Chapter Two“Lauren, anak, huwag kang masyadong gumalaw. Baka pumangit ang pagkakalagay ng veil mo.”Napangiti ako habang pinagmamasdan si Mama sa salamin. Maingat niyang inayos ang manipis na belo sa ibabaw ng buhok ko bago bahagyang umatras para tingnan ang kabuuan ng itsura ko.“Perfect,” bulong niya. “My beautiful bride.”“Ma naman.” Napatawa ako nang mahina. “Hindi pa nga nagsisimula ang wedding, naiiyak ka na.”“Eh, ano naman? Anak kita.” Itinaas niya ang kamay para punasan ang sulok ng mata niya. “Hindi ba puwedeng umiyak ang isang ina kapag nakikita niyang ikakasal na ang anak niya?”“Puwede naman. Pero kapag umiyak ka nang umiyak, baka pati ako maiyak.”“Then cry, sweetheart. It's your wedding day.”Napailing ako, pero hindi ko na napigilang yakapin siya.Sa araw na ito, gusto kong maging masaya kami. Ayokong isipin ang sakit niya, ang mga gamot na kailangan niyang inumin, o ang mga gabing halos hindi ako makatulog sa pag-aalala sa kaniya. Today was supposed to be about love,
Last Updated : 2026-10-20 Read more