Share

CHAPTER 5

Author: Mizzy Kim
last update publish date: 2026-10-22 01:52:56

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara.

Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya.

"What are you doing here?"

Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya.

"Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit.

"Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din.

Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan.

"I said what are you doing here in my house?"

"Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo."

"If you're not stupid, you will know the answer, Amara."

"Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na 'yon mauulit."

Malamig siyang tiningnan ni Sylus.

"Tapos ka na ba?"

"What?"

"If you're done with your shits, you can leave my house, Amara. I'm not done talking to my fiancée here. You are bothering us."

Nanlaki ang mga mata ni Amara at mabilis na nilingon ang kinatatayuan ni Naya sa gilid.

"What did you say? This girl? Your fiancée?"

"Hindi ka naman bingi, hindi ba?"

Bumalik ang tingin ni Amara sa lalaki. "But, Sylus I am your fiancée!--"

"Ex-fiancée to be exact."

"What? Are you punishing me for what I did? Ano 'to pinagseselos mo ako?"

Doon na ngumisi si Sylus sa kanya.

"Just accept it, Amara. Hanaya's my fiancée now. Malapit na kaming ikasal. Kaya malaya na kayong magsasama ni Tyler."

Mas nanlumo si Amara sa narinig. "Sylus, I told you, that's just one night! Walang namamagitan sa amin ni Tyler!"

"Well, I don't care now. You can fuck with that man every night, I will not give a damn."

Nagsimula nang mangilid ang mga luha sa mata ni Amara.

"Sylus, please don't do this to me... I love you so much--

"You love me so much yet you fuck my bestfriend. Is that love to you, huh?"

Doon na mas napaiyak si Amara. Hanggang ngayon ay nagsisisi siya sa ginawa niya noong gabing 'yon. Pero masakit pa rin pala na paulit-ulit niyang marinig iyon sa lalaking mahal niya.

"Leave now or I'll call the guards?"

Tumutulo ang mga luha sa mata ni Amara saka niya mariing sinulyapan si Naya na nasa tapat ng mesa ni Sylus.

Tiningnan niya ito nang masama bago siya tumalikod at lumabas na ng opisina.

Pagkalabas niya ay doon na nakahinga nang maluwag si Naya. "Grabe.." kumento niya.

Napaupo na lang ulit si Sylus sa swivel chair niya.

"Iyon ba ang gusto mo? Nasaktan mo na yung ex mo,"

"That's not enough." Seryosong usal naman ni Sylus.

Sa halip na pansinin iyon ay napatingin na lang si Naya sa wallclock. "Aalis na rin ako, baka kanina pa ako hinahanap ni Miss Isabel,"

"Naya, your my fiancée now. You don't need to work here."

"Pero hindi pa naman tayo kinakasal. Nakakahiya din na wala akong gawin habang nandito lang ako."

Napahinga nang malalim si Sylus dahil alam niyang walang balak sununod sa kanya ang babaeng ito.

"Fine. Kung ano ang gusto mo,"

Ngumiti na si Naya.

"But I will eventually announce them that you're gonna be my wife.. so baka maging awkward lang sa kanila na makitang kasama nilang naglilinis ang magiging amo nila."

Saglit na napaisip si Naya. "Pwedeng mauna na akong mag-announce sa kanila?"

"Okay,"

Kaya naman noong umagang 'yon ay bumalik siya sa paglilinis kasama ang mga kasama niya.

Sabay-sabay silang kumakain sa kusina noong tanghalian pero hindi nagawang masabi ni Naya ang gusto niyang sabihin sa mga kasama dahil mas mahirap pala ito sa inaakala niya.

Hanggang sa sumapit ang gabi at nasa kwarto na silang lahat.

Kanya-kanya silang nag-aayos ng mga higaan nila habang nagtatawanan, samantalang humahanap ng tyempo si Naya para magsalita.

"Uh, guys.." panimula niya.

Nagsilingunan ang mga babaeng kasama niya at nilingon na siya.

"May sasabihin ako,"

"Ano 'yon, Naya?" Kuryosong tanong na ni Joan.

Napalunok si Naya habang tinitingnan sila isa-isa.

"Imbitado kayo sa kasal ko, ha?"

Nalaglag ang panga ng mga kasama niya sa narinig.

"Oh my god, ikakasal ka na?"

"Uy, congrats!"

"Abay ba ako?"

Sunod-sunod ang naging reaksyon ng mga babae kaya mas lalo siyang kinabahan doon.

"Ah, kasi.. civil wedding lang ang gagawin namin."

"Sabagay, mahal na ang mga kasal ngayon. Kaya wala pa rin akong balak ikasal dahil ang mahal ikasal," usal ni Joan.

Hindi naman problema ang pera kaya kami nag-civil wedding. Kailangan lang talaga mabilisan kaya iyon ang gagawin namin. Iyon ang iniisip ni Naya nang marinig ang sinabi ni Joan.

"Teka, saan ba kami makikikain?" Natatawang tanong naman ni Ara.

"Dito," sagot ni Naya.

Natigilan ang mga kasama niya.

"Huh? Anong dito?"

Kinagat ni Naya ang pang-ibabang labi.

"Dito kayo makikikain."

Muli silang tumawa pero may nagdududa na. "Bakit dito?" Tanong ni Tessa.

"Kasi nandito yung pakakasalan ko?" Awkward na tumawa kunyari si Naya pero kunot na ang mga noo ng mga kasama niya.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, Naya? Nandito ba ang boyfriend mo? Yung laging mong katawagan sa cellphone tuwing gabi?"

Hindi nakapagsalita si Naya.

"Sino ba kasi? Si kuya Karding ba? O yung isa sa mga hardinero?"

Umiling ulit si Naya.

"Wait. Huwag mo sabihing yung driver?"

"Hindi rin."

"Eh, sino nga?"

Muling napalunok si Naya bago nagsalita.

"Si Sylus."

Parang may dumaang anghel sa loob ng kwarto nila dahil sa biglaang katahimikan ng lahat.

Nagtitinginan sila sa isa't isa pero walang nagsalita.

"Si Sylus De Santis yung tinutukoy ko."

Muling nagtinginan yung tatlong babae hanggang sa sumabog na ang tawanan nila.

"Anong si sir Sylus ka diyan?" Halakhak ni Ara.

Natahimik si Naya at napakamot na lang sa batok dahil mukhang walang maniniwala sa kanya ngayong gabi.

"Si Naya magjo-joke na nga lang, corny pa."

"Muntik na nga akong maniwala, eh!"

"Pagod lang 'yan, Naya. Matulog na tayo!"

Napahinga na lang nang malalim si Naya dahil nagkanya-kanyang higa na ang mga kasama niya. Kaya naman wala na rin siyang nagawa kundi humiga na rin at matulog.

Sa sumunod na umaga ay sabay-sabay silang naglinis ng mga matatas na bintana sa second floor ng mansyon.

Nakatapak sa hagdan si Naya para sa mas mataas na posisyon ng salamin na pinupunasan niya.

Nang matapos siya ay agad na siyang bumaba. Kaya lang ay biglang nadulas ang paa niya at akma na siyang mahuhulog sa sahig nang may maramdaman siyang mga braso na sumalo sa kanya.

Nagtama ang mga mata nila ni Sylus.

"Goodmorning, baby.."

Dalawang beses na napakurap si Naya dahil sa narinig pero nakangisi na si Sylus at saglit na sinenyas sa kanya na may nanonood sa kanila kaya kailangan nilang magpanggap.

"Goodmorning... l-love,"

Mas napangiti si Sylus sa narinig saka na niya inalalayang tumayo nang maayos si Naya.

Narinig nilang dalawa ang singhapan ng ibang kasambahay na nakakakita sa kanila ngayon. Gulat na gulat ang mga ito sa nasasaksihan.

"Ang mayamang panganay na anak ng mga De Santis ay ikakasal sa tulad naming maid?" Sabi ni Joan sa isipan niya. "Tangina ang galing naman ni Naya. Nakaahon na sa kahirapan."

Maski sina Ara ay hindi rin makapaniwalang ikakasal na agad ang amo nilang walang kasing lamig ng yelo lalo pa at kakatapos lang ng engagement nito kay Amara noong nakaraag buwan.

Ni hindi nga sila tinitingnan noon ni Sylus. Ang mayordomang si Isabel lang ang madalas nitong nakakausap, pero sila? Imposible. Parang hangin lang ang turing ni Sylus sa mga kasambahay dati, pero ngayon ay magpapakasal na siya sa isa sa mga ito

"Sabi ko naman sa'yo, huwag ka nang maglinis 'di ba? Gusto mo bang pipilay pilay ka habang kinakasal tayo?"

Mas nanlaki ang mga mata nina Ara, Tessa, at Joan nang marinig ang salitang kasal. Doon nila napagtantong mali silang tinawanan nila ang sinabi ni Naya kagabi.

"Ayos lang ako.."

"Paano kung hindi kita nasalo kanina?"

"Ayos na nga ako,"

Nagpatuloy sa pagpapanggap ang dalawa dahil alam nilang maraming nanonood.

Huminga nang malalim si Sylus.

"Okay, fine."

Saglit na namula ang pisngi ni Naya dahil hindi pa siya sanay na pinagtitingan siya ng mga mata sa paligid niya.

Pero mas lalo lang namula ang mga pisngi niya nang dahan-dahang humalik si Sylus sa noo niya.

Marahan iyon at pakiramdam niya nawala lahat ng takot niya.

Isang dangkal na lang ang lapit ng mga mukha nila at ngayo'y nakatitig na sila sa mata ng isa't isa.

"Sa susunod mag-iingat ka, naiintindihan mo?"

Hindi nakasagot si Naya at napaisip siya:

Parte pa ba 'to ng pagpapanggap namin?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contractually Yours, Mr. De Santis   CHAPTER 5

    Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na

  • Contractually Yours, Mr. De Santis   CHAPTER 4

    Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?""Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapi

  • Contractually Yours, Mr. De Santis   CHAPTER 3

    Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to?"Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya?"Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin."Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boyfriend ako at wala akong ba

  • Contractually Yours, Mr. De Santis   CHAPTER 2

    "Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara.Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino itong babaeng nat

  • Contractually Yours, Mr. De Santis   CHAPTER 1

    Pagkabukas pa lang ng mata ni Hanaya ay agad na niyang naramadaman ang kirot ng ulo niya dahil sa dami ng ininom niyang alak kagabi. Hanggang sa natigilan siya nang mapansin na may kakaiba: Una, nakahiga siya sa isang malaking kama na tiyak niyang hindi sa kanya. Black sheets. King size bed.Pangalawa, naamoy niya na parang may iba pang tao bukod sa kanya doon sa kwarto dahil sa pangmayaman na amoy ng paligid. At pangatlo.."Bakit wala akong damit?!" Bulalas niya habang tinitingnan sa ilalim ng kumot ang katawan niya. Tanging underwear na lang ang suot niya at nakakalat pa ang damit niya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa kamang iyon."Bayad po," Natatandaan niyang inabot niya ang pamasahe sa taxi driver nang makarating na siya sa tapat ng isang mansyon na may malawak na hardin sa harapan. Mataas at malaki din ang gate nito na sumisigaw ng yaman ng may-ari. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong ng isang guard nang lu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status