Share

THE NIGHT I BETRAYED MY HUSBAND
THE NIGHT I BETRAYED MY HUSBAND
Penulis: elsewhere225

Prologue

Penulis: elsewhere225
last update Tanggal publikasi: 2026-10-20 13:08:22

Prologue

Lumapit ako sa asawa kong abala sa cellphone niya. Isa na namang gabi ng pagsubok na makuha ang atensiyon ni Dexter.

Ilang buwan na kaming kasal, pero wala pa ring nangyayari sa pagsasama namin bilang mag-asawa. Ilang buwan na rin akong natutulog sa tabi niya, umaasang darating ang gabing hindi ko na kailangang magmakaawa para lang maramdaman na asawa niya ako.

Wala akong saplot.

I had thrown away every bit of shame I had left just to get my husband's attention.

“Dexter...” tawag ko.

Nang mag-angat siya ng tingin, bahagyang napaawang ang mga labi niya. Hindi ko siya masisisi. Sinong hindi magugulat kung ang asawa niyang palaging maayos manamit ay biglang haharap sa kaniya nang walang anumang saplot?

“What are you doing, Lauren?” Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.

Pilit akong ngumiti kahit kinakabahan na ako sa sarili kong ginagawa. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bigla kong naramdaman ang liit-liit ko, na para bang wala na akong ibang kayang gawin kung 'di ibaba ang sarili ko para lang mapansin niya.

Bakit ko ba kailangang gawin ito?

Normal lang naman, hindi ba? Asawa ko siya. Hindi naman kasalanan na hangarin kong mayakap, mahalikan, at mahalin niya ako.

Pero hindi. Kailangan ko pang magpakita sa kaniya nang ganito para lang makuha ang atensiyong dapat sana ay kusa niyang ibinibigay sa akin.

“Dexter, I'm wet right now. I need you, love.”

I let my voice soften into a whisper as I slowly approached him.

Nang tuluyan akong makalapit, bahagya akong tumukod sa magkabilang armrest ng upuan niya. Nasa pagitan na niya ang katawan ko, at wala na akong ibang gustong gawin kung 'di makuha ang buong atensiyon niya.

Gumawi ang tingin ni Dexter sa dibdib ko.

Agad kong sinamantala ang pagkakataon. Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko at marahang nilamas iyon habang pinagmamasdan ang reaksiyon niya.

Baka kung gawin ko ito, maibigan niya akong hawakan.

Baka matukso siya.

Baka sa wakas, hangarin na rin niyang angkinin ako.

I want him. I want my husband.

Gusto kong maramdaman na may asawa ako. Gusto kong maranasan ang mga bagay na matagal ko nang pinapangarap mula nang isuot ko ang singsing na ibinigay niya sa akin.

“S-stop it,” anas niya.

Pero sa paraan ng pagtingin niya sa akin, pakiramdam ko ay unti-unti nang nababasag ang pader na matagal niyang itinayo sa pagitan naming dalawa.

“Ayaw mo ba sa akin, love?” pang-aakit ko pa rin.

Itinigil ko ang paghaplos sa dibdib ko at marahang inabot ang kamay niyang nakapatong sa hita niya. Hindi siya tumutol nang hawakan ko iyon. Iginiya ko ang palad niya patungo sa dibdib ko at hinintay na siya mismo ang kumilos.

“Go on, love. Lamasin mo.”

Kailangan ko pa siyang udyukan.

Hindi siya gumalaw, pero hindi rin niya inalis ang kamay niya.

Nagkatitigan kami.

I searched his eyes, hoping to find even the smallest hint of desire. Kahit kaunting pagnanais lang na magpapatunay na hindi ako nag-iisa sa nararamdaman ko.

Pero habang tumatagal ang katahimikan, unti-unti na namang nauubos ang pag-asa ko.

Lalayo na sana ako nang biglang gumalaw ang palad niya.

Marahan niya akong hinaplos bago niya tuluyang nilamas ang dibdib ko.

Napasinghap ako.

At sa simpleng pagkilos niyang iyon, para bang may kung anong muling nabuhay sa loob ko. Hindi ko napigilang mapangiti. Nang sumunod ay kapuwa na niya nilalamas ang mga dibdib ko.

“D-Dexter...” napakagat ako sa labi nang ilapit niya ang mukha niya sa dibdib ko.

Dumampi ang mga labi niya sa nipple ko bago niya iyon sinimulang supsupin. Napapikit ako nang kagatin niya ang isa, saka paulit-ulit na dinilaan upang maibsan ang kirot na iniwan niya.

Nanginig ang mga daliri kong nakapatong sa balikat niya.

“Touch me... Please... I'm begging you,” pakiusap ko.

Dumausdos ang palad niya patungo sa pagkababae ko.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghaplos niya roon. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito. Hindi ko na mabilang kung ilang gabi akong nakahiga sa tabi niya, pilit na pinipigil ang sarili kong lumapit dahil ayokong maramdaman niyang desperada ako.

Pero heto ako ngayon, hindi na kayang itago ang lahat ng pangangailangan ko.

“You're so wet, Lauren,” bulong niya.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Bahagya akong yumuko upang makita ang mukha niya kahit namumungay na ang paningin ko.

“Dahil sa 'yo... basang-basa ako, Dexter.” Napalunok ako. “Fuck me... please.”

Mas bumilis ang paggalaw ng daliri niya sa aking clit. Nanatili siyang nakaupo habang ako naman ay halos mawalan na ng lakas ang mga tuhod. Kumapit ako sa mga balikat niya, pilit na pinananatili ang balanse ko.

“I'm so fucking wet... fuck me now.”

Akmang tatayo na siya mula sa pagkakaupo nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Isang ring lang.

Pero sapat na iyon para magbago ang lahat.

Nakita ko ang reaksiyon niya. Para siyang biglang natauhan. Agad niyang inalis ang kamay na nakahawak sa akin, at ang mga matang kanina lamang ay nakatuon sa katawan ko ay mabilis na napunta sa cellphone.

Natigilan ako.

Kanina, hinahawakan niya ako. Kanina, para bang gusto rin niya ang ginagawa namin.

Pero ngayon, sa isang tawag lamang, para bang may nagawa akong kasuklam-suklam.

“D-Dexter?”

Hindi siya sumagot.

“Magbihis ka, Lauren,” utos niya habang kinukuha ang cellphone.

Napatingin ako sa screen.

L.M.

Hindi ko kilala kung sino ang tumatawag. Wala akong ideya kung sino ang taong iyon o kung bakit kailangan nitong tawagan ang asawa ko sa ganitong oras.

Pero isang bagay ang malinaw sa akin.

Dahil sa tawag na iyon, biglang nawala ang pagnanais ni Dexter sa akin.

“What the fuck?” bulalas ko.

Hindi niya sinagot ang tawag, pero sapat na ang presensiya ng caller para tuluyan siyang matauhan. Tumayo siya at hinawi ako upang makalayo.

Napatingin ako sa kaniya, hindi makapaniwala.

Masyado ko nang ibinaba ang sarili ko para lang makuha ang atensiyon niya. Nilunok ko ang hiya ko, inilantad ang sarili ko, at halos magmakaawa para lang maramdaman kong gusto niya rin ako.

Pero kahit ganoon, nagawa pa rin niya akong tanggihan.

“What is wrong with you, Dexter?” nanginginig kong tanong.

Wala pa rin akong saplot. Namumuo ang mga luha sa mga mata ko habang pilit kong hinahanap sa mukha niya ang sagot sa mga tanong na matagal ko nang kinikimkim.

“Asawa kita... pero never ka pang nagpakaasawa sa akin.” Napalunok ako, pero hindi ko na napigilan ang mga salitang sunod-sunod na lumabas sa bibig ko. “Ano bang mali sa akin? Hindi ka ba natutukso sa katawan ko? May kulang ba sa akin? Please! Tell me, Dexter. Ginagawa mo na akong tanga.”

“Stop. May kailangan akong puntahan—”

“Gabi na. Saan ka pupunta? Tatakas ka na naman—”

“Enough, Lauren. Mag-usap na lang tayo sa susunod. Magbihis ka na.”

“No!” asik ko.

Hindi ko na kayang magkunwaring ayos lang ang lahat. Ilang buwan na kaming kasal, pero parang wala akong karapatang hingin ang pagmamahal ng sarili kong asawa.

“Ano ba, Dexter? Ilang buwan na tayong kasal, pero iwas na iwas ka pa rin sa akin. Pareho tayong may pangangailangan. Sa 'yo ko nais na kunin ang pangangailangan kong iyon. Ikaw? Kanino mo—”

“Huwag mo akong simulan sa usapang iyan, Lauren. Manahimik ka. Ayusin mo ang sarili mo. Now.”

Napahinto ako.

Hindi dahil wala na akong gustong sabihin, kung 'di dahil sa sigaw niya ay para bang may kung anong biglang pumigil sa akin.

Hindi ko namalayang napaatras na pala ako. Kumuyom ang mga daliri ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang puno ng pagkainis.

Natakot ako.

Ang lalaking minahal ko nang buong puso ay siya ring lalaking hindi ko alam kung paano haharapin kapag nagagalit.

Kaya wala na akong nagawa kung 'di tumakbo papunta sa banyo.

Pagkasara ko ng p***o, doon tuluyang bumigay ang lahat ng pinipigil kong emosyon. Napahawak ako sa gilid ng lababo bago dahan-dahang napaluhod sa sahig.

Humagulhol ako.

Pero kahit gaano karami ang luhang pumatak, hindi mababago ng pag-iyak ko ang katotohanan.

Muli na naman akong tinanggihan ng asawa ko.

Ilang minuto akong nanatili sa banyo bago ko pinilit ang sarili kong tumayo. Binuksan ko ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan ko. I closed my eyes, hoping the water would wash away the humiliation I felt.

Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang reaksiyon ni Dexter nang tumunog ang cellphone niya.

Para bang mas mahalaga ang taong nasa kabilang linya kaysa sa sariling asawa niya.

Pagkatapos maligo, nagsuot ako ng robe at dahan-dahang lumabas ng banyo.

Abala si Dexter sa pag-aayos ng ilang pirasong damit sa travelling bag niya.

Napatingin ako sa bag bago bumalik ang tingin ko sa kaniya.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

“Work,” tipid niyang sagot.

Work?

Napalingon ako sa orasan. Alas-diyes na ng gabi.

Anong trabaho ang kailangan niyang puntahan sa ganitong oras, at bakit kailangan niyang mag-empake ng damit?

Alam kong kasinungalingan iyon. Pero pagod na akong makipagtalo. Pagod na akong magtanong at makakuha ng sagot na wala namang paliwanag.

Kaya sa halip na magsalita, pumasok ako sa walk-in closet at nagbihis.

Paglabas ko, buhat na ni Dexter ang travelling bag niya.

Naglalakad na siya palabas ng kuwarto nang sumunod ako sa kaniya. Wala kaming imikan habang bumababa sa hagdan ng El Viejo mansion.

Pagdating namin sa unang palapag, bumukas ang malaking p***o.

May lalaking pumasok.

Napahinto ako.

Malaki ang pagkakahawig niya kay Dexter. Halos magkapareho ang tindig nila at ang hugis ng mukha, bagama't may kakaibang awra ang estrangherong bagong dating.

Pero hindi ko siya kilala.

Halos lahat ng kamag-anak ni Dexter ay nakilala ko na mula nang ikasal kami. Dumalo ako sa mga pagtitipon ng pamilya nila, nakipagkilala sa mga pinsan at tiyuhin niya, at natutong kabisaduhin ang mga mukha ng mga taong mahalaga sa asawa ko.

Pero ang lalaking ito?

Ngayon ko lang siya nakita.

“Bro,” gulat na sambit ni Dexter.

Napalingon ako sa asawa ko.

Bro? Brother?

“Dex, how are you?” masayang bati ng lalaki habang inilahad ang kamay niya.

Agad iyong tinanggap ni Dexter. Sa unang pagkakataon nang gabing iyon, nakita kong tunay na nagbago ang ekspresyon ng asawa ko. Nawala ang pagkainis sa mukha niya at napalitan iyon ng tuwa habang mahigpit niyang kinamayan ang lalaki.

Hindi pa sila nakuntento roon. Lumapit sila sa isa't isa at nagyakapan na para bang matagal na silang hindi nagkikita.

Tahimik lang akong nakatayo sa tabi, pinagmamasdan ang tagpong hindi ko inaasahang masasaksihan.

“Wife,” tawag ni Dexter sa akin nang matapos silang magyakapan.

Agad akong ngumiti. Automatic na ang reaksiyon ko. Ganoon naman kami kapag may ibang tao... ngumingiti, nagkukunwaring maayos, at nagpapakita ng isang pagsasamang walang problema.

“This is my brother, Connor El Viejo.”

Napatingin ako kay Connor.

Kapatid pala siya ni Dexter.

Bakit ngayon ko lang siya nakilala?

“Nice meeting you... sister-in-law,” sabi niya.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin, kaya tinanggap ko iyon.

Pero nang magdikit ang aming mga palad, bahagya akong natigilan.

Mahigpit ang pagkakahawak niya. Hindi naman sapat para masaktan ako, pero hindi rin iyon ang karaniwang pakikipagkamay sa isang taong ngayon mo pa lamang nakikilala.

At ang tingin niya...

Hindi ko maipaliwanag.

May kung anong kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin, na para bang hindi lang pangalan at mukha ko ang gusto niyang makilala.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Agad kong binawi ang kamay ko at pilit na ngumiti sa kaniya.

“Nice meeting you, too.”

Pero kahit nakangiti ako, hindi ko maiwasang muling tingnan ang lalaking nasa harapan ko.

May kapatid pala si Dexter.

At sa unang pagkakataon mula nang maging asawa niya ako, may natuklasan akong tungkol sa pamilya niya na hindi ko man lang alam.

Si Connor El Viejo. Ang bayaw na ngayon ko lang nakilala.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE NIGHT I BETRAYED MY HUSBAND   4. Broken promise

    Chapter Four“Good morning, Mrs. El Viejo.”Napangiti ako sa pagbati ng kasambahay na nakasalubong ko sa hallway. Kakagising ko lang at kararating sa second floor matapos mag-almusal kasama si Dexter.“Good morning, too.”“Would you like me to prepare anything for you, ma'am?”“No, thank you. I'm fine.”Yumuko siya nang bahagya bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Ako naman ay napatingin sa kuwartong nasa dulo ng hallway.Our room.Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala kong mag-asawa na talaga kami ni Dexter. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang ikasal kami, pero hanggang ngayon, may mga pagkakataong pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.At kung may isang bagay na gusto kong gawin sa mga unang araw namin bilang mag-asawa, iyon ay ang sulitin ang bawat sandali kasama siya.Unfortunately, hindi ganoon kadali.Mula nang makasal kami, naging abala si Dexter sa trabaho. Madalas, maaga siyang umaalis ng mansion at gabi na kung umuwi. May mga pagkakataon ding habang magkasama

  • THE NIGHT I BETRAYED MY HUSBAND   3. Welcome home

    Chapter Three“Welcome home, Mrs. El Viejo.”Napangiti ako nang marinig ang pagbati ng mga staff pagkapasok namin sa El Viejo mansion. Halos sabay-sabay silang yumuko bilang pagbati, dahilan para bahagya akong mailang habang hawak ni Dexter ang kamay ko.“Thank you,” nakangiti kong sagot.Home.Iyon ang salitang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko habang pinagmamasdan ang malawak na foyer ng mansion. Ilang beses na akong nakapunta rito noong girlfriend pa lang ako ni Dexter, pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag asawa ka na ng lalaking nakatira rito.This was no longer just Dexter's home.It was ours.“Why are you smiling like that?” tanong ni Dexter habang nakatingin sa akin.Umiling ako, hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. “Nothing. I'm just happy.”“Just happy?” Tinaasan niya ako ng kilay. “That's all I get after marrying you?”Napatawa ako. “Ano bang gusto mong marinig?”He leaned closer. “That you're the happiest woman in the world because you married me.”“Wow. Con

  • THE NIGHT I BETRAYED MY HUSBAND   2. Wedding

    Chapter Two“Lauren, anak, huwag kang masyadong gumalaw. Baka pumangit ang pagkakalagay ng veil mo.”Napangiti ako habang pinagmamasdan si Mama sa salamin. Maingat niyang inayos ang manipis na belo sa ibabaw ng buhok ko bago bahagyang umatras para tingnan ang kabuuan ng itsura ko.“Perfect,” bulong niya. “My beautiful bride.”“Ma naman.” Napatawa ako nang mahina. “Hindi pa nga nagsisimula ang wedding, naiiyak ka na.”“Eh, ano naman? Anak kita.” Itinaas niya ang kamay para punasan ang sulok ng mata niya. “Hindi ba puwedeng umiyak ang isang ina kapag nakikita niyang ikakasal na ang anak niya?”“Puwede naman. Pero kapag umiyak ka nang umiyak, baka pati ako maiyak.”“Then cry, sweetheart. It's your wedding day.”Napailing ako, pero hindi ko na napigilang yakapin siya.Sa araw na ito, gusto kong maging masaya kami. Ayokong isipin ang sakit niya, ang mga gamot na kailangan niyang inumin, o ang mga gabing halos hindi ako makatulog sa pag-aalala sa kaniya. Today was supposed to be about love,

  • THE NIGHT I BETRAYED MY HUSBAND   1. First meet

    Chapter OneLauren's POV“Anak, siya nga pala si Dexter El Viejo. Siya iyong tumulong sa akin kanina. Na-flat-an ako ng gulong. Mabuti na lang at may binatang huminto para tulungan akong magpalit.”Ngiting-ngiti si Mama habang ipinapakilala sa akin ang lalaking nasa tabi niya. Kahit pawisan pa ito, halatang hindi naman gaanong na-stress sa nangyari. Sa katunayan, parang masaya pa siyang may kuwento na naman siyang maibabahagi sa akin.Bumaling ako kay Dexter.“Salamat sa pagtulong kay Mama, Dexter.”“It's nothing,” nakangiting sagot niya.Hindi ko kasi agad napansin ang text ni Mama na nasa gilid siya ng kalsada at na-flat-an ng gulong. Mabuti na lang at may humintong tumulong sa kaniya.“Anak, ang pogi, 'di ba?”Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Hindi man lang niya hininaan ang boses niya. Napabungisngis pa siya bago ako bahagyang binangga sa tagiliran.“Single ang dalaga ko, Dexter. Single ka ba?”“Ma!” saway ko, saka siya binigyan ng nananaway na tingin.Gets

  • THE NIGHT I BETRAYED MY HUSBAND   Prologue

    PrologueLumapit ako sa asawa kong abala sa cellphone niya. Isa na namang gabi ng pagsubok na makuha ang atensiyon ni Dexter.Ilang buwan na kaming kasal, pero wala pa ring nangyayari sa pagsasama namin bilang mag-asawa. Ilang buwan na rin akong natutulog sa tabi niya, umaasang darating ang gabing hindi ko na kailangang magmakaawa para lang maramdaman na asawa niya ako.Wala akong saplot.I had thrown away every bit of shame I had left just to get my husband's attention.“Dexter...” tawag ko.Nang mag-angat siya ng tingin, bahagyang napaawang ang mga labi niya. Hindi ko siya masisisi. Sinong hindi magugulat kung ang asawa niyang palaging maayos manamit ay biglang haharap sa kaniya nang walang anumang saplot?“What are you doing, Lauren?” Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Pilit akong ngumiti kahit kinakabahan na ako sa sarili kong ginagawa. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bigla kong naramdaman ang liit-liit ko, na para bang wala na akong iba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status