LOGINNapaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to?
"Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya? "Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin. "Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boyfriend ako at wala akong balak makipaghiwalay sa kanya para lang sa inyo.. lalo na sa binabalak niyong paghihiganti ngayon." "I'll make a contract and I'll triple the pay and the benefits," Natapos na siyang magbihis kaya agad na siyang dumiretso kay Hanaya na kunot na ang noo ngayon. "Break up with your boyfriend..and be my wife." "Mr. De Santis, wala po akong pakielam sa nangyari sa lovelife mo o sa gusto mong paghihiganti sa ex-fiancée mo. Kung gusto mo, maghanap ka na lang ng ibang babaeng babayaran na walang boyfriend para magpanggap na maging asawa mo." Sabi niya sabay labas ng pintuan. Humalukipkip si Sylus habang pinapanood ang pag-alis ni Hanaya. "She's really... Interesting," Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng nangyaring iyon. Patuloy sa pagtatrabaho si Hanaya at pilit niyang iniiwasan si Sylus na palagi ng nasa mansyon. Maging ang mayordomang si Isabel ay nagulat dahil ngayon lang tumagal sa mansyon ang panganay na anak ng mga De Santis. Tuwang tuwa din ang mga babaeng kasambahay dahil doon pero si Hanaya ay pilit kinakalimutan ang presensya ni Sylus. "Hello, babe. Happy anniversary," bati ni Hanaya nang tumawag ang boyfriend niyang si Julius. "Happy anniversary," tunog kakagising lang nito. "Kita tayo mamaya? Magpapaalam ako kay Miss Isabel. Kain tayo sa labas tsaka bibisitahin ko na rin si lola sa bahay." "Sige, doon na lang sa dating fast food tayo kumain mamayang alas singko." Saglit na nawala ang ngiti ni Naya nang marinig na doon ulit siya dadalhin ni Julius. Ayaw niya bang magcelebrate sa ibang lugar? Anniversary namin ngayon pero parang wala lang ang araw na ito sa kanya. "Uh, babe? Ayaw mo ba sa ibang lugar? Magpapaalam naman ako--" "Naya, kakain lang naman tayo. Pareho lang kahit sa ibang lugar. Tsaka ayoko sa mga lugar na gusto mo." Hindi mapigilang malungkot ni Hanaya nang sabibin niya iyon. Sa loob ng dalawang taong relasyon nila ay ni hindi man lang siya dinala ni Julius sa espesyal na lugar. Ni hindi siya nito binibigyan ng bulaklak kapag monthsary, anniverary, o kahit kapag valentines. Ayos lang naman dahil alam niyang hindi mayaman si Julius para bigyan siya ng mga regalo o kahit bulaklak. Pero minsan napapaisip siya kung bakit. Hindi ba ako yung babaeng kabigay-bigay ng bulaklak? Hindi naman magarbo ang kailangan niya. Kahit simpleng bulaklak lang, ayos na sa kanya. Nakukulangan siya sa effort ni Julius pero tinatanggap niya na lang dahil ayaw naman niyang pag-awayan pa nila ang ganoong kasimpleng bagay. Pinayagan siya ni Isabel para mag-off muna. Alas dose na ng tanghali siya nakapunta sa bahay ng lola niya at kinamusta ito. "Anong oras ka ba susunduin ni Julius dito, apo?" Tanong ng lola niya habang sabay silang kumakain ng tanghalin. "Mga alas singko pa po, lola. Dito na muna po ako sa inyo ngayon.." Natapos na silang kumain at naghuhugas na ng mga pinggan si Naya nang biglang tumunog ang cellphone niya. May text message galing kay Julius. Julius: Hi, sweetheart. I miss you. Tara dito sa bahay. Ako lang mag-isa. Dalian mo, para makarami tayo. Aalis kasi ako mamayang 5pm. I love you. Natigilan si Naya at parang nanlamig sa nabasa. Sweetheart? Babe ang tawagan namin. At bakit niya ako papapuntahin ngayon kung mamayang 5pm pa kami magkikita. Binaba niya ang cellphone at binulsa iyon. Hindi naman siguro ako niloloko ni Julius, 'di ba? Pinilit niyang kumalma. Pero hindi na niya maitatago 'yon. Sabay-sabay na dumagsa ang mga alaala sa utak niya. Nanlamig na sa kanya si Julius nitong mga nakaraang araw. Walang effort. Walang I miss you. Walang I love you. Tatawagan lang siya kapag may kailangan o manghihiram ng pera. "Lola, alis lang po muna ako.." paalam niya sa nakahigang Lola niya. "Akala ko ba mamayang alas singko ka pa aalis?" Umuubong tanong ng lola niya. "Ah, ngayon na daw po pala, lola. Sige po, alis na po muna ako." Nagmamadaling sabi niya saka siya lumabas ng bahay at agad pumara ng sasakyan papunta sa bahay ni Julius. Habang nasa byahe ay kumakabog ng malakas ang dibdib ni Naya. Magkahalong takot, kaba, at galit ang nararamdaman niya dahil sa lakas ng kutob niya. Agad siyang nagbayad at bumaba ng sasakyan nang makarating sa bahay nina Julius. Hindi naka-lock ang gate kaya mas madali siyang nakapasok. Dahan-dahan nang nangingilid ang mga luha sa mata niya kahit na wala pa naman siyang nakikita. Tuluyan lang tumulo iyon nang makalapit siya sa kwarto ni Julius. "Ahh..." Mga ungol ng babae ang narinig niya. Napatakip si Naya sa bibig niya habang sunod sunod niyang narinig ang kalampag ng kama sa loob at ang malalakas na ungol ng babae. Tahimik siyang humagulhol habang nadudurog ang puso niya sa lugar na iyon. Gusto niyang manakit. Gusto niyang sampalin si Julius. Gusto niyang sumugod, magalit, at sigawan si Julius. Pero nadoble ang panghihina niya dahil anniversary nila ngayon. Dapat nagcecelebrate sila. Dapat masaya sila. Pero hindi. Tumalikod na siya at tahimik na umalis sa lugar na iyon. Hindi niya kayang makipaglaban kung yung taong pinaglalaban niya ay matagal na palang bumitaw. Napaupo siya sa gilid ng kalsada nang biglang may tumatawag sa cellphone niya. Number iyon ng kapitbahay nila na siyang tumutulong sa pagbabantay sa lola niya, kaya agad niyang sinagot iyon. "Hello po.." "Naya! Nahirapan makahinga ang lola Lucia mo! Sinakay na namin siya sa ambulansya! Papunta na kami sa ospital!" Agad siyang napatayo at mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa mukha niya. "Sige po, papunta na po ako." Nagpara siya ng sasakyan at mabilis siyang nakarating sa ospital. Nang makapasok doon ay nakita niyang may tumitingin na na nurse sa lola niya. Sa gilid ng kama ni Lucia ay yung babaeng kapitbahay nila. "Lola.." nanginginig na sambit ni Naya. "Sorry po, umalis po ako agad kanina.." "Ayos lang.. ayos na ako, Naya.." ngumiti ang matanda sa kanya kaya muling nag-init ang mga sulok ng mata niya. Kinausap siya ng nurse tungkol sa pagpapahinga ni Lucia pati na rin sa mga gamot na kakailanganin. "Pasensya ka na, Naya.. hindi kita mapapahiraman ngayon. Kapos din kasi ako," sabi ni Lydia, yung kapitbahay nila. "Ayos lang po, Aling Lydia. Ako na po bahala.." Nilingon ni Naya ang natutulog na niyang lola sa kama. Nilipat na muna nila ito sa kwarto kasama ang iba pang matatanda. Bukas pa pwede umuwi ang lola niya at magpapaalam na lang ulit siya sa Mayordoma nila para mabantayan niya ito. Umalis na rin si Lydia para umuwi kaya naiwan na lang mag-isang nagbabantay si Naya. Tahimik niyang inaayos ang kumot ng lola niya nang makitang tumatawag na si Julius. Mariin siyang pumikit nang maalala na naman ang mga narinig niya sa kwarto ni Julius kanina. Kinuha na niya ang tawag at sinagot iyon sa labas ng kwarto ng lola niya. "Hello," "B-Babe... may nabasa ka ba kanina sa text message ko?" Mukhang ngayon niya pa lang nalaman na namali siya ng send may Naya. "Oo." "Ah, babe magpapaliwanag ako--" "Julius," putol niya. "Minahal mo ba talaga ako?" "Huh? O-Oo naman.. hindi naman tayo tatagal ng dalawang taon kung hindi—" "Kung ganoon bakit mo ako niloko?" "Anong niloko--?" "Hanggang ngayon niloloko mo pa rin ako." "Babe.." "Huwag mo akong tawaging babe. Sinungaling ka. Narinig ko kayo. Pumunta ako sa bahay mo kanina." Muli siyang napaiyak habang sinasabi ang mga iyon. "A-Anong.." Pinunasan na ni Naya ang luha at pinilit niyang tinatagan ang loob niya. Para sa sarili niya at para sa lola niya. Wala na siyang oras para sa pangloloko ng lalaking ito. "Sa loob ng dalawang taon tiniis ko ang mga malalamig mong trato sa akin." "Naya.. huwag naman ganito. Mahal kita--" "Tama na, Julius. Tapusin na natin 'to. Ipagpatuloy mo na ang ginagawa niyo ng babae mo at huwag mo na akong tatawagan. Huwag mo na ring bayaran lahat ng utang mo sa akin dahil alam kong hindi mo rin naman kayang bayaran." Pagkababa niya ng tawag ay agad niyang nabasa ang bagong text message. Pero hindi na galing kay Julius. Unknown number: My offer still stands. Alam niya na agad kung sino ito. Kaya naman agad niyang tinawagan ang number na 'yon at nakumpirma nga ang hinala. "Interested now?" Tanong ni Sylus sa kabilang linya. "Payag na akong maging asawa mo, Mr. De Santis."Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na
Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?""Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapi
Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to?"Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya?"Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin."Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boyfriend ako at wala akong ba
"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara.Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino itong babaeng nat
Pagkabukas pa lang ng mata ni Hanaya ay agad na niyang naramadaman ang kirot ng ulo niya dahil sa dami ng ininom niyang alak kagabi. Hanggang sa natigilan siya nang mapansin na may kakaiba: Una, nakahiga siya sa isang malaking kama na tiyak niyang hindi sa kanya. Black sheets. King size bed.Pangalawa, naamoy niya na parang may iba pang tao bukod sa kanya doon sa kwarto dahil sa pangmayaman na amoy ng paligid. At pangatlo.."Bakit wala akong damit?!" Bulalas niya habang tinitingnan sa ilalim ng kumot ang katawan niya. Tanging underwear na lang ang suot niya at nakakalat pa ang damit niya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa kamang iyon."Bayad po," Natatandaan niyang inabot niya ang pamasahe sa taxi driver nang makarating na siya sa tapat ng isang mansyon na may malawak na hardin sa harapan. Mataas at malaki din ang gate nito na sumisigaw ng yaman ng may-ari. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong ng isang guard nang lu







