Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?""Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapi
Last Updated : 2026-10-21 Read more