Dahlia's POVPagpasok ko sa restaurant, agad kong napansin ang pamilyar na pigura na nakaupo sa isa sa mga mesa malapit sa bintana.“Good evening, sir,” magalang kong bati sa boss kong si Sir Hunter laurente.Si Sir Hunter laurente ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.Pero napansin ko nitong mga nakaraang linggo, halos gabi-gabi na siyang nandito—na para bang may hinihintay… o may binabantayan.Tumango lang siya—katulad ng dati. Tahimik, seryoso, at halos walang emosyon sa mukha.Lumapit ang supervisor sakin..“O, Dalhia! Buti dumating ka na. Nag-text ako sa’yo ah. Sabi ko pumasok ka ng 8 dahil wala na naman si Cathy,” bungad sa akin ng supervisor ko.Agad kong dinukot ang cellphone ko at tiningnan iyon. At tama nga—may message siya.“Sorry po, Ma’am. Hawak po ng anak kong si Dustin ang cellphone ko kanina.”Napailing siya nang bahagya.“Sige na, mag-start ka na.”“Okay po.”Mabilis akong nagtungo sa locker area para isuot ang apron ko. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok
Last Updated : 2026-10-22 Read more