LOGIN
Pagkabukas pa lang ng mata ni Hanaya ay agad na niyang naramadaman ang kirot ng ulo niya dahil sa dami ng ininom niyang alak kagabi. Hanggang sa natigilan siya nang mapansin na may kakaiba:
Una, nakahiga siya sa isang malaking kama na tiyak niyang hindi sa kanya. Black sheets. King size bed. Pangalawa, naamoy niya na parang may iba pang tao bukod sa kanya doon sa kwarto dahil sa pangmayaman na amoy ng paligid. At pangatlo.. "Bakit wala akong damit?!" Bulalas niya habang tinitingnan sa ilalim ng kumot ang katawan niya. Tanging underwear na lang ang suot niya at nakakalat pa ang damit niya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa kamang iyon. "Bayad po," Natatandaan niyang inabot niya ang pamasahe sa taxi driver nang makarating na siya sa tapat ng isang mansyon na may malawak na hardin sa harapan. Mataas at malaki din ang gate nito na sumisigaw ng yaman ng may-ari. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong ng isang guard nang lumapit siya doon. "Opo, Hanaya Madrigal po. Nakausap ko na po sa tawag yung mayordoma, si ma'am Isabel at--" hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil may niradyo na agad ang gwardya saka na niya tuluyang binuksan ang gate. "Pumasok ka na," Tipid na ngumiti si Hanaya sa kanya. "Salamat po," Nang makalagpas sa gate ay mas namangha siya sa malawak na hardin ng harapan ng bahay. Sa dulo no'n ay ang hagdan paakyat sa mismong mansyon na akala mo'y palasyo sa laki. Sa dulo naman ng hagdan ay nag-aabang ang isang matandang babae na pormal na nakatayo at nakaabang sa kanya. "Magandang hapon po. Ako po si--" "Nakapag-usap naman na tayo sa tawag, hindi ba? Apo ka ni Lucia Madrigal na matagal nang nagtatrabaho dito. Dahil matanda na siya ay kailangan na niyang magpahinga at ikaw ang nagpresintang pumalit." Diretso at seryosong sambit ng mayordoma. Napatango na lang si Hanaya dahil iyon din naman talaga dapat ang sasabihin niya. "Sumunod ka sa akin," utos pa nito saka na naglakad papasok ng bahay. Nang sumunod siya ay doon siya mas nagulat nang makita ang loob ng mansyon. Napatakip siya sa bibig para pigilan ang malakas niyang pagkamangha sa lugar. "Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kasosyal na bahay." Sabi niya sa isip niya. "Wow. May elevator pa. Ano 'to mall?" Hindi niya alam na ganito pala kayaman ang pinagtatrabahuhan ng lola niya noon. "Siya nga pala, ako si Isabel.." usal ng mayordoma habang nauuna sa paglalakad. "Pwede mo akong tawaging Miss Isabel," "Opo, Miss Isabel." "Ito ang mga lilinisan mo," nagsimula nang magbilin ang mayordoma habang patuloy sila sa paglalakad. May mga nadaanan silang mga kwarto at inisa-isa niya itong pinakita kay Hanaya tulad na lang ng kitchen, dining room, cinema room, guest rooms at iba pang room. Habang naglalakad ay napatingin din siya sa mga naglalakihang picture frame ng mga may-ari ng mansyon. Saglit na bumagal ang lakad niya habang pinagmamasdan ang mga iyon. Nahalata ni Isabel ang pagbabagal niya kaya nilingon niya si Hanaya. Tatlong tig-iisang picture frame. Tatlong lalaki. Isang buong pamilya. At isang picture frame na mukhang yung mag-asawa lang. "Iyan ang pamilya De Santis. Sina ma'am Sienna at sir Alessandro. 'Yang tatlo ang mga anak nila. Ito si sir Kaniel, yung bunso. Ito naman si sir Rohan, yung pangalawa.." Habang sinasabi ni Isabel iyon ay nakadikit na ang titig ni Hanaya sa pinakaunang picture frame sa tapat niya. "At ito si sir Sylus, ang panganay at tumatayong tagapagmana ng mga De Santis." Napakurap si Hanaya nang mapagtanto niyang tumagal na ang titig niya doon sa picture ni Sylus. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa pinakita na niya ang kwarto ni Hanaya. Malaki ito at may apat na higaan doon. Nasa kusina ngayon ang mga kasama niya at yung iba ay kasalukuyang naglilinis kaya wala pang ibang tao sa loob. "Nakapatong na sa kama mo ang uniform mo. Kapag hindi kasya sabihin mo sa akin dahil magpapagawa pa ako ng lima mo pang uniporme." "Sige po. Salamat po." "Pagkatapos mong mag-ayos ng gamit ay lumabas ka na para makatulong ka na." Lumabas na si Isabel at iniwan na si Hanaya doon sa loob. Nagsimula na siyang mag-ayos ng gamit. Sa gilid ng naka-assign sa kanyang kama ay may locker kung saan niya ilalagay ang mga gamit niya. Nang matapos ay agad na siyang lumabas at tumulong. Nakapagpakilala na rin siya sa ibang trabahador ng bahay. "Uy sakto ang dating mo, Hanaya! Birthday ni Ara ngayon!" Sinukbit ni Tessa ang braso niya sa braso ni Hanaya. Isa ito sa mga palakaibigan sa kanila na agad na kumausap sa kanya. "Sali ka sa amin mamayang gabi, mag-iinuman kami.." bulong niya kay Hanaya. "Huh? Pwede ba 'yon?" Kunot noong tanong niya. "Unang araw ko pa lang dito," "Pwede 'yon! Tapos naman na ang trabaho natin mamayang gabi, tsaka birthday naman ni Ara. Maiintindihan ni Miss Isabel 'yon. Baka nga makisali pa siya eh," hagikgik ni Tessa. "Oo nga, tsaka wala naman yung mga amo natin." Dagdag ni Joan na nagpupunas ng mga baso sa lababo. "Bakit? Nasaan ba sila?" Kuryosong tanong ni Hanaya. "Yung mag-asawa nasa ibang bansa. Matagal ng hindi umuuwi ng Pilipinas. Dalawang beses ko pa nga lang yata nakita yung mga 'yon simula nang makapasok ako rito. Tapos yung tatlong anak nilang lalaki may sari-sariling mga penthouse at minsan lang din nagagawi rito." Dahan-dahang tumango si Hanaya. "Sayang nga at minsan lang umuuwi dito yung tatlong anak nila.. ang guguwapo pa naman!" Kinikilig na sabi ni Ara. "Lalong lalo na si sir Sylus! Para akong mamamatay kapag nadadaanan niya ako!" Natawa na lang si Hanaya habang nakikinig sa kanya. Tumigil lang sila nang dumating na si Isabel sa kusina para tingnan ang ginagawa nila. Nakapagpaalam na rin sila na maghahanda sila ng pribadong selebrasyon para sa birthday ni Ara mamayang gabi at mas lalo silang natuwa dahil pumayag ang mayordoma. "Sigurado ba talaga kayo? Nakakahiya kasi. Ang bago-bago ko pa lang dito tapos inuman agad gagawin ko," nag-aalangan na sabi niya noong gabing nagsisimula nang maglabas ng mga alak ang mga kasama niya. "Ayos lang 'yan!" Nagsimula na silang mag-inuman habang kumakain at nagkukwentuhan. Hindi naman bago sa alak si Hanaya kaya agad din siyang nakarami ng baso. Umiikot na ang paningin niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dahil sa ingay ng mga kasama niya ay agad siyang lumabas ng kwarto nila para sagutin iyon. "Hi, babe.." nakangising usal niya habang naglalakad palayo doon sa kwarto nila. "Naya, lasing ka ba? Akala ko ba nasa trabaho ka ngayon?" "Huh? Oo nga. Nasa trabaho ako. Pero birthday kasi ng isa kong kasama dito kaya inaya nila akong uminom.." inaatok siyang ngumiti at patuloy siya sa paglalakad sa pasilyo. Hindi na niya namalayan na umaakyat na siya ngayon sa hagdan. "Alam mo, babe.. ang ganda ng bahay ng pinasukan ko. Ang laki parang palasyo--" "Naya, umayos ka nga. Nagmumukha kang ignorante diyan." Nakaramdam ng inis si Hanaya sa narinig. "Bakit ka ba napatawag?" "Itatanong ko lang sana kung may extra kang pera diyan.." Kumunot ang noo ni Hanaya sa narinig. "'Julius, kasisimula ko pa lang magtrabaho dito.." Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa napahinto siya sa tapat ng malaking picture frame na nakita niya kanina. Ang picture ni Sylus. "'Di ba nakuha mo na rin naman yung sweldo mo doon sa nakaraan mong part time job? Baka naman may tira ka pa diyan.. sige na.. nagkasakit kasi aso ko.." Nilagpasan na ulit ni Hanaya ang picture frame habang nakikinig sa sinabi ng boyfriend niya. "Titignan ko kung meron pa, baka kasi kailanganin ko rin para sa mga gamot ni lola," "Babe, hindi naman malaki ang hinihingi ko. Tsaka ibabalik ko rin naman 'yun." "Oo na. Titignan ko.." "Pa-send na lang agad bukas, ha? Salamat, babe!" "I love y--" hindi na natuloy ni Hanaya ang sinasabi dahil agad nang naputol ang linya nila. Binabaan na siya. Napabuntonghininga na lang siya. Umiikot pa rin ang paningin niya sa halong antok at alak. Isama pa na medyo madilim na ang paligid. "Hindi ko na kaya. Dito na lang ako matutulog," Nawalan na siya ng pakielam sa mga mangyayari hanggang sa pumasok na lang siya agad sa nahanap niyang kwarto malapit sa kanya. Basta't nahiga na lang siya doon sa kama na akala mo'y siya ang may-ari. Ilang minuto matapos niyang humiga doon ay nagbukas ang pintuan. Natigilan ang lalaking kakapasok lang doon. "What the hell?"Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na
Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?""Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapi
Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to?"Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya?"Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin."Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boyfriend ako at wala akong ba
"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara.Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino itong babaeng nat
Pagkabukas pa lang ng mata ni Hanaya ay agad na niyang naramadaman ang kirot ng ulo niya dahil sa dami ng ininom niyang alak kagabi. Hanggang sa natigilan siya nang mapansin na may kakaiba: Una, nakahiga siya sa isang malaking kama na tiyak niyang hindi sa kanya. Black sheets. King size bed.Pangalawa, naamoy niya na parang may iba pang tao bukod sa kanya doon sa kwarto dahil sa pangmayaman na amoy ng paligid. At pangatlo.."Bakit wala akong damit?!" Bulalas niya habang tinitingnan sa ilalim ng kumot ang katawan niya. Tanging underwear na lang ang suot niya at nakakalat pa ang damit niya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa kamang iyon."Bayad po," Natatandaan niyang inabot niya ang pamasahe sa taxi driver nang makarating na siya sa tapat ng isang mansyon na may malawak na hardin sa harapan. Mataas at malaki din ang gate nito na sumisigaw ng yaman ng may-ari. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong ng isang guard nang lu







