Share

#4

Author: Yza D. C
last update publish date: 2026-11-09 19:22:45

LUCAS' POV

Pagmulat ko ng mga mata, agad kong naalala ang babaeng nakilala ko kagabi sa bar.

Hindi ko alam kung bakit siya agad ang pumasok sa isip ko. Marami na akong nakilalang babae sa buong buhay ko, pero bihira kong maalala ang isang taong minsan ko pa lamang nakasalamuha.

Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa kisame. Naalala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin nang bigla siyang umupo sa kandungan ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Kung ibang babae iyon, malamang matagal ko nang pinaalis sa harap ko.

Pero may kakaiba sa kaniya.

May lungkot sa mga mata niya na pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiti. Hindi rin siya katulad ng mga babaeng nakasanayan kong makasalamuha. Hindi siya nagpakitang-gilas o nagtanong tungkol sa trabaho at pera ko. Higit sa lahat, hindi niya sinubukang alamin kung sino ba talaga ako.

Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Nang iunat ko ang kamay ko para kunin ang cellphone sa bedside table, napansin ko ang isang ID na nakapatong malapit dito.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang litrato. Agad kong nakilala ang mukha ng babaeng nakasama ko kagabi.

KYRA BELL.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ko habang binabasa ang pangalan niya.

“Kyra Bell,” mahina kong sambit.

Ilang sandali ko pang tiningnan ang ID bago ko iyon inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Kailangan ko nang maghanda. May inspeksiyon nga pala akong kailangang asikasuhin sa isa sa mga paaralang balak kong bilhin.

Tumayo ako, dumiretso sa banyo at naghanda. Pagkatapos kong magbihis ng itim na pantalon at malinis na polo, isinuot ko ang relo ko at kinuha ang mga dokumentong kailangan ko bago umalis.

Habang nagmamaneho ako. Muling sumagi sa isip ko ang pangalan niya, pero agad ko ring ibinaling ang atensiyon sa mas mahahalagang bagay na kailangan kong asikasuhin.

Pagdating ko sa paaralan, sinalubong ako ng dating may-ari nito kasama ang isang lalaking nakatalagang maglibot sa akin sa buong campus.

“Good morning, Mr. Ford. I hope your trip here was convenient,” bati ng lalaki.

Tumango ako. “Let's get this over with. I want to see the entire property, including the classrooms and student facilities.”

“Yes, sir. We have already prepared the inspection route.”

Hindi na ako nag-aksaya ng oras sa mahahabang pagbati. Narito ako para makita ang tunay na kalagayan ng paaralan, hindi para makinig sa mga papuring maaaring hindi naman tumutugma sa aktuwal na sitwasyon.

Nagsimula kaming maglakad papasok sa pangunahing gusali. Habang ipinapakita sa akin ng tour guide ang mga silid-aralan at iba pang pasilidad, maingat kong sinusuri ang kalinisan at kondisyon ng bawat bahagi ng campus.

“Are these facilities regularly maintained?” tanong ko.

“Yes, sir. We have maintenance personnel assigned to every building.”

“Then I expect the records to match what I'm seeing. I don't tolerate false reports.”

“Of course, sir.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. May mga estudyanteng nag-uusap sa pasilyo, may nagmamadaling pumasok sa silid-aralan, at mayroon ding magkakasamang nakatayo sa gilid.

Habang papaliko kami sa kabilang bahagi ng gusali, may narinig akong malakas na tawanan.

Napalingon ako.

Sa hindi kalayuan, may dalawang babaeng estudyanteng nakatayo sa harap ng isang babae. Pareho silang may hawak na baso ng juice. Sa unang tingin pa lamang, halata nang hindi maganda ang pakikitungo nila sa babaeng nasa harapan nila.

“Akala mo kung sino ka!” mataray na sabi ng isa.

Hindi ko marinig ang sagot ng babae dahil mahina itong nagsalita. Nakita kong umiiwas siya sa dalawa, na para bang gusto na lamang niyang makaalis sa sitwasyon.

“A-anong problema ninyo?” tanong niya, pilit na pinananatiling mahinahon ang boses.

Sa halip na sumagot, nagtawanan lamang ang dalawa.

“Bakit? Natatakot ka na ngayon?” pang-iinis ng isa.

Napakunot ang noo ko. Bago pa ako makalapit, biglang hinawakan ng isa ang braso ng babae.

“Bitawan mo ako,” mariing sabi nito.

“Kung ayaw mong mapahiya, huwag kang umasta na parang kung sino ka!”

Mabilis na itinulak ng isa ang babae. Nawalan ito ng balanse at napaatras. Kasabay niyon, tumilapon ang hawak na baso ng juice ng isa pang babae. Kumalat ang laman nito sa harapan ng blouse ng dalaga.

Nakita kong napapikit siya habang sinusubukang makabawi ng balanse. Ngunit hindi na niya nagawang maitukod ang sarili at muntik nang bumagsak sa sahig.

“Damn it!”

Hindi na ako nag-isip pa. Iniwan ko ang mga lalaking kasama ko at mabilis na humakbang palapit. Inabot ko ang babae bago tuluyang tumama ang katawan nito sa sahig.

Nasalag ko ang likod niya gamit ang isang braso habang ang isa naman ay humawak sa kaniyang baywang upang masuportahan ang bigat nito.

“Are you out of your mind?” mariin kong tanong.

Naramdaman kong bahagyang nanginig ang katawan niya sa pagkabigla. Hindi agad siya nakapagsalita. Nakayuko lamang siya habang sinusubukang unawain ang nangyari.

“Miss, are you hurt?” tanong ko.

Unti-unti siyang nag-angat ng mukha. At nang magtama ang mga mata namin, natigilan ako.

Pamilyar ang mukha niya. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang babaeng nakilala ko sa bar kagabi.

Si Kyra Bell.

Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak ko sa kaniya habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito. At higit sa lahat, hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasyon ko siya muling makikita.

Ang babaeng may-ari ng ID na nasa bulsa ko ay ngayon nasa mga bisig ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #6

    Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #5

    Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #4

    LUCAS' POVPagmulat ko ng mga mata, agad kong naalala ang babaeng nakilala ko kagabi sa bar.Hindi ko alam kung bakit siya agad ang pumasok sa isip ko. Marami na akong nakilalang babae sa buong buhay ko, pero bihira kong maalala ang isang taong minsan ko pa lamang nakasalamuha.Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa kisame. Naalala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin nang bigla siyang umupo sa kandungan ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Kung ibang babae iyon, malamang matagal ko nang pinaalis sa harap ko.Pero may kakaiba sa kaniya.May lungkot sa mga mata niya na pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiti. Hindi rin siya katulad ng mga babaeng nakasanayan kong makasalamuha. Hindi siya nagpakitang-gilas o nagtanong tungkol sa trabaho at pera ko. Higit sa lahat, hindi niya sinubukang alamin kung sino ba talaga ako.Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Nang iunat ko ang kamay ko para kunin ang cellphone sa bedside table, napansin ko ang isang ID na nakapatong mal

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #3

    Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mga nangyari, at kahit ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin nababawasan ang sakit. Hindi ko matanggap na nagawa akong pagtawanan ni Josh, na ang lalaking minahal ko ay itinuring lamang akong mapagkukunan ng pera, at ang sarili kong stepsister ay isa sa mga taong manglalait lang pala sa akin. Mas masakit isipin na pag-uwi ko, wala man lang akong napala sa halip na pag-unawa. Ang sarili kong ama ang unang nanakit sa akin at nagbintang ng mga bagay na hindi ko ginawa. Ngayon, pati ang pag-aaral ko ay nanganganib dahil ayaw na niya akong suportahan.Napaupo ako sa kama at pinunasan ang mukha ko. Hindi puwedeng ganito na lang ako palagi. Gusto kong umiyak, gusto kong magkulong sa kuwarto at huwag munang harapin ang mundo, pero alam kong hindi malulutas ng pag-iyak ang mga problemang naghihintay sa akin. Kailangan kong makahanap ng paraan

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #2

    Pagdating ko sa bahay, ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa malaking bakuran ng aming bahay. Pagod na pagod na ako, at ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari sa paaralan. Gusto ko sanang dumiretso sa kuwarto ko, humiga at kalimutan kahit sandali ang lahat, pero hindi ko magagawa iyon hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako ipinatawag ng aking taksil na ama.Huminga ako nang malalim bago bumaba. Inayos ko ang bag sa balikat ko at ilang beses na pinunasan ang mukha ko upang matiyak na wala nang bakas ng mga luha. Ayokong makita nila akong mahina. Lalo na si Alyssa, na kahit wala sa bahay ay parang naririnig ko pa rin ang pangungutya sa boses niya.Pagpasok ko, nakita ko si Daddy na nakatayo sa gitna ng sala. Nasa sofa naman si Melissa, ang stepmother ko, habang tahimik na nakaupo sa tabi niya ang haliparot niyang anak na si Alyssa. Nang magtama ang mga mata namin, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Mabilis din iyong nawala nang mapansin

  • Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)   #1

    KYRA'S POVHindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay Josh. Ilang araw ko ring pinag-ipunan ang relong nasa loob nito, kaya excited akong makita ang magiging reaksyon niya. Matagal na niya iyong gustong bilhin, pero dahil may iba siyang pinagkakagastusan, hindi niya muna ito inuna.Kaya ako na ang bumili para sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung magkano ang nagastos ko. Basta makita ko siyang masaya, sapat na iyon para sa akin. Boyfriend ko siya, at gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya sa akin kahit hindi ko palaging nakakasama at nasasabi sa mga salita ang lahat ng nararamdaman ko.Pagdating ko sa silid na madalas niyang gamitin sa pag Volleyball, itataas ko na sana ang kamay ko para kumatok nang marinig ko ang boses niya mula sa loob na may kausap.“Hindi ko talaga alam kung bakit ang tagal kong tiniis ang babaeng iyon.”Napahinto ako sandali. Kilalang-kilala ko ang boses ni Josh, pero hindi ko maintindihan kung sino an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status