LOGIN
KYRA'S POV
Hindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay Josh. Ilang araw ko ring pinag-ipunan ang relong nasa loob nito, kaya excited akong makita ang magiging reaksyon niya. Matagal na niya iyong gustong bilhin, pero dahil may iba siyang pinagkakagastusan, hindi niya muna ito inuna. Kaya ako na ang bumili para sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung magkano ang nagastos ko. Basta makita ko siyang masaya, sapat na iyon para sa akin. Boyfriend ko siya, at gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya sa akin kahit hindi ko palaging nakakasama at nasasabi sa mga salita ang lahat ng nararamdaman ko. Pagdating ko sa silid na madalas niyang gamitin sa pag Volleyball, itataas ko na sana ang kamay ko para kumatok nang marinig ko ang boses niya mula sa loob na may kausap. “Hindi ko talaga alam kung bakit ang tagal kong tiniis ang babaeng iyon.” Napahinto ako sandali. Kilalang-kilala ko ang boses ni Josh, pero hindi ko maintindihan kung sino ang kausap niya at tinutukoy niya. “Ang dami niyang ginagawa para sa iyo, tapos ganyan lang ang tingin mo sa kaniya?” tanong ng isang babae. Napakunot-noo ako. Hindi ko kilala ang boses na iyon, at hindi ko rin maintindihan kung bakit nila pinag-uusapan ang isang tao sa ganoong paraan. “Hindi ko naman hinihingi ang lahat ng ginagawa niya,” sagot ni Josh. “Siya naman ang kusang nagbibigay. Kung alam mo lang kung gaano kadaling makuha kay Kyra ang gusto ko sa kaniya, maiintindihan mo kung bakit hindi ko pa siya iniiwan hahaha.” Biglang nanginig ang mga daliri kong nakahawak sa paper bag. “Ang tanga naman pala talaga ni Kyra,” natatawang sabi ng babae. “Akala niya siguro, mahal na mahal mo siya. Hindi niya alam na pinapakinabangan mo lang.” Para akong nawalan ng hangin sa mga narinig ko. Ako pala ang pinag-uusapan nila? Pinilit kong kumalma, idinikit ko ang palad ko sa p***o. Baka may mali lang akong narinig. Baka may ibang dahilan ang mga sinasabi nila. Hindi ko kayang paniwalaang ang lalaking ilang taon kong minahal ay kayang pagtawanan ako nang ganito. “Madali lang siyang utuin,” pagmamalaki ni Josh. “Konting lambing lang, ibibigay na niya ang gusto ko. Pati pera, hindi ko na kailangang hingin nang dalawang beses. kulang na nga lang ibigay niya ang pagkababae niya hahaha.” Napapikit ako sa sakit ng mga narinig ko. Naalala ko ang mga pagkakataong tinulungan ko siya dahil sinabi niyang wala siyang sapat na pera. Minsan, pati sarili kong pangangailangan ay ipinagpaliban ko muna para lang hindi siya mahirapan. Hindi ko iyon pinagsisihan noon. Mahal ko siya, at naniwala akong ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Pero ngayon, parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko. Ang sakit! Para akong taong walang pinag-aralan na pinagkakatuwaan nila. “Hindi ka ba natatakot na mahuli niya tayong magkasama rito?” tanong ng babae. “Hindi ‘yon. Mabait naman ang tingin niya sa iyo. Hindi siya maghihinala sa atin,” ani ni Josh. “Natural! Kailangan kong magpanggap na mabait bilang stepsister niya! Hindi naman ako tanga na katulad niya para ipahalata sa kaniya.” Biglang nanlamig ang buong katawan ko. ‘Stepsister.’ Iisa lang ang babaeng tinutukoy niya. Ang babaeng tinuring kong kapatid kahit hindi kami magkadugo. Ang babaeng ipinagtatanggol ko kapag may nagsasalita nang masama tungkol sa kaniya. Si Alyssa. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit ang marinig na niloloko ako ng boyfriend ko o ang malaman na kasabwat niya ang sarili kong stepsister. “Kung tutuusin, mas bagay naman tayo,” dagdag ni Alyssa. “Hindi ko nga alam kung ano ang nakita mo sa kaniya.” “Ang mahalaga, nakukuha ko ang gusto ko sa kaniya,” sagot ni Josh. “Kapag wala na siyang pakinabang, saka ko siya iiwan. At palalabasin ko na siya ang nagloko sa amin.” Tuluyan nang nawala ang natitira kong pag-asa na baka nagkakamali lamang ako. Hindi ko na kayang manatili sa labas at makinig sa dalawa na para bang wala silang sinisirang buhay. Binuksan ko ang p***o. Agad naman napalingon sa akin ang dalawa. Nakaupo si Alyssa sa gilid ng mesa, habang nakadikit sa kaniya si Josh. Nang makita nila ako, mabilis silang naghiwalay, ngunit hindi na nila mababago ang nakita ko. Nakatitig ako sa kanila habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko. “Kyra?” gulat na sambit ni Josh. Napatingin ako sa kaniya, saka kay Alyssa. “G-gaano na katagal?” nanginginig kong tanong sa kanila. Ngunit walang sumagot. “Tinatanong ko kung gaano na katagal!” ulit ko, nanginginig na ang boses. “Ilang beses na ninyo akong tiningnan sa mata habang nagsisinungaling kayo sa akin?” “Maghinay-hinay ka nga sa pananalita mo,” iritadong sagot ni Josh. “Huwag kang gumawa ng eksena rito!” Napatawa ako nang mahina. Ako pa ngayon ang gumagawa ng eksena? Ang kakapal ng mga mukha! Muli kong narinig ang sarili kong boses ngunit nauutal. “Gumawa ng eksena? Nahuli ko kayong naghahalikan, Josh! Narinig kong pinag-uusapan ninyo ako na para bang wala akong halaga. Ano ang gusto mong gawin ko? Ngumiti at magkunwaring walang nangyari?” “Hindi ko naman kasalanan kung narinig mo ang usapan namin!” Parang may matalim na bagay na bumaon sa dibdib ko. Ni hindi niya kayang humingi ng tawad. Ang tanging iniisip niya ay kung paano niya ako mapatatahimik. Bumaling ako kay Alyssa. “At ikaw naman!! Alam mong boyfriend ko siya at alam mong mahal na mahal ko siya! Ilang beses kitang tinulungan, ilang beses kitang ipinagtanggol, tapos ganito ang isusukli mo sa akin?” Umirap siya at inayos ang buhok niya. “Huwag mo nga akong sisihin kung mas gusto niya ako kaysa sa iyo! Tignan mo nga ‘yang itsura mo. Para kang katulong! Kaya huwag kang magtataka kung sa akin nababaliw ang pinakamamahal mong boyfriend!!” “Stepsister mo ako! Itinuring kitang parang totoong kapatid ko. Sabi mo, poprotektahan mo ako, pero ito ang gagawin mo sa akin?!” “Stepsister nga lang kita, kaya huwag mo akong tuturuan kung sino ang dapat kung mahalin! Kahit ang Daddy mo, kayang-kaya kong agawin sa ‘iyo,” mariin niyang sabi. “Huwag mong kalimutan iyon. At hindi ko rin kasalanan kung hindi ikaw ang pinili niya!” Napalunok ako. Gusto kong sumigaw, gusto kong itanong kung paano niya nagawang gawin iyon sa akin, pero hindi ko na alam kung anong mga salita ang makapagpapaliwanag sa sakit na nararamdaman ko. “Minahal kita,” sabi ko kay Josh, pilit na pinipigilan ko ang pagpatak ng luha. “Hindi ko alam kung saan ako nagkulang para tratuhin mo ako nang ganito.” “Wala kang kailangang itanong sa akin,” malamig niyang sagot. “Ikaw ang kusang tumulong sa akin! Kaya huwag mong isumbat ngayon ang mga bagay na ikaw mismo ang nagbigay sa akin!” Napayuko ako. Hindi dahil wala na akong maisasagot, kundi dahil ayokong makita nilang tuluyan na akong nadudurog. Dahan-dahan kong inilapag ang paper bag sa mesa malapit sa p***o. Ilang araw kong pinag-ipunan ang relong nasa loob niyon. Kanina, hindi ako makapaghintay na makita ang ngiti ni Josh na matanggap niya iyon. Ngayon, hindi ko na kayang ibigay sa kaniya ang regalong binili ko nang buong pagmamahal. “Huwag mong isipin na may utang na loob ka sa akin. Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal kita. Hindi ko alam na ginagamit mo lang pala ako.” Hindi sumagot si Josh. Wala man lang bakas na pagsisisi sa mukha niya. Tinalikuran ko sila at mabilis na lumabas ng silid. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng napatingin sa akin habang naglalakad ako sa pasilyo. Ang tanging gusto ko ay makalayo sa lugar na iyon bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas. Pagdating ko sa madilim na pasilyo. Doon bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Josh, pati ang malamig na mukha ni Alyssa habang ipinagmamalaki niyang niloko niya ako. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nanatiling ganoon. Nang tumunog ang cellphone ko, mabilis kong pinunasan ang mukha ko bago tiningnan ang screen. Si Daddy ang tumatawag. “Hello, Daddy?” sagot ko, pilit na inaayos ang boses ko. “Umuwi ka ngayon din,” mariin niyang utos. Napakunot-noo ako. “Bakit po? May nangyari po ba—” Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, naputol na ang tawag. Napatingin ako sa cellphone ko, saka sa bag na nasa tabi ko. Pagod na pagod na ako, pero wala akong ibang pagpipilian. Inayos ko ang mga gamit ko at isinara ang bag. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa bahay, pero umaasa akong kahit papaano, makakahanap ako ng lugar kung saan maaari akong huminga nang hindi na kailangang magpanggap na maayos ako. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ako ng campus at naglakad patungo sa sakayan. Habang papalayo ang sasakyan sa paaralan, nakatingin lang ako sa bintana, pinapanood ang mga gusaling unti-unting nawawala sa paningin ko. Kanina, dala ko ang regalong binili ko para sa lalaking mahal ko. Ngayon, dala ko ang sakit ng pagtataksil niya at ng babaeng itinuring kong kapatid. Mahigpit kong niyakap ang bag sa kandungan ko at pinunasan ang natitirang luha sa pisngi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ni Daddy pagdating ko sa bahay. Pero sa araw na iyon, sapat nang malaman kong ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko ay hindi pala ang mga taong akala ko. At kahit hindi ko pa alam kung paano ako babangon mula sa lahat ng ito, kailangan kong umuwi at harapin ang Daddy ko.Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then
Hindi ko agad inalis ang tingin ko kay Kyra. Nasa mga bisig ko pa rin siya habang pilit na binabawi ang balanse. Nang matiyak kong kaya na niyang tumayo nang maayos, marahan ko siyang inalalayan hanggang tuluyan siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.Napansin ko ang mantsa ng juice sa harapan ng kaniyang blouse. Bahagya siyang napayuko at inayos ang damit, tila nais itago ang nangyari sa kaniya.“Are you hurt?” muli kong tanong.Umiling siya. “I'm fine.”Hindi ako naging kumbinsido sa maikli niyang sagot. Bago pa ako makapagtanong ulit, napansin kong nakatingin sa amin ang dalawang babaeng estudyante. Wala man lamang bakas ng pagsisisi sa kanilang mga mukha.Bumaling ako sa kanila.“Who gave you the right to treat another student that way?”Biglang nawala ang mga ngiti nila. Nagkatinginan ang dalawa bago muling humarap sa akin.“Sir, nagbibiro lang po kami,” sagot ng isa.“Is that what you call a joke? Pushing someone until she almost falls?”“Hindi naman po namin sinasadya.”“Then
LUCAS' POVPagmulat ko ng mga mata, agad kong naalala ang babaeng nakilala ko kagabi sa bar.Hindi ko alam kung bakit siya agad ang pumasok sa isip ko. Marami na akong nakilalang babae sa buong buhay ko, pero bihira kong maalala ang isang taong minsan ko pa lamang nakasalamuha.Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa kisame. Naalala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin nang bigla siyang umupo sa kandungan ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Kung ibang babae iyon, malamang matagal ko nang pinaalis sa harap ko.Pero may kakaiba sa kaniya.May lungkot sa mga mata niya na pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiti. Hindi rin siya katulad ng mga babaeng nakasanayan kong makasalamuha. Hindi siya nagpakitang-gilas o nagtanong tungkol sa trabaho at pera ko. Higit sa lahat, hindi niya sinubukang alamin kung sino ba talaga ako.Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Nang iunat ko ang kamay ko para kunin ang cellphone sa bedside table, napansin ko ang isang ID na nakapatong mal
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mga nangyari, at kahit ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin nababawasan ang sakit. Hindi ko matanggap na nagawa akong pagtawanan ni Josh, na ang lalaking minahal ko ay itinuring lamang akong mapagkukunan ng pera, at ang sarili kong stepsister ay isa sa mga taong manglalait lang pala sa akin. Mas masakit isipin na pag-uwi ko, wala man lang akong napala sa halip na pag-unawa. Ang sarili kong ama ang unang nanakit sa akin at nagbintang ng mga bagay na hindi ko ginawa. Ngayon, pati ang pag-aaral ko ay nanganganib dahil ayaw na niya akong suportahan.Napaupo ako sa kama at pinunasan ang mukha ko. Hindi puwedeng ganito na lang ako palagi. Gusto kong umiyak, gusto kong magkulong sa kuwarto at huwag munang harapin ang mundo, pero alam kong hindi malulutas ng pag-iyak ang mga problemang naghihintay sa akin. Kailangan kong makahanap ng paraan
Pagdating ko sa bahay, ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa malaking bakuran ng aming bahay. Pagod na pagod na ako, at ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari sa paaralan. Gusto ko sanang dumiretso sa kuwarto ko, humiga at kalimutan kahit sandali ang lahat, pero hindi ko magagawa iyon hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako ipinatawag ng aking taksil na ama.Huminga ako nang malalim bago bumaba. Inayos ko ang bag sa balikat ko at ilang beses na pinunasan ang mukha ko upang matiyak na wala nang bakas ng mga luha. Ayokong makita nila akong mahina. Lalo na si Alyssa, na kahit wala sa bahay ay parang naririnig ko pa rin ang pangungutya sa boses niya.Pagpasok ko, nakita ko si Daddy na nakatayo sa gitna ng sala. Nasa sofa naman si Melissa, ang stepmother ko, habang tahimik na nakaupo sa tabi niya ang haliparot niyang anak na si Alyssa. Nang magtama ang mga mata namin, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Mabilis din iyong nawala nang mapansin
KYRA'S POVHindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay Josh. Ilang araw ko ring pinag-ipunan ang relong nasa loob nito, kaya excited akong makita ang magiging reaksyon niya. Matagal na niya iyong gustong bilhin, pero dahil may iba siyang pinagkakagastusan, hindi niya muna ito inuna.Kaya ako na ang bumili para sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung magkano ang nagastos ko. Basta makita ko siyang masaya, sapat na iyon para sa akin. Boyfriend ko siya, at gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya sa akin kahit hindi ko palaging nakakasama at nasasabi sa mga salita ang lahat ng nararamdaman ko.Pagdating ko sa silid na madalas niyang gamitin sa pag Volleyball, itataas ko na sana ang kamay ko para kumatok nang marinig ko ang boses niya mula sa loob na may kausap.“Hindi ko talaga alam kung bakit ang tagal kong tiniis ang babaeng iyon.”Napahinto ako sandali. Kilalang-kilala ko ang boses ni Josh, pero hindi ko maintindihan kung sino an







