LOGIN"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya.
Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara. Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino itong babaeng natutulog sa kama niya na akala mo'y may-ari ng silid na iyon? "What the hell?" Binaba niya ang ilang dalang gamit sa sahig at agad dumiretso kay Hanaya. "Hey, miss.." marahan niyang tinapik ang binti nito para gisingin kaso ni hindi man ito gumalaw. Mas lumapit siya sa mukha ni Hanaya at pinagmasdan ang mukha nito. "Maganda siya.. pero mukhang lasinggera." Sabi niya sa isipan. "Miss.. are you new here? Bakit kayo umiinom dito sa bahay?" "Hmm.." gumalaw ang babae at dahan-dahang binuksan ang mga mata. "Ikaw pala.." Kumunot ang noo ni Sylus dahil kung kausapin siya ni Hanaya ay parang magkakilala sila. "You're drunk, miss. Get out of my room now." Umahon si Hanaya sa pagkakahiga at inaantok siyang tumingin kay Sylus. "Alam mo.. nami-miss na kita.. pero nitong mga nakaraang araw.. para kang laging galit sa akin," Dahil sa kalasingan ay akala niya boyfriend na niya ang kausap niya. Wala siyang kaalam-alam na isa na pala ito sa mga amo niya. "What the hell are you saying, miss?" Mas iritang tanong ni Sylus. Akala niya makakapagpahinga na siya dito sa bahay niya pero mukhang mas na-stress pa yata siya ngayon. "Umalis ka na sa kwarto ko kung ayaw mong mawalan ng traba--" hindi na natapos ni Sylus ang sinasabi nang agad ng dinikit ni Hanaya ang labi niya sa lalaki. "Bakit ba parang lagi kang mailap sa akin?" Tanong niya pa. Samantalang hindi naman gumalaw si Sylus habang hinahalikan siya ng babae. "Hmm.." niyakap niya pa ang mga braso sa leeg ni Sylus. "Halikan mo 'ko..." Bulong ulit ni Hanaya sa kanya. "Please?" Saglit na natigilan ang lalaki habang nakatitig kay Hanaya. "Stop it. You're drunk." "Please. Halikan mo na 'ko, Julius.." Doon na natigilan si Sylus. "Who the hell is Julius? Is he boyfriend?" "Huh?.. oo, 'di ba boyfriend kita?" Tumatawang sabi pa ni Hanaya sa lasing na tono. "Ah, shit." Doon na niya mas tinulak si Hanaya. "Gagawin mo pa akong kabit," "Huh? Ano bang pinasasabi mo?" Patuloy sa pagtawa si Hanaya dahil sa kalasingan. "Get out of my bed. Now." Utos niya pero bumaliktad na ang sikmura ni Hanaya at mabilis siyang napabangon dahil nasusuka na siya. "Damn it! Huwag sa kama ko!" Agad hinila ni Sylus ang babae para maalalayan itong sumuka sa banyo niya. "Iinom inom ka, hindi mo naman pala kaya," Pagkatapos no'n ay bumalik sila sa kama. Kaso nagsimulang maghubad ng damit si Hanaya. "Ah, ang init!" Aniya habang nakapikit at namumula ang mukha. Pinanood ni Sylus ang ginagawang paghuhubad ng tshirts at shorts ni Hanaya habang nakahiga doon sa kama niya. Inis na lang siyang bumuntonghininga saka niya kinuha ang comforter niya at pinatong sa hubad na katawan ng babae. Masyado na siyang pagod sa araw na 'yon para idagdag pa sa problema ang isang lasing na babae sa kama niya. Tutal malaki naman ang higaan ay pumunta na siya sa malayong gilid ng kama para humiga na at hayaan na ang tulog na babaeng iyon. Kinaumagahan ay maagang nagising si Hanaya, gulat na gulat na tanging underwear na lang ang suot niya sa loob ng kumot. "Teka, sino yung lalaki kagabi? Hinalikan ko? May nangyari ba sa amin?" Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala kung may nangyari. Mas kinabahan siya nang marinig na mukhang may nagsh-shower sa banyo. Kaya naman agad niyang pinulot ang mga damit niya at mabilis na nagbihis. Nakababa na siya ng kama at malapit na siya sa pintuan nang lumabas na si Sylus sa banyo na tanging puting tuwalya lang ang tumatakip sa pang-ibabang katawan nito. Gumagapang pa ang mga butil ng tubig sa katawan at buhok niya. "Goodmorning, miss.." Takot na lumingon si Hanaya sa nagsalitang lalaki at mas lalo lang siyang nanlumo nang makita ang lalaking kaharap niya ay yung mismong lalaki na nakita niya sa picture frame sa hallway. "Sylus De Santis? Bakit siya nandito?! Akala ko ba hindi sila umuuwi dito sa mansyon?" Sa isip niya habang natataranta na. "Mr. De Santis...magpapaliwanag po ako," Ngumisi si Sylus habang pinupunas ng isa pang towel ang basang buhok niya. "Sige nga, magpaliwanag ka." Dahan-dahang lumalapit si Sylus kay Hanaya. "Ipaliwanag mo kung bakit nandito ka sa kwarto ko ngayon." Hindi alam ni Hanaya kung sasabihin niya pang nag-inuman sila kagabi ng mga kasama niya dahil baka madamay pa ang mga ito sa ginawa niya. "Pasensya na po, sir. Uminom po kasi ako kagabi at medyo.. naparami.. pero tapos ko naman na po lahat ng trabaho ko bago ako nalasing.." "Then, paano mo ipapaliwanag kung bakit ka nandito sa kwarto ko?" Saglit na napailing si Hanaya habang inaalala iyon. "Ang alam ko naglilibot lang po ako kagabi at napadpad po ako sa labas ng kwarto niyo. Hindi ko na po kasi masyadong matandaan yung ibang nangyari pero... Hindi ko pa po kasi kabisado 'tong bahay niyo." Ngumisi si Sylus. "Hindi mo natatandaan ang nangyari sa atin?" Panunuya niya pa sa babae. "May nangyari sa amin?!" Mas nataranta si Hanaya sa narinig pero pinilit niyang maging mukhang kalmado. "Sir, pasensya na po. Pero kung may nangyari man po sa atin kagabi ay kalimutan niyo na po 'yun. Lasing lang po ako." Mas kumurba ang labi ni Sylus sa narinig. Hindi niya inaasahan na ganito ang isasagot sa kanya ng babae. "Sa tono ng pananalita mo parang ako pa ang naghahabol sa'yo, ah?" "Pasensya na po talaga sir. Pero gusto ko lang naman pong linawin na wala po akong balak maghabol sa inyo kahit na...may nangyari man sa atin. Sana lang po ay hindi niyo ako ipatanggal sa trabaho ko.." Pinagkrus ni Sylus ang mga braso at umupo sa kama habang nakatingala kay Hanaya na nakatayo sa harap niya. "Don't worry, walang nangyari sa atin. I don't do drunk sex. Gusto ko naaalala ng babae ang lahat ng ginagawa ko kapag may nangyari sa amin." Parang gustong sampalin ni Hanaya si Sylus dahil sa narinig pero nakahinga pa rin siya nang maluwag dahil sa impormasyong walang nangyari sa kanilang dalawa. "At hindi ako pumapatol sa mga may karelasyon na." Tumango si Hanaya. "Unless.. you break up with your boyfriend." Kung hindi ko lang amo 'to kanina ko pa 'to nasipa, eh. "Mr. De Santis, hindi po ako makikipagbreak sa boyfriend ko para lang sa inyo." Natawa si Sylus. "Sigurado ka?" Mas nainis doon si Hanaya. Hindi ko akalain na ganito pala ang ugali ng isang 'to. "Sigurado po ako, Mr. De Santis." Napatitig sa kanya si Sylus dahil mas nakuha ni Hanaya ang atensyon nito. "Lalabas na po ako. Kailangan ko na pong mag-ayos para makapagtrabaho na." Habang tinititigan ang babae ay doon siya nakaisip ng ideya. Mukha naman siyang matapang. Maganda din. Hindi kasing yaman namin pero ang mahalaga walang nakakakilala sa kanya sa mga kaibigan namin. Hindi rin niya ako gusto tulad ng ibang babae. Hindi maghahabol. Doon na siya napangisi. "Gusto mo ba ng mas magandang trabaho?" "Ano pong ibig niyong sabihin? Tatanggalin niyo po ako sa trabaho ko?" Saglit na kinabahan si Hanaya. Ano 'to? Paraan niya ba 'to para sabihing sinisisante na niya ako? "May mas maganda akong iaalok na trabaho para sa'yo. Mas malaki ang sweldo. Mas maraming benefits." Agad naman nagpantig ang tainga ni Hanaya doon. "Ano po 'yon?" Mas napangiti si Sylus habang nakatingin sa kanya. Galit siya sa ex-fiancée niyang si Amara dahil sa panloloko nila ng kaibigan niyang si Tyler. Hindi lang ang pagmamahal niya ang nasaktan kundi pati na rin ang pagkalalaki niya. Kaya naman ngayon ay may naisip siyang paraan para saktan din pabalik si Amara. "Marry me. Be my wife."Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na
Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?""Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapi
Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to?"Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya?"Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin."Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boyfriend ako at wala akong ba
"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara.Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino itong babaeng nat
Pagkabukas pa lang ng mata ni Hanaya ay agad na niyang naramadaman ang kirot ng ulo niya dahil sa dami ng ininom niyang alak kagabi. Hanggang sa natigilan siya nang mapansin na may kakaiba: Una, nakahiga siya sa isang malaking kama na tiyak niyang hindi sa kanya. Black sheets. King size bed.Pangalawa, naamoy niya na parang may iba pang tao bukod sa kanya doon sa kwarto dahil sa pangmayaman na amoy ng paligid. At pangatlo.."Bakit wala akong damit?!" Bulalas niya habang tinitingnan sa ilalim ng kumot ang katawan niya. Tanging underwear na lang ang suot niya at nakakalat pa ang damit niya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa kamang iyon."Bayad po," Natatandaan niyang inabot niya ang pamasahe sa taxi driver nang makarating na siya sa tapat ng isang mansyon na may malawak na hardin sa harapan. Mataas at malaki din ang gate nito na sumisigaw ng yaman ng may-ari. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong ng isang guard nang lu







