang kamay ko at ginabayan ako papunta sa isang bakanteng mesa sa gilid. “Dito tayo dali,” sabi niya. “Para hindi tayo masyadong malapit sa mga nagsasayawan.” Naupo ako at inilapag ang bag ko sa tabi ko. Umorder si Bianca ng mga inumin at ilang pagkain, saka nagsimulang magkuwento tungkol sa mga plano niya sa ibang bansa. Nakinig ako habang sinasabi niya ang mga lugar na gusto niyang puntahan at ang mga bagay na gusto niyang subukan kapag naroon na siya. Unti-unti akong naging komportable sa piling niya. Kahit hindi ko tuluyang makalimutan ang mga problema ko, nakatulong ang simpleng pakikinig sa kaniya upang hindi ko muna isipin ang mga iyon. “Alam mo,” sabi ni Bianca habang hawak ang baso niya, “kahit kinakabahan ako sa pag-alis, excited din ako. Bagong lugar, bagong simula.” “Magiging maayos ka roon,” sagot ko. “Madali kang makisama. Sigurado akong makakahanap ka agad ng mga bagong kaibigan.” Ngumiti siya, ngunit bigla ring napahinto ang mga mata niya sa isang direksiyon sa likuran ko. Unti-unting nawala ang ngiti niya, at napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. “Bianca?” tawag ko. “Anong nangyari?” Hindi siya sumagot agad. Sinundan ko ang direksiyon ng tingin niya at nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa may counter. Kasama nito ang isang babae na nakadikit sa balikat niya habang nag-uusap sila. Hindi ko kilala ang lalaki, pero sapat ang ekspresyon ni Bianca upang malaman kong hindi basta estranghero ang taong iyon para sa kaniya. “Si Ethan,” bulong niya. Agad kong naalala ang mga kuwento niya tungkol kay Ethan Miller, ang lalaking matagal na niyang minamahal ngunit hindi niya nagawang aminin dito ang tunay niyang nararamdaman. “Siya ba talaga iyon?” maingat kong tanong. Tumango si Bianca. Hindi niya maalis ang tingin sa dalawa, lalo na nang yumuko si Ethan upang may sabihin sa babaeng kasama niya. Tumawa ang babae at hinawakan ang braso nito, na para bang komportable sila sa isa't isa. “Baka kaibigan lang niya,” sabi ko, kahit hindi ko rin alam kung totoo iyon. Napailing si Bianca. “Hindi mo kailangang ipagtanggol siya, Kyra. Kilala ko siya. A-alam kong hindi ako ang babaeng gusto niya.” Nakita kong namuo ang luha sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin, pero tila pinipilit niyang manatiling matatag sa harap ko. “Hindi mo pa naman alam kung ano talaga ang relasyon nila,” sabi ko. “Huwag mo munang saktan ang sarili mo sa mga bagay na hindi pa natin tiyak.” “Matagal ko nang alam na wala akong pag-asa sa kaniya.” Pilit siyang ngumiti, ngunit lalo lamang naging halata ang sakit sa mukha niya. “Ang tanga ko lang siguro dahil umaasa pa rin ako.” “Bianca…” “Pupunta lang ako sa restroom. Kailangan ko munang mag-isa.” Tumayo siya at kinuha ang bag niya. Hahawakan ko sana ang kamay niya upang pigilan siya, pero umiling siya at marahang pinisil ang mga daliri ko bago tuluyang umalis. Pinanood ko siyang maglakad palayo hanggang sa mawala siya sa mga taong nagdaraan. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa baso ko. Gusto kong sumunod sa kaniya, pero alam kong kailangan niya ng ilang sandali para ayusin ang sarili niya. Kaya nanatili ako sa mesa, umaasang makakabalik siya nang mas maayos ang pakiramdam. Sa kabilang bahagi ng bar, isang lalaking nakasuot ng itim na polo ang tahimik na nakaupo sa counter. Ilang oras bago iyon, narinig ko ang usapan na nalaman niyang ipinagkanulo siya ng isang taong matagal na niyang pinagkatiwalaan sa negosyo. Mula noon, hindi na siya mapakali. Makalipas ang ilang minuto, habang busy ang mata ko kakaikot sa paligid para makita si Bianca naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Doon ko napansin ang isang lalaking matalim ang mga matang nakatingin sa direksyon ko, habang iniikot niya ang baso sa pagitan ng mga daliri. Agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kaba akong naramdaman. Marahil dahil sa seryosong ekspresyon niya. Makalipas ang ilang sandali, nakita kong tumayo siya mula sa counter at naglakad patungo sa mesa ko. Napatuwid ako ng upo habang papalapit siya, hindi ko tiyak kung may kailangan ba siya o nagkataon lamang na dito siya dadaan sa direksyon ko. Huminto siya sa tabi ng mesa at tumingin sa akin. Hindi man lang siya nag-abala na ngumiti o magpakilala. Para bang sanay siyang hindi kailangang humingi ng pahintulot sa kahit sino. “Lumipat ka,” malamig niyang sabi, sabay turo sa bakanteng upuan. Napakurap ako. “What?! Bakit?” “Dahil uupo ako rito.” Napatingin ako sa upuang tinutukoy niya, saka bumalik ang tingin ko sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha nito. Ni hindi man lang nagtanong kung may kasama akong hinihintay. “Wow! Ganiyan ka ba talaga makipagkilala?!” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay. Hindi siya natinag. “Hindi ako nakikipagkilala kung kani-kanino.” “Ah, ganoon ba? Akala ko kasi gusto mo akong makilala kaya nandito ka?” “In your dreams!” aniya. Napangiwi ako sa sagot niya. Ang sungit! Kung makatingin, para bang may utang akong milyon-milyon sa kaniya. Sayang ang kagwapuhan niya kung hindi ko matitikman ngayong gabi—este, makakausap. “Then, wala rin akong interes na makausap ka,” sagot ko, saka muling sumandal sa upuan. Saglit niya akong tinitigan. Wala akong mabasang interes sa mukha niya, ni bahagyang pagkatuwa sa palitan namin ng salita. Para bang wala siyang pakialam kung magustuhan ko siya o hindi. Bahagya niyang ibinaba ang tingin sa akin. “Hindi ako pumunta rito para makipagtalo sa isang babaeng bayaran.” “What the fuck did you say?!” Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ang bakanteng upuan at umupo na parang pag-aari niya ang buong lugar. Napanganga ako sa ginawa niya. Talagang hindi siya marunong magpaalam! “Hoyy!” sabi ko habang itinuro ang upuang inuupuan niya. “May hinihintay akong kaibigan na uupo riyan.” “Kung gayon, hintayin mo hanggang bukas ang taong iniwan ka na ritong mag-isa!” Napatingin ako sa kaniya. “Anong pinagsasabi mo?! Ang sarap mong halikan—este, sampalin! Bwisit ka!” Bahagyang tumaas ang labi niya. Inilapag niya ang baso sa mesa at sumandal sa upuan, tila wala akong presensiya sa harap niya. Napangiti ako nang bahagya. Mukhang hindi ako ang unang babaeng nakaharap sa lalaking ito na walang kaalam-alam kung paano ngumiti. O baka naman may bayad ang bawat ngiti niya? “Lagi ka bang ganyan kasungit?” tanong ko. Muli niyang iniwas ang tingin. Para bang tapos na ang usapan namin at wala na siyang balak pang makipagpalitan ng salita. Sa halip na mainis, lalo akong natawa. Hindi ko alam kung bakit nakakatawang asarin ang isang lalaking tila walang emosyon. “By the way, hindi ka ba marunong ngumiti?” tanong ko. “Hindi.” “Talaga? O baka nakalimutan mo lang.” Hindi siya sumagot. “Gusto mo bang ako ang magpangiti sa iyo?” Dahan-dahan niyang ibinaling sa akin ang mukha. Sumalubong sa akin ang singkit niyang mga matang kulay berde. “Shut your mouth!” Napataas ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. “Okay, okay. Ang sungit mo talaga! Hindi ka naman siguro mauubusan ng pera kapag ngumiti ka.” “Hindi ko kailangan ng opinyon mo!” asik niya. “Aray. Ang sakit naman. Hindi pa tayo magkakilala, rejected na agad ako,” pagkukunwari kong naiiyak. Ngunit nanatili siyang walang imik. Napansin kong masyado siyang seryoso at tila walang anumang bagay sa paligid ang makapagtutulak sa kaniyang ngumiti. Ngunit sa halip na matakot o tuluyang umiwas, lalo akong naging mausisa sa kaniya. “Fine. Hindi na kita guguluhin,” sabi ko, saka kinuha ang baso ko. Ilang sandali akong tahimik na uminom. Ngunit nang muling sumagi sa isip ko ang nangyari kina Josh at Alyssa, biglang nawala ang ngiti ko. Napababa ako ng tingin at marahang inilapag ang baso. “Ang ingay mo kanina,” bigla niyang sabi. “Tapos ngayon natutulala ka na riyan!” Napatingin ako sa kaniya. “Ako? A-akala ko ba ayaw mo akong pansinin?” “Mas mabuti sana kung ganoon.” Napatawa ako sa sagot niya. “Grabe ka naman! Wala ka talagang preno.” Napailing ako, pero hindi ko napigilang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko pang asarin siya kaysa makipag-usap sa ibang tao. Siguro dahil kahit papaano, naililihis niya ang isip ko sa mga problemang ayaw kong balikan. “Alam mo, mukha kang taong laging galit sa mundo,” sabi ko. “Wala naman akong pakialam sa mundo,” aniya. “Pati ba sa mga taong nasa paligid mo?” “Lalo na sa mga taong hindi ko kilala.” “Kasama na ba ako roon?” “Obvious ba?” Napahawak ako sa dibdib ko na kunwari ay nasaktan. “Grabe. Hindi ka man lang nagdalawang-isip.” Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nagpakita ng kahit anong reaksiyon sa pagpapatawa ko. Sa halip, kinuha niya ang baso niya at uminom na para bang wala akong sinabi. Maya-maya, napatingin ako sa kaniya. Kahit malamig ang pakikitungo niya, hindi ko maikakailang may kakaiba sa presensiya niya. May awtoridad siyang hindi kailangang ipagsigawan. Hindi rin siya mukhang lalaking basta-basta nagpapasunod, dahil tila sanay siyang ang ibang tao ang kusang sumusunod sa kaniya. “May problema ka rin ba?” tanong ko. “Wala kang kailangang malaman sa buhay ko,” malamig niyang sagot habang masama ang tingin sa akin. Napanguso ako. “Ang hirap mo makausap! Tskk!” “Hindi naman kita pinipilit na kausapin ako.” Tama naman siya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tumigil. Marahil dahil matagal na akong nakaramdam ng ganitong gaan kahit sandali pa lamang kaming magkakilala. Hindi niya alam ang pangalan ko, wala siyang alam sa mga nangyari sa akin, at wala siyang pakialam kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa kaniya. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, gusto kong gawin ang isang bagay nang hindi iniisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Kaya dahan-dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Bago pa niya ako matanong, kusa akong umupo sa kandungan niya habang nakaharap sa kaniya. Agad na nanigas ang katawan niya. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, halatang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. “Anong ginagawa mo?” nakakunot-noong tanong niya. Ngumiti ako at bahagyang ikiniling ang ulo. “Wala. Gusto ko lang umupo rito para makita ko nang mas malapitan ang mga mata mo.” “Tumayo ka nga!” singhal niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Bahagya kong inayos ang pagkakaupo ko sa kandungan niya habang pinipisil-pisil ang mukha niya. “Umalis ka rito sa harapan ko bago pa kita masaktan! Hindi ako nagbibiro!” “Hindi rin naman ako nagbibiro,” pilya kong tugon. Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o nagulat lamang sa kapangahasan ko. Pero sa kabila ng matalim niyang tingin, hindi ko agad inalis ang ngiti sa labi ko. “Hindi mo ba alam kung sino ang nilalapitan mo?” tanong niya. Umiling ako. “Hindi,” sagot ko habang ang kamay ko ay naglalakbay sa kung saan-saan hanggang sa maramdaman ko ang isang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita niya. Lalong tumalim ang kaniyang mga mata. “Maling tao ang pinili mong asarin. Huwag mo akong sisihin kung magiging mapangahas ako sa iyo.” Bahagya akong napangiti. “Eh, ikaw naman ang lumapit sa mesa ko.” Hindi siya nakasagot agad. Sa unang pagkakataon, tila ako naman ang nakakuha ng atensiyon niya. At sa gitna ng malakas na tugtog at ingay ng bar, nanatili akong nakaupo sa kandungan ng lalaking kanina lamang ay halos ayaw akong kausapin—hindi alam kung gaano kalaki ang magiging epekto ng gabing iyon sa aming dalawa.Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then
Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then
LUCAS' POVPagmulat ko ng mga mata, agad kong naalala ang babaeng nakilala ko kagabi sa bar.Hindi ko alam kung bakit siya agad ang pumasok sa isip ko. Marami na akong nakilalang babae sa buong buhay ko, pero bihira kong maalala ang isang taong minsan ko pa lamang nakasalamuha.Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa kisame. Naalala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin nang bigla siyang umupo sa kandungan ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Kung ibang babae iyon, malamang matagal ko nang pinaalis sa harap ko.Pero may kakaiba sa kaniya.May lungkot sa mga mata niya na pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiti. Hindi rin siya katulad ng mga babaeng nakasanayan kong makasalamuha. Hindi siya nagpakitang-gilas o nagtanong tungkol sa trabaho at pera ko. Higit sa lahat, hindi niya sinubukang alamin kung sino ba talaga ako.Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Nang iunat ko ang kamay ko para kunin ang cellphone sa bedside table, napansin ko ang isang ID na nakapatong mal
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mga nangyari, at kahit ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin nababawasan ang sakit. Hindi ko matanggap na nagawa akong pagtawanan ni Josh, na ang lalaking minahal ko ay itinuring lamang akong mapagkukunan ng pera, at ang sarili kong stepsister ay isa sa mga taong manglalait lang pala sa akin. Mas masakit isipin na pag-uwi ko, wala man lang akong napala sa halip na pag-unawa. Ang sarili kong ama ang unang nanakit sa akin at nagbintang ng mga bagay na hindi ko ginawa. Ngayon, pati ang pag-aaral ko ay nanganganib dahil ayaw na niya akong suportahan.Napaupo ako sa kama at pinunasan ang mukha ko. Hindi puwedeng ganito na lang ako palagi. Gusto kong umiyak, gusto kong magkulong sa kuwarto at huwag munang harapin ang mundo, pero alam kong hindi malulutas ng pag-iyak ang mga problemang naghihintay sa akin. Kailangan kong makahanap ng paraan
Pagdating ko sa bahay, ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa malaking bakuran ng aming bahay. Pagod na pagod na ako, at ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari sa paaralan. Gusto ko sanang dumiretso sa kuwarto ko, humiga at kalimutan kahit sandali ang lahat, pero hindi ko magagawa iyon hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako ipinatawag ng aking taksil na ama.Huminga ako nang malalim bago bumaba. Inayos ko ang bag sa balikat ko at ilang beses na pinunasan ang mukha ko upang matiyak na wala nang bakas ng mga luha. Ayokong makita nila akong mahina. Lalo na si Alyssa, na kahit wala sa bahay ay parang naririnig ko pa rin ang pangungutya sa boses niya.Pagpasok ko, nakita ko si Daddy na nakatayo sa gitna ng sala. Nasa sofa naman si Melissa, ang stepmother ko, habang tahimik na nakaupo sa tabi niya ang haliparot niyang anak na si Alyssa. Nang magtama ang mga mata namin, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Mabilis din iyong nawala nang mapansin
KYRA'S POVHindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay Josh. Ilang araw ko ring pinag-ipunan ang relong nasa loob nito, kaya excited akong makita ang magiging reaksyon niya. Matagal na niya iyong gustong bilhin, pero dahil may iba siyang pinagkakagastusan, hindi niya muna ito inuna.Kaya ako na ang bumili para sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung magkano ang nagastos ko. Basta makita ko siyang masaya, sapat na iyon para sa akin. Boyfriend ko siya, at gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya sa akin kahit hindi ko palaging nakakasama at nasasabi sa mga salita ang lahat ng nararamdaman ko.Pagdating ko sa silid na madalas niyang gamitin sa pag Volleyball, itataas ko na sana ang kamay ko para kumatok nang marinig ko ang boses niya mula sa loob na may kausap.“Hindi ko talaga alam kung bakit ang tagal kong tiniis ang babaeng iyon.”Napahinto ako sandali. Kilalang-kilala ko ang boses ni Josh, pero hindi ko maintindihan kung sino an







