Beatrix POVMabigat ang bawat yabag ko sa mamahaling marmol na sahig ng St. Jude Chapel. Bawat hakbang papunta sa altar ay parang paglalakad ko diretso sa sarili kong hukay. Kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi dahil sa excitement o kaba ng isang bride-to-be. Kundi dahil sa kung anong kutob na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko, may mali. At hindi ko alam kung ano.Nakatitig sa akin si Dr. Marcus Alvarez—ang lalaking pinag-alayan ko ng limang taon ng buhay ko, ang kasama ko sa walang katapusang puyatan sa ER, at ang taong itinuring kong kakampi sa magulong mundo ng medisina. Pero habang papalapit ako sa kanya, may kakaibang pakiramdam akong hindi maalis. Bakit parang may ibang taong nasa isip niya, kahit ako ang kaharap niya?Nang tuluyan kaming makatayo sa harap ng pari, akala ko, mawawala na rin ang pag-aalinlangan ko. Pero bago pa makapagsimula ang padre, may biglang umalingawngaw na pamilyar na boses mula sa open microphone sa vestry sa gilid.“Relax ka lang, babe.
Last Updated : 2026-10-16 Read more