MasukChapter One
Lauren's POV “Anak, siya nga pala si Dexter El Viejo. Siya iyong tumulong sa akin kanina. Na-flat-an ako ng gulong. Mabuti na lang at may binatang huminto para tulungan akong magpalit.” Ngiting-ngiti si Mama habang ipinapakilala sa akin ang lalaking nasa tabi niya. Kahit pawisan pa ito, halatang hindi naman gaanong na-stress sa nangyari. Sa katunayan, parang masaya pa siyang may kuwento na naman siyang maibabahagi sa akin. Bumaling ako kay Dexter. “Salamat sa pagtulong kay Mama, Dexter.” “It's nothing,” nakangiting sagot niya. Hindi ko kasi agad napansin ang text ni Mama na nasa gilid siya ng kalsada at na-flat-an ng gulong. Mabuti na lang at may humintong tumulong sa kaniya. “Anak, ang pogi, 'di ba?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Hindi man lang niya hininaan ang boses niya. Napabungisngis pa siya bago ako bahagyang binangga sa tagiliran. “Single ang dalaga ko, Dexter. Single ka ba?” “Ma!” saway ko, saka siya binigyan ng nananaway na tingin. Gets ko naman ang ginagawa niya, pero kailangan ba talagang sa harap mismo ng lalaki? “I'm single,” sagot ni Dexter. “Anak, single raw!” Napapikit ako sa sobrang hiya nang muli na namang mapabungisngis si Mama na para bang siya ang kinikilig sa sagot nito. “Stop, Ma.” Ilang beses na ba niya akong nireto sa mga binatang nakikilala niya? Minsan, gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mesa kapag nagsisimula na siyang magtanong tungkol sa love life ko. At mukhang wala rin siyang balak tumigil hangga't hindi niya ako nahahanapan ng boyfriend. Nang muli akong tumingin kay Dexter, nakita kong aliw na aliw itong nakatingin sa aming mag-ina. Hindi man lang siya mukhang naiilang sa pang-aasar ni Mama. Sa halip, bahagya pa siyang ngumiti sa akin. “Can I get your number?” tanong niya. Napakurap ako. Hindi ko alam kung napilitan lang ba siyang humingi ng numero ko dahil sa pangungulit ni Mama o talagang interesado siyang makilala ako. “O9695—” Pasimpleng sinagi ko ang braso ni Mama nang marinig kong siya pa ang unang sumagot para sa akin. Nang iabot ni Dexter ang cellphone niya, tinanggap ko iyon at itinipa ang numero ko. “I'm Lauren,” sabi ko habang isinasauli ang cellphone niya. “Lauren,” ulit niya, tila sinusubukang tandaan ang pangalan ko. “I'll text you—” “Call din puwede!” hirit ni Mama. “Ma!” Napatawa si Dexter bago tuluyang ibinulsa ang cellphone niya. Akala ko, iyon na ang una at huli naming interaction. Hindi ko naman inaasahang ang lalaking nakilala ko lang dahil sa tinulungang ayusin ang flat na gulong ng kotse ni Mama ay magiging bahagi ng buhay ko. I was wrong. Ilang araw lang ang lumipas, nadatnan ko na siya sa bahay namin. “Anak, nandito si Dexter!” masayang salubong ni Mama pagkapasok ko. Napahinto ako sa may pintuan nang makita ko siyang nakaupo sa sala, nakikipagkuwentuhan kay Mama. May dala pa siyang bulaklak na agad niyang iniabot sa akin nang makalapit ako. “For you, Lauren.” Tinanggap ko iyon habang hindi maalis ang pagtataka sa mukha ko. “Thank you. Pero... bakit ka nandito?” He smiled. “I wanted to see you.” Simple lang ang sagot niya, pero hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumurot sa puso ko. Mula noon, ilang beses ko na siyang inabutan sa bahay. Minsan, may dala siyang bulaklak. Minsan naman, may paborito kong pagkain. Hindi rin nagtagal bago niya ipinahayag ang intensiyon niyang ligawan ako. Hindi ko kailangang hulaan kung seryoso siya. Nakita ko ang effort niya. Kapag may oras siya, dinadalaw niya ako. Kapag may ikinukuwento ako, nakikinig siya. At higit sa lahat, never niyang sinamantala ang tiwala ko sa kaniya. He respected me. Unti-unti, nakilala ko ang lalaking nasa likod ng mga ngiti at simpleng gestures niya. Hindi lang siya guwapo. Maalaga rin siya, marunong umintindi, at hindi nagkukulang sa pagpaparamdam na mahalaga ako sa kaniya. Maging si Mama ay halatang boto sa relasyon namin. Hindi na nito kailangang magtanong kung may gusto ba sa akin si Dexter dahil kitang-kita naman ang effort nito. Kaya nang dumating ang araw na kailangan ko nang sagutin ang panliligaw niya, wala akong naramdamang pagsisisi. I said yes because I wanted him, too. Hindi rin nagdalawang-isip si Dexter na ipakilala ako sa pamilya El Viejo. Sa tuwing kasama niya ako sa mga pagtitipon nila, hindi niya ako hinahayaang maramdaman na isa lang akong bisita sa buhay niya. At hindi lamang ako ang tinanggap niya. Pati si Mama, ang nag-iisang pamilya ko, ay malugod niyang isinama sa mga mahahalagang sandali ng buhay namin. For two years, I was happy. Dalawang taong puno ng masasayang alaala, simpleng lambing, at mga pangakong pinaniwalaan kong tutuparin namin habambuhay. Kaya noong mismong anniversary namin, hindi ko napigilang mapahawak sa bibig ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. “Lauren, will you marry me?” “Dexter...” Nanginginig ang mga daliri kong tumakip sa labi ko. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin. Nandoon si Mama, umiiyak habang nakangiti, at ang pamilya ni Dexter na halatang kasabwat sa sorpresang ito. Hindi ko alam na inimbitahan niya ang mga ito para sa proposal niya. “Will you make me the happiest man, Lauren?” tanong niya habang nakalahad ang singsing sa akin. I couldn't stop smiling. Hindi ako makapaniwalang mararanasan ko ang isa sa mga pinapangarap ng maraming babae. Isang proposal na hindi ko malilimutan, mula sa lalaking mahal na mahal ko. “Yes!” sagot ko, halos hindi na mapigil ang luha. “Yes, Dexter. I'll marry you!” Isinuot niya ang singsing sa daliri ko bago ako niyakap nang mahigpit. Niyakap ko rin siya habang pumapalakpak at naghihiyawan ang mga taong nasa paligid namin. -- Hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko kahit tapos na ang proposal ni Dexter. Paminsan-minsan, tinitingnan ko ang singsing sa daliri ko, saka lihim na kinikilig kapag naaalala ko kung paano siya lumuhod sa harap ko at buong pagmamahal na nagtanong kung papayag ba akong maging asawa niya. Of course, I said yes. At ngayon, habang nakikita ko siyang nakikipag-usap sa pamilya niya, hindi ko maiwasang isipin kung gaano ako kaswerte. I used to believe that moments like this only happened in romance novels, but here I was, living one of the happiest moments of my life. “Lauren.” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mama. Nakatayo siya sa may garden entrance, hawak ang maliit niyang handbag. Ngumiti siya sa akin at kinawayan akong lumapit. Agad akong nagpaalam kay Dexter bago nagtungo sa kaniya. “Ma, bakit nandito ka lang? Akala ko kasama mo sila sa loob.” “Hayaan mo muna sila. Pamilya naman niya ang mga iyon.” Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba ang tingin sa singsing ko. “Oh, my goodness. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Engaged ka na talaga!” Napatawa ako nang mahina. “Ma naman. Parang mas excited ka pa kaysa sa akin.” “Of course! Anak kita.” Hinaplos niya ang pisngi ko bago ako niyakap. “And I'm so happy for you, sweetheart.” May kung anong lambot sa boses niya na nagpawala sa natitirang hiya ko. Yumakap ako nang mas mahigpit, ipinatong ang baba sa balikat niya, at pumikit sandali. “I love you, Ma.” “I love you more, anak.” Nang maghiwalay kami, napansin kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Pero may kakaibang lungkot sa mga mata niya, isang bagay na pilit niyang tinatakpan sa likod ng masayang ekspresyon. “Alam mo, Lauren,” panimula niya, “masaya ako para sa iyo. Sobra.” “Ma, bakit parang maiiyak ka?” Umiling siya at tumawa nang mahina. “Wala. Masaya lang talaga ako.” Pinisil niya ang mga kamay ko. “Ang mga bagay na hindi ko naranasan sa larangan ng pag-ibig, naranasan mo ngayon. I never had a love story like yours, sweetheart. Hindi ko naranasan ang ganitong klaseng pagmamahal, ang ligayang makita ang isang lalaking handang gawin ang lahat para makasama ka.” Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi niya. “Ma…” “Pero okay lang.” Muli siyang ngumiti, kahit bahagyang namumuo ang luha sa mga mata niya. “Kung hindi man ako pinalad sa pag-ibig, masaya akong makita na ikaw ay pinagpala. At least, I know you won't have to go through the same things I did.” Hinaplos niya ang likod ng kamay ko gamit ang hinlalaki niya. Parang gusto niyang isa-isahin ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim. “Kung dumating man ang araw na mawala ako dahil sa sakit ko, aalis akong masaya, anak. Dahil alam kong may magandang buhay na naghihintay sa iyo sa piling ni Dexter. Nakita ko kung paano ka niya alagaan. Nakita ko kung paano ka niya mahalin. At alam kong hindi ka niya basta pababayaan.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. “Mama, don't say that.” “Lauren, kailangan mong maintindihan na—” “No.” Umiling ako at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. “Ayokong pag-usapan natin iyan. Not tonight. Not today.” Napakurap siya sa biglang pagbabago ng boses ko. “Anak…” “Ma, engaged na ako. Ikakasal na kami ni Dexter.” Pilit kong ngumiti, kahit nagsisimula nang manikip ang lalamunan ko. “Marami pa tayong kailangang gawin. Kailangan mo akong samahan sa pagpili ng wedding dress. Kailangan mong tulungan akong magdesisyon kung anong klaseng wedding ang gusto namin. At kapag nagkaroon na kami ng sarili naming bahay, ikaw ang unang taong iimbitahan ko para makita iyon.” Tumulo ang luha sa pisngi niya. Pinunasan ko iyon gamit ang daliri ko bago ko siya muling niyakap. “And someday, kapag nagkaroon na ako ng baby, kailangan nandiyan ka. You have to see all my milestones, Ma. Lahat-lahat. Hindi puwedeng hanggang engagement lang ang masasaksihan mo.” Mahina siyang tumawa sa gitna ng pagluha. “Baby agad? Kakapropose pa lang sa iyo ng lalaki.” “Eh, ano naman?” umirap ako, pilit na binabalik ang gaan ng usapan. “Kailangan kong paghandaan ang future ko.” “Ang kulit mo talaga.” “Mana sa iyo.” Pareho kaming natawa, pero hindi ko binitiwan ang mga kamay niya. “Ma, please. I need you to fight this. Lumaban ka sa cancer mo. Magpagamot ka, sundin mo ang mga doktor, at huwag kang susuko. Hindi pa ako handang mabuhay sa mundong wala ka.” Nawala ang ngiti niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ko, saka pinunasan ang luhang hindi ko namalayang tumulo na rin. “I'm trying, sweetheart. I promise I'm trying.” “Then keep trying.” Idinikit ko ang noo ko sa kaniya. “Dahil hindi lang ako ang may pangarap para sa future ko. Kasama ka sa lahat ng iyon.” Matagal niya akong niyakap. Sa yakap na iyon, naramdaman ko ang takot na pilit niyang itinatago at ang pagmamahal na hindi kailanman nagkulang. At sa gabing dapat ay puro saya lamang ang laman ng puso ko, isang bagay ang ipinangako ko sa sarili ko. I would do everything I could to make my mother stay. Dahil kahit gaano kaganda ang buhay na naghihintay sa akin kasama si Dexter, hindi magiging kumpleto ang kaligayahan ko kung wala si Mama sa tabi ko para masaksihan iyon.Chapter Four“Good morning, Mrs. El Viejo.”Napangiti ako sa pagbati ng kasambahay na nakasalubong ko sa hallway. Kakagising ko lang at kararating sa second floor matapos mag-almusal kasama si Dexter.“Good morning, too.”“Would you like me to prepare anything for you, ma'am?”“No, thank you. I'm fine.”Yumuko siya nang bahagya bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Ako naman ay napatingin sa kuwartong nasa dulo ng hallway.Our room.Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala kong mag-asawa na talaga kami ni Dexter. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang ikasal kami, pero hanggang ngayon, may mga pagkakataong pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.At kung may isang bagay na gusto kong gawin sa mga unang araw namin bilang mag-asawa, iyon ay ang sulitin ang bawat sandali kasama siya.Unfortunately, hindi ganoon kadali.Mula nang makasal kami, naging abala si Dexter sa trabaho. Madalas, maaga siyang umaalis ng mansion at gabi na kung umuwi. May mga pagkakataon ding habang magkasama
Chapter Three“Welcome home, Mrs. El Viejo.”Napangiti ako nang marinig ang pagbati ng mga staff pagkapasok namin sa El Viejo mansion. Halos sabay-sabay silang yumuko bilang pagbati, dahilan para bahagya akong mailang habang hawak ni Dexter ang kamay ko.“Thank you,” nakangiti kong sagot.Home.Iyon ang salitang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko habang pinagmamasdan ang malawak na foyer ng mansion. Ilang beses na akong nakapunta rito noong girlfriend pa lang ako ni Dexter, pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag asawa ka na ng lalaking nakatira rito.This was no longer just Dexter's home.It was ours.“Why are you smiling like that?” tanong ni Dexter habang nakatingin sa akin.Umiling ako, hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. “Nothing. I'm just happy.”“Just happy?” Tinaasan niya ako ng kilay. “That's all I get after marrying you?”Napatawa ako. “Ano bang gusto mong marinig?”He leaned closer. “That you're the happiest woman in the world because you married me.”“Wow. Con
Chapter Two“Lauren, anak, huwag kang masyadong gumalaw. Baka pumangit ang pagkakalagay ng veil mo.”Napangiti ako habang pinagmamasdan si Mama sa salamin. Maingat niyang inayos ang manipis na belo sa ibabaw ng buhok ko bago bahagyang umatras para tingnan ang kabuuan ng itsura ko.“Perfect,” bulong niya. “My beautiful bride.”“Ma naman.” Napatawa ako nang mahina. “Hindi pa nga nagsisimula ang wedding, naiiyak ka na.”“Eh, ano naman? Anak kita.” Itinaas niya ang kamay para punasan ang sulok ng mata niya. “Hindi ba puwedeng umiyak ang isang ina kapag nakikita niyang ikakasal na ang anak niya?”“Puwede naman. Pero kapag umiyak ka nang umiyak, baka pati ako maiyak.”“Then cry, sweetheart. It's your wedding day.”Napailing ako, pero hindi ko na napigilang yakapin siya.Sa araw na ito, gusto kong maging masaya kami. Ayokong isipin ang sakit niya, ang mga gamot na kailangan niyang inumin, o ang mga gabing halos hindi ako makatulog sa pag-aalala sa kaniya. Today was supposed to be about love,
Chapter OneLauren's POV“Anak, siya nga pala si Dexter El Viejo. Siya iyong tumulong sa akin kanina. Na-flat-an ako ng gulong. Mabuti na lang at may binatang huminto para tulungan akong magpalit.”Ngiting-ngiti si Mama habang ipinapakilala sa akin ang lalaking nasa tabi niya. Kahit pawisan pa ito, halatang hindi naman gaanong na-stress sa nangyari. Sa katunayan, parang masaya pa siyang may kuwento na naman siyang maibabahagi sa akin.Bumaling ako kay Dexter.“Salamat sa pagtulong kay Mama, Dexter.”“It's nothing,” nakangiting sagot niya.Hindi ko kasi agad napansin ang text ni Mama na nasa gilid siya ng kalsada at na-flat-an ng gulong. Mabuti na lang at may humintong tumulong sa kaniya.“Anak, ang pogi, 'di ba?”Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Hindi man lang niya hininaan ang boses niya. Napabungisngis pa siya bago ako bahagyang binangga sa tagiliran.“Single ang dalaga ko, Dexter. Single ka ba?”“Ma!” saway ko, saka siya binigyan ng nananaway na tingin.Gets
PrologueLumapit ako sa asawa kong abala sa cellphone niya. Isa na namang gabi ng pagsubok na makuha ang atensiyon ni Dexter.Ilang buwan na kaming kasal, pero wala pa ring nangyayari sa pagsasama namin bilang mag-asawa. Ilang buwan na rin akong natutulog sa tabi niya, umaasang darating ang gabing hindi ko na kailangang magmakaawa para lang maramdaman na asawa niya ako.Wala akong saplot.I had thrown away every bit of shame I had left just to get my husband's attention.“Dexter...” tawag ko.Nang mag-angat siya ng tingin, bahagyang napaawang ang mga labi niya. Hindi ko siya masisisi. Sinong hindi magugulat kung ang asawa niyang palaging maayos manamit ay biglang haharap sa kaniya nang walang anumang saplot?“What are you doing, Lauren?” Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Pilit akong ngumiti kahit kinakabahan na ako sa sarili kong ginagawa. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bigla kong naramdaman ang liit-liit ko, na para bang wala na akong iba







