LOGINBeatrix POV
Nakatayo ako sa harap ng salamin sa banyo habang pilit pinapawi ang bakas ng mga luha sa mukha ko. Ang dami nang nangyari nitong mga nakaraang araw. Para akong naipit sa isang bangungot na kahit anong gawin ko, hindi ako magising-gising. Niloko ako ng ex-fiancé kong si Marcus, pinalabas na magnanakaw ng confidential data sa ospital, at ngayon, para na akong isang kahihiyan sa mata ng buong medical community. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pang nasisira ang pangalan ko. Kaninang umaga lang, nakatanggap ako ng confirmation mula sa PRC na tuluyan nang sinuspinde ang medical license ko dahil sa panggigipit ng pamilya Tan. At parang hindi pa sapat ang lahat ng iyon, dumating pa ang notice mula sa bangko—frozen na rin ang natitira kong ipon dahil sa injunction. How the hell am I supposed to survive? Paano ko babayaran ang renta ko? Paano ako bibili ng pagkain kung pati sarili kong pera ay hindi ko na magalaw? Tumunog ang phone ko sa ibabaw ng lababo. Isang text message mula sa unregistered number ang bumungad sa screen. Sevillana Tower. Ground Floor. 7:00 PM. Huwag kang male-late kung gusto mo pang iligtas ang career mo. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang repleksiyon ko sa salamin. Magulo ang buhok ko, halatang-halata ang eyebags sa ilalim ng mga mata ko, at ang suot ko lang ay isang oversized T-shirt at lumang maong. Wala na akong energy para mag-ayos pa ng sarili ko. Wala na rin akong pakialam kung ano ang itsura ko. I had nothing left to lose. Kung isa na naman itong laro ng mga mayayaman para tuluyan akong durugin, fine. At least, susubukan kong lumaban bago tuluyang mawalan ng lahat. Makalipas ang isang oras, nakatayo na ako sa harap ng Sevillana Tower. Napakataas ng gusali, halos abutin na ang ulap sa dilim ng gabi. Pagpasok ko sa lobby na punong-puno ng mamahaling marmol at salamin, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting hiya sa suot kong sapatos na pudpod na ang mga sakong. Pero wala akong ibang choice kundi lakasan ang loob ko. Pagpasok ko sa private elevator na papunta sa 74th floor, muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang naghihintay sa akin sa itaas, pero pakiramdam ko, hindi magiging madali ang gabing ito. Pagbukas ng elevator, agad akong sinalubong ng isang lalaking naka-suit. May hawak siyang tablet at mukhang personal assistant ng kung sino man ang may-ari ng opisina sa palapag na iyon. “Dr. Hizon?” tanong niya. “Yes.” “Good. You're expected. Please come with me. He's waiting for you.” Pagkasabi niya, itinuro niya ang isang malaking double door na gawa sa maitim na kahoy. Tahimik akong tumango. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang panginginig ng mga kamay ko bago ko hinawakan ang door handle at marahang itinulak ang p***o. Napakalawak ng opisina. Floor-to-ceiling glass ang mga dingding, kaya kitang-kita ang nagliliwanag na city lights ng buong siyudad. Sa dulo ng silid ay may malaking executive desk, at sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking pamilyar ang mukha mula sa mga medical magazine at business news. Si Dr. Keifer Sevillana. Ang pinakabatang head ng neurosurgery department sa bansa, isang billionaire heir ng Sevillana Medical Empire, at kilala bilang isa sa pinakamalamig at pinakabrutal na surgeon pagdating sa high-stakes operations. Walang emosyon ang mukha niya habang binabasa ang mga papeles sa harap niya. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved shirt na nakatupi hanggang siko ang manggas, kaya litaw ang mga ugat sa kanyang mga braso habang hawak ang isang itim na Parker pen. "Sit down," malamig niyang utos nang hindi man lang ako nililingon. Hindi ako umimik. Tahimik akong umupo sa silyang nasa tapat ng mesa niya. Ilang minuto ang lumipas na wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Tanging mahinang ugong ng aircon ang maririnig sa buong silid. Mukhang sinasadya niyang patagalin ang katahimikan para i-intimidate ako. "So, you're Dr. Hizon," panimula niya habang dahan-dahang ibinababa ang hawak niyang pen bago tuluyang itinaas ang tingin sa akin. His eyes were terrifyingly sharp. Halos kulay abo ang mga iris niya, malamig at seryoso ang tingin, na para bang kaya niyang basahin ang lahat ng iniisip ko. May kung anong nakakatakot sa paraan ng pagtitig niya—parang kaya niya akong operahan nang walang anesthesia at hindi man lang manginig ang mga kamay niya. "I know why I'm here, Dr. Sevillana," direkta kong sagot, pilit na pinatatatag ang boses ko kahit gustong-gusto ko nang umatras. "If this is about the allegations against me involving Director Tan's hospital, let me make one thing clear. I had nothing to do with the sale of confidential patient data—" "I don't give a damn about the Tans' lies," putol niya sa sinabi ko. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at dahan-dahang naglakad papunta sa glass wall, nakapamulsa habang nakatanaw sa city lights. "I know what your ex-fiancé and the director's daughter did to you. They framed you to cover up their own mess involving the clinical trial. In short, they used you as a scapegoat and left you to take the fall." Nanigas ako sa kinauupuan ko. How the hell did he know that? Paano niya nalaman ang mga detalyeng iyon gayong wala pa nga sa police report ang lahat ng impormasyong iyon? "How do you know all that?" tanong ko. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Seryoso pa rin ang mukha niya habang bahagyang itinataas ang isang kilay. "Because the Sevillana family owns half of the hospitals in this country. Nothing happens in the medical industry without eventually reaching my ears, Beatrix." Napakurap ako nang marinig ang pangalan ko mula sa bibig niya. Hindi na niya ako tinawag na doktor. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas lalo akong kinabahan. "If you already know I'm innocent, then why did you summon me here?" tanong ko habang unti-unting napapalitan ng pagtataka ang takot na nararamdaman ko. "You didn't bring me here just to insult me or remind me how badly my life has fallen apart, did you?" "Of course not." Naglakad siya pabalik sa executive desk niya, saka kumuha ng isang folder at itinulak iyon papunta sa akin. "I need something from you. And judging by your current situation, you need something from me, too." Binuksan ko ang folder. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman nito. A legal contract. Pero hindi ito ordinaryong employment contract. Hindi rin ito kasunduan para sa isang medical position o research project. Isa itong kontrata para sa isang pekeng kasal at pekeng pagbubuntis. "What the hell is this?" napaawang ang labi ko habang salit-salitang tinitingnan ang mga dokumento at ang lalaking nasa harap ko. "My youngest brother has gotten himself into a serious scandal," malamig na paliwanag ni Keifer habang diretso akong tinitingnan. "He got a minor daughter of an influential politician pregnant. Now, the girl's family wants him behind bars, and they're determined to drag our entire family down with him." Napahigpit ang hawak ko sa folder. "And what exactly does that have to do with me?" tanong ko, kahit unti-unti nang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa masamang kutob. "To contain the scandal and protect my brother, our family needs someone who can establish a different public narrative about the pregnancy. Someone who can make it appear that the child isn't his." Saglit siyang huminto bago muling nagsalita. "And given your expertise in clinical research and your OB-GYN background, you're the person I've chosen for the role. You'll pretend to be my brother's girlfriend in the eyes of the public, while a legal agreement will be used to attribute the unborn child's paternity to another man." "What the hell is wrong with you?!" Bigla akong napatayo mula sa upuan ko, hindi makapaniwala sa narinig. "You want me to lie to the entire public just to protect your family?! No way! I'm a doctor, not some tool you can use to clean up your family's mess!" Hindi man lang natinag si Keifer. Nanatili siyang kalmado habang nakatingin sa akin, na para bang wala lang sa kanya ang pagsabog ng galit ko. "Then don't." Dalawang salita lang iyon, pero sapat para lalo akong kabahan. "If you refuse my offer, I'll make sure that by tomorrow morning, losing your medical license will be the least of your problems," malamig niyang banta. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Naamoy ko ang pabango niyang may halong mint at kape, pero mas nangingibabaw ang malamig at nakaka-intimidate niyang presensya. "I'll make sure you end up behind bars for allegedly stealing confidential patient data. And once that happens, not a single hospital in the world will ever consider hiring you again." Napaatras ako hanggang sa sumayad ang likod ko sa gilid ng mesa. Walang awa ang lalaking ito. He wasn't offering me a way out. He was cornering me into a deal I couldn't afford to refuse. At sa unang pagkakataon mula nang bumagsak ang buhay ko, tuluyan kong naunawaan kung sino ang kaharap ko. Hindi lang siya isang makapangyarihang doktor. Hindi lang siya isang billionaire heir. Isa siyang demonyong nakasuot ng mamahaling suit.Beatrix POVNatahimik ang buong hapag-kainan. Para bang biglang tumigil ang mundo sa loob ng grand dining room nang ipakilala ako ni Keifer bilang magiging ina ng susunod na tagapagmana ng pamilya Sevillana. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa matatalim na tingin ng mga taong nakapaligid sa amin.Nakatutok sa amin ang atensyon ni Don Aurelio Sevillana, ang patriarch ng pamilya at haligi ng kanilang medical empire na kilala sa pagiging istrikto at hindi basta-basta nagpapadala sa emosyon. Sa kabilang gilid naman ng mesa, si Liam ay para bang gustong lamunin na lang ng lupa. Nakayuko siya sa plato niya at halatang hindi kayang salubungin ang tingin ko."Is this some kind of joke, Keifer?" basag ni Don Aurelio sa katahimikan. Matigas ang boses niya at puno ng awtoridad habang dahan-dahang ibinababa ang hawak niyang kubyertos. "Isang linggo lang tayong naghahanap ng paraan para maayos ang eskandalo ng kapatid mo, tapos ngayon, magdadala ka rito ng
Beatrix POVIsang linggo na ang lumipas mula nang pirmahan ko ang kontrata sa Sevillana Tower, pero parang isang iglap lang nagbago ang lahat sa buhay ko. Ang mga kasong ibinato sa akin nina Director Tan tungkol sa data leakage ay bigla na lang naglaho na parang bula. Para bang may invisible na kamay na nagbura sa lahat ng bahid ng kasalanang pilit nilang ikinapit sa pangalan ko.Ngayon, nakatayo ako sa harap ng bago kong klinika sa Quezon City. At hindi ito ordinaryong clinic lang. Isa itong state-of-the-art research facility na kumpleto sa modern equipment, advanced machines para sa OB-GYN procedures at clinical trials, at mga propesyonal na staff na magalang na bumati sa akin pagdating ko kaninang umaga.Lahat ng ito ay ibinigay sa akin ni Keifer bilang paunang kabayaran sa kontrata namin.Pero habang nakatitig ako sa pangalan ko sa glass door ng opisina ko—Dr. Beatrix Hizon, Head of Clinical Research—hindi ko maiwasang maalala na walang bagay na ibinibigay nang libre sa isang lala
Beatrix POVNakatitig ako kay Keifer habang mabilis ang paghinga ko. Sobrang lapit niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang mabigat niyang presensya, na para bang unti-unting kinakain ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Sa sobrang lapit niya, kitang-kita ko ang maliit na peklat sa gilid ng kaliwang kilay niya, na lalo pang nagbigay ng mapanganib na dating sa mukha niya."You have no conscience," nanggigigil kong bulong habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. "Akala ko ba, iba ka sa mga taong umapi sa akin? Pare-pareho lang pala kayong mga mayayaman na ginagamit ang kapangyarihan para tapakan ang mga taong walang kalaban-laban!"Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. Sa halip, bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko, na para bang sinusubukan niyang alamin kung hanggang saan ang kaya kong tiisin."I'm no saint, Beatrix," kalmado niyang sagot. Mababa ang boses niya, pero bawat salita ay parang tumatagos sa bu
Beatrix POVNakatayo ako sa harap ng salamin sa banyo habang pilit pinapawi ang bakas ng mga luha sa mukha ko. Ang dami nang nangyari nitong mga nakaraang araw. Para akong naipit sa isang bangungot na kahit anong gawin ko, hindi ako magising-gising. Niloko ako ng ex-fiancé kong si Marcus, pinalabas na magnanakaw ng confidential data sa ospital, at ngayon, para na akong isang kahihiyan sa mata ng buong medical community.Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pang nasisira ang pangalan ko. Kaninang umaga lang, nakatanggap ako ng confirmation mula sa PRC na tuluyan nang sinuspinde ang medical license ko dahil sa panggigipit ng pamilya Tan. At parang hindi pa sapat ang lahat ng iyon, dumating pa ang notice mula sa bangko—frozen na rin ang natitira kong ipon dahil sa injunction.How the hell am I supposed to survive?Paano ko babayaran ang renta ko? Paano ako bibili ng pagkain kung pati sarili kong pera ay hindi ko na magalaw?Tumunog ang phone ko sa ibabaw ng lababo. Isang text message mul
Beatrix POVMabigat ang bawat yabag ko sa mamahaling marmol na sahig ng St. Jude Chapel. Bawat hakbang papunta sa altar ay parang paglalakad ko diretso sa sarili kong hukay. Kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi dahil sa excitement o kaba ng isang bride-to-be. Kundi dahil sa kung anong kutob na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko, may mali. At hindi ko alam kung ano.Nakatitig sa akin si Dr. Marcus Alvarez—ang lalaking pinag-alayan ko ng limang taon ng buhay ko, ang kasama ko sa walang katapusang puyatan sa ER, at ang taong itinuring kong kakampi sa magulong mundo ng medisina. Pero habang papalapit ako sa kanya, may kakaibang pakiramdam akong hindi maalis. Bakit parang may ibang taong nasa isip niya, kahit ako ang kaharap niya?Nang tuluyan kaming makatayo sa harap ng pari, akala ko, mawawala na rin ang pag-aalinlangan ko. Pero bago pa makapagsimula ang padre, may biglang umalingawngaw na pamilyar na boses mula sa open microphone sa vestry sa gilid.“Relax ka lang, babe.







