LOGINAng klinika ni Dr. Celestine sa pinakasikat na medical center sa bansa ay may minimalistang disenyo—puro puti, salamin, at may malamig na awra. Tamang-tama sa personalidad ng nagmamay-ari nito.
Bukas ang p***o nang pumasok si Liam. Kahit may appointment na kinuha si Mark, hindi nakasanayan ni Liam ang maghintay. Pumasok siya nang may awtoridad, ang kaniyang mamahaling suit at matikas na tindig ay sapat na para mapalingon ang sinuman. Ngunit ang babaeng nakaupo sa likod ng kumpas ng kaniyang desk ay hindi man lang nag-angat ng tingin. Nakatuon ang mga mata nito sa mga medikal na dokumento habang sumusulat gamit ang isang mamahaling fountain pen. "I believe your appointment is at two o'clock, Mr. Valerius. You are ten minutes early," malamig at pormal na saad ng doktora. Ang kaniyang boses ay tila musika ngunit may talim. Natigilan si Liam. Bahagya siyang napaatras, hindi dahil sa sinabi nito, kundi dahil sa mukhang dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kaniya. She's stunning. Suot ang kaniyang puting doctor’s coat sa ibabaw ng isang eleganteng emerald green na blusa, may suot itong manipis na salamin na lalong nagpadagdag sa kaniyang misteryoso at propesyunal na dating. Ang kaniyang buhok ay maayos na nakapusod. May pamilyar sa kaniyang mga mata, ngunit hindi maalala ni Liam kung saan. Limang taon na ang nakalipas, at ang huling alaala niya sa "babaeng instrumento ng kaniyang Lola" ay isang iyak nang iyak na batang labing-walo taong gulang na naka-bestido. Ang nasa harap niya ngayon ay isang reyna. Sa kabilang banda, halos huminto ang tibok ng puso ni Celestine nang makita ang lalaking pumasok. Liam. Mas lumapad ang kaniyang mga balikat, mas tumalim ang panga, at mas lalong naging mapanganib ang kaniyang presensya. Kung hindi dahil sa pamilyar na madidilim na mga mata nito, halos hindi na rin niya ito makikilala. Sa loob ng limang taon, ang galit at sakit ng pag-iwan sa kaniya sa mismong araw ng kasal ang naging gasolina niya para magtagumpay. Halos isumpa niya ang lalaking ito gabi-gabi. Ngunit ngayon, bilang isang propesyunal, itinago niya ang lahat ng emosyon sa likod ng isang malamig at walang ekspresyong mukha. "Umupo kayo," utos ni Celestine, sabay turo sa upuan sa tapat ng kaniyang desk. Bahagyang itinaas ni Liam ang kaniyang kilay. Sanay siya na ang mga babae—gaya ni Cloe—ay nagkakandarapa na makuha ang kaniyang atensyon. Ngunit ang doktorang ito? Tinarayan siya nito sa unang pagkikita pa lang nila, at wala itong pakialam sa kaniyang pangalan o estado. Naupo si Liam, pinapanatili ang kaniyang mapang-akit na ngiti. "You know my name, Doc. Ngunit hindi ko pa alam ang sa iyo. Your nameplate just says Dr. C. Valerius?" Bahagyang kumunot ang noo ni Liam nang makita ang apelyedo sa lamesa nito. Valerius din? Marahil ay nagkataon lang, o malalayong kamag-anak ng kaniyang ama. "I am Dr. Valerius. My first name is not relevant to your medical check-up, Mr. Valerius," putol ni Celestine sa kaniya. Hindi niya binanggit ang pangalang Celestine dahil alam niyang baka mag-trigger ito ng memorya sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman nito tinandaan ang pangalan niya noon. "Matapang ka," mahinang natawa si Liam, sumandal sa upuan at pinagcross ang mga binti. "Most doctors would bow down to get the Valerius account. But you? You're giving me a cold shoulder." "I don't treat accounts, Mr. Valerius. I treat patients," seryosong sagot ni Celestine, habang malamig na nakatingin sa kaniya. "Ngayon, ano ang nararamdaman mo?" "Kirot sa dibdib. Kakaiba ang tibok ng puso ko nitong mga nakaraang linggo," seryosong sagot ni Liam, bagamat ang mga mata niya ay nananatiling nakatitig sa mukha ng doktora. "Maupo ka sa examination bed. Pakinggan natin ang tibok ng puso mo," saad ni Celestine habang kinukuha ang kaniyang stethoscope. Habang naglalakad si Liam patungo sa kama, may kakaibang sensasyon siyang naramdaman. Hindi niya binanggit kung sino siya—na siya ang CEO at nag-iisang tagapagmana ng buong Valerius Empire—dahil ayaw niyang matakot ito sa kaniya. Sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, nagkaroon siya ng matinding interes sa isang babae. Isang babaeng tinarayan siya, ngunit may kakaibang hatak sa kaniyang sistema. Hindi alam ni Liam, habang papalapit siya kay Celestine, na ang doktorang nagpapatibok ng kabilang bahagi ng kaniyang dibdib ay ang mismong asawang kinalimutan at tinalikuran niya sa isang malamig na hallway ng ospital.Isang magandang balita ang bumungad sa akin mula sa hospital nang ilabas ang panibangong resulta ng x-ray at laboratory ni Liam. Ayon sa pinakahuling medikal na ulat, maayos na ito at kaunting gasgas na lang ang kailangang mawala sa kanyang katawan. Ang kanyang mga buto ay mabilis na naghihilom, at ang kanyang pisikal na lakas ay unti-unti nang bumabalik sa normal. Bilang kanyang doktor, dapat sana ay labis akong magalak sa mabilis niyang paggaling. Subalit bilang babaeng patuloy na nalilito sa takbo ng aming relasyon, ang balitang ito ay nangangahulugan din ng isang bagay—na unti-unti nang natatapos ang aking kontrata at ang dahilan para manatili ako sa kanyang tabi.Pagdating sa mansyon pagkatapos ng mahabang araw sa ospital at sa opisina, binalot muli kami ng pamilyar na katahimikan ng malawak na bahay. Upang maibsan ang kakaibang bigat sa aking dibdib, nagpaalam ako na gagawa ng soup sa kusina para sa kanyang hapunan.Habang si Liam naman ay nagsabing maliligo muna upang maginhawa
Mabilis ang takbo ng elevator patungo sa pinakamataas na palapag ng Valerius Tower, ngunit mas mabilis ang kabog sa loob ng aking dibdib. Sa bawat palapag na nadadaanan namin, lalong humihigpit ang hawak ni Liam sa aking kamay, tila ba ipinapaalala niya sa akin na narito siya at hindi niya ako pababayaan. Nang tumunog ang elevator at bumukas ang naglalakihang pinto nito, bumungad sa amin ang isang malawak at marangyang pasilyo na patungo sa pangunahing boardroom ng kumpanya. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang aking nagwawalang mga emosyon, habang maingat na inaalayan si Liam sa kanyang paglakad gamit ang kanyang tungkod.Pagdating sa mismong tapat ng boardroom, dalawang nakabarong na security personnel ang sabay na nagbukas ng dambuhalang pintong gawa sa mahogany.Pagdating sa board meeting, isang biglang katahimikan ang lumukob sa buong silid. Nagtayuan ang halos mahigit apatnapung tauhan ni Liam na iba't iba ang katungkulan mula sa iba't ibang business ni Liam. Ang
Isang marahang buntong-hininga ang aking pinakawalan habang nakahiga pa rin sa malawak at marangyang kama. Ang silid ay unt-unti nang pinupuno ng gintong liwanag ng umaga na sumisiksik sa pagitan ng mga mamahaling kurtina. Sa aking tabi, nananatiling nakapulupot ang mabigat na bisig ni Liam sa aking baywang, tila isang mahigpit na kadena na ayaw akong pakawalan kahit sa kalitan ng kanyang pagtulog. Habang nakatitig ako sa kanyang guwapong mukha, napansin kong unt-unti itong nagmulat ng mata. Ang mahahabang pilikmata nito ay bahagyang kumurap, at ang naglalagablab na galit at selos na pumuno sa mga mata nito kagabi ay tuluyan nang napalitan ng isang malambot, malalim, at mapayapang kislap.Ngumiti ito ng masilayan ako na gising. Ang sulok ng kanyang mga labi ay umangat sa isang pamilyar ngunit bihirang ngiti na tila ba ang makita ako sa kanyang tabi sa unang sikat ng araw ang pinakamagandang regalong natanggap niya."Good morning, my beautiful doctor," malamig at halos paos na bati nit
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Celestine habang nakatitig sa sarili sa salamin ng kanyang kwarto matapos ang magulong umaga sa mansyon. Kahit anong pilit niyang ibaling ang kanyang pansin sa mga gawaing-bahay at sa pag-aasikaso ng mga iskedyul ng gamot ni Liam, ang bawat sulok ng mansyong iyon ay tila nagpapaalaala sa kanya ng maalab at mapusok na gabing pinagsaluhan nila. Ang bawat haplos, ang mga bulong ni Liam, at ang sarili niyang pagsamo sa ilalim ng impluwensya ng kakaibang init ay patuloy na sumasariwa sa kanyang isipan, dahilan upang paulit-ulit na mag-init ang kanyang mga pisngi sa matinding pagkapahiya at kalituhan.Higit sa hiya, isang mas mabigat na emosyon ang unt-unting sumasakal sa kanyang dibdib—ang pangangailangang huminga. Pakiramdam niya ay unt-unti siyang nauubos sa loob ng naglalakihang mga pader ng mansyon ni Liam. Ang presensya ng lalaki, ang mga titig nito, at ang pamilyar na awtoridad na ipinapakita nito sa kabila ng kondisyon nito ay unt-
Isang mabigat at pamilyar na init ang unang naramdaman ni Celestine sa kanyang katawan sa sandaling magmulat siya ng kanyang mga mata kinaumagahan. Ang liwanag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga mamahaling kurtina ng silid ay tumama sa kanyang mukha, dahilan upang tuluyan siyang magising mula sa isang malalim at magulong tulog. Subalit nang tangkain niyang gumalaw, napansin niyang may isang mabigat na bisig na nakapatong at nakapulupot sa kanyang baywang. Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang ulo, at ang unang bumungad sa kanya ay ang napakagwapong mukha ni Liam na kasalukuyang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Ang mga hibla ng buhok nito ay bahagyang nakagulo sa noo, at ang bawat paghinga nito ay payapa—isang malayong-malayo na imahe mula sa dominanteng bilyonaryo na kilala ng mundo. Sariwa pa ang amoy ng kagabi sa silid, at nang tignan ni Celestine ang sarili sa ilalim ng kumot, nanlaki ang kanyang mga mata. Wala siyang saplot. Ang kanyang blue na dress at ang mga dami
Binalot ng nakabibinging katahimikan ang malawak na silid matapos bitawan ni Liam ang mga salitang tila nagpaputok sa mga ugat ni Celestine. Ang mapaglarong ngiti sa mga labi ng lalaki ay lalong nagpalala sa nagwawalang emosyon ng doktora. Sa bawat segundo ng kanilang pagtatalo, kitang-kita kung paano naghahaplit ang pamumula sa mga pisngi ni Celestine habang pilit na ibinabangon ang kanyang sarili mula sa kandungan ng kanyang asawa."Ano bang pinagsasabi mo, Mr. Valerius?!" nauutal at mabilis na bulalas ni Celestine habang marahas na lumalayo sa kama. "I don't care about your personal life! Nandito ako para maging doktor mo lang, bukod doon wala na—"Mabilis siyang tumayo kaya naman wala nang nagawa si Liam kundi ang iangat ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. Nakaalpas man si Celestine sa kanyang yakap, hindi naman matanggal ni Liam ang kanyang paningin sa nagkakabulol-bulol na pagpapaliwanag ng maganda niyang doktora.Nagkibit-balikat lang si Liam, isang lihim na tag







