Se connecterChapter Three
“Welcome home, Mrs. El Viejo.” Napangiti ako nang marinig ang pagbati ng mga staff pagkapasok namin sa El Viejo mansion. Halos sabay-sabay silang yumuko bilang pagbati, dahilan para bahagya akong mailang habang hawak ni Dexter ang kamay ko. “Thank you,” nakangiti kong sagot. Home. Iyon ang salitang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko habang pinagmamasdan ang malawak na foyer ng mansion. Ilang beses na akong nakapunta rito noong girlfriend pa lang ako ni Dexter, pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag asawa ka na ng lalaking nakatira rito. This was no longer just Dexter's home. It was ours. “Why are you smiling like that?” tanong ni Dexter habang nakatingin sa akin. Umiling ako, hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. “Nothing. I'm just happy.” “Just happy?” Tinaasan niya ako ng kilay. “That's all I get after marrying you?” Napatawa ako. “Ano bang gusto mong marinig?” He leaned closer. “That you're the happiest woman in the world because you married me.” “Wow. Confident!” “Shouldn't I be? I married the most beautiful woman in the world.” Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Kahit dalawang taon na kaming magkasintahan, may epekto pa rin sa akin ang mga simpleng lambing niya. “Flatterer,” bulong ko. He chuckled before placing a kiss on my forehead. “Come on, sweetheart. Let me show you something.” Hinila niya ako nang marahan papunta sa hagdan. Habang umaakyat kami, napansin kong may ilang bagong larawan sa dingding. Nandoon ang mga litrato ng pamilya niya, kasama ang ilang larawan namin mula sa mga nakaraang taon. Napahinto ako sa harap ng isa sa mga iyon. Picture namin iyon noong unang anniversary namin. Nakatayo kami sa tabi ng isang malaking puno sa garden, nakayakap siya sa akin mula sa likuran habang nakangiti ako sa camera. “You kept this?” tanong ko. Dexter glanced at the picture, then at me. “Of course. That's one of my favorite pictures of us.” “Hindi ko alam na inilagay mo rito.” “I wanted you to see it when you came home.” Home. Muli kong naramdaman ang kakaibang saya sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ang simpleng ideya na may lugar na akong matatawag na sarili ko kasama ang lalaking mahal ko ay sapat na para mapangiti ako. Pagdating namin sa second floor, dinala niya ako sa isang malaking silid. Pagbukas niya ng p***o, halos agad akong napahinto sa may entrance. The room was beautiful. Maluwang ang kuwarto, may malaking kama sa gitna na nababalutan ng puting bedsheet at malalambot na unan. Sa isang gilid ay may malalaking bintanang tanaw ang garden, habang sa kabilang bahagi naman ay may sofa at maliit na mesa. May mga bulaklak din sa ibabaw ng bedside table. “Dexter…” Napalingon ako sa kaniya. “This is beautiful.” He smiled, then took my hand. “I'm glad you like it.” Lumapit ako sa mga bintana at bahagyang hinawi ang kurtina. Tanaw mula roon ang malawak na garden, ang swimming pool, at ang ilang punong nagbibigay-lilim sa paligid. “Did you prepare all of this?” “Some of it.” Lumapit siya sa likuran ko. “I wanted you to feel comfortable here.” Marahan niyang ipinatong ang mga kamay sa baywang ko. “This is your home now, Lauren. I want you to feel that you belong here.” Napalingon ako sa kaniya. For a moment, wala akong nasabi. Hindi dahil wala akong maisagot, kung 'di dahil parang may kung anong mainit na damdamin na kumalat sa dibdib ko. “Thank you,” mahina kong sabi. He brushed a strand of hair away from my face. “You don't have to thank me for that, sweetheart. You're my wife.” My wife. Hindi ko napigilang ngumiti. Parang gusto kong ulit-ulitin ang mga salitang iyon hanggang sa masanay akong iyon na talaga ang tawag sa akin. I was Dexter's wife. At hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya sa simpleng katotohanang iyon. -- “Have you eaten anything?” Napatingin ako kay Dexter nang marinig ang tanong niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama habang inaalis ang ilang hairpins sa buhok ko. “Not yet. Bakit?” “Because you barely ate during the reception.” “Busy kasi akong makipag-usap sa mga bisita natin.” “Exactly. And I know you forgot to eat properly.” Lumapit siya sa maliit na mesa at kinuha ang isang covered plate na hindi ko napansing naroon na pala. Napanganga ako nang makita ang laman nito. “Is that my favorite?” He nodded. “I asked them to prepare it for you.” Napangiti ako habang tinatanggap ang plato. “You remembered.” Dexter sat beside me. “Of course, I did.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumandal sa balikat niya. Minsan, naiisip ko kung paano niya nagagawang tandaan ang maliliit na bagay tungkol sa akin. Alam niya kung anong pagkain ang gusto ko, kung anong klaseng bulaklak ang nagpapasaya sa akin, at kung kailan ko kailangan ng yakap kahit wala akong sinasabi. Hindi naman siya perpektong lalaki. May mga pagkakataong pareho kaming pagod o abala sa kani-kaniyang ginagawa. Pero sa mga simpleng paraan, palagi niyang ipinaparamdam sa akin na mahalaga ako. “What's that smile for?” tanong niya. “Wala.” “Lauren.” Napatawa ako. “I'm just thinking about how lucky I am.” He took the plate from my hands and placed it on the table before turning toward me. “I'm the lucky one.” “Really?” “Really.” Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan ang singsing sa daliri ko. “I get to spend the rest of my life with you. How could I not be lucky?” Hindi ko alam kung paano sasagot. Kaya sa halip na magsalita, niyakap ko na lang siya. He wrapped his arms around me, holding me close against his chest. Sa katahimikan ng kuwarto, naririnig ko ang mahinang tibok ng puso niya. Pamilyar ang tunog na iyon, pero iba ang pakiramdam ngayon. Wala na kaming kailangang hintaying espesyal na okasyon para makasama ang isa't isa. Wala nang pamamaalam pagkatapos ng date o paghihintay sa susunod naming pagkikita. We were married. At sa wakas, maaari ko na siyang yakapin sa tuwing gusto ko. “Dexter?” “Hmm?” “I'm happy that I married you.” Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago niya hinalikan ang tuktok ng ulo ko. “Good. Because I'm not letting you go that easily.” Napangiti ako sa dibdib niya. “Good,” bulong ko. “Because I'm not going anywhere.” -- Nang matapos akong kumain, tinulungan niya akong ayusin ang ilang gamit na dinala ko mula sa dati kong tirahan. Karamihan sa mga iyon ay damit, personal belongings, at ilang bagay na matagal ko nang iniingatan. May maliit akong kahon na inilagay sa ibabaw ng bedside table. Naglalaman iyon ng mga litrato namin ni Mama, ilang lumang larawan noong bata pa ako, at isang simpleng bracelet na regalo niya sa akin noong kaarawan ko. Dexter noticed it. “What's inside?” “Memories,” sagot ko habang binubuksan ang kahon. “Mga bagay na gusto kong laging malapit sa akin.” Kinuha niya ang isa sa mga litrato. Larawan iyon namin ni Mama noong huling birthday ko. “Your mom looks happy here.” “She was.” Napangiti ako habang tinitingnan ang litrato. “She was the happiest when she found out you were serious about me.” He smiled. “I should visit her soon.” Napatingin ako sa kaniya. “Really?” “Of course. She's family now.” Biglang uminit ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang ganoon kasimple para sa kaniya ang sabihin iyon, pero para sa akin, napakalaki ng kahulugan ng mga salitang iyon. “Thank you, Dexter.” He placed the picture back inside the box before pulling me into a gentle embrace. “You and your mom are important to me, Lauren. Never forget that.” Mahigpit akong yumakap sa kaniya. Sa dami ng bagay na maaari kong hilingin sa buhay, sapat na muna sa akin ang ganito. Isang asawang marunong magmahal, isang tahanang maaari kong uwian, at ang pag-asang mas marami pang masasayang araw ang naghihintay sa amin. Nang gabing iyon, habang nakahiga ako sa tabi ni Dexter, nakatingin ako sa kisame at hindi mapigilang ngumiti. Tahimik siyang nakahiga sa tabi ko, hawak ang kamay ko sa ilalim ng kumot. “Good night, Mrs. El Viejo,” bulong niya. Bumaling ako sa kaniya. “Good night, Mr. El Viejo.” He smiled and kissed my forehead before turning off the bedside lamp. I closed my eyes, still holding his hand. Hindi ko alam kung ano ang magiging hitsura ng buhay namin pagkalipas ng ilang taon. Hindi ko alam kung anong mga pagbabago ang dadalhin ng panahon sa aming pagsasama. Pero sa unang gabi ko sa tahanang ito bilang asawa ni Dexter, wala akong ibang naramdaman kung 'di kapayapaan. I felt loved. I felt safe. And as I slowly drifted to sleep beside the man I had chosen to spend my life with, I believed that nothing could ever be more beautiful than this.Chapter Four“Good morning, Mrs. El Viejo.”Napangiti ako sa pagbati ng kasambahay na nakasalubong ko sa hallway. Kakagising ko lang at kararating sa second floor matapos mag-almusal kasama si Dexter.“Good morning, too.”“Would you like me to prepare anything for you, ma'am?”“No, thank you. I'm fine.”Yumuko siya nang bahagya bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Ako naman ay napatingin sa kuwartong nasa dulo ng hallway.Our room.Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala kong mag-asawa na talaga kami ni Dexter. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang ikasal kami, pero hanggang ngayon, may mga pagkakataong pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.At kung may isang bagay na gusto kong gawin sa mga unang araw namin bilang mag-asawa, iyon ay ang sulitin ang bawat sandali kasama siya.Unfortunately, hindi ganoon kadali.Mula nang makasal kami, naging abala si Dexter sa trabaho. Madalas, maaga siyang umaalis ng mansion at gabi na kung umuwi. May mga pagkakataon ding habang magkasama
Chapter Three“Welcome home, Mrs. El Viejo.”Napangiti ako nang marinig ang pagbati ng mga staff pagkapasok namin sa El Viejo mansion. Halos sabay-sabay silang yumuko bilang pagbati, dahilan para bahagya akong mailang habang hawak ni Dexter ang kamay ko.“Thank you,” nakangiti kong sagot.Home.Iyon ang salitang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko habang pinagmamasdan ang malawak na foyer ng mansion. Ilang beses na akong nakapunta rito noong girlfriend pa lang ako ni Dexter, pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag asawa ka na ng lalaking nakatira rito.This was no longer just Dexter's home.It was ours.“Why are you smiling like that?” tanong ni Dexter habang nakatingin sa akin.Umiling ako, hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. “Nothing. I'm just happy.”“Just happy?” Tinaasan niya ako ng kilay. “That's all I get after marrying you?”Napatawa ako. “Ano bang gusto mong marinig?”He leaned closer. “That you're the happiest woman in the world because you married me.”“Wow. Con
Chapter Two“Lauren, anak, huwag kang masyadong gumalaw. Baka pumangit ang pagkakalagay ng veil mo.”Napangiti ako habang pinagmamasdan si Mama sa salamin. Maingat niyang inayos ang manipis na belo sa ibabaw ng buhok ko bago bahagyang umatras para tingnan ang kabuuan ng itsura ko.“Perfect,” bulong niya. “My beautiful bride.”“Ma naman.” Napatawa ako nang mahina. “Hindi pa nga nagsisimula ang wedding, naiiyak ka na.”“Eh, ano naman? Anak kita.” Itinaas niya ang kamay para punasan ang sulok ng mata niya. “Hindi ba puwedeng umiyak ang isang ina kapag nakikita niyang ikakasal na ang anak niya?”“Puwede naman. Pero kapag umiyak ka nang umiyak, baka pati ako maiyak.”“Then cry, sweetheart. It's your wedding day.”Napailing ako, pero hindi ko na napigilang yakapin siya.Sa araw na ito, gusto kong maging masaya kami. Ayokong isipin ang sakit niya, ang mga gamot na kailangan niyang inumin, o ang mga gabing halos hindi ako makatulog sa pag-aalala sa kaniya. Today was supposed to be about love,
Chapter OneLauren's POV“Anak, siya nga pala si Dexter El Viejo. Siya iyong tumulong sa akin kanina. Na-flat-an ako ng gulong. Mabuti na lang at may binatang huminto para tulungan akong magpalit.”Ngiting-ngiti si Mama habang ipinapakilala sa akin ang lalaking nasa tabi niya. Kahit pawisan pa ito, halatang hindi naman gaanong na-stress sa nangyari. Sa katunayan, parang masaya pa siyang may kuwento na naman siyang maibabahagi sa akin.Bumaling ako kay Dexter.“Salamat sa pagtulong kay Mama, Dexter.”“It's nothing,” nakangiting sagot niya.Hindi ko kasi agad napansin ang text ni Mama na nasa gilid siya ng kalsada at na-flat-an ng gulong. Mabuti na lang at may humintong tumulong sa kaniya.“Anak, ang pogi, 'di ba?”Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Hindi man lang niya hininaan ang boses niya. Napabungisngis pa siya bago ako bahagyang binangga sa tagiliran.“Single ang dalaga ko, Dexter. Single ka ba?”“Ma!” saway ko, saka siya binigyan ng nananaway na tingin.Gets
PrologueLumapit ako sa asawa kong abala sa cellphone niya. Isa na namang gabi ng pagsubok na makuha ang atensiyon ni Dexter.Ilang buwan na kaming kasal, pero wala pa ring nangyayari sa pagsasama namin bilang mag-asawa. Ilang buwan na rin akong natutulog sa tabi niya, umaasang darating ang gabing hindi ko na kailangang magmakaawa para lang maramdaman na asawa niya ako.Wala akong saplot.I had thrown away every bit of shame I had left just to get my husband's attention.“Dexter...” tawag ko.Nang mag-angat siya ng tingin, bahagyang napaawang ang mga labi niya. Hindi ko siya masisisi. Sinong hindi magugulat kung ang asawa niyang palaging maayos manamit ay biglang haharap sa kaniya nang walang anumang saplot?“What are you doing, Lauren?” Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Pilit akong ngumiti kahit kinakabahan na ako sa sarili kong ginagawa. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bigla kong naramdaman ang liit-liit ko, na para bang wala na akong iba







