Kinabukasan, maagang pumasok si June sa opisina. Nagising si Maybel sa tunog ng kalderong inilalapag sa kusina. Maaga pa, ngunit may naamoy na siyang kape at pritong itlog. Nagtaka siya dahil karaniwan ay siya ang unang bumabangon sa bahay. Pagdating niya sa kusina, nadatnan niya si Roberto na nakatayo sa harap ng kalan, nakasuot ng simpleng puting T-shirt at maitim na pantalon. “Good morning,” bati nito nang mapansin siya. Napahinto si Maybel. Hindi niya alam kung bakit parang kakaiba sa paningin niyang makita itong ganoon kasimple. Walang seryosong polo, walang relong mamahalin, at walang ekspresyong tila laging may iniisip na mabigat. “Good morning po. Kayo po ang nagluto?” “May iba pa bang tao rito?” Napangiti siya. “Akala ko po, kape lang ang kaya ninyong gawin.” “Masakit naman iyon.” “Hindi ko pa naman po natitikman ang luto ninyo.” “Then sit down and judge for yourself.” Umupo si Maybel sa mesa. Inilapag ni Roberto sa harapan niya ang isang plato ng itlog, tinapay
Huling Na-update : 2026-10-18 Magbasa pa