LOGINCHAPTER FIVE
"You're next, bro! Better start saving for the wedding!" natatawang sabi ni Jeth, na sinundan din ng tawanan ng lahat. Natatawa rin ako dahil nandidilim ang mukha ni Izra. Nakakatakot siya ngayon. Parang may halimaw na dragon ang biglang lumabas sa lungga. Ganoon si Mr. Sterling: nanlilisik ang mga mata, nakatikom ang bibig, at mas nakakabahala ang pananahimik niya. But I'm not scared of him. Just a little. "There you have it, everyone! One lucky lady and one unlucky gentleman—or perhaps two very lucky people, depending on how you look at it!" Lalong lumakas ang tawanan ng mga bisita. Ang iba ay pumalakpak pa, habang ang mga kasama ni Izra ay halos hindi na magkamayaw sa pang-aasar sa kaniya. Ako naman, hindi mapigilang mapangiti. "What the hell is this supposed to mean?" malamig niyang tanong. Natahimik sandali ang mga lalaking nasa paligid niya. Pagkatapos, inakbayan ni Jeth ang kaibigan habang nakangisi. "Come on, man. It's just a game!" "Then find someone else to play with." "Someone else?" Umiling si Jeth, saka tumingin sa akin. "But look at Elize! She's practically glowing." Napatingin sa akin si Izra. Muntik ko nang makalimutan kung paano huminga. His gaze traveled from my face to the garter in his hand before returning to my eyes. Kung nakamamatay lang ang titig, kanina pa ako nakahandusay sa sahig. I smiled sweetly at him. But he looked like he wanted to strangle me. Oh, what a beautiful sight. "She's enjoying this way too much," sagot niya, akala mo'y nalugi sa negosyo. "Siyempre naman. It's once-in-a-lifetime experience, 'no? Lalo na kung crush mo ang gumawa nito sa iyo," sagot ko, na hindi maitago ang tuwa. His jaw clenched. Natawa ako nang bahagya. Mukhang hirap na hirap siya sa sitwasyon niya ngayon. "All right, Mr. Sterling!" Jeth announced, clapping his hands. "You know the rules. The lucky man gets to put the garter on the lucky lady." "No." Natigilan si Jeth. Kumurap pa siya ng mga mata. Kung ako ang nasa posisyon ni Jeth, pareho rin ang magiging reaksyon ko para sa kaibigan ko. "No?" pag-uulit ng groom sa sinabi niya. "No," Izra repeated. "Find another idiot." Nagtawanan na naman ang mga bisita dahil sa sinabi niya. I pressed my lips together, fighting the urge to grin wider. First time kong makita si Izra sa ganitong estado. "Come on, Sterling!" sigaw ng isa sa mga groomsmen. "Don't tell me you're scared!" O-oh... That was probably the worst thing he could have said. Dahan-dahang lumingon si Izra sa lalaki. Napawi ang mga ngiti nito. Mukhang natakot siya sa mga titig ni Mr. Sterling. "Scared of what?" tanong ni Izra. "Of putting a garter on a woman's leg?" Humagalpak ng tawa si Jeth. Sinabayan din siya ng ibang mga lalaki, parehong inaasar si Izra hanggang sa dumilim na naman ang mukha niya. Pero kasabay rin nito ang paglapit ng isa sa mga groomsmen at inagaw ang garter kay Izra. "Fine! If Romeo doesn't want to do it, I'll volunteer!" Naghiyawan ang mga bisita. Nakangising lumapit sa akin ang lalaki, habang hawak ang garter sa pagitan ng mga daliri niya. "May I, beautiful lady?" Hindi ko pa nabibigkas ang mga salitang sasabihin ko nang lumapit sa amin si Izra. "Put that down." Ang lamig ng boses niya na kahit siguro anong kanta ang ipatugtog ay unti-unti ring maglalaho. Natigilan ang groomsman. Mukhang hindi niya iyon inasahan. "What?" tanong nito na medyo napahiya. "I said, put it down." "Relax, man. I'm just helping you out." "Did I ask for your help?" Napatawa ang lalaki. Siguro hindi rin niya maintindihan ang ipinupunto ni Izra. "You're the one who refused!" "And now I'm telling you to put it down." "Bakit? Dahil ba ikaw si Mr. Sterling kaya dapat na kitang sundin? Sino ka ba sa inaakala mo?" "Say that again." Hinablot ni Izra ang kwelyo ng lalaki. Galit na galit siya. "Hey, what the hell—" Tinulak siya ni Izra habang hawak pa rin ang kwelyo niya. Bumangga ang lalaki sa mesa kaya nagsilaglagan ang mga utensils dito. Nagsitayuan na rin ang mga bisita. Meron namang kumukuha na ng picture at ng video. This is not good. Masisira ang image ni Izra sa public! "Try touching her again, and I'll make sure you regret it." Holly cowbell! Muntik nang tumalon ang puso ko mula sa tadyang ko. Hindi dahil natakot ako. Kun'di nagulat ako. Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Unpredictable! "IZRA! FELIX!" suway ni Jeth sa kanilang dalawa. "It's my wedding, for God's sake!" Izra released the man with a disgusted look. Inayos naman ng lalaki ang coat niya habang may binubulong na hindi ko marinig. Pero sigurado akong galit siya kay Izra. Tumitig ako kay Izra. Medyo naguguluhan ako. What was that for? Nagmukha siyang boyfriend na nagseselos. Hindi nagtagal, lumingon din siya sa akin. "Happy now?" Napalunok ako. "Why?" tanong ko, nang biglang sumingit si Jeth. "All right, all right! Let's settle this once and for all." Binigay niya ang garter sa kamay ni Izra. "Put it on her, and we'll leave you alone." "I swear to God, Jeth—" "One minute, brother. That's all I'm asking!" Nagsimula na namang mag-cheer ang mga bisita. "Put it on! Put it on! Put it on!" Nilibot ni Izra ng tingin ang buong room. Mas lalong dumilim ang mukha niya. Parang tinatantiya niya kung ilang tao ang kaya niyang gulpihin bago dumating ang pulis. Tapos, lumipat sa akin ang mga mata niya. I gave him my most innocent smile. "Please, Mr. Sterling?" Pinanliitan niya ako ng mga mata. "You're enjoying this." "Maybe." "You're unbelievable." "And you're handsome when you're angry." Narinig kong humagikhik ang ilan sa mga bisita. Pinikit ni Izra ang mata niya ng ilang segundo. Nang imulat niya itong muli, ini-stretch niya ang garter. "Sit." Kaagad akong umupo sa upuan na sa likuran ko, pinipilit na itago ang tuwa ko. Lumuhod siya sa harap ko. For the first time that evening, Mr. Sterling was at my feet. "Don't even think about saying anything," banta niya sa akin. "I wasn't going to." "Liar." Binigyan niya ako ng tingin na sapat na para makabasag ng salamin. Naging mabilis ang lahat, pero sigurado akong hindi ko makakalimutan ang bawat segundong ginawa niya iyon. "There!" Jeth shouted triumphantly. "See? Was that so hard?" Tumayo si Izra. Ang sama pa rin ng pinta ng mukha niya. "Are you done?" "Almost! You have to smile for the pictures!" "Go to hell." Nagtawanan ang mga bisita, maging ako. Tumayo ako sa upuan ko, habang hawak ang laylayan ng dress ko. Sinundan ko ng tingin si Izra. Kaagad siyang tumalikod at handa nang umalis. "Mr. Sterling!" Hindi siya huminto. Nagtuloy-tuloy siya palabas ng venue. "Wait for me!" "Did you enjoy yourself?" tanong niya nang hindi ako nililingon. "Very much. Thank you for putting the garter on me." Bigla siyang tumigil, dahilan para muntikan na akong sumubsob sa likuran niya, Tapos ay humarap siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin, at sa sandaling iyon, akala ko may sasabihin siyang maganda. Pero lumapit siya sa akin at bumulong. "Don't mistake this for anything, Miss Delusional." Ngumiti ako nang pilit. "Of course not." "Good." Tumayo na siya nang tuwid, inayos ang polo niya, saka umalis. Just like that. Iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng reception hall, habang pinapalibutan ng tawanan at malakas na musika, nang hindi nagbibigay ng eksaktong dahilan kung bakit kamuntikan na niyang bugbugin ang groomsman ni Jeth. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Tapos ay bumaba ang tingin ko sa garter na nasa binti ko. At ngumiti ako. Dahil kung ano man ang totoong dahilan kung bakit nagkaganoon si Izra ngayon, aalamin ko kung bakit. And if his reaction had anything to do with me? Well. That would make this little game so much more interesting.CHAPTER FIVE "You're next, bro! Better start saving for the wedding!" natatawang sabi ni Jeth, na sinundan din ng tawanan ng lahat. Natatawa rin ako dahil nandidilim ang mukha ni Izra. Nakakatakot siya ngayon. Parang may halimaw na dragon ang biglang lumabas sa lungga. Ganoon si Mr. Sterling: nanlilisik ang mga mata, nakatikom ang bibig, at mas nakakabahala ang pananahimik niya. But I'm not scared of him. Just a little. "There you have it, everyone! One lucky lady and one unlucky gentleman—or perhaps two very lucky people, depending on how you look at it!" Lalong lumakas ang tawanan ng mga bisita. Ang iba ay pumalakpak pa, habang ang mga kasama ni Izra ay halos hindi na magkamayaw sa pang-aasar sa kaniya. Ako naman, hindi mapigilang mapangiti. "What the hell is this supposed to mean?" malamig niyang tanong. Natahimik sandali ang mga lalaking nasa paligid niya. Pagkatapos, inakbayan ni Jeth ang kaibigan habang nakangisi. "Come on, man. It's just a game!" "Then find some
CHAPTER FOUR"I still can't believe that he did it to me?!" mangiyak-ngiyak kong tanong sa sarili ko. Gumulong ako sa queen-size bed ko at tumitig sa kisame.Masyado ko yatang in-underestimate si Izra. Sa susunod, hindi ko na iyon hahayaang mangyari pa. At simula rin sa araw na ito, tatawagin ko na siya sa pangalan niya.I don't care kung binalaan na niya ako. Wala namang batas na nagbabawal doon. Ang OA lang talaga niya."Akala niya siguro titigil na ako. Puwes nagkakamali siya."Bumangon ako at inabot ang phone ko. May bagong file na sinend si Alastair; bagong schedule daw ni Izra."So, invited siya sa isang exclusive wedding? I think I can get myself there."Pinindot ko ang number ni Alastair at tinawagan ko siya. Nakakaisang ring pa lang ay sinagot niya kaagad ang tawag ko."Good evening, Miss Vale.""Alastair, get me an invitation to this exclusive wedding. If kaya mo, ipasok mo akong bridesmaid—""Everything's set, Miss Vale. Nagawa kong i-sit in ka sa linya. Your dress will arr
CHAPTER THREEDahil sa nagawa naming eksena, lalong naguluhan ang lahat. Pinisil ni Alastair ang braso ko nang mahina, pero hindi ko siya pinansin.Not now. Nasa exciting part na kami."Stupid. Aren't you used to it? Many delusional women claimed to be my wife, girlfriend, fiancée. You know I will never notice someone as proud as her."Kinuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ko inasahan iyon mula sa kaniya. Nakakainis."Another liar.""Another delusional woman.""I'm sure. She was one of those stalkers who threatened Mr. Sterling."Tinapik ni Alastair ang balikat ko. Nilingon ko siya. Umiling siya sa akin, kaya napabuntong-hininga na lang ako.I spoiled everything, geez."I'm sorry for the advertisement, folks. Let's go back to the bidding. Again, five point five million Westmere dollars. Do I hear six million?" sabi ng auctioneer.Tinaas ko ang paddle ko, pero naunahan ako ni Mr. Sterling. Lumingon siya sa akin na seryoso ang mukha. Hindi ko matukoy kung galit siya o mas galit pa."Ten mi
CHAPTER TWOHindi ko tinapos ang event dahil nawalan ako ng ganang makihalubilo sa iba. Matapos ang epic fail na paghaharap namin ni Mr. Sterling, hindi na ulit ako nakalapit sa kaniya.So, I went home and went straight to my bed. Pagod na pagod ako at ramdam ko ang pananakit ng mga paa ko dahil sa pagbagsak ko kanina.Pero ayos lang din. Worth it pa rin ang nangyari. Dahil may posibilidad pa rin na nakuha ko ang atensyon ni Mr. Sterling."But still, that's not enough. Malabo pa ring magkaroon ako ng koneksyon sa kaniya dahil lang sa na-encounter ko siya sa gala. I need to do something."I opened my phone and checked my email. Hinihintay ko ang message ni Alastair. By now, dapat naka-send na siya.Nagawa niya kaya ang pinapagawa ko sa kaniya?As I was about to close my phone, a new email popped up on my screen. Napangiti ako nang malawak dahil dumating na ang hinihintay ko.Ang schedule ni Mr. Sterling."You're the best, Alastair," I exclaimed. Then, I opened the file excitedly. Napan
CHAPTER ONE “Miss Vale, hindi po tinanggap ng Sterling International ang offer ng company natin—” Nilingon ko ang secretary ko. Si Alastair White. Black hair; very natural, tipong hindi pa nakulayan. In short, virgin.Mestisohin din siya; tipo ng lalaki na kinababaliwan ng mga lola natin.Para na siyang si Adonis. Ang kulang na lang sa kaniya ay ang height niya. Kasi sa tangkad niya, puwede na siyang maging libero sa men's volleyball. Si Alastair ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Hindi dahil siya ang secretary ko. He knew me very well before I became Miss Vale. “Let me take care of it, Alastair,” kalmadong sabi ko. I feel no worry or threat from his news. Hindi naman kawalan sa kumpanya ko ang offer ko na ni-reject nila. Normal lang ang nangyari. Sterling International is very strict with their projects and their business partners. Siyempre, bigatin silang kumpanya. May pangalan sila sa industry. Kailangan nilang maging strikto at maging wais sa lahat ng operasyon nila dahil







