Share

KABANATA 5

Author: YORMI
last update publish date: 2026-10-16 15:28:09

Beatrix POV

Natahimik ang buong hapag-kainan. Para bang biglang tumigil ang mundo sa loob ng grand dining room nang ipakilala ako ni Keifer bilang magiging ina ng susunod na tagapagmana ng pamilya Sevillana. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa matatalim na tingin ng mga taong nakapaligid sa amin.

Nakatutok sa amin ang atensyon ni Don Aurelio Sevillana, ang patriarch ng pamilya at haligi ng kanilang medical empire na kilala sa pagiging istrikto at hindi basta-basta nagpapadala sa emosyon. Sa kabilang gilid naman ng mesa, si Liam ay para bang gustong lamunin na lang ng lupa. Nakayuko siya sa plato niya at halatang hindi kayang salubungin ang tingin ko.

"Is this some kind of joke, Keifer?" basag ni Don Aurelio sa katahimikan. Matigas ang boses niya at puno ng awtoridad habang dahan-dahang ibinababa ang hawak niyang kubyertos. "Isang linggo lang tayong naghahanap ng paraan para maayos ang eskandalo ng kapatid mo, tapos ngayon, magdadala ka rito ng babaeng nasangkot sa isang kontrobersyal na kaso ng pagnanakaw ng confidential data mula sa ibang ospital?"

Hihinga na sana ako para ipagtanggol ang sarili ko, pero naunahan ako ni Keifer. Bahagya niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko, isang malinaw na senyas na pinipigilan niya akong magsalita.

"This isn't a joke, Lolo," kalmado pero madiin niyang sagot. Diretso niyang sinalubong ang tingin ng matanda nang walang bahid ng takot. "Beatrix is the solution to our problem. She's the woman I've been secretly seeing for a long time, and she's the one who's going to take responsibility for the next heir. The child isn't my brother's. It's ours."

Nanlaki ang mga mata ni Liam at agad siyang napatingala. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya, pati ang bahagyang pag-awang ng mga labi niya.

Alam ni Liam ang totoong nangyari—na ang eskandalong kinasasangkutan niya at ang pagbubuntis ng menor de edad na anak ng politiko ang talagang pilit naming tinatakpan. Pero dahil sa maingat na planong binuo ni Keifer, ang buong pamilya ay napaniwalang ako ang sentro ng kuwentong ito.

"Is that true, Dr. Hizon?" tanong ni Don Aurelio habang seryoso akong sinusuri mula ulo hanggang paa.

Napalunok ako. Biglang nanuyo ang lalamunan ko, pero alam kong kapag nagkamali ako ng sagot, matatapos ang lahat bago pa man kami makapagsimula.

Pinilit kong panatilihing kalmado ang ekspresyon ng mukha ko at diretsong tumingin sa matanda.

"Yes, Don Aurelio," seryoso kong sagot, pilit na pinatatatag ang boses ko. "Matagal na kaming may relasyon ni Keifer, at naiintindihan ko kung gaano kabigat ang sitwasyong ito para sa pamilya ninyo. I'm here because I'm willing to stand by him and take responsibility for our relationship."

Ilang segundo pang nanatiling mabigat ang katahimikan bago bumuntong-hininga si Don Aurelio at sumandal sa kinauupuan niya.

"If that's the case, then starting tonight, you'll be staying here in the mansion. No one leaves this house until we settle the media scandal and resolve the issue with the politician's family."

Pagkatapos ng hapunan, na halos walang nakakain dahil sa tensyon, sinamahan ako ni Keifer sa isang malaki at maluwang na guest suite sa ikalawang palapag ng mansyon.

Maganda ang kuwarto. Mula sa malalaking bintana, tanaw ang malawak na hardin ng mansyon, pero sa halip na humanga sa paligid, napabuntong-hininga na lang ako at bumagsak ang mga balikat ko sa sobrang pagod.

Pakiramdam ko, ilang oras akong nagkunwaring ibang tao sa harap ng isang pamilyang kayang durugin ang sinumang humadlang sa kanila.

Binuksan ko ang bag ko para kunin ang gamot ko, pero natigilan ako nang marinig kong bumukas ang p***o.

Si Keifer.

Nakatayo siya sa may pintuan, nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin.

"Are you okay?" tanong niya. Bahagyang mas malambot ang boses niya kumpara sa malamig na tono niya kanina sa harap ng pamilya niya.

"Yeah. Naninibago lang ako," sagot ko habang malalim na humihinga at nauupo sa gilid ng kama. "Pero wait, Keifer. May gusto akong itanong sa 'yo. Bakit kailangan pang umabot sa puntong sinabi mong tayo ang may relasyon? Couldn't we have given your grandfather a different explanation instead of making up a story like this?"

Lumapit si Keifer at huminto sa harap ko. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko, para bang pinag-iisipan muna niya kung paano ipapaliwanag ang desisyon niya.

"Because a simple story won't be enough. The politician's family will keep digging until they find a loophole. They need to believe that the person connected to this child comes from a position of power and stability. And nothing is more effective than making it clear that the child is connected to me—or, more importantly, to the Sevillana family."

Tumango ako kahit mabigat sa loob ko ang lahat ng ito.

"Fine. Pero sandali lang..." Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kanya. "There's something I've been meaning to ask you about the documents you gave me when we first met."

Bahagyang kumunot ang noo niya.

"What about them?"

"About my father's case," seryoso kong sagot habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "He died five years ago in a car accident while investigating irregularities in the medicine supply of Sevillana Medical Group. But when I went through the files you sent to my clinic yesterday, I found documents suggesting that his death might not have been an accident at all."

Biglang natigilan si Keifer.

Sa unang pagkakataon, nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niyang palaging kalmado at tila walang kinatatakutan. Nawala ang karaniwang kumpiyansa sa mga mata niya, at napalitan iyon ng kakaibang tensyon at dilim na hindi ko pa nakikita noon.

"Where did you get that information?" tanong niya. Bahagyang tumaas ang boses niya, na para bang may isang bagay sa sinabi ko ang biglang nakapagpagulo sa kanya.

"Don't change the subject," sagot ko habang tumatayo at humaharap sa kanya. "Just answer my question, Keifer. Did the Sevillana family have anything to do with my father's death?"

Lumapit ako nang bahagya, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Because if your family had something to do with it, I swear, I won't continue this fake arrangement. I don't care what happens to me. Kahit ano pang gawin mo sa akin, hindi ko hahayaang maging bahagi ako ng pamilyang posibleng pumatay sa sarili kong ama."

Natahimik si Keifer.

Hindi siya agad sumagot. At sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nakita kong umiwas ang mga mata niya sa akin.

Walang paliwanag. Walang pagtanggi. Wala ring kasiguruhan na wala siyang alam.

At sa katahimikang iyon, lalo lang lumalim ang hinala ko.

What if the man I thought would help me fight the people who ruined my life was hiding a dark connection to the greatest tragedy of my past?

Paano kung ang lalaking pinili kong pagkatiwalaan ay may kinalaman pala sa pagkamatay ng sarili kong ama?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Mahalin   KABANATA 5

    Beatrix POVNatahimik ang buong hapag-kainan. Para bang biglang tumigil ang mundo sa loob ng grand dining room nang ipakilala ako ni Keifer bilang magiging ina ng susunod na tagapagmana ng pamilya Sevillana. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa matatalim na tingin ng mga taong nakapaligid sa amin.Nakatutok sa amin ang atensyon ni Don Aurelio Sevillana, ang patriarch ng pamilya at haligi ng kanilang medical empire na kilala sa pagiging istrikto at hindi basta-basta nagpapadala sa emosyon. Sa kabilang gilid naman ng mesa, si Liam ay para bang gustong lamunin na lang ng lupa. Nakayuko siya sa plato niya at halatang hindi kayang salubungin ang tingin ko."Is this some kind of joke, Keifer?" basag ni Don Aurelio sa katahimikan. Matigas ang boses niya at puno ng awtoridad habang dahan-dahang ibinababa ang hawak niyang kubyertos. "Isang linggo lang tayong naghahanap ng paraan para maayos ang eskandalo ng kapatid mo, tapos ngayon, magdadala ka rito ng

  • Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Mahalin   KABANATA 4

    Beatrix POVIsang linggo na ang lumipas mula nang pirmahan ko ang kontrata sa Sevillana Tower, pero parang isang iglap lang nagbago ang lahat sa buhay ko. Ang mga kasong ibinato sa akin nina Director Tan tungkol sa data leakage ay bigla na lang naglaho na parang bula. Para bang may invisible na kamay na nagbura sa lahat ng bahid ng kasalanang pilit nilang ikinapit sa pangalan ko.Ngayon, nakatayo ako sa harap ng bago kong klinika sa Quezon City. At hindi ito ordinaryong clinic lang. Isa itong state-of-the-art research facility na kumpleto sa modern equipment, advanced machines para sa OB-GYN procedures at clinical trials, at mga propesyonal na staff na magalang na bumati sa akin pagdating ko kaninang umaga.Lahat ng ito ay ibinigay sa akin ni Keifer bilang paunang kabayaran sa kontrata namin.Pero habang nakatitig ako sa pangalan ko sa glass door ng opisina ko—Dr. Beatrix Hizon, Head of Clinical Research—hindi ko maiwasang maalala na walang bagay na ibinibigay nang libre sa isang lala

  • Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Mahalin   KABANATA 3

    Beatrix POVNakatitig ako kay Keifer habang mabilis ang paghinga ko. Sobrang lapit niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang mabigat niyang presensya, na para bang unti-unting kinakain ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Sa sobrang lapit niya, kitang-kita ko ang maliit na peklat sa gilid ng kaliwang kilay niya, na lalo pang nagbigay ng mapanganib na dating sa mukha niya."You have no conscience," nanggigigil kong bulong habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. "Akala ko ba, iba ka sa mga taong umapi sa akin? Pare-pareho lang pala kayong mga mayayaman na ginagamit ang kapangyarihan para tapakan ang mga taong walang kalaban-laban!"Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko. Sa halip, bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko, na para bang sinusubukan niyang alamin kung hanggang saan ang kaya kong tiisin."I'm no saint, Beatrix," kalmado niyang sagot. Mababa ang boses niya, pero bawat salita ay parang tumatagos sa bu

  • Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Mahalin   KABANATA 2

    Beatrix POVNakatayo ako sa harap ng salamin sa banyo habang pilit pinapawi ang bakas ng mga luha sa mukha ko. Ang dami nang nangyari nitong mga nakaraang araw. Para akong naipit sa isang bangungot na kahit anong gawin ko, hindi ako magising-gising. Niloko ako ng ex-fiancé kong si Marcus, pinalabas na magnanakaw ng confidential data sa ospital, at ngayon, para na akong isang kahihiyan sa mata ng buong medical community.Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pang nasisira ang pangalan ko. Kaninang umaga lang, nakatanggap ako ng confirmation mula sa PRC na tuluyan nang sinuspinde ang medical license ko dahil sa panggigipit ng pamilya Tan. At parang hindi pa sapat ang lahat ng iyon, dumating pa ang notice mula sa bangko—frozen na rin ang natitira kong ipon dahil sa injunction.How the hell am I supposed to survive?Paano ko babayaran ang renta ko? Paano ako bibili ng pagkain kung pati sarili kong pera ay hindi ko na magalaw?Tumunog ang phone ko sa ibabaw ng lababo. Isang text message mul

  • Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Mahalin   KABANATA 1

    Beatrix POVMabigat ang bawat yabag ko sa mamahaling marmol na sahig ng St. Jude Chapel. Bawat hakbang papunta sa altar ay parang paglalakad ko diretso sa sarili kong hukay. Kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi dahil sa excitement o kaba ng isang bride-to-be. Kundi dahil sa kung anong kutob na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko, may mali. At hindi ko alam kung ano.Nakatitig sa akin si Dr. Marcus Alvarez—ang lalaking pinag-alayan ko ng limang taon ng buhay ko, ang kasama ko sa walang katapusang puyatan sa ER, at ang taong itinuring kong kakampi sa magulong mundo ng medisina. Pero habang papalapit ako sa kanya, may kakaibang pakiramdam akong hindi maalis. Bakit parang may ibang taong nasa isip niya, kahit ako ang kaharap niya?Nang tuluyan kaming makatayo sa harap ng pari, akala ko, mawawala na rin ang pag-aalinlangan ko. Pero bago pa makapagsimula ang padre, may biglang umalingawngaw na pamilyar na boses mula sa open microphone sa vestry sa gilid.“Relax ka lang, babe.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status