CHAPTER FIVE "You're next, bro! Better start saving for the wedding!" natatawang sabi ni Jeth, na sinundan din ng tawanan ng lahat. Natatawa rin ako dahil nandidilim ang mukha ni Izra. Nakakatakot siya ngayon. Parang may halimaw na dragon ang biglang lumabas sa lungga. Ganoon si Mr. Sterling: nanlilisik ang mga mata, nakatikom ang bibig, at mas nakakabahala ang pananahimik niya. But I'm not scared of him. Just a little. "There you have it, everyone! One lucky lady and one unlucky gentleman—or perhaps two very lucky people, depending on how you look at it!" Lalong lumakas ang tawanan ng mga bisita. Ang iba ay pumalakpak pa, habang ang mga kasama ni Izra ay halos hindi na magkamayaw sa pang-aasar sa kaniya. Ako naman, hindi mapigilang mapangiti. "What the hell is this supposed to mean?" malamig niyang tanong. Natahimik sandali ang mga lalaking nasa paligid niya. Pagkatapos, inakbayan ni Jeth ang kaibigan habang nakangisi. "Come on, man. It's just a game!" "Then find some
Last Updated : 2026-10-19 Read more