Share

Exclusive

Author: ninsies
last update publish date: 2026-10-19 00:20:04

CHAPTER FOUR

"I still can't believe that he did it to me?!" mangiyak-ngiyak kong tanong sa sarili ko. Gumulong ako sa queen-size bed ko at tumitig sa kisame.

Masyado ko yatang in-underestimate si Izra. Sa susunod, hindi ko na iyon hahayaang mangyari pa. At simula rin sa araw na ito, tatawagin ko na siya sa pangalan niya.

I don't care kung binalaan na niya ako. Wala namang batas na nagbabawal doon. Ang OA lang talaga niya.

"Akala niya siguro titigil na ako. Puwes nagkakamali siya."

Bumangon ako at inabot ang phone ko. May bagong file na sinend si Alastair; bagong schedule daw ni Izra.

"So, invited siya sa isang exclusive wedding? I think I can get myself there."

Pinindot ko ang number ni Alastair at tinawagan ko siya. Nakakaisang ring pa lang ay sinagot niya kaagad ang tawag ko.

"Good evening, Miss Vale."

"Alastair, get me an invitation to this exclusive wedding. If kaya mo, ipasok mo akong bridesmaid—"

"Everything's set, Miss Vale. Nagawa kong i-sit in ka sa linya. Your dress will arrive tomorrow."

"I like that, Alastair," sabi ko na may ngiti sa labi. "At dahil diyan, may additional bonus ka."

Matapos kong patayin ang tawag, gumulong ulit ako sa kama at napasigaw.

No one can stop me now.

Not them.

Not Alastair.

Not his brother.

Not the man of my dreams.

.

.

.

"Excuse me, is this the venue of Cara and Jeth's Wedding?" tanong ko sa lalaking naka-tuxedo.

Lumingon siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inasahan ang taong makakasalamuha ko.

"Yes. Guess what... you're gatecrashing—again."

Napalunok ako.

Tinamaan ako roon. Pero atleast ngayon may invitation ako. Hindi na niya ako matatawag na gatecrasher.

"Excuse me, Izra. I'm wearing a bridesmaid dress. Do you think I'm gatecrashing someone's wedding?"

Bumaba ang tingin niya sa suot ko, pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa akin. Napalunok na naman ako.

Ganito na lang ba ako?

Mapapalunok na lang sa tuwing hindi ko kinakaya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya?

"James, nandito ka na pala!" sabi ng groom, sabay akbay kay Izra.

So, hindi lang pala ako ang tumatawag sa pangalan niya, tapos ginamit pa ang second name niya. Parang gusto kong matawa.

"You know about me, right? Then you must know that my friends call me by my second name."

Ngumisi ako. Halata kasi sa tono niya na defensive siya.

Advance yarn?

"Did I say something?" nagmamaang-maangang tanong ko.

"It's clearly visible in your face, Miss Delusional."

Na naman?

Miss Delusional pa rin ang tawag niya sa akin?

"Ah! Siya ang babaeng tumalo sa iyo sa auction house!" natatawang sabi ni Jeth habang hinahampas niya ang balikat ni Izra. Nag-poker face lang siya sa ginawa ng groom.

"I have a name, Mr. Groom. I'm Thalia Elise from the Republic of Valedonne."

"Oh, so you are from the neighboring country, and you flew all this way to chase the man of your dreams.  Right, Izra James Sterling?"

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan niya. Pero pinigilan ko dahil dumilim ang mukha niya.

"Ay, sorry, pasmado ang bibig ko, bro. Mag-ready na kayo; magsisimula na ang kasal ko."

Hinatid ko ng tingin si Jeth hanggang sa marating niya ang altar. Palihim akong ngumiti dahil sa pagiging kwelyo nito. Hindi ko alam na may kaibigan si Izra na gaya ni Jeth.

Nai-imagine ko ang reaksyon niya habang inaasar siya ni Jeth. So priceless.

"What's your agenda?"

Napataas ang dalawa kong kilay sa tanong niya.

Ano'ng ibig niyang sabihin?

"You will try to get that bouquet, then Jeth will toss his garter on me so that your dream will come true."

"Excuse me?" naguguluhan kong tanong. Kumunot naman ang noo niya.

Iniisip ba niyang iyon ang gagawin ko?

Pero why not 'di ba? Magandang ideya iyon.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko na lang at lumabas ng simbahan.

Hindi nagtagal, nagsimula na rin ang ceremony. Nag-behave ako dahil ayokong makasira ng kasal ng iba. Pero hindi mawala sa isip ko ang mga tingin ni Izra na kanina ko pa napapansin.

He looked confused na ewan. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya o iniisip niya ngayon. Ibang-iba siya sa Mr. Sterling na nakita ko noon.

"Weird," I murmured.

.

.

.

Natapos din ang seremonya sa simbahan at nandito na kami sa reception hall. Kasalukuyang nasa unahan ang bride dahil dumating na ang pinakahinihintay ng mga single ladies na dumalo sa kasal.

Ang paghagis ng bride sa bouquet niya.

"Ladies, are you ready?" sabi ng emcee habang nakatapat sa bibig nito ang mikropono. "Let's see who's going to be the next one to walk down the aisle!"

Napuno ng tawanan at excitement ang reception hall habang kaming mga single ay nagtipon-tipon sa gitna. Ilan sa amin naka-tiptoe na, meron namang ini-stretch ang kanilang mga braso, at may nagpapalitan ng tingin na akala mo ay sumasabak sa championship game.

Tumalikod sa amin ang bride habang hawak ang bouquet na nakatapat sa taas ng ulo niya.

"Three!" the emcee shouted.

"Two!"

"One!"

Lumutang sa ere ang bouquet habang ang ibang mga babae ay tumalon para makuha ito. Pero napunta ito sa isang babae na walang ibang ginawa kun'di ang tumayo na lang sa gilid.

"I got it?" gulat kong tanong habang abala ang mga mata ko sa pag-scan sa paligid.

Did Izra's words come true?

Nagpalakpakan ang mga bisita at naghiyawan. Namula ang mga pisngi ko dahil inaasar nila ako.

"Congratulations!" the emcee announced. "But don't celebrate just yet, ladies. It's time for the gentlemen!"

Bigla akong kinabahan. Kung nasa akin ang bouquet, ang lalaking makukuha ang garter ay—

Oh my gosh. What have I done?

Kapag ibang lalaki ang nakasalo ng garter, mababawasan ang chance ko na makalapit pa kay Izra. Assuming pa naman na may pagka-OA siya.

"Now, let's find out who's next to surrender his freedom!"

Tumawa muna si Jeth bago siya tumalikod sa mga lalaking nakalinya na. Hindi kasama si Izra dahil hindi naman siya umalis sa table niya.

Sumimangot ako.

Ang KJ niya naman.

Dahan-dahang itinaas ni Jeth ang kamay niya at inihagis ang garter. Tumalon ang mga kalalakihan. Pero hindi sa direksyon nila napunta ang inaabangan nila,

"It's... Mr. Sterling!" sigaw ng emcee na puno ng excitement ang boses. "He got the garter!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Lied My Way into the Billionaire's Heart   Not A Chance

    CHAPTER FIVE "You're next, bro! Better start saving for the wedding!" natatawang sabi ni Jeth, na sinundan din ng tawanan ng lahat. Natatawa rin ako dahil nandidilim ang mukha ni Izra. Nakakatakot siya ngayon. Parang may halimaw na dragon ang biglang lumabas sa lungga. Ganoon si Mr. Sterling: nanlilisik ang mga mata, nakatikom ang bibig, at mas nakakabahala ang pananahimik niya. But I'm not scared of him. Just a little. "There you have it, everyone! One lucky lady and one unlucky gentleman—or perhaps two very lucky people, depending on how you look at it!" Lalong lumakas ang tawanan ng mga bisita. Ang iba ay pumalakpak pa, habang ang mga kasama ni Izra ay halos hindi na magkamayaw sa pang-aasar sa kaniya. Ako naman, hindi mapigilang mapangiti. "What the hell is this supposed to mean?" malamig niyang tanong. Natahimik sandali ang mga lalaking nasa paligid niya. Pagkatapos, inakbayan ni Jeth ang kaibigan habang nakangisi. "Come on, man. It's just a game!" "Then find some

  • I Lied My Way into the Billionaire's Heart   Exclusive

    CHAPTER FOUR"I still can't believe that he did it to me?!" mangiyak-ngiyak kong tanong sa sarili ko. Gumulong ako sa queen-size bed ko at tumitig sa kisame.Masyado ko yatang in-underestimate si Izra. Sa susunod, hindi ko na iyon hahayaang mangyari pa. At simula rin sa araw na ito, tatawagin ko na siya sa pangalan niya.I don't care kung binalaan na niya ako. Wala namang batas na nagbabawal doon. Ang OA lang talaga niya."Akala niya siguro titigil na ako. Puwes nagkakamali siya."Bumangon ako at inabot ang phone ko. May bagong file na sinend si Alastair; bagong schedule daw ni Izra."So, invited siya sa isang exclusive wedding? I think I can get myself there."Pinindot ko ang number ni Alastair at tinawagan ko siya. Nakakaisang ring pa lang ay sinagot niya kaagad ang tawag ko."Good evening, Miss Vale.""Alastair, get me an invitation to this exclusive wedding. If kaya mo, ipasok mo akong bridesmaid—""Everything's set, Miss Vale. Nagawa kong i-sit in ka sa linya. Your dress will arr

  • I Lied My Way into the Billionaire's Heart   Red

    CHAPTER THREEDahil sa nagawa naming eksena, lalong naguluhan ang lahat. Pinisil ni Alastair ang braso ko nang mahina, pero hindi ko siya pinansin.Not now. Nasa exciting part na kami."Stupid. Aren't you used to it? Many delusional women claimed to be my wife, girlfriend, fiancée. You know I will never notice someone as proud as her."Kinuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ko inasahan iyon mula sa kaniya. Nakakainis."Another liar.""Another delusional woman.""I'm sure. She was one of those stalkers who threatened Mr. Sterling."Tinapik ni Alastair ang balikat ko. Nilingon ko siya. Umiling siya sa akin, kaya napabuntong-hininga na lang ako.I spoiled everything, geez."I'm sorry for the advertisement, folks. Let's go back to the bidding. Again, five point five million Westmere dollars. Do I hear six million?" sabi ng auctioneer.Tinaas ko ang paddle ko, pero naunahan ako ni Mr. Sterling. Lumingon siya sa akin na seryoso ang mukha. Hindi ko matukoy kung galit siya o mas galit pa."Ten mi

  • I Lied My Way into the Billionaire's Heart   Bid

    CHAPTER TWOHindi ko tinapos ang event dahil nawalan ako ng ganang makihalubilo sa iba. Matapos ang epic fail na paghaharap namin ni Mr. Sterling, hindi na ulit ako nakalapit sa kaniya.So, I went home and went straight to my bed. Pagod na pagod ako at ramdam ko ang pananakit ng mga paa ko dahil sa pagbagsak ko kanina.Pero ayos lang din. Worth it pa rin ang nangyari. Dahil may posibilidad pa rin na nakuha ko ang atensyon ni Mr. Sterling."But still, that's not enough. Malabo pa ring magkaroon ako ng koneksyon sa kaniya dahil lang sa na-encounter ko siya sa gala. I need to do something."I opened my phone and checked my email. Hinihintay ko ang message ni Alastair. By now, dapat naka-send na siya.Nagawa niya kaya ang pinapagawa ko sa kaniya?As I was about to close my phone, a new email popped up on my screen. Napangiti ako nang malawak dahil dumating na ang hinihintay ko.Ang schedule ni Mr. Sterling."You're the best, Alastair," I exclaimed. Then, I opened the file excitedly. Napan

  • I Lied My Way into the Billionaire's Heart   My Way

    CHAPTER ONE “Miss Vale, hindi po tinanggap ng Sterling International ang offer ng company natin—” Nilingon ko ang secretary ko. Si Alastair White. Black hair; very natural, tipong hindi pa nakulayan. In short, virgin.Mestisohin din siya; tipo ng lalaki na kinababaliwan ng mga lola natin.Para na siyang si Adonis. Ang kulang na lang sa kaniya ay ang height niya. Kasi sa tangkad niya, puwede na siyang maging libero sa men's volleyball. Si Alastair ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Hindi dahil siya ang secretary ko. He knew me very well before I became Miss Vale. “Let me take care of it, Alastair,” kalmadong sabi ko. I feel no worry or threat from his news. Hindi naman kawalan sa kumpanya ko ang offer ko na ni-reject nila. Normal lang ang nangyari. Sterling International is very strict with their projects and their business partners. Siyempre, bigatin silang kumpanya. May pangalan sila sa industry. Kailangan nilang maging strikto at maging wais sa lahat ng operasyon nila dahil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status