FAZER LOGINNang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya.
At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?" "Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapin?" "That's not what I meant." "Kung tinutukoy mo yung boyfriend ko ay wala na kami. Pwede na akong pumayag sa gusto mong pagpapanggap na maging asawa mo dahil single na ako." "I thought you said you won't break up with him?" "Ang sabi ko, hindi ako makikipaghiwalay sa kanya para sa'yo. Pero hindi ko sinabing hindi ako makikipaghiwalay sa kanya kapag nagloko siya." Napataas ng kilay si Sylus. "So that thing cheated, huh?" Napabuntonghininga na lang si Naya. "Huwag na natin siyang pag-usapan. Yung offer mo ang gusto kong pag-usapan natin ngayon," Hinilig ni Sylus ang katawan sa mesa para mas mapakinggan si Naya. "May mga kondisyon ako," ani Naya. "Makikinig ako." "Pumapayag ako na maging asawa mo ng anim na buwan, makukuha ko ang sinasabi mong perang ibibigay mo at pagkatapos no'n hindi mo na ako makikita." "Okay," "Una, kapag mag-asawa na tayo, titira na rin si Lola Lucia sa mansyon para mabantayan ko siya." "Sure. I'll get a doctor to check her regularly, too.." Tipid na napangiti si Naya dahil sa narinig tungkol sa gagawin ni Sylus para sa lola niya. Ito na lang ang nag-iisang pamilya niya ngayon kaya gagawin niya ang lahat matulungan lang ang lola niya. "Pangalawa, hindi mo kokontrolin ang buhay ko," Napakunot ang noo ni Sylus. "Paanong kontrol?" "Hindi mo ididikta kung ano isusuot ko, kung anong gagawin ko, kung sino kakausapin ko, kung anong kakainin ko, o kung saan ako pupunta." "Okay." "Pangatlo, hindi mo ako hahawakan hangga't wala akong permiso." "Of course. That's basic human decency," "At hindi mo ako hahalikan.. unless kailangan sa mga public appearance." "Fine to me." "At panghuli, yung pera..." "What about it?" "Gusto kong ilagay mo lahat ng detalye sa kontrata. Yung compensation ko, kung kelan ako mababayaran, at yung annulment terms natin after six months." "You're more practical than I expected." "Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman ganoon kakilala nang hindi ko pinoprotektahan ang sarili ko." Tumango tango siya. "That's...good." sabi niya saka siya naglabas ng isang dokumento at inabot kay Naya. "Review it if you want. It's still up to you if you'll sign it or not." Bumaba ang tingin ni Naya sa inabot sa kanyang dokumento. Habang tinitingnan iyon ay may sumagi sa isip niya. "May tanong pala ako.." "What is it?" Saglit siyang huminto bago ipagpatuloy ang tanong. "Paano kung mahulog ako sa'yo?" Natigilan si Sylus sa tanong na 'yon. Seryoso siyang napatitig kay Naya. "That would be a serious breach of contract." Aniya. Tumikhim si Naya dahil nakita niyang may gumuhit na pagdududa sa mukha ni Sylus ngayon. "Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari 'yon." Tumayo na si Sylus mula sa kinauupuan. "Mabuti naman, dahil wala rin akong balak na mahulog sa'yo, Miss Madrigal." Inalok niya ang kamay niya kay Naya. Tiningnan naman ni Naya ang kamay niya bago niya ito kinuha. Saglit silang natigilang dalawa nang magtama ang mga balat nila. Nakipagkamay sila sa isa't isa na akala mo'y may naisarang deal sa isang negosyo. "I'll wait for you at the mansion," Tumango si Naya saka na umalis si Sylus. Buong gabing binasa ni Naya ang lahat ng nasa dokumentong binigay ni Sylus sa kanya. Habang nagbabasa ay binabantayan niya ang lola niya doon sa ospital. Kinaumagahan ay mayroon na siyang desisyon. Bago niya iuwi ang lola niya ay napag-alaman niyang bayad na lahat ng bill nila sa ospital at mayroon na ring gamot ang lola niya na naipadala sa kanila. Mayroon pang mga kasamang prutas at iba pang pagkain. Tinitigan ni Naya ang lahat ng iyon at napagtano kung sinong may gawa no'n. Kaya naman nang maiuwi na niya ang lola niya ay agad na siyang bumalik sa mansyon ng mga De Santis. Pero sa halip na magpahinga muna sa kwarto niya ay dumiretso na siya sa opisina ni Sylus. Nilapag niya sa mesa nito ang dokumento na may pirma na niya. Umangat ang gilid ng labi ni Sylus saka na rin siya pumirma doon. "Welcome to the family, my soon to be wife," Saglit na hindi nakasagot si Naya dahil sa tinawag sa kanya ni Sylus. Hindi niya aakalain na ikakasal na siya. At sa ganitong paraan pa. "Kailan ang kasal?" Nakangiting tanong ni Naya sa kanya. "Depende sa'yo. Kailan ba gusto mo?" "Mas magandang maaga. Para matapos na agad ang six months na kontrata natin." "Next week, then?" Sobrang bilis ng pangyayari. Pero para lang 'to sa pera. Trabaho lang 'to. Iyon ang nasa isip ni Naya habang iniisip ang magiging buhay niya sa bagong pamilyang ito. "Sige next week. Sabado. Kailangan ko pa rin i-explain kay lola." Tumango si Sylus. "Eh, ikaw? Yung pamilya mo? Hindi mo ba sasabihin sa kanila yung tungkol sa biglaang kasal mo?" "Kahit hindi ko naman sabihin sa kanila ay malalaman at malalaman pa rin nila. Pero hindi sila pupunta. They are all busy with their work and their lives." Tumango si Naya at hinayaan na iyon. Tutal naman magpapanggap lang sila kaya hindi na mahalaga kung pupunta pa ba ang mga pamilya nila o hindi. "Ano nga palang sasabihin ko sa mga kasama kong kasambahay dito? Kailan lang ako namasukan bilang maid tapos biglang malalaman nila na ikakasal na ako agad sa amo nila." "Sabihin mo na lang sa kanila na may relasyon na tayo bago ka pumasok dito. O kaya sabihin mo nainlove tayo sa isa't isa agad." Napailing si Naya dahil walang kwenta lahat ng naiisip niyang dahilan. "Bahala na," "Yeah. Hayaan mo na silang mag-isip. After all, magiging amo ka na rin nila." Nakangising sabi ni Sylus. Tumalim naman ang tingin sa kanya ni Naya. "What? Why are you glaring at me? Wala na silang magagawa, Hanaya. Hindi ka naman nila aawayin kapag nalaman na nilang ang dati nilang kasamang maglinis noong nakaraan ay amo na nila ngayon." "Pwede ba, Mr. De Santis--" "At huwag mo na rin akong tatawaging ganyan dahil magiging asawa na kita. Just call me Sylus.. or just.. love..." "Love mo mukha mo," Doon na natawa si Sylus. Napatitig si Naya sa kanya. Sa paningin niya ay nagmumukhang maamo si Sylus kapag tumatawa. "Para mas kapani-paniwala. Dapat may sweet terms ka rin sa akin," "Alam mo, hindi ko alam na baduy ka rin pala." "Baduy, huh? Yet you call your ex-boyriend babe?" Umirap si Naya dahil pinaalala na naman ni Sylus ang lalaking iyon. "Huwag mo na nga siyang banggitin pa." "Noted, baby.." Kumunot ang noo ni Naya sa narinig. "Anong baby?" "That is what I will call you for our plan. Nagpa-practice lang ako." Nakangiting paliwanag ni Sylus. Sinamaan ulit ng tingin ni Naya ang lalaki pero muli lang itong tumawa sa reaksyon niya. Pero habang nagkakasundo sila sa loob ay siya namang dumating si Amara sa mansyon. "Is Sylus here?" Tanong ni Amara sa mayordomang si Isabel. "Nasa opisina po si sir Sylus, ma'am Amara." Pagkarinig no'n ay agad na niyang nilagpasan si Isabel at nagmadali na siyang magtungo sa opisina. Ilang beses na niyang tinatawagan sa cellphone si Sylus pero hindi ito sumasagot. Sinubukan niya na ring puntahan sa penthouse ito pero palagi niyang hindi naaabutan. At mabuti na lang dahil natyempuhan niya ito ngayon sa mansyon nila. Alam niyang galit pa si Sylus sa kanya, pero naniniwala din siyang patatawarin din siya nito sa nagawa niya. Limang taon silang naging magkarelasyon. Hindi naman siguro itatapon lahat ni Sylus ang limang taong pinagsamahan nilang iyon dahil lang sa isang pagkakamali niya. Nagpapalamig lang siya ngayon. Pero papatawarin pa rin siya dahil mahal na mahal siya ni Sylus. Iyon ang iniisip niya habang humahakbang papunta sa opisina nito. Hindi na kumatok pa si Amara sa opisina ni Sylus. Agad na siyang pumasok, pero natigilan lang siya nang makitang tumatawa si Sylus habang nakatingin kay Naya. Nakangiti siya. Tumatawa siya na parang walang nangyari. Na parang ang saya-saya na niya. Doon na siya nakaramdam ng takot. "S-Sylus.."Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na
Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?""Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapi
Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to?"Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya?"Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin."Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boyfriend ako at wala akong ba
"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara.Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino itong babaeng nat
Pagkabukas pa lang ng mata ni Hanaya ay agad na niyang naramadaman ang kirot ng ulo niya dahil sa dami ng ininom niyang alak kagabi. Hanggang sa natigilan siya nang mapansin na may kakaiba: Una, nakahiga siya sa isang malaking kama na tiyak niyang hindi sa kanya. Black sheets. King size bed.Pangalawa, naamoy niya na parang may iba pang tao bukod sa kanya doon sa kwarto dahil sa pangmayaman na amoy ng paligid. At pangatlo.."Bakit wala akong damit?!" Bulalas niya habang tinitingnan sa ilalim ng kumot ang katawan niya. Tanging underwear na lang ang suot niya at nakakalat pa ang damit niya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa kamang iyon."Bayad po," Natatandaan niyang inabot niya ang pamasahe sa taxi driver nang makarating na siya sa tapat ng isang mansyon na may malawak na hardin sa harapan. Mataas at malaki din ang gate nito na sumisigaw ng yaman ng may-ari. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong ng isang guard nang lu







