Mag-log inFLASHBACK 2
“Class, good morning,” sabi ng guro pagkapasok niya sa silid. “We have a new transfer student today. Siya lang naman ang nag-iisang nakapasa sa scholarship program ng school.” Bahagya akong napayuko habang nararamdaman ang mga titig ng buong klase. “Miss Revano… introduce yourself.” Marahan akong tumayo mula sa upuan ko. Dahan-dahan akong tumingin sa guro… pagkatapos ay sa mga kaklase ko. Kabilang na roon ang kambal sa bandang likuran. Nakataas pa ang dalawang paa nila at nakapatong sa sandalan ng upuan ng kaklase nilang nasa harap. Ang mas nakakagulat… wala man lang reaksyon ang kaklase naming iyon. Para bang sanay na sila sa ganitong asal ng dalawa—parang hinahayaan na lang nila ang pambubully ng mga ito. Napasinghap ako nang mahina bago nagsalita. “H-hello, classmates…” mahina kong bati. “Hi!!!” sabay-sabay nilang sigaw, halos ikinagulat ko. Kasunod noon ang mahihinang bulungan at ilang tawang pilit nilang tinatago. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. “I’m Dalhia Revano, 17 years old… nice to meet you all.” Tahimik akong tumingin sa kanila… ngunit sa gilid ng mga mata ko, napansin kong nakatitig pa rin sa akin ang kambal sa likuran—nakangisi, para bang may balak na hindi ko pa alam. Matapos akong magpakilala, marahan akong bumalik sa pwesto ko. Tahimik akong umupo, pilit inaayos ang kaba sa dibdib ko. Pero ilang segundo pa lang ang lumilipas nang biglang tumayo ang isa sa kambal sa bandang likuran. Wala man lang siyang sinabi. Diretso lang siyang naglakad palabas ng classroom, nilagpasan pa ang guro naming magsisimula na sanang magturo—parang wala siyang pakialam sa kahit kanino. Ni hindi man lang siya pinigilan ng teacher. Parang… normal lang sa kanila ang ganoong asal. Maya-maya, may tumama sa braso ko. Isang maliit na papel. Napalingon ako sa pinanggalingan nito. Nandoon ang isa pang kambal, nakasandal sa upuan habang nakangisi sa akin. Itinaas pa niya ang kamay niya at gumawa ng galaw—parang inutusan akong buksan ang papel na Ibinato niya. At basahin ko raw iyon. Nag-aalangan man, dahan-dahan kong dinampot at binuksan ang papel. May nakasulat. “Umakyat ka sa rooftop. Tawag ka ni Damon.” Sandali akong napatigil. Muli akong tumingin sa kanya. Nakangisi pa rin siya, tila naghihintay ng reaksyon ko. Pero imbes na sumunod… marahan kong tinupi ang papel at inilagay sa loob ng bag ko. Pagkatapos ay bumaling ako sa harapan at nagsimulang makinig sa lecture ng teacher. Hindi ko pinansin ang utos na iyon. Pero kahit pilit kong iniwasan… paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko ang nakasulat sa papel. “Umakyat ka sa rooftop.” Hindi ko iyon pinansin hanggang sa matapos ang klase. Akala ko tapos na ang lahat. Pero saktong pagtayo ko para lumabas ng classroom, may lumapit sa akin na ilang lalaking kaklase ko. “A-ano ’yon?” nagtataka kong tanong. Pero hindi nila ako sinagot. Sa halip, mabilis nilang hinawakan ang mga braso ko at kinaladkad ako palabas ng classroom. “Sandali—! Ano ba—!” Walang pumansin sa sigaw ko. Lahat ng kaklase namin ay nakatingin lang. May ilan pang nakangiti… at ang iba ay tila nag-eenjoy sa nangyayari. Parang isa lang itong palabas para sa kanila. Hindi nagtagal, kinaladkad nila ako pataas ng hagdan. Hanggang sa makarating kami sa isang mabigat na pintuan. Malakas nila itong binuksan. Tumambad sa akin ang malawak na rooftop. Malakas ang hangin sa taas, at sa gitna nito… may isang upuan. At doon nakaupo si Damon. Nakasandal siya nang bahagya, seryoso ang mukha habang diretso akong tinitingnan. “Boss Damon… andito na po si Miss Scholar,” sabi ng isa sa mga lalaki. Pagkatapos ay binitawan nila ako at itinulak papalapit sa kanya. Halos matisod pa ako bago tuluyang makatayo nang maayos sa harapan niya. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “B-bakit…?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko. “Ano bang kailangan mo?” Pero mukhang… hindi niya nagustuhan ang tono ng tanong ko. Tumayo si Damon mula sa upuan. Itinuro niya ang isa sa mga estudyanteng nagdala sa akin. “Akina ang bag niya.” Walang pag-aalinlangan, mabilis na sinunod ng lalaki sa likod ko ang utos. Sapilitan niyang kinuha ang bag ko mula sa balikat ko. “T-teka—! Anong gagawin mo?!” Mabilis akong lumapit para kunin iyon, pero agad itong itinaas ni Damon sa ere. “Akina sabi ’yan!” inis kong sigaw habang pilit inaabot ang bag ko. Pero wala akong magawa. Matangkad siya—hanggang balikat niya lang ako. Kahit anong abot ko, hindi ko pa rin maabot ang bag ko. Bigla na lang niya akong itinulak. Natumba ako sa matigas na sahig ng rooftop. Napangiwi ako sa sakit at kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Tahimik kong tiningnan siya habang binubuksan niya ang bag ko. Inilabas niya ang notebook ko. “Dalhia… Revano,” mabagal niyang binasa ang pangalan ko na nakasulat sa harap nito. Pagkatapos ay binuklat niya ang mga pahina. Isa-isa. Pero sa bawat pahina na binubuksan niya… Isa-isa rin niyang pinupunit ang mga iyon. Ikinakalat niya ang mga piraso ng papel sa paligid, hinahayaan na tangayin iyon ng hangin sa rooftop. Mabilis akong tumayo at nagsimulang pulutin ang mga iyon, isa isa.. naramdaman ang kamay niya sa buhok ko. Hinahaplos niya iyon… Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya. Habang ako naman ay patuloy na pinupulot ang mga pinunit niyang pahina, pilit inaayos ang mga iyon kahit alam kong hindi na maibabalik ang dati. Hindi lang iyon ang ginawa niyang pambubully sa akin. Marami pang sumunod na araw na halos ganoon din ang nangyayari. Parang ginagawa nila akong libangan. Minsan, kinuha niya ulit ang mga notebook ko at sinubukan pa niyang ihulog ang mga iyon mula sa rooftop. Kung hindi lang dumating si Sabrina at pinigilan siya… hindi pa siguro siya titigil. Tahimik lang akong nakatayo noon, hawak ang bag ko habang pinapanood kung paano niya inilalagay sa gilid ng rooftop ang mga notebook ko, parang balak lang niya itong itapon anumang oras. Pero nang dumating si Sabrina, saka lang siya tumigil. Akala ko… doon na matatapos ang lahat. Pero mali ako. Dahil may isang bagay na ginawa si Damon na hinding-hindi ko malilimutan. Isang bagay na hanggang ngayon… kapag naaalala ko, parang bumabalik ang bigat ng takot at kahihiyan na naramdaman ko noon. Pumasok ako sa comfort room matapos ang klase. Tahimik ang hallway, at ako na naman ang nakakuha ng pinakamataas na score sa exam namin—isang bagay na tanging maipagmamalaki ko.. Dahan-dahan akong pumasok sa isang cubicle at isinara ang p***o. Ilang minuto rin akong nanatili roon, umihi at nag ayos ng konti. Pero nang buksan ko ang p***o ng cubicle para lumabas… Bigla akong napaatras. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa lalaking nakatayo sa harap mismo ng cubicle ko. “B-bakit… a-anong ginagawa mo dito?” kabado kong tanong habang mabilis kong hinawakan ang p***o para isara ulit iyon. Pero mas mabilis siya. Naipasok na niya ang kamay niya at itinulak ang p***o bago ko pa ito maisara. “D-Damon!” takot kong sigaw. Lalo lang siyang napangisi. Isang hakbang lang ay nasa loob na siya ng cubicle. Pagkatapos ay marahan niyang isinara ang p***o sa likod niya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Napaatras ako hanggang sa sumandal ang likod ko sa dingding ng cubicle. “Shh…” mahina niyang sabi, habang nakatingin sa akin. “Relax. Wala naman akong gagawin.” Pero sa paraan ng pagtitig niya sa akin… Hindi ako sigurado kung paniniwalaan ko iyon. Bigla niyang hinablot ang ID ko na nakasabit sa uniform ko. “Hoy—!” “A-akina ’yan!” agad kong sabi habang pilit inaabot iyon. Pero mabilis niyang inilayo ang kamay niya. Pinaglaruan pa niya ang ID ko sa pagitan ng mga daliri niya habang nakangisi. “Gusto mong mabawi?” malamig niyang tanong. “ibalik mo sakin Yan, damon! Akina ’yan!” inis kong sagot. Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mata namin. “Then come and get it.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, “Puntahan mo ako mamayang 9 PM sa Grand Aurelia Hotel,” dagdag niya, parang nag-uutos lang ng simpleng bagay. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. “A-anong—?!” Pero bago pa ako makapagsalita ulit, inilagay niya sa bulsa ang ID ko. Pagkatapos ay binuksan niya ang p***o ng cubicle at lumabas na parang walang nangyari. Iniwan niya akong nakatayo roon… Nanlalaki ang mga mata habang paulit-ulit na tumatak sa isip ko ang sinabi niya. “9 PM… Grand Aurelia Hotel.”FLASHBACK 4 Sa unang tikim ko pa lang ng alak, napangiwi na agad ako sa lasa. Halos maduwal ako. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak. At higit sa lahat… natatakot akong maamoy iyon ni Mama kapag umuwi ako. Kaya agad kong inilapag ang bote sa mesa matapos ang isang maliit na lagok. “Damon… uminom na ako,” sabi ko habang pilit kinokontrol ang boses ko. “Akina na ang ID ko… uuwi na ako, please.” Ngumisi siya. Tumingin muna siya sa bote… pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin. “Ang sabi ko… ubusin mo.” Umiling ako agad. “Hindi puwede, Damon… baka maamoy ng Mama ko..” takot kong sagot. Bahagya siyang umusog palapit sa akin. At dahil doon, napaatras din ako sa kinauupuan ko—hanggang sa wala na akong mauusugan. “Please, Damon…” kabado kong sabi. May kung anong pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing may balak talaga siya. “E di…” mabagal niyang sabi. “Dito ka na lang muna matulog. Para hindi ka mahalata ng mama mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ak
Flashback 3Pumunta ako.Kailangan kong mabawi ang ID ko.Isa pa naman iyon sa mga requirement para makapasok sa school—hindi ako makakapasok kinabukasan kung wala iyon.Pero 9:30 PM na nang makarating ako.Late ako ng tatlumpung minuto.Nahirapan pa kasi akong magpaalam kay Mama. Kaya hinintay ko munang makatulog siya bago ako palihim na umalis ng bahay.Sandali lang naman, sabi ko sa sarili ko. Kukunin ko lang ang ID ko… tapos uuwi na agad ako.Pero pagdating ko pa lang sa baba ng hotel, may lumapit na agad sa akin na lalaki.Halatang nagmamadali.At kabado.“Bakit ngayon ka lang? Galit na galit na si Boss Damon!” sabi niya agad.Bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang braso ko at halos kaladkarin ako papunta sa elevator.“H-hoy—sandali!”Pero hindi siya nakinig.Habang hinihila niya ako, napansin ko ang mga guard at ilang staff ng hotel.Nakatayo lang sila.Nakatitig sa amin.Pero wala man lang kahit isa ang kumilos para tumulong.Parang… wala silang nakikitang mali.Siguro n
FLASHBACK 2“Class, good morning,” sabi ng guro pagkapasok niya sa silid. “We have a new transfer student today. Siya lang naman ang nag-iisang nakapasa sa scholarship program ng school.”Bahagya akong napayuko habang nararamdaman ang mga titig ng buong klase.“Miss Revano… introduce yourself.”Marahan akong tumayo mula sa upuan ko.Dahan-dahan akong tumingin sa guro… pagkatapos ay sa mga kaklase ko.Kabilang na roon ang kambal sa bandang likuran. Nakataas pa ang dalawang paa nila at nakapatong sa sandalan ng upuan ng kaklase nilang nasa harap.Ang mas nakakagulat… wala man lang reaksyon ang kaklase naming iyon. Para bang sanay na sila sa ganitong asal ng dalawa—parang hinahayaan na lang nila ang pambubully ng mga ito.Napasinghap ako nang mahina bago nagsalita.“H-hello, classmates…” mahina kong bati.“Hi!!!” sabay-sabay nilang sigaw, halos ikinagulat ko.Kasunod noon ang mahihinang bulungan at ilang tawang pilit nilang tinatago.Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.“I’m D
Dahlia's POVPagpasok ko sa restaurant, agad kong napansin ang pamilyar na pigura na nakaupo sa isa sa mga mesa malapit sa bintana.“Good evening, sir,” magalang kong bati sa boss kong si Sir Hunter laurente.Si Sir Hunter laurente ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.Pero napansin ko nitong mga nakaraang linggo, halos gabi-gabi na siyang nandito—na para bang may hinihintay… o may binabantayan.Tumango lang siya—katulad ng dati. Tahimik, seryoso, at halos walang emosyon sa mukha.Lumapit ang supervisor sakin..“O, Dalhia! Buti dumating ka na. Nag-text ako sa’yo ah. Sabi ko pumasok ka ng 8 dahil wala na naman si Cathy,” bungad sa akin ng supervisor ko.Agad kong dinukot ang cellphone ko at tiningnan iyon. At tama nga—may message siya.“Sorry po, Ma’am. Hawak po ng anak kong si Dustin ang cellphone ko kanina.”Napailing siya nang bahagya.“Sige na, mag-start ka na.”“Okay po.”Mabilis akong nagtungo sa locker area para isuot ang apron ko. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok
Dahlia's POV“Mama… diba lahat ng bata may papa?”Napahinto ako sa ginagawa ko. Dahan-dahan akong napalingon kay Dustin. Apat na taon pa lang siya, pero ang mga tanong niya parang kayang hiwain ang puso ko sa dalawa.“Oo naman, anak…” pilit akong ngumiti.Tumingin siya sa’kin, malalaki ang mata at inosente.“Eh… nasaan yung papa ko?”Para akong nabingi sa tanong niya. Ilang taon ko nang iniiwasan ang araw na ’to. Ilang taon ko nang tinatago ang katotohanan.Nilapitan ko siya at pinaupo sa kandungan ko.“Anak…” mahina kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. “May papa ka.”“Talaga?” biglang lumiwanag ang mukha niya. “Mayaman ba siya? Kagaya nung papa ni Ashley na may malaking kotse?”Napangiti ako nang mapait.Kung alam mo lang, anak…Mayaman?Hindi lang mayaman.Ang pamilya ng papa mo… isa sa mga mayayaman sa bansa at kayang bumili ng buong lungsod kung gugustuhin nila.Pero hindi ko ’yon sinabi.“Siguro…” sagot ko, umiwas ng tingin.“Mabait ba siya?” tanong ulit ni Dustin.Napapik







